Chapter 19 Suzanne Medina Kakatapos ko lang magbihis nang matanggap ko ang text ni Alex na pauwi na sila ni Manang Liza kaya nagmamadali akong bumaba para sabihan sila. "Josefa, 'yong mga pagkain nasa garden na ba lahat? Pauwi na sina Manang Liza," Sabi ko nang maabutan ko ito sa kusina. Gusto ko masigurong perfect ang gabing 'to para kay Manang Liza. Ito lang kasi ang magagawa ko para sa kanya. Sa unang araw ko pa lang rito sa mansyon siya na ang nag-alaga sa akin kahit na matigas pa ang ulo ko no'n at hanggang ngayon ay inaalagaan niya pa rin ako. Narinig ko rin kay Sebastian kanina na simula raw na maulila sa magulang silang anim, siya, si Alex, Richard, Heinz, Mike at Clay ay si Manang Liza na ang nag-alaga at tumayong ina nila. Kaya malaki ang utang na loob nila kay Manang Liza.