Mhina Niyaya akong lumabas ni Daemon. Kaming dalawa lang. Pinagbigyan ko ang date na alok niya. Kahit hindi ko alam kung totoo na ba ito, sige lang. Iti-treasure ko na lang siguro ang bawat sandali na kasama ko siya. Ang bawat matatamis niyang ngiti at pagtitig niya sa akin ngayon. Ang mga paglalambing niya at panunuyo niya. Nandito na kasi ako sa point na naniniwalang walang permanenteng bagay sa mundong ito. Darating ang bukas na gigising akong iba na naman siya, babalik ding muli ang tunay na Daemon Delavega. Ang lalaking pinakasalan ako hindi dahil mahal ako, kundi dahil lang sa bagay na importante sa kanya. Ang mana. Ang yaman nila. Pumasok ang aming sasakyan sa loob ng gate ng isang simbahan, na malapit sa subdivision ng mga Johnson. Nagtaka ako at napalingon sa kanya. "Dito?"
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books