Mhina "Hindi ka ba nagtataka, Mhina?" Muli akong napalingon kay Ana, siya naman ay lumingon sa buong paligid at tila sinisigurong walang makakarinig sa kung anumang sasabihin niya sa akin. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa likod-bahay, sa harap ng pool. Si Dandan ay mahimbing na natutulog sa wooden cradle na nasa tabi namin. "Ano naman 'yon?" Huminga siya ng malalim bago tumitig sa akin. "Ayoko sanang dagdagan pa ang mga isipin mo pero... tutulungan na lang kitang mag-isip. Hati tayo." Napailing naman ako sa sinabi niya. "Tsk. Ano nga?" "Yang asawa mo, hindi ka ba nagtataka kung bakit gano'n na lang niya katanggap kaagad si Dandan? Imagine, kararating pa lang niya dito pero kung paghandaan niya ng mga mamahaling gatas, vitamins, pagkain at mga kung ano-ano pa, parang wala lang