Chapter 2
Suzanne Medina
"Ginabi ka na ata, hija,"
Salubong sa "kin ni Nanay Perla, ang namamahala sa lahat ng gawaing bahay at naging yaya ko noong bata pa ako.
Bata pa lamang ako, e, nandito na sa poder namin si Nanay Perla. Siya ang nag-aalaga sa 'kin sa tuwing aalis sina Mama at Papa. Hindi na nga siya nakapag-asawa. Hindi naman sa sinabi nina Papa noon na 'wag siyang mag-asawa sadyang naka-focus lang talaga siya sa pag-aalaga sa 'kin at talagang napakaswerte ko kay Nay Perla.
"Magandang gabi po, Nay. May pinapadaan pa sa akin si Papa sa opisina, e, nasaktuhan na may mga papeles na pinapapirmahan sa akin ang sekretarya niya,"
Pagkatapos ng klase ko kanina dumiretso ako sa kompanya. Maraming naiwan na trabaho si Papa nang maospital ito dahil tumaas ang altapresyon nito, baka magpumilit na namang magtrabaho gaya no'ng nakaraan.
"Gano'n ba, e, tapos ka na bang kumain?"
"Hindi pa po. Sina Mama at Papa po?"
"Tapos na silang kumain, hija. Nagpapahinga na siguro mga 'yon sa kwarto nila. Alam mo namang kailangan ng Papa mong maaga magpahinga. Sige na, magpalit ka na ro'n ng damit mo at iinitin ko lang saglit ang pagkain mo."
"Sige po, Nay. Magpapalit lang po ako saglit," Saka ko tinungo ang hagdan.
-----***-----
Patungo na sana ako sa kwarto ko nang madaanan ko ang kwarto ng magulang ko at narinig ang galit na boses ni Mama.
"Ang tigas talaga ng ulo mo Mateo. Mahigpit na ibinilin ng doktor sa 'yo na magpahinga ka. Hindi porque gumaan-gaan na ang pakiramdam mo, e, magbubulakbol ka na,"
Napailing na lang ako. Ang tigas talaga ng ulo nitong si Papa sinabihan na siya ng doktor na magpahinga.
Tulad lamang no'ng nakaraang araw palihim siyang nagpunta sa kompanya at nagtrabaho kung hindi ako tinawagan ni Amanda, ang sekretarya niya hindi namin malalamang pumuslit ang aking butihing ama.
"Mahal naman, bu-"
Naputol ang sinasabi ni Papa nang muling nagsalita si Mama.
"Ano? Sasabihin mong bumisita ka lang kina Pareng Cardo? Tapos ano
nag-ayang lumabas. Tapos mag-iinuman. Tapos sasabihin mong nagchi-chill lang kayo. Kunbaga pampatanggal stress lang. Saan ka naman ma-i-stress, aber? E, wala ka namang ginagawa rito sa bahay kundi ang kumain at matulog. 'Wag mo talaga akong subukan, Mateo,"
Kahit hindi ko nakikita si Mama sigurado akong nakapewang 'yon sa harap ni Papa at ang huli naman sigurado akong nagmumukha na 'yong isang batang pinapagalitan ng ina.
"Hindi naman sa gano'n mahal. Nagpunta ako kay Pareng Cardo para manghiram na pera sana sa kanya," Nangunot ang noo ko.
Bakit manghihiram ng pera si Papa? Saan naman niya gagamitin ang pera hindi naman namomoblema ang kompanya sa pera.
"Para saan mo gagamitin ang pera? Sa pagkakaalam ko hindi naman namomoblema sa pera ang kompanya at mas lalong hindi tayo namomoblema sa pera not unless, may ibang kang pamilyang binubuhay. Naku! Naku! Naku! Mateo, ibibitin talaga kita patiwarik at puputulin ko 'yang ano mo. Makikita mo,"
Mas lalong nangunot ang noo ko sa pinagsasabi ni Mama.
Saan ba napulot ni Mama ang katagang 'yon?
Kilala kong miss prim ang proper 'yang si mama kaya nakakapagtaka kung saan niyang nakuha ang gano'ng kataga.
"Mahal, saan mo napulot ang katagang 'yan?"
See? Pati si Papa hindi makapaniwala.
"'Naba- 'wag mo ngang ibahin ang usapan, Mateo,"
"Mahal naman, alam mong ikaw lang ang pinakamamahal ko, kayo ni princess kaya hindi ko magagawa 'yang paratang mo na 'yan,"
Sa malamang nilalandi este nilalambing na ni Papa ngayon si Mama.
"Mag-hunos dili ka nga Mateo. Matanda na tayo. 'Wag kang umasta na parang teenager. Gurang ka na. Para saan mo nga gagamitin ang pera at magkano ang kailangan mo?"
Matagal na hindi sumagot si Papa.
Bigla akong napailing nang ma-realize ko kung ano ang pinaggagawa ko. Nagiging tsismosa na pala ako.
Makapasok na nga ng kwarto nang makapagpalit na ako ng damit upang makakain na sa baba. Siguradong hihintay na ako ni Nanay Perla.
Naudlot ang pagpasok ko sa kwarto nang lumakas ang boses ni Mama.
Iba ang timbre ng boses niya kumpara kanina. Sigurado akong may kalokohang ginawa ang butihin kong ama.
"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo, ha, Mateo?"
Hinintay kong sumagot si Papa pero wala akong narinig.
"Ano bang nangyayari sa 'yo, Mateo? Tumayo ka nga r'yan,"
Anong ginagawa ni Papa?
Kakatok na sana ako sa pinto ng kanilang kwarto nang mapansin kong nakaawang ng konti ang pinto nila.
Makasilip na nga lang.
Alam kong mali ang ginagawa ko ang makinig sa usapan ng may usapan pero hindi ko maiwasang ma-curious.
"Patawarin mo ako, mahal,"
Nakaluhod si Papa sa harapan ni Mama habang yakap-yakap nito ang binti ng huli.
'Wag mong sabihing nambabae si Papa at nakokonsensiya kaya sinabi na niya kay mama at humihingi ng tawad kaya gano'n ang naabutan kong eksena.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Anong patawarin? May nagawa ka bang kasalanan? Nambabae ka?"
Mag-ina nga talaga kami ni Mama pareho kaming nasa isip na nambabae si Papa.
"Mahal, sinabi ko na sa 'yo kanina na kayo lang ni princess ang mahal ko,'
"E, ano nga ang problema at bakit ka nanghiram ng pera?"
Nakita kong napalunok si Papa.
Mukhang malaki nga ang problema ang ni Papa.
"Hinahabol ako ng mga tauhan na pinagkakautangan ko." Nakayukong sabi ni Papa.
Nangunot ang noo ni Mama gaya ko.
Bakit nangutang si Papa? Maayos naman ang takbo ng negosyo namin sa pagkakaalam ko. Wala naman kaming malaking pagkakautang.
"Nangutang? Para saan? Magkano ba ang utang mo?" ani ni Mama.
"10 million," Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa.
Sampong milyon?
"Sampong milyon?" Gulat na inilayo ni Mama sa kanya si Papa.
Sinong hindi magugulat. Ang laking halaga ng sampong milyon. Kahit nga maayos ang takbo at kumikita ang negosyo namin kahit kailan hindi umabot sa gano'ng halaga.
Tumango si Papa.
"Limang milyon lang naman ang inutang ko, kaya naging sampong milyon dahil kasama naroon ang interes."
"Saan mo naman ginasta ang limang milyon? Ba't hindi ka nagsabi sa 'kin?"
Napatungo si Papa.
"Naitalo ko sa sugal."
"Ano?" Napasigaw si Papa.
"Patawarin mo ko, mahal. Akala ko kasi do-doble 'yon. Sunod-sunod ang panalo ko no'ng una-"
"Sunod-sunod din ang talo mo sa huli." Si Mama na ang nagtuloy sa sasabihin ni Papa.
"Dumoble nga ang pera mo, Mateo. Dumoble ang utang mo." Sabi ni Papa.
Muling tumungo si Papa.
"At ngayon hinahabol ka na ng pinagkakautangan mo. Kausapin mo kaya 'yong pinagkakautangan mo. Humingi ka ng palugit,"
"Kaya nga nila ako hinahabol dahil malapit na ang ibinigay nilang palugit sa 'kin,"
"Kahit ibenta pa itong bahay at kompanya natin hindi aabot sa gano'ng halaga."
"Hindi natin ibebenta ang bahay at kompanya natin,"
"Saan tayo kukuha ng gano'ng kalaking pera, ha, Mateo?"
Kahit pa siguro manghiram ako sa mga kasamahan ko hindi rin aabot lalo't hinahabol na siya ngayon ng pinagkakautangan niya.
"May isang gusto ang Boss nila kung maibibigay ko 'yon wala na akong utang sa kanya at hindi na ako gagambalain pa,"
Mariing pumikit si Papa.
"Si Suzanne,"