Chapter 6

2207 Words
Chapter 6 Isang matipunong lalaki ang malayang pinagmamasdan mula sa kanyang bintana ang kabuohan ng siyudad habang umiinom ng rhum. Ngayon lang ulit ito nakapag-relax sa dami ng ginagawa nitong mga nakaraan. Nag-iisa lang itong taga-pagmana kaya sa kanya napunta lahat ng negosyo ng kanilang pamilya. Isabay mo pa ang pagpapaligpit niya sa mga taong nangutang sa kanya na hindi na nagbabayad. Naputol ang pagmuni-muni niya nang may narinig itong marahang pagkatok. "Come in," Sabi niya. Pumasok ang isang lalaki na nakasuot na purong itim na suit animo'y isang negosyante. Ngunit ang totoo niyan ay isang hamak na tauhan lang ito. "Boss, wala pa po kaming bagong nakuhang impormasyon tungkol kay Miss," Sabi ng lalaki. Nagbago ang mode ng lalaki at itinapon ang basong hawak-hawak sa solidong pader. Mabilis din nitong dinukot ang baril sa bulsa ng kanyang pantalon at itinutok sa lalaki. Bakas ang takot sa mukha ng lalaki. Kilala niya ang Boss kunti pagkakamali lang ay siguradong patay na agad siya. Binaba ng Boss ang baril at tinalikuran ang lalaki. Napag-isip-isip niya na bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang tauhan total isa 'to sa kanyang pinagkakatiwalaan. "Umalis ka na sa harap ko bago pa magbago ang isip ko at maiputok ko itong baril na ito sa 'yo at 'wag na 'wag kang magpapakita sa akin hangga't wala kang dalang impormasyon tungkol sa kanya," "Maliwanag po, Boss," Sabi ng tauhan bago mabilis na lumabas ng opisina. Muling humarap ang Boss sa bintana. Mabilis na kinuha sa tabi ang bote ng rhum at agad-agad itong tinunga. "Hahanapin kita kahit saang lupalop ka pa naroroon, Mahal, pinapangako ko 'yan at kapag nahanap kita hindi kita papakawalan pa," -----***----- Suzanne Medina Mag-iisang linggo na akong nandito lang sa apat na sulok na silid na ito. Kahit magaan na ang loob ko kay Manang Liza hindi pa rin maalis sa akin ang takot sa kung ano ang madadatnan ko sa labas ng kwartong 'to. Iniisip ko pa lang ang nagkalat na mga tauhan na may dala-dalang baril kagaya nong mga lalaking kumaha sa akin ay parang gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib ko. Minsan din naririnig kong pinag-uusapan nila ako. Kung ano ba ang balak gawin ng boss nila sa 'kin. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga nilang iparinig sa akin o hindi talaga nila alam nandito ako sa loob ng kwartong 'to. Napabuntong-hininga na lang ako. Mag-iisang linggo na rin pala akong hindi nakakapasok sa eskwelahan. Kumusta na ang mga estudyante ko? Miss na miss ko na ang kakulitan nila. Mababalikan ko pa kaya sila? May trabaho pa akong aabutan pagkaalis ko rito? Makakaalis pa kaya ako rito? "Hija, hindi ka ba naiinip dito? Pwede ka namang lumabas sa silid na ito. Wala namang pinag-uutos si Prime na hindi ka palabasin rito. Pwede kang mag-ikot-ikot sa buong mansyon kung gustuhin mo. Sariwa pa ang hangin sa labas," Sabi ni Manang Liza habang papalapit sa mesang kinalalagyan ng pagkain. Agad ko siyang pinigilan nang makita kong kukunin niya ang baso. "Ako na po r'yan, Manang," Nakakahiya naman siyang pang pagliligpitin ko. Siya na nga 'tong nag-abala na dalhan ako ng pagkain. Habang nililigpit ko ang pinagkainan bigla kong naalala ang mga magulang ko. Nakakain kaya sila ng maayos? Kumusta na kaya ang lagay ni Papa? Sina Mama at Nanay Perla? Hindi pa naman sila siguro nahahanap. Wala naman kasi akong narinig na nahanap nila sina Mama. Kahit papano gumaan kunti ang pakiramdam ko na hindi p sila nahahanap. Napatingin ako kay Manang Liza. Kung tanungin ko kaya siya baka may alam siya kahit kunting impormasyon lang tungkol sa mga magulang ko. "Ano 'yon, Hija? May sasabihin ka?" "Manang, may itatanong lang po sana ako," "Ano 'yon, Hija?" "May balita na po ba kayo tungkol sa mga magulang ko?" Wala talaga akong ibang mapagtanungan kundi si Manang Liza lang. "Pasensiya ka na, Hija, wala akong balita sa mga magulang mo," Nanlumo ako sa naging sagot ni Manang Liza. "'Wag kang mag-alala, Hija baka nasa magandang kalagayan ang mga magulang mo," Hindi rin sigurado si Manang Liza. Naalala ko bigla, diba ang mga humarang at kumuha sa akin ay mga tauhan ng pinagkakautangan ni Papa. Tapos narinig ko sa dalawang lalaking 'yon na nag-uusap nong isang gabing 'na pinatay nila lahat ng kasama ko sa van ng oras na 'yon. Napatingin ako kay Manang Liza. Sino sila? Anong kailangan nila sa 'kin? Bakit nila ginagawa sa 'kin 'to? Isa rin ba sila sa pinagkakautangan ni Papa? Pero sabi ni Papa sa isang tao lang naman siya may utang at 'yon 'yong mga lalaking kumuha sa akin no'ng araw na 'yon. Biglang bumalik ang pagdududa ko kay Manang Liza. Bakit ko nakalimutan ang napakahalagang detalying 'to? "May problema ba, Hija?" "Wala po, Manang," Saka ko siya ningitian. Dapat hindi niya mahalatang nagdududa pa rin ako sa kanya. At hindi ko dapat kalimutan ang plano ko no'ng una pa lang. Ang makatakas sa lugar na 'to. "Hija, gusto mo bang lumabas? Maganda roon sa harden. Pwede kang tumambay ro'n at magpahangin," Maganda sigurong makalabas-labas ako rito para maayos akong makapagplano. Ang tanging alam ko pa sa ngayon ay ang malawak na lupain at sa di kalayuan may puno. Sigurado akong hindi basta-basta sasabihin ni Manang Liza kapag nagtanong ako kung saang lugar 'to. Hindi na mahalaga kung nasa'n ako ang importante makaalis ako rito. Ang kailangan ko lang gawin ay magpakabait muna at sundin ang lahat ng gusto ng Prime na 'yon. Batid ko lahat ng ginagawa ni Manang Liza at ng iba pa ay pag-uutos ng Prime na 'yon. "Pwede po ba 'yon, Manang baka magalit po si Prime?" "Diba sabi ko sa 'yo kanina walang pinag-utos si Prime na hindi ka palabasin ng silid kaya ayos lang at saka kailangan mo talaga lumabas-labas minsan. Tingnan mo, ang putla-putla mo na. Hindi ka na nasisikatan ng araw," Iniharap ako ni Manang sa isang life size mirror. Gano'n pa rin naman ang katawan ko, medyo maputla nga lang. "Halika na hangga't hindi pa masyadong mataas ang araw," Sabi niya saka naunang lumabas. Nagpakawala muna ako ng isang lalim na hininga bago sumunod kay Manang Liza. Ito ang unang beses na lumabas ako ng silid na ito magmula ng mapunta ako sa lugar na 'to. Nangunot ang noo ko nang bumungad sa 'kin ang may kahabaang hallway. Maganda ang ikstraktura ng pader pati ang mga ilaw at mga painting na nakakabit ay gawa pa ata ng mga kilalang pintor sa buong mundo. Siguradong napakalaki ng bahay na 'to. Sa hallway pa lang nagsusumigaw na ang karangyaan. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gawi ni Manang Liza. "Hija, ipinapakilala ko sa'yo si Josefa. 'Yong kasama ko nong isang araw," "Magandang umaga po, Ma'am Suzanne," Nakayukong bati ni Josefa sa 'kin. "Magandang umaga rin. Sasama ka ba sa amin ni Manang papunta sa harden," "Pasensiya na po at hindi ko kayo masasahan. Marami pa po kasi akong gagawin. Sasusunod na lang po," Sabi ni Josefa. "Siya sige, mauna kami," Sabi ni Manang Liza. Hindi ko napigilang mamangha nang makita ko ang napakaling chandelier. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Mas lalo akong namangha sa nakikita kong mga kagamitan. Sobrang yaman naman ata ng may-ari ng bahay na 'to. Habang pababa kami ng hagdan napansin ko ang isang malaking painting ng isang pamilya. "Sila ang pamilyang Hayes. Ang may-ari ng mansyon na 'to," Sabi ni Manang Liza. Hindi ko namalayan nahinto na pala kami sa gitna ng hagdan. Sino pala rito ang tinatawag nilang Prime? Marahil itong lalaking nakatayo sa likod ng napakagandang babae. Infernes, gwapo ito at makisig ang pangangatawan pero bakit kailangan pa ako nito? Di hamak namang mas maganda itong babae kumpara sa 'kin. "Itong lalaking 'to si Sir Leonard Hayes, ang head ng Hayes family. Ito naman ang asawa niyang si Lady Marian Hayes," Leonard Hayes. Parang pamilyar sa akiin ang pangalan ni Sir Leonard. Hindi ko maalala kung saan. "Itong batang babae nakalong-kalong ni Lady Marian, ang bunsong anak na babae si young lady Courage," Ang ganda naman ng pangalan niya. "At ito namang batang lalaki nasa gilid, ang panganay, si Clay Hayes o tinatawag naming Prime," Nag-echo sa utak ko ang huling sinabi ni Manang Liza. Ito ang Prime? Napakabata nito. Ibig sabihin gagawin akong s*x slave ng isang bata? Anong klaseng mga magulang 'to na hahayaan ang anak na gagawin ang mga bagay na 'yon. Ang gawing kabayaran ng utang ang isang babae. Agad akong napayakap sa aking sarili nang biglang nanayo ang mga balahibo ko. Hindi ko lubos maisip ng may mga ganitong klaseng tao. Sa likod ng maamo nilang mga mukha ay nagkukubli ang kademonyohan. "Giniginaw ka ba, Hija? Pwede naman tayong bumalik silid mo. Mamaya na lang tayo pumunta sa harden," Napatingin ako kay Manang Liza. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. I wonder kung totoo kaya ang pinapakita nito sa'kin o pagpapanggap lang. "Hija?" "A, hindi po. Ayos lang po ako. Tara na po. Excited na ako makita ang garden," Inunahan ko pa si Manang Liza pababa. Kailangan ko ng magmadaling makaalis dito bago pa dumating ang pamilyang 'yon dito. "Sandali, Hija hindi r'yan ang daan patungong harden," Napatigil ako. Bakit ba kasi inunahan ko pa si Manang Liza, para namang kabisado ko ang lugar na 'to, e, ngayon lang ako lumabas ng silid magbuhat ng dumating ako rito. "Dito ang daan, Hija. Papuntang conference room 'yang tinatahak mo," Conference room? May conference room sa bahay na 'to? "Halika na, Hija," Palinga-linga ako sa paligid habang nakasunod kay Manang Liza. Dapat masaulo ko ang bawat sulok na dadaanan namin para madali akong makagawa ng plano. Nangunot ang noo ko nang wala akong makitang kahit na isang bantay puro mga katulong na naglilinis ang nadadaanan namin ni Manang Liza. "Bakit wala akong makita kahit isang bantay," Na isatinig ko ba ang sinasabi ko? Nakita kong napahinto si Manang Liza at dahan-dahang lumingon sa 'kin. "May mahalagang ginagawa ang mga tauhan ngayon. Hindi ko alam kung kailangan sila babalik, madalas kasi umaabot ng tatlong araw o higit pa bago sila bumalik dito," Sabi ni Manang Liza. Tatlong araw pang wala ang mga bantay. May panahon pa akong makapag-plano ng maayos. "Pero hindi ordinaryong katulong ang mga nandito," "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "Lahat sila ay mga skilled. Kunbaga maalam sila sa pakikipag-away at marunong din sila sa iba't ibang klase ng baril," Napalunok ako saka isa-isang tiningnan ang mga katulong na naglilinis. Anong klase bang lugar na 'to? "Manang Liza, napahaba na ata ang kwento niyo," Napalingon ako sa likod kung saan nang galing ang boses na 'yon. Isa sa mga katulong na may hawak na feather duster. Ako lang ba o talagang may kakaibang bumabalot na aura rito. "Michielyn, alam mo namang masama ang nakikinig at sumasabat sa usapan ng may usapan," Sabi ni Manang Liza ro'n kay Michielyn. "Tss," Saka tumalikod at naglakad palayo. "'Wag mo ng pansinin 'yang si Michielyn, masyado siyang loyal kay Prime kaya gano'n na lang kung umasta 'yon," "Hindi po ba bawal ikwento kung anong meron o sino ang mga narito? Baka po kayo mapahamak dahil ikinuwento niyo sa akin," Ayoko namang maparusahan si Manang Liza dahil sa 'kin. "'Wag kang mag-alala, Hija, hindi 'yan. Nandito na tayo," Kung namangha ako sa loob ng bahay kanina, mas lalo akong namangha sa ganda ng garden nila. Ang daming iba't ibang uri ng bulaklak. Hindi ko napigilan ang sariling lapitan ang isang rose na kulay puti at inamoy-amoy ko ito. White rose ang paborito kong bulaklak. Hindi lang sa mabango ito kundi sa ganda ng kahulugan nito. Purity. "Paborito 'yan ni Lady Marian kaya sa lahat ng mga bulaklak na narito ito ang inilagay niya sa bungad ng papasok sa harden," Pareho pala kami ng paborito ni Lady Marian. Actually, may maliit din akong garden sa bahay namin. Hindi ko alam kung sino na ang nag-aalaga ro'n. Wala namang naiwan sa bahay namin. Hindi naman siguro bumalik sina Mama at Papa ro'n. "At mismong si Lady Marian ang nag-aalaga ng mga bulaklak dito noon," Namalingon ako kay Manang Liza nang mapansin ko ang huling sinabi niya. "Noon po?" Anong ibig sabihin ng noon na sinasabi niya? "Tatlong taon na ang nakaraan ng mamatay sina Sir Leonard at Lady Marian dahil sa isang plane crash," Napatakip ako ng bibig. Hindi ko alam na wala na pala ang mag-asawang Hayes. "Alam mo, Hija, sigurado ako kung nasaan man si Lady Marian ngayon ay masaya ito dahil may mag-aalaga na sa mga bulaklak niya," Ginawa pa akong hardenira. Sabagay, nakakatulong sa 'kin ang mga bulaklak. Nagtatanggal ito ng stress sa 'kin lalo na ang napakagandang amoy nito. "Kaya sana 'wag ka ng umalis dito. Dumito ka na lang," Napayuko na lamang ako. Napakaganda nga ng harden na ito, maganda ang pakikitungo sa'kin ni Manang Liza para na akong prinsesa rito kaya lang hindi ko sila lubusang kilala at hindi ko alam kung anong balak ng Prime na 'yon sa 'kin. Saka may mga magulang ako na hanggang ngayon wala pa akong balita. Gusto ko silang makita at makasama. Kung pwede ko lang sana ibalik ang panahon hindi ko sana hinayaan si Papa na gawin ang gusto niya at malulong sa sugal. Pasensiya na, Manang Liza buo na po ang desisyon kong umalis dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD