Chapter 5

1567 Words
Matapos umalis ni France ay sandali kong tinitigan ang pintong pinaglabasan nito, hindi nagtagal nang bumaba ang tingin ko sa lamesa kung saan naroon pa rin ang dalawang piraso ng papel, ang kontrata para sa Rampage Society. Ilang beses akong napalunok habang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang kaninang mga sinabi ni France. Kung tatanggapin ko ang offer nito, magiging escort ako, literal na pokpok kung tawagin. Kaibahan nga lang ay mayayaman ang magiging kliyente kuno. Kung tutuusin ay hindi na masama para roon sa mga taong kayang itaya ang reputasyon at dignidad. Pero ako? Hindi ko pa alam. Sa isiping malaki ang bigayan at kikitain ko sa ganoong uri ng trabaho ay nagdadalawang isip ako, ayoko ngunit may nagtutulak sa aking subukan ko. Isa pa, sa oras na tumanggi ako ay mapapaalis kami ni Reece rito at kapag nangyari 'yon, saan na kami pupulutin? Nakakasawa nang magpalaboy-laboy sa kalsada at manghingi ng awa sa iba. Mariin akong napapikit at itinukod pa ang dalawang siko sa lamesa, saka ko naman inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Wala na bang ibang choice? Iyon na lang talaga? Huminga ako nang malalim bago napagdesisyunang tumayo na. Nang makalabas sa lounge area ay dumeretso ako sa restroom. Kailangan kong ayusin ang sarili ko, gayong alam kong para na akong bibigay sa mga emosyon ko. Ang tagal ko nang hindi umiyak, huling iniyakan ko ay si Lola Sireng noong mamatay siya. Matapos 'yon ay hindi na nasundan, kaya heto at naiipon lang siya sa loob-loob ko. Ayaw pakawalan dahil ayokong maging mahina sa harapan ng ibang tao, lalo na sa anak ko. Saglit akong humarap sa malaking salamin at agad ding pumasok sa isang cubicle na naroon. Hindi ako umihi bagkus ay pinakalma ko lang ang sarili, patuloy pa rin kasi sa pagtataas-baba ang dibdib ko, animo'y gusto nang kumawala ng puso ko sa katawan ko. Ilang sandali pa nang mahimasmasan ako ay nagpasya na akong lumabas ng cubicle. Baka hinahanap na rin ako ng anak ko. Nang mabuksan ang pinto ay doon ko nakita ang isang babae, nakatapat ito sa salamin kaya kitang-kita ko ang mukha nito. Kumunot ang noo kong pinakatitigan siya. Kulay blonde ang buhok nito dahilan para mas madepina ang kaniyang kagandahan na sa tingin ko ay may ibang lahi. Kasing tangkad ko lamang din siya, voluptuous body ang pangangatawan na hindi katulad sa aking slim and tender, nangayayat sa sobrang pagtitipid na ginagawa. "Miss, are you fine?" sambit ko nang mapansin ang lungkot sa parehong mata nito. Gumamit na ako ng salitang ingles dahil baka mamaya ay hindi pala niya ako maintindihan kapag nagtagalog ako. Mukha kasing may lahi itong caucasian or something mexican. Ah, ewan! Bahala na, pero bakit pala siya nandito? Isa rin ba ito sa mga nabiktima ni France kaya siya naging emosyonal ngayon? Kagaya ko na hindi matanggap ang inaalok na trabaho. Napangiwi ako saka dahan-dahan na nilapitan siya na ngayon ay nakatitig na pala sa akin. Tahimik lang ito habang maang na pinapanood ang paglapit ko. Hindi siya sumagot kaya napahinga ako nang malalim saka iniabot sa kaniya ang isang kamay ko. "I'm Luna Esperanza..." pagpapakilala ko at nginitian siya, "And you are?" Mapait itong ngumiti, marahan munang pinunasan ang kaniyang pisngi bago tanggapin ang kamay ko, "I'm Summer." "Nice meeting you, Summer. I'll go ahead?" alanganin kong pahayag na siyang mabilis naman niyang tinanguan. Hindi na siya umimik pa kaya tuluyan na akong lumabas ng restroom. Dali-dali akong pumasok ng elevator na siyang nasa gilid lang nitong banyo at agad na pumasok sa loob. Summer... whoever she is, alam kong may mabuti siyang puso. Muli akong napahinga nang malalim, kasabay nito ay ang pagbukas ng pinto ng elevator kaya mabilis din akong lumabas doon. Ilang sandali pa nang makapasok ako sa unit ko, kasabay nang malalim kong paghinga. "Mamu!" pagtili ni Reece nang marinig ang yabag ko sa may pintuan. Naabutan ko sila ni Manang Fe na nakaupo sa pahabang sofa habang nanonood ng children's show sa malaking flatscreen na naroon. Dinamba ako ni Reece ng yakap at binuhat siya sa bisig ko. Nakita ko pang tumayo si Manang at bahagyang lumapit sa kinaroroonan ko. "Nakapag-usap na ba kayo, hija?" tanong nito na mayroong ngiti sa labi. Siguro ay akala niyang pumayag ako sa alok ni France. Sinuklian ko ng ngiti si manang habang mahinang hinihele-hele ang anak ko. "Opo, Manang. Sige na po, pwede niyo na kaming iwan dito." Hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil tinalikuran ko na ito para magpunta sa kwarto. Ilang saglit pa nang marinig ko ang pagbukas-sarado ng pinto, ibig sabihin ay nakaalis na ito. Doon ay bumagsak ang balikat ko at mapait na ngumiti sa kawalan. Walang imik kong ibinaba si Reece sa kama na ngayon ay maang na nakatitig sa akin, bumaba pa ang tingin niya sa kamay ko. "Mamu, ano 'yan?" Kumunot ang noo nito saka pa itinuro ang papel na hawak ko. Hindi ko namalayang dala-dala ko pala itong kontrata hanggang dito. Bakit ba hindi ko pa ito itinapon? Inilapag ko iyon sa kama at tiningnan ang anak ko, wala pa yatang isang oras ang lumipas ngunit ganoon ko na lamang ma-miss itong si Reece. Pinanggigilan ko ang magkabilaang pisngi niya rason para marinig ko ang mahina nitong hagikgik, pilit pa akong pinapatigil sa ginagawa. "Miss mo ba si Mamu?" "Opo! Opo!" matinis nitong sagot dahil na rin sa pagkiliti ko sa kaniya. Kalaunan ay tumigil na rin ako at inayos ang kaniyang buhok, hanggang leeg niya ang haba no'n at katulad ko ay kulot din sa bandang ibaba. Iyan lang talaga ang namana niya sa akin. Ang kutis naman nito ay malayo sa akin na morena, dahil na rin siguro sa ilang taon akong tumira sa probinsya ni Lola Sireng. Wala pa kasi halos isang taon nang bumiyahe ako rito sa Maynila, dala si Reece ay sabay naming hinahanap ang kapalaran namin dito. Ilang oras pa ang lumipas at pawang panonood lamang ang ginawa namin ni Reece, sinasabayan siya sa mga kagustuhan niya hanggang sa sumapit ang alas dose ng tanghali. Wala pa akong access card kaya naisip kong tumawag na lang sa front desk. Lumapit ako sa telepono na naroon sa isang lamesa, mayroon pang directories doon kaya mabilis kong nai-dial ang numero sa baba. Ilang ring lang nang may sumagot dito na boses babae, "Hello, good afternoon! How may I help you?" "Ahm, hello? Ako 'to si Esperanza, gusto ko lang sabihin na wala pa kasi akong access card kaya magpapa-akyat na lang ulit ako ng pagkain dito sa room ko," mahabang sambit ko habang pinaglalaruan ang cord ng telepono. "Esperanza po ba ng room number 33?" aniya na mabilis kong tinanguan kahit hindi naman niya nakikita. "Ay, opo, ako nga." Napangiti ako sa isiping kilala na ako agad ng receptionist. "Hmm, pasensya na, Ma'am Esperanza, pero nagbilin po kasi sa amin si Sir France na huwag kang bigyan ng pagkain o kahit ano mang hingiin mo. Wala pa kasi kayo sa kontrata kaya na-cut na po ang ilang free services sa inyo." Sa sinabi nito ay halos takasan ako ng kaluluwa ko, nahulas ang emosyon sa mukha ko habang unti-unti ay naibaba ko ang telepono kahit dinig ko pa ang boses niya sa kabilang linya. Ayokong magmura pero tangina? Halos umahon ang galit sa puso ko. May pa-gano'n talaga? Anong klaseng patakaran ang mayroon sila rito? Damn it! Nagpakawala ako nang ilang buntong hininga upang pakalmahin ang sarili bago nilingon si Reece na naroon pa rin nakaupo sa sofa, masaya nitong pinapanood ang favorite cartoon show niya. Tumitili pa kapag may pagkakataon. Habang tumatagal ko siyang pinagmamasdan ay nababagabag ako. Naaawa ako. Naisip ko, ano na lang kaya ang magiging kinabukasan ng anak ko? Mariin akong napapikit at yumuko, hindi nakaligtas ang isang butil ng luha na malayang nakawala sa aking mata. Ilang beses pa akong lumunok bago dere-deretsong nagmartsa patungong kwarto. Mabilis kong hinablot ang contract papers na siyang nakalapag doon, matapos ko iyong basahin nang paulit-ulit ay bumalik ako sa telepono. Nang may makitang ballpen ay walang pag-aalinlangan ko iyong pinirmahan. Kasunod no'n ay ang pag-dial ko sa number ni France na mabilis naman nitong sinagot. "Hello?" aniya sa kabilang linya ngunit nanatili akong tahimik, "Is that you, Esperanza?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi, kulang na lang ay magdugo iyon sa sobrang diin. Pagak pa akong natawa nang matantong inaasahan niya nang tatawag ako sa kaniya. Tumikhim ako at pilit pinatigas ang boses, "Napirmahan ko na ang kontrata. Ano nang sunod kong gagawin?" "Oh! Napakabilis, ah." Pagpuna niya saka pa mahinang tumawa, "Anyway, narito pa naman ako sa baba. Puntahan mo na lang ako rito kapag natapos na kayong kumain. Nga pala ay ipapadala ko na rin diyan ang access card mo at ilang mga kakailanganin mo." Napangiwi ako habang hindi na yata maipinta ang mukha ko. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng mundo, tila wala na akong choice kung 'di ang sumunod na lamang. "So, wala nang atrasan ito, ah? Ico-close ko na ang deal natin, Esperanza." Nahimigan ko ang pagkagalak nito sa boses, ilang porsyento ba ang comission nito? Matapos iyon ay agad din niyang pinatay ang linya. Wala sa sariling ibinagsak ko ang telepono, kulang na lang ay basagin ko iyon sa sobrang galit. s**t talaga, argh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD