Chapter 4

1542 Words
Naging mahimbing ang tulog namin ni Reece sa gabing iyon, paano at ngayon lang namin naranasan na matulog sa isang malambot na kama. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng door bell. Pikit pa ang isang mata nang binalingan ko si Reece na mahimbing pa rin ang tulog. Dahan-dahan ay bumangon ako saka ito hinalikan sa noo. Nang makatayo ay sandali akong nag-inat ng mga kamay at nag-ayos ng sarili bago nagtungo sa pintuan. Marahan ko iyong binuksan at bumungad sa akin ang isang babae, may katandaan na ito at tingin ko'y nasa mid-fifties na. "Good morning! Ako si Manang Fe, pinadala ako rito ni Sir France para mag-alaga sa baby mo," aniya nang may ngiti sa labi. Sa narinig ay nangunot ang noo ko saka siya pinasadahan ng tingin pamula ulo hanggang paa at pabalik sa kaniyang mukha. Naroon pa rin ang ngiti at nakikita kong napakamasiyahin niyang tao. "Excuse me, pero hindi ako nag-request ng babysitter," naguguluhan kong sambit habang hindi maalis ang titig ko rito. "Opo, pansamantala lang naman po ito dahil naghihintay na po si Sir France sa baba. Nasabi niyang papuntahin kita roon at may pag-uusapan daw kayo." Shit, oo nga pala! May usapan pala kami ngayon. Wala sa sariling napatingin ako sa wall clock na naroon nakasabit sa pader, 8:15 AM na! "Sige ho, Manang, pasok po kayo." Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Ngiti ang naging tugon nito at tahimik na pumasok sa loob na mabilis kong sinundan matapos kong maisara ang pintuan. Pinaupo ko muna ito sa may kalakihang sofa. "May gusto po ba kayo? Inumin? Pasensya na, nawala kasi sa isip kong pupunta ngayon si France," sambit ko na nananatiling nakatayo sa may gilid. "Ayos lang, hija, naiintindihan ko naman dahil nabanggit din niyang marahil ay napagod ka kagabi." Lumipad ang tingin nito sa kama, kung saan naroon si Reece na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Malawak ang room ko rito pero walang mga pader na nagsisilbing harang kaya kita ang bawat sulok. Nasa pinakadulo ang kwarto namin, ang naging divider doon ay ang dalawang sofa na magkadikit na siyang katapat nitong mahabang sofa. May estante rin sa gilid nito at doon ay nakapatong ang malaking flatscreen. Sa kabilang dulo ay naroon naman ang kusina na counter table ang nagsilbing harang, papasok sa loob ay ang kusina at malaking dining table. Sa tabi naman nito ay ang malawak na banyo. "Ilang taon na ang anak mo, hija?" pagtatanong ni Manang Fe dahilan para mabalik ako sa ulirat. "Limang taon na po." Nakangiti kong sagot, "Sige po, Manang, maliligo lang ho ako sandali." Tumango ito kaya nagmadali na akong kumuha ng damit at kumaripas ng takbo papasok ng banyo. Sa sobrang lawak nga nitong banyo ay halos malula ako dahil sa may kalakihang bathtub na naroon sa gilid. Sa gitnang bahagi nito ay ang shower room, katabi ng toilet bowl at malaking salamin sa gilid nito. Ang sarap pagmasdan, para talaga akong nasa isang mansyon. Ilang minuto ang itinagal ko sa pagligo, kalaunan ay lumabas na rin ako. Suot ko na ngayon ay ang blue washed jean at isang kulay puting loose shirt. Sandali kong inayos ang mukha saka naglagay lamang ng pulbo at lipstick. "Manang, bababa na ho ako, ah? Ikaw na po munang bahala kay Reece. Kapag nagutom po siya ay may tira pa namang pagkain doon sa kusina," pahayag ko rito na naroon pa rin sa sofa. "Sige, hija." "Siya nga pala, Manang, kapag umiyak siya at hindi niyo mapatahan, puntahan niyo na lang po ako sa baba." Lumapit ako kay Reece at marahang pinatakan ng halik sa noo. Muli kong binalingan si Manang na ngayon ay sa akin naman nakatitig. "Napakaganda mo pala, hija," bulalas niya kaya muntik na akong masamid. Pagak akong tumawa habang umaayos sa pagtayo at isinusuot ang kulay black kong flat shoes. "Nako naman, Manang, nambola ka pa." "Totoo hija, kaya ka siguro kinuha ni Sir France. Bihira lang din kasi ang may makapasa sa taste no'n." Makapasa? Saan naman? Sa magiging trabaho ko? Ano bang klaseng trabaho ang papasukin ko at kailangan ba talaga ay magaganda? Umiling ako saka mahinang tumawa. Hindi ko na pinansin ang kaninang sinabi ni Manang at deretso nang nagtungo palabas ng unit. Sumakay ako kaagad ng elevator kaya ilang segundo lang nang makababa ako. "Good morning, Ma'am. This way to our lounge!" anang babae sa front desk saka inilahad ang kamay sa isang hallway. Kasalungat iyon ng daan papuntang Resto. Ngumiti rin ako rito at kay kuyang guard at saka sinundan ang itinuturo nitong daan. Pagkapasok doon ay bumungad sa akin ang malawak na lounge area. Ang paligid no'n ay mga glass window kaya mula rito ay kita ang labas, may mga nakapalibot ding pabilog na lamesa at upuan sa paligid. Nang makita ko ang kumakaway na si France ay mabilis ko iyong tinungo. "Hello, good morning! How's your sleep, huh?" bungad nito sa akin nang makaupo ako sa katapat niyang upuan. Kanina ko pa napapansin na napakabait ng mga tao rito, pamula kay Manang at sa ilang tauhan na na-meet ko na. Panay ang bati nila, palangiti at mukhang tinuruan talaga ng tama ng kung sino mang namumuno sa kanila. "Ayos lang naman. Salamat sa 'yo," sagot ko na siyang nginitian niya lamang. "So, shall we start?" Tumango ako bilang tugon. May kinuha ito sa kaniyang gilid at nakita kong brown envelope iyon, ayan din yata iyong hawak niya kagabi. Nang mailabas ang laman nito ay saka naman niya inilahad sa harapan ko. Hindi ko kinuha, bagkus ay tinitigan ko lamang ito at nakitang contract papers iyon. "Sign those paper kapag naintindihan mo na ang mga sasabihin ko, okay?" "Okay," buntong hininga ko. "So listen carefully." Umayos ako sa pagkakaupo at ibinigay lahat ng atensyon sa kaniya, ngunit wala pa man ay ang lakas na ng t***k ng puso ko kaya wala sa sariling napahinga ulit ako nang malalim. "Rampage Society is an elite realm of multi-billionaire's hidden treasure. Isang sagrado at napaka-importanteng lugar kung saan pinamumugaran ng iba't-ibang klase ng anghel." Huh, anghel? Patungong langit ba 'to? Iwinaksi ko ang kaninang naisip, I need to focus at ewan ko ba, para yata akong natatae dahil ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko. "Fallen angels are the right term, well iyon ay dahil sila ang mga anghel that actually serves the desire and lustful ultimacy of some men and take note, multi-billionaire men. " Sa narinig ay sandaling natahimik ang paligid, animo'y binibigyan ako ng oras para mag-sink in sa utak ko ang kaniyang sinabi. Hindi nagtagal nang dahan-dahan ay nanlaki ang mata ko. Malakas ko pang kinalampag ang lamesa rason para maglikha iyon ng ingay, mabuti at wala masyadong tao roon ngunit kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni France. "A—ano? Desire? Lustful? Ultimacy?" sunud-sunod kong tanong habang nanlalaki ang mga mata. "Calm down, Esperanza. Let me finish first okay? Here, drink your water and just relax," mahinahong pahayag niya saka pa itinulak ang isang baso ng tubig palapit sa akin. Nailing lang ako at hindi iyon inabot, bagkus ay tumahimik ako. Binibigyan siya ng pagkakataon para magsalita. "Money are the password for this kind of society, it is discreetly just for the filthy underworld of bachelors na siyang parokyano mismo ng nasabing club. It is run through technology, a safe and easy way not to be trace by someone, lalo na sa access ng taxes and government rules and policies." Sa haba ng sinabi niya ay wala na akong naintindihan. Tumatatak na lang sa utak ko iyong kaninang nasabi niya. Ibig bang sabihin ay escort sa isang club ang inaalok niyang trabaho sa akin? Please, enlighten me! "It is a site with a regular updates and fresh from the sea of bitches and elite woman from all around the world. The highest bid owns the price and legally do whatever they want." I just can't believe na ganito ang papasukan ko! Shocks! Parang umurong ang dila ko at wala na akong masabi kung 'di wow! Nasaan na ba ang exit door dito? "It's just a matter of approval from the head of the society, si Madame X. Ang leader at siyang nagpapatakbo ng Rampage Society. Wala ni isa ang nakakaalam sa tunay na identity nito, she is a woman hiding from her mask and highly placed her pedestal ass in her own throne." Madame X? Walang nakakaalam sa pagkatao niya? So, hindi rin niya kilala personally ang babaeng iyon? Paano niya napapatakbo ang ganitong klase ng company kung ganoon naman pala? "It's a total win-win. Pay her enough and she'll be nice, pay her an extra and you'll get what you want. Pay her in advance, she'll give you heaven." Napalunok ako sa huling salitang nabanggit nito. Hindi ko na kinakaya, para na akong sasabog sa inis. Halos maramdaman ko na rin ang mga kuko sa palad ko dahil sa nakakuyom kong kamao. "So... bibigyan kita ng oras para makapag-isip, Esperanza. If no, malaya kang makakalabas dito sa Demoirtel and if yes ang magiging sagot mo, just call me sa numerong ibinigay ko sa 'yo," pinal nitong pahayag bago ako tuluyang iniwan doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD