Mhina Tahimik kong pinagmasdan ang 'di mahintong paglalangoy ni Daemon sa gitna ng swimming pool sa likod ng bahay. Kasalukuyan ako ngayong naririto sa itaas, sa malawak na balcony. Kanina pa siya ganyan. Hindi na niya ako magawa pang harapin at hindi na rin magawang tumingin sa akin ng diretso matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon kani-kanina lang. Para bang hindi niya matanggap na nakapagbitaw siya ng ganoong mga salita sa akin kahit hindi naman ako sigurado kung totoo ba talaga ang mga sinabi niyang 'yon. Maaaring gawa-gawa niya lang din 'yon. Maraming dahilan kung bakit ayaw niya akong mawala sa kanya. Dahil may kailangan siya at hindi dahil may pagtingin na siya sa akin. Hindi ibig sabihin no'n ay may nararamdaman na siya para sa akin... na mahal na rin niya ako... dahil