Chapter 27 Suzanne Medina Mag-a-alas otso na ng umaga nang kami ay makarating ni Clay sa eskwelahan. Abala ang lahat ng mga estudyante sa pagpapaganda ng kani-kanilang booth. May pa-contest kasi kaming mga guro at ang may-ari ng eskwelahan. Pagandahan ng booth. Ang klase ng may pinakamagandang booth ay exempted sa finals at may cash prize mula sa may-ari ng Hayes-McCain Corp. na siyang major sponsor ng event na 'to. Namataan ko si Aileen na abala sa pagde-decorate ng booth ng klase nila at si Alex naman ay taga-abot ng mga kakailanganin ni besty. Napangiti ako. Hindi ko inakala na magiging malapit sila sa isa't isa lalo na't may nararamdaman pa si Aileen no'n kay Sir Marco. Nilapitan ko sila. Mukhang hindi naman nila napapansin ang presensiya ko. Gano'n ba talaga kapag in love ang i