Chapter 7

2117 Words
Chapter 7 Suzanne Medina Ikatlong araw na ngayon magmula nang lumabas ako sa silid ko. Sabi ni Manang Liza hindi pa raw natatapos ang inaasikaso ng mga tauhan kaya na-extend ang mga ito ng ilan pang araw at walang nakakaalam kung kailan makakabalik ang mga ito ng mansyon. Lihim akong napangiti sa sinabi niyang 'yon. Kung makakatakas man ako ngayon hindi nila agad ako mahahanap. Hindi naman siguro ako ang priority ng Prime dahil kung ako ang priority niya hindi sana sila maluwag sa akin. Kahit na sabihin nilang hindi ako nakakalabas ng bakuran ng mansyon. Malaya naman akong gawin ang gusto ko rito sa loob. Tumutulong pa ako sa mga gawaing bahay upang mapag-aralan ko ang bawat parte at sulok ng mansyon na 'to. Kung saang parte ng mansyon ang meron o walang cctv camera para maging madali ang pagtakas ko. No'ng una ayaw nila akong payagan lalo na ni Manang Liza. Bisita raw ako rito at malalagot daw sila kay Prime kapag nalaman nitong kumilos-kilos ako rito sa mansyon. Ayoko namang walang ginagawa kaya kinunbinsi ko talaga sila. Mabuti na lang dumating si Michielyn, 'yong katulong na pinaglihi ata sa sama ng loob ng nanay niya dahil lagi itong nakasimangot at hinayaan ako sa kung anong gusto kong gawin basta 'wag lang daw akong magbasag. Ano akala niya sa 'kin tanga? Kung makabasag ako, e, lalo akong makukulong sa mansyon na 'to. Wala pa naman akong balak na mag-stay ng forever sa lugar na 'to. Pinag-aralan ko ng mabuti ang routine ni Manang Liza, gayun din ang mga katulong. Usually, pagkatapos maghapunan nagpapahinga na silang lahat. Alas-nuwebe ng gabi nando'n na silang lahat sa kani-kanilang kwarto at nanonood ng kdrama. Hindi ko nga inaakala na pati si Manang Liza ay nahilig din sa kdrama. Palinga-linga ako sa paligid nang masiguro kong walang katao-tao. Mabilis kong isinukbit ang isang papel kung saan nakalatag ang ginawa kong plano. Actually, para siyang mapa na iginuhit ko lang nang minsang naglinis ako ng library at nakita ko ang isang mapa ng mansyon do'n. Kinopya ko ito. Mabuti na lang at walang nakakita sa akin. Kinuha ko na ang hose at pinagpatuloy ang pagdidilig ng mga halaman dito sa garden. Simula nong araw na 'yon nagboluntaryo akong magdidilig sa mga bulaklak at halaman ni Lady Marian. Mahilig naman ako sa mga bulaklak at halaman kaya hindi ako mahihirapang alagaan sila. Pakanta-kanta pa ako habang nagdidilig. Nakakatuwa kasing pagmasdan ang mga bulaklak na parang napapangiti at nakikislapan sa tuwing nababasa sila ng tubig. At nagpapaganda ng aura sa ating kapaligiran. "Weird," Kahit hindi ko lingunin kilala ko ang boses na 'yon, kay Michielyn. Kahit kailan talaga mainit ang dugo sa akin ng babaeng 'yon. May narinig akong tsismis tungkol sa kanya na may pagtingin ito kay Prime at kaya pinag-iinitan ako dahil nagseselos ito sa akin. Wala naman siyang dapat ikaselos sa akin. Unang-una, hindi ko kilala ang Prime na 'yan, ni hindi ko pa nga nakikita. Pangalawa, nandito lang ako dahil siguro gagawin niya akong s*x slave at pangatlo, hindi ako magkakagusto sa lalaking dinadaan ako sa dahas. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Ang Nega. Dapat positive tayo para maganda rin aura ng mga bulaklak at halaman dito. "~Bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna ang saya-saya~ At sinabayan ko pa ng kembot para kompleto ang performance ko. "~Boom ti-ya-ya, boom ti-ya-ya, boom ye-ye, Boom ti-ya-ya, boom ti-ya-ya, boom ye-ye, Bulaklak sa buhay ay kailangan nang magkakulay ang mundo~" Nahinto ako sa pagkanta nang may narinig akong sumisinghot sa likod ko. Pinatay ko muna ang gripo saka ako lumingon sa likod ko. Nakita ko si Manang Liza na nagpupunas ng luha. Bakit umiiyak si Manang Liza, hindi ba siya nagandahan sa boses ko? Ang ganda kaya ng boses ko. Nanalo pa nga ako ng Teacher's Got Talent sa paaralan kung saan ako nagtuturo. "Bakit po kayo naiyak, Manang Liza? Pangit po ba ang boses ko?" "Naku hindi. Napakaganda nga boses mo. Mala-anghel," "Kung gano'n bakit po kayo umiiyak?" "Naalala ko lang si Lady Marian. Kumakanta at sumasayaw rin siya habang nagdidilig tulad mo," Pagak akong napangiti. Hindi ko ito inaasahan na magkapareho pala kami ni Lady Marian. 'Wag naman sana niya akong multuhin, no, inaalagaan ko naman ng mabuti ang garden niya. "Sana rito ka na lang palagi nang muling sumigla ang harden na 'to," Pagak akong napangiti. 'Pasensiya na po, Manang desidido na po akong makaalis sa lugar na 'to sa lalong madaling panahon.' Sa isip ko. "Ano ba 'yan napakadrama ko talaga. Nahahawa na ako kina Josefa. O siya, tapusin mo na 'yan nang makapagmiryenda na tayo sa loob," "Sige po, Manang, mauna na po kayo. Malapit na rin naman po akong matapos dito," "Sumunod ka na lang sa kusina. Do'n kita hihintayin sa loob," Sabi niya sa umalis ng harden. Iniligpit ko na ang hose matapos kong magdilig at pati na rin ang walis, dust pan at basurahan na ginamit ko kanina. Pinagmasdan ko ang buong garden. Mamiss ko ang mga bulaklak at halaman dito kapag umalis na ako. Sa tatlong araw na pag-aalaga ko sa kanila napamahal na silang lahat sa akin. "Patawarin niyo ako kung iiwan ko rin kayo kagaya ng ginawa ni Lady Marian sa inyo. Pero 'wag kayong mag-alala ipinapanalangin ko na sana alagaan nila kayo gaya ng pag-aalaga sa inyo ni Lady Marian," Sabi ko bago tinalikuran ang garden at tinungo ang likod ng mansyon. Naabutan ko silang lahat sa kusina, masayang nagtatanawan habang nagmemeryinda. "Halika na at kumain bago pa maubos ng mga 'to ang meryinda," Sabi ni Manang Liza. Naupo ako sa tabi ni Manang Liza at kumuha ng isang stick ng toron. Hmm. Toron. My favorite. "Mabuti na lang, talaga hindi pa natapos-tapos ang ang mga tukmol na 'yon. Kung hindi, wala tayong pinagsasaluhan ngayon. Masyado kasing mga masisiba sa pagkain ang mga 'yon para silang hindi pinakain ng isang buwan," Sabi ng isang katulong na hindi ko kilala. Masisiba? Sigurado akong matataba ang mga 'yon. Lihim akong napangiti nang may nag-pop up sa isip ko kung anong hitsura ng mga tauhan na 'yon. "Anong meron at napapangiti ka, Hija?" Natigilan ako sa tanong ni Manang Liza. Nakatingin silang lahat sa akin habang hinihintay ang magiging sagot ko. "Wala po. May naalala lang akong nakakatawa," Mukhang nahawa pa si Manang Liza sa pagiging tsismosa ng mga katulong na 'to. Inilipat ko ang tingin ko para iwasan ang mga titig nila hanggang sa mapadako ang tingin ko sa toron. "Pwede pang makahingi pa ako ng isang toron? Paborito ko kasi 'yan," "Oo naman. Ito, o," Nakangiting sabi ni Josefa sabay abot sa aiiiíkin ng isang ng toron. "Salamat," "Ito Miss Suzanne, juice nang may pantulak ka," Sabi ng isang katulong sabay abot sa akin ng baso na may lamang juice. Muli silang nagkwentuhan at nagtatawanan. Sumasabay rin ako minsan sa pagtawa. Wala naman ang maikukwentong nakakatawa puro drama lang sa buhay ang meron ako. Mayamaya'y biglang sumigaw ang katabi ni Josefa. "Let's Party! Party! Madlang People!" Sigaw ng isa pang katulong habang winawagay ang hawak niya ng baso na may lamang juice Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang nakakasiyahan. Mawawala kaya ang saya sa mga mukha nito oras na makatakas ako sa lugar na 'to. "Michielyn, halika't nang makapagmeryinda ka na rin," Pag-aaya ni Manang Liza nang makita namin itong papasok ng kusina. Tumingin lang saglit sa 'min Michielyn saka dumeritso sa refrigerator para kumuha ng tubig. Pagkatapos kunin ang nais nito agad naman itong lumabas ng kusina. Ano kaya ang problema nitong si Michielyn? "Bakit kaya ganyan si Michielyn?" "Nagseselos nga kaya ganyan umasta," Agad nalipat ang tingin ko sa nagsalitang katulong. 'Alam kaya nito na may gusto itong si Michielyn kay Prime?' "Hindi naman siguro. Ganyan na talaga siya simula ng dumating dito. Akala ko nga may dalaw lang siya nong araw na 'yon," Inakala ko talaga no'ng una na bata 'yong Prime dahil nga do'n sa painting na nakita ko , 'yon pala magkasing edad lang kami. "Kayo talaga hayaan niyo na lang si Michielyn sa gusto niya. Hindi naman kayo inaano ng batang 'yon," Sabi ni Manang Liza. "Sana maka-bonding din natin siya," Sabi ni Josefa. -----***----- Katatapos lang naming maghapunan kasama si Manang Liza at mangilan-ngilang katulong. Nagboluntaryo akong ligpitin at hugasan ang mga pinagkainan naming lahat. "Siguradong ayos lang na ikaw lang ang magligpit ng pinagkainan nating lahat? Gusto mo tulungan kita medyo madami-dami 'yan," Sabi ni Josefa. "Hindi. Ayos lang, ano ka ba parang ito lang. Kayang-kaya ko na 'to. Magpahinga ka na. Siguradong pagod ka sa kakalinis buong araw," "Sige. Basta tawagin mo lang kapag nagbago ang isip mo," Akmang lalabas na siya ng kusina nang may naalala akong itanong. "Sino pala ang nagpapatay ng mga ilaw rito at nagsasara ng lahat ng bintana at pinto tuwing gabi? Curious lang ako, sa dami ng mga ilaw, bintana at pinto naririto," Oo na, ang tanga ng tanong ko parang pinapahiwatig ko kay Josefa ang pagtakas ko. Tinitigan niya ako ng mariin. Hindi ko inalis ang mata ko sa kanya baka isipin nga niya na may balak akong tumakas kahit na pinagpapawisan na ako ng malagkit. "Automatic na namamatay ang mga ilaw at ang mga bintana at pinto gaya ng gate ay automatic din na nagsasara ito tuwing hating gabi," Ibig sabihin, tatlong oras pa ang hihintayin ko. "Bakit mo pala naitanong?" Ito na. Nagdududa na ba siya sa 'kin? Ang tanga mo naman kasi Suzanne. "Wala. Baka kasi hindi pa ako natatapos dito, e, mapatayan ako ng ilaw. Takot pa naman ako sa madilim," Natatawa kong sabi sabay kamot ng batok ko. Ano naman bang pumasok sa isip ko at napakawalang kwenta ng dahilan ko. "Kaya nga tulungan na kita para madali tayong matapos at makapagpahinga ng maaga," "Hindi na. Ayos lang talaga. Sige na 'wag mo na akong daldalin. Lumabas ka na ng kusina at paghinga," Pinagtulukan ko pa siya palabas ng kusina. "Hindi mo na kailangan pa na ipagtulukan pa ako," "Hehehe. Sorry. Ciao!" Sabi ko saka isinara ang pinto. Napadako ang tingin ko sa mga hugasin. Ang dami. Di bale, mabuti ng may ginagawa ako habang hinihintay ang oras. -----***----- Pagsapit ng alas-dose automatic ngang namatay ang lahat ng ilaw sa labas. Maliban sa mga ilaw na nasa loob ng mga kwarto. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin saka ko pinatay ang ilaw sa aking kwarto. Pinalipas ko muna ng tatlopung minuto bago ko dahan-dahan binuksan ang pinto. Binitbit ko ang sapatos at walang ingay na lumabas ako ng kwarto. Tanging liwanag lang na nanggagaling sa buwan ang nagsisilbing liwanag ko. Hindi naman talaga ako takot sa dilim pero nakaramdam ako ng takot sa lugar na 'to. Hating-gabi. Malaki ang mansyon at nakapatay lahat ng ilaw. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa mahabang pasilyo. Tahimik at walang katao-tao sa paligid. Malamig ang hangin kahit nakasirado namank lahat ng bintana at pinto na siyang nagpapatayo ng mga balahibo ko. Para akong nasa loob ng isang haunted house tulad ng napanood ko sa pelikula. Inalis ko ang takot sa dibdib ko. Hindi ako makakaalis sa lugar na 'to ko papairalin ko ang takot ko. Dahan-dahan akong naglakad sa mahabang pasilyo at bumaba ng hagdan. Dumeritso ako sa kusina. Madali ko lang mabuksan ang pinto ro'n. Sa labas naman, matatayog ang mga halaman do'n, hindi ako makikita kung gagapang ako palabas saka may maliit na daan do'n papuntang labasan. Saka ko na lang iisipin ang susunod na hakbang kapag nakalabas na ako ng bakuran. Akmang papasok na sana ako ng kusina nang may nakita ako isang bulto ng tao. Binuksan nito ang refrigator. Tila, naghahanap ito ng makakain o maiinom. Sino ang taong 'to? Hindi naman ito si Manang Liza o isa man sa mga katulong dahil sigurado akong nagtutulog na ang mga 'yon at saka bulto ng lalaki ang nakikita ko. Hindi naman ito ang guwardya na pinakilala sa akin dahil puro na 'yon matatanda, e, itong nakikita ko, sa tansya ko kaedaran ko lang. Agad akong nagtago sa gilid ng pinto nang lumingon ito sa gawi ko. Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba. Nakita ba niya ako? Narinig ko ang mga yabag ng paa na malalapit sa'kin. Anong gagawin ko? Kung babalik ako sa kwarto ko siguradong wala na akong tyansang makatakas pa at sigurado akong mahuhuli rin ako ng lalaking 'to. Kung hindi naman ako aalis dito mahuhuli rin ako. Kahit anong gawin ko, mahuhuli't mahuhuli pa rin ako. Nakahinga ako nang maluwag nang wala na akong narinig na yabag. Marahil hindi niya talaga ako nakita o napansin. Ngunit pandalian lang pala ang pagkawala ng kaba ko dahil sa pagbukas ng ilaw bumungad sa akin ang mukha ng lalaki. "Ahhh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD