Mhina "So, anong desisyon mo ngayon? Aalis ka pa ba? Itutuloy mo pa ba ang plano mo?" sunod-sunod na tanong ni ate matapos kong ikuwento sa kanya ang malaking pagbabagong nangyayari sa ngayon kay Daemon. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa isang coffee shop. Isinama ako ni ate Maurice na lumabas at walang nagawa doon si Daemon. Pero kanina habang nagmamaneho ako ng sasakyan ko ay napansin ko na ang pagsunod sa amin ng ilan sa mga tao niya at alam kong naririyan lang sila sa labas at nakabantay sa amin o sa akin. "Mukhang nasisiraan na ng ulo 'yang asawa mo. Isn't that good, Mhina? Ipa-consult mo na kaya siya sa isang psychiatrist. Hindi kaya may lahi silang baliw?" Hindi ko malaman kung matatawa ako o maiiling sa mga sinasabi niya. "Mukhang sa mga Delavega niya nakuha ang ganyang pa