DIANNE, KAUSAPIN MO KO PLEASE. ASAN KA NA? Hindi rin sumasagot ang pamilya mo. Are you safe? Message iyon ni Rick sa messenger niya, at ngayong araw, bago niya tuluyang alisin ang UAE sim niya ay may natanggap rin siyang isang text mula kay Rick. Please don’t tell me this is a prank, umuwi ka na. We have to talk personally. Dianne, I’m starting to get worried. Parang sa loob-loob niya may triumph dahil at last ito naman ang nakaramdam ng pagkabahala at pagkabalisa na nararamdaman niya noon, pero malaking parte rin sa kaniya ang patuloy na nami-miss ito at nag-aalala rin sa kalagayan nito. Kumain na kaya ito? Pumunta ba ito sa workplace niya? Baka naghahanap na ito at kung saan-saan na ito nakapunta. I’m really sorry, Rick, she mouthed. Napalabas na siya upang ma