Chapter 20 Suzanne Medina "Besty!" Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang matinis na boses ni Aileen. Napailing na lang ako nang makita siyang tumatakbo papunta sa akin. Bilib din ako sa babaeng 'to kahit na nakasuot ito ng mataas na takong hindi pa rin ito na natatapilok. "Ai, ikaw na naman panigurado ang magiging hot topic ngayong umaga ng kapwa natin guro sa faculty room," Sabi ko sabay nguso sa iilang estudyanteng napapadaan at mga gurong maagang nagtsi-tsismisan habang nakatingin sa amin ni Aileen. "Nah! Hayaan mo na ang mga 'yan. Nasanay na ang katawang lupa ko sa mga 'yan at saka hindi ko naman ikakayaman kung papatulan ko pa ang mga 'yan," Napailing na lang ako. High school pa lang kami wala na talaga siyang pakialam kung ano man ang tingin sa kanya ng mga tao. Ika nga n