Mhina "Maaga naman akong uuwi. Ayos na ba sa iyo, nandito na si Ana at ate Maurice mo?" ani Daemon habang nasa harapan ko siya at tahimik kong inaayos ang necktie niya sa leeg. Napakalambing niya at kung makatitig sa akin ay para na naman akong Diyosa sa paningin niya. Katulad din no'ng sinabi ko noong nakaraan lang, na para bang ako lang ang nag-iisang magandang babae sa mga mata niya. Nagpaalam siya kagabi na papasok na ulit siya sa trabaho dahil hinahanap na daw siya doon ng mga kapatid niya. 'Yon siguro 'yong tumawag sa kanya kahapon. May importante daw silang aasikasuhin ngayon sa negosyo. Hindi naman ako sumagot sa tanong niya. Hindi lang kasi ako hanggang ngayon makapaniwala o maka-cope up sa malaking pagbabagong ipinapakita at ipinararamdam niya sa aking ito hanggang ngayon.