Chapter 1
Suzanne Medina
Tila nabuhayan ng dugo ang mga estudyante ko nang marinig ang tunog ng bell na naghuhudyat natapos na ang klase sa araw na 'to.
"That's all for today, class. See you on Monday and don't forget your assignments."
"Class dismiss."
Mabilis nagpulasan palabas ng classroom ang mga estudyante ko nang ibinigay ko na sa kanila ang magic word. Maliban sa hudyat ng bell ay ang mga katagang 'yon ang isa ring nagpapabuhay ng mga dugo nila.
Sinimulan ko na rin ang pagliligpit ng mga gamit ko nang masigurong maayos na nakalabas ang lahat.
Pagkatapos kong magligpit lumabas na rin ako ng classroom.
"Paalam po, Ma'am Suzanne," sabi ng isang estudyante nang makasalubong ko ito sa hallway.
"Paalam din. 'Wag ng magbulakbol. Diretso na ang uwi,"
Nakita kong napakamot ng batok ang estudyante.
Napailing na lamang ako. May balak atang magbulakbol ang batang 'yon.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang binabaybay ko ang hallway papuntang faculty room.
No'ng bata pa ako pangarap ko na talagang maging isang guro.
Nang magkolehiyo na ako sinikap kong makapag-enroll sa kursong education. Naging working student pa ako no'n parang lang may pang tuition at may pangtustos sa iba pang bayarin.
Hindi naman sa hindi afford ng mga magulang ko ang tuition ko. Ayaw kasi ng ama ko na maging isang guro lamang ako. Wala raw akong mahihita sa pagtuturo ng mga batang matitigas ang ulo.
Hindi ko alam kung saan niya napulot o na experience ba niya kaya nasabi niya ang mga gano'n.
Gusto ng ama ko na business management o kahit na anong kurso basta related sa pagnenegosyo ang ipakuha niya sa 'kin dahil balang araw ako raw ang magpapatakbo ng negosyo ng pamilya namin.
Pero nanindigan pa rin ako para sa pangarap ko at pinatunayan sa kanila na hindi basta-basta ang maging isang guro. Para kasi sa 'kin ang pagiging isang guro ay isang malaking parte ng buhay ng isang tao.
Nakapagtapos ako ng Summa c*m Laude at naging top notcher sa licensure exam. At ngayon nagtuturo na ako sa isang pribadong paaralan sa hayskul dito sa bayan namin.
Unti-unti na ring natatanggap ng ama ko ang propesyong napili ko bagaman nando'n pa rin ang kanyang panghihinayang at minsan sinisingit pa rin niya kumuha ako ng business management.
"Ma'am Medina."
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon 'yong tumawag sa 'kin.
Nakangiting papalit sa gawi ko ang kapwa kong guro na si Sir Marco De Silva. Gwapo, matangkad, at moreno. Mabait sa mga estudyante at kapwa naming guro sabi nga ng kapwa naming mga guro na isa siyang anghel na bumaba sa lupa.
Maraming nagkakagusto kay Sir De Silva. Ewan ko lang kung napapansin ba niya ang mga 'yon. Napaka-down to earth kasi ng taong 'to.
Tama lang talaga ang bansag sa kanya na anghel.
"Pa-faculty ka na ba? Tulungan na kita,"
Tatanggihan ko na sana siya nang walang pahintulot na kinuha niya mula sa 'kin ang mga gamit ko.
"Salamat, Sir De Silva. Hindi mo naman kailangan na dalhin pa ang mga gamit ko. Kunti lang naman 'yan at magagaan pa kayang-kaya ko na ang mga 'yan,"
Sa tuwing magkakasalubong kami ni Sir De Silva lagi na lang nitong kinuha ang mga gamit ko.
Nakakahiya na kasi baka ano pa ang isipin ng kapwa naming mga guro. Ayoko pa namang masangkot sa kung anong isyu.
"Ano ka ba ilang beses ko ng sinasabi sa'yo na tawagin mo na lang akong Marco. Pakiramdam ko kasi ang tanda-tanda ko na kapag apelyido ko ang tawag nila sa 'kin,"
"E, kasi naman tinawag mo akong Ma'am Medina. Para patas, tinawag na lang din kita sa apelyido mo,"
Ilang beses ko na ring sinabi na tawagin na lang ako sa pangalan ko. E, ang siste lagi rin niyang nakakalimutan.
"Pasensiya na. Nakalimutan ko kasi,"
See, makakalimutin talaga ang isang 'to.
"Napapadalas na 'yang pagiging makakalimutin mo. Paano kaya pagdating sa pagtuturo mo?"
"Naka-lesson plan naman tayo," Nakangiti nitong sabi.
"Sa bagay may punto ka roon."
Marami pa kaming napagkwentuhan habang binabaybay ang hallway papuntang faculty room. Medyo malayo-layo rin kasi ang huling klase ko sa faculty room.
"May gagawin ka ba after lahat ng klase mo? Gusto sana kitang imbitahang kumain-"
Naputol ang sasabihin ni Sir Marco nang bigla na lang sumulpot si Aileen Lacsamana, kapwa guro at best friend ko habang naka-cross arms sa harap namin.
"Oy! Ano 'yan, bakit si Suzanne lang inimbitahan mo? Paano naman ako? Kami? Si Suzanne lang ba ang co-teacher mo rito?"
Napakamot na lang ng batok niya si Sir Marco.
"Ano ka ba para kang kabute? Bigla-bigla na lang sumusulpot d'yan. Paano kung isa sa 'min may sakit sa puso, edi, inatake na kami at namatay."
Pambihira naman kasi itong si Aileen bigla-bigla na lang sumusulpot.
"Mamatay agad? Diba pwedeng maisugod muna sa ospital? Pahaba-habain mo naman kahit kunti ang mga buhay niyo,"
Kung hindi ko lang ito kaibigan ang babaeng 'to kinurot ko na 'to sa singit.
"Saka nakaharang kayo r'yan sa pinto ng faculty room kung saan kami dumadaan na mga co-teacher niyo," Pinagdiinan pa niya ang huling sinabi na hindi napansin ni Sir Marco.
Napatingin ako sa paligid.
Nandito na pala kami sa tapat ng pinto ng faculty room. Hindi ko man lang namalayan sa dami ng napagkwentuhan namin habang naglalakad. Mabuti't hindi kami lumagpas.
Pagsasabihan ko na sana si Aileen nang may narinig akong tumunog na cellphone. Sabay kaming napalingon ni Aileen kay Sir Marco.
"Excuse me, ladies. I gonna take this call," sabi ni Sir Marco.
"Sige, take your time," Nakangiting ani ni Aileen.
Nang nakalayo na si Sir Marco sa 'min binalingan ko si Aileen.
"Ikaw talaga nakakahiya kang babae ka,"
"Alin ang nakakahiya sa sinabi ko? Kung ako sa 'yo Suzanne sasagutin ko na 'yan si Sir Marco. Tall, dark, handsome, mayaman at mabait pa. Saan ka pa makakahanap ng ganyang lalaki sa panahon ngayon?" Inirapang ko ang bruha.
Halata namang may gusto siya ro'n kay Sir Marco pilit pang tinutulak sa 'kin. Pasalamat siya at hindi ko type si Sir Marco.
"Ako't tigilan mo r'yan, Aileen. Magkaibigan lang kami ni Sir Marco,"
Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pinapakita at pakikitungo sa 'kin ni Sir Marco pero gaya ng sabi ko hindi ko siya type.
"Ma'am Suzanne," Sabay kaming napalingon kay Sir Marco.
"Pasensiya na sa susunod na lang tayo lumabas. Tumawag kasi si Nanay may emergency sa bahay," sabi ni Sir Marco.
"Anong nangyari kay Tita?"
Nakilala ko na ang Nanay niya nang inimbitahan kaming mga guro ni Marco no'ng piyesta sa kanila.
"Maayos naman si Nanay. Pasensiya na talaga. Ito," Inabot niya sa 'kin ang mga gamit ko na dala niya bago kami tinalikuran.
"Sige, una na ako. Bye ladies. Mag-ingat kayo pauwi,"
"Bye, Sir Marco. Ikaw rin mag-ingat,"
"Ang gwapo talaga ni Sir Marco," sabi ni Aileen habang nakatingin sa dinaanan ni Sir Marco.
Pumasok na ako sa faculty room at iniwan si Aileen na nagde-day dreaming pa rin.
Nakakapagod ang araw na 'to. Gusto ko ng umuwi at humilata na sa kama pero hindi pa pwede dahil may dadaanan pa ako sa kompanya ni Papa.