Nagising si Dianne, hindi sa masinag na araw kundi sa isang malamig at makulimkim na klima. She jumped out of the bed at naalalang nasa London na siya. Mabuti na lamang ay nagpa-alarm siya. Naligo siya agad sa attached bathroom, which she really thanked the heavens, dahil mabuti na iyong may privacy siya sa banyo. Matapos maligo ay nagbihis siya. Isang maong jeans at pink longsleeve tshirt na kumportable lang. Binuksan niya ang pinto, napansing tahimik pa ang buong kabahayan. What seemed like a machine whirring greeted her eardrums. Napag-alaman niyang coffee maker iyon, mula sa kusina. Gising na at naroon na sa kitchen area si Jordan, mukhang bagong ligo ito at nakabihis na rin ng slacks at polo shirt. “Hi,” she greeted. “Good morning sir,” actually ay nahihiya talaga