"Mhina!" "Daemon, wait!" Mas lalo pa akong nataranta nang makita kong mabilis niyang pinatay ang gas stove at hinabol ako palabas ng kusina! "Daemon, sobra ka na! Ang aga-aga pa!" "Gotcha!" "Daemon!" bigla akong napatili nang tuluyan na niya akong mahuli at niyakap ng mahigpit! "You'll pay for annoying me and messing with me!" "A-Ano?!" Bigla na lamang dumilim ang buong paligid kasabay nang mahinang pa-click nang sa tingin ko ay switch ng ilaw. Siguradong naabot niya 'yon sa gilid ng pinto kahit yakap niya ako dahil malapit lang naman ang kinaroroonan namin doon. Hindi naman gano'n kadilim ang paligid. Sapat pa rin ang munting mga liwanag na nagmumula sa labas sa mga window glass namin dito sa dining room. Kinabig niya ang mukha ko paharap sa kanya bago niya siniil ng halik a