CHAPTER 8: Ang Pagbabalik

2715 Words
Eight "P'wede bang tantanan mo ang kakatitig sa'kin?" iritableng saad ko saka marahas na idinampi ang hawak kong bulak sa pisngi niya na agad niya naman kinadaing. "Hindi ako santa para titigan mo ng ganyan, at utang na loob... baka maubusan ako ng pasensya sa'yo!" nangigigil na dagdag na kulanhg na lang sapakin ko rin siya para magising-gising ang budhi niya. Nakakairita kasi. Simula nang mag-umpisa akong linisan ang sugat niya ay panay ang salita, titig at ngiti niya. Para siyang malandi na hindi mapakali, at malandi na akala mo makukuha niya ako. Hindi ko alam kung bakit ko ba kasi naisip na linisin ang sugat niya kahit na alam ko namang kayang-kaya naman niya itong gawin. Kaya lang ayoko kasing magkaroon ng utang na loob sa kanya, mamaya singilan niya pa ako ng iba "Damn woman! That stings," pagrereklamo niya habang hawak-hawak pa nito ang pisngi na parang nalugi. Napailing na lang ako dahil sa kaartehan niya. Muli kong pinagpatuloy ang paggamot sa mga sugat na natamo siya. Madami siyang pasa sa mukha at, medyo basag din ang labi niya. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan tatagal ang mga pasa niya sa sobrang pamumula nito. "Kiss mo na lang kaya ako, baka kasi mas effective pa ang halik mo." Masamang tingin agad ang ibinaling ko sa kanya dahil sa sinabi ito. Lagi talaga niyang naisisingit ang kalandian niya. "O ikaw na lang gumamot sa sarili mong tukmol ka—" Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Nakangiti ito ng matamis na para bang nakatingin siya sa isang bagay na sobrang importante sa kanya. "Nagbibiro lang ako, Baby," pagkakwa'y saad nito. Binitawan niya ang kamay ko. "Nahalikan naman na kita kanina, sapat na 'yon," dagdag pa nito. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya at hindi ko alam kung bakit tila... may paru-paro sa tiyan ko. Napalunok ako dahil para bang may nakabara sa lalamunan ko. Huminga ako ng malalim at pilit iwinawaksi ang nararamdaman ko. Nakakainis naman! "Diyan ka naman magaling eh. Kaya nga marami kang nakukuhang babae na paglalaruan mo dahil sa pa ninja moves mo at sweet nothing mo." Inirapan ko siya saka muling tumuloy sa paggamot sa mga sugat niya. "Nagbago na ako, hindi na ako nambababae ngayon. Stick to one na ako, dahil stick to you lang ang puso ko." Ngiting-ngiti ito na kulang na lang umabot hanggang langit ang labi niya. Masamang tingin ang muling ibinaling ko sa kanya. Pagdating talaga sa ganitong bagay hindi siya nagpapatalo, lagi na lang siyang may sasabihin na ikakakulo lang ng dugo ko. "Ano ba kasing ginagawa mo sa lugar na iyon? Sinusundan mo ba ako?" Pag-iiba ko sa topic dahil baka kung saan pa umabot ang usapan namin. Hinipan ko ang sugat niya sa kanyang pisngi habang nilalapatan ito ng ointment. "Imposible namang napadaan ka lang o trip mo lang mamasyal." Nilagyan ko ng bandaid ang sugat niya. Halos maging taong bandaid na siya dahil sa dami ng bandaids mukha niya kaya naman hindi ko naiwasang matawa, para kasi talaga siyang tanga ngunit napahinto ako pagtawa dahil nakatitig lang ito sa akin. "Ang ganda mo talaga kapag tumatawa ka," saad niya na bahagya pang umayos ng pagkakaupo. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kung ano sa loob ko. He really knows how to make things awkward. Hindi ako kinikilig dahil sa sinabi niya ngunit hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon... para bang... marahas akong tumayo. "Where are you going?" agad na tanong niya na napatayo rin nang bigla akong tumayo mula sa kinauupuan ko. I secretly took a deep breath as I keep calming my nerves. I suddenly can't understand myself. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sabihan niya ako ng something cringe. Oh d*mn! Cut it off Krystal! Muli akong huminga ng malalim. "Kukuha lang ako ng ice cubes," saad ko saka tinungo ang kitchen niya ng hindi siya binabalingan ng tingin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pilit pa ring kinakalma ang aking sarili. Ano bang nangyayari sa akin? "Ay pangit!" gulat na sigaw ko nang biglang tumambad sa harapan ko si Zeikko. Ni hindi ko man lang siya namalayan o nararamdaman. Marahas ko siyang tinulak dahil naaalibadbaran na talaga ako sa pagmumukha niya. "Hindi ako pangit. Gwapong-gwapo nga ibang tao sa'kin," pagyayabang niya na agad ding sumunod sa akin. Napairap na lang ako sa kawalan at hindi na ako muling nagsalita dahil baka kung saan na naman aabot ang usapan naming dalawa. "Aalis ka na?" tanong niya nang muli akong tumayo. "You should stay here. Mas safe ka rito." Hindi ko alam pero agad nagtaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Yung kaninang nerves ko na hindi ko maikalma ay biglang naging kalmado. "Nagpapatawa ka ba? Paano ako magiging safe kung kasama kita?" taas kilay na tanong ko saka napailing na lang. Baka nakakalimutan niya na hinalikan niya ako kanina at ginagawa ko lang ito dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sinagip niya ako kanina. Tsk. Naalala ko na naman tuloy. "I can guard and protect you. Hindi kita pababayaan." Ngumiti pa ito na tila ba sobrang ganda ng sinabi niya, napailing na lang ako. Nakakapagod siyang kausap. "You can use my laptop if you want." Agad akong napatingin sa kanya. Iyan ata ang pinakamagandang sinabi niya sa loob ng ilang oras na pamamalagi ko rito sa hotel room niya. Akala ko pambubwisit lang ang ambag niya sa buhay ko. Minsan talaga may kwenta rin siya. Tumayo ito at tila tinungo ang kwarto niya, paglabas niya ay dala na nito ang laptop niya. Muli itong umupo sa tabi ko at nilapag sa center table ang laptop. "What the hell?" singhal ko nang makita ang wallpaper ng laptop niya. I stared at him in disbelief but he just smiled at me as if it's not a big deal at all. "Mind to explain yourself, Zeikko?" I stated in gritted teeth. Because I swear! This is really so annoying right now! How the hell that his photo wallpaper still existing when I told him before to delete it? "Did you trick me? Ya! Sinunod kita for one week back when we were in college because you told me if I do that you'll going to delete that sh*t." I really am losing my cool right now. This is infuriating. It was our school founding anniversary. Sa marriage booth iyon. Hinila lang naman ako ni Zelly do'n kasi sila ang nag ma-manage ng booth. Dahil nga wala pa silang kita no'n dahil super baduy at luma na ng naisip nila... nagpahila na lang ako at hinayaan siya, sabi rin kasi niya si Teng ang groom ko, pero Tengena naman, imbis na ang pangarap kong Teng ang bumungad sa akin, isa namag dyablo na tinubuan lang ng ulo. "I did delete it," he said innocently. I glared at him and I was about to scold him when he speaks. "I really did. Do you still remember the president of photo org.? Alam kong kilala mo siya. We accidentally met last year sa New York, and we talked about a lot of things including what happened in the marriage booth, after that I received an email from him," he explained as if it will kill him if he will leave any words. I just stared at him. Maniniwala ba ako sa kanya? Totoo ba ang mga sinasabi niya? "I'm telling the truth. Baka gusto mong mag lie detector test pa tayo, o I'll call him para maniwala ka," nakabusangot na saad niya. "Masarap at gwapo lang ako, pero hindi ako sinungaling pagdating sa'yo." I rolled my eyes. "Oo na. Naniniwala na ako." Mukha namang makatotohanan ang mga sinasabi niya. Tinuon ko ang atensyon ko sa laptop kahit naaasiwa ako sa wallpaper ngunit hindi nakaligtas sa mata ko ang pagngiti ni Zeikko. "What are you doing?" tanong niya na bahagya pang pinigilan ang kamay ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Bakit? May problema ka ba?" Balak ko kasing palitan ang wallpaper dahil hindi ko kayang makita ang sarili ko na nasa iisang picture kasama siya at naka-wallpaper pa. Ugh! "Cute naman ah," aniya na inagaw pa sa akin ang laptop. "I'm only letting you use my laptop, so you don't have any rights to change anything from it. It's my property, Krystal." Sarkastiko akong natawa dahil sa sinabi niya. So ako pa ang magiging masama ngayon? At sa anong anggulo ang cute diyan? Ngayon lang ata ako nakakita ng ikinasal sa marriage booth na hindi masaya at mukhang napipilitan lang. Tsk. "Huwag mo akong umpisahan, Zeikko," pagbabanta ko pero umiling ito na tila ba ayaw niya sa balak kong gawin. "Give me back your laptop." Akmang aagawin ko na ito sa kanya nang yakapin niya ito. It's okay for me that he will keep it, but does he need to make it as his wallpaper? Paano na lang kung may makakita niyan? Jusmiyo! Parang hindi iyon maatim ng sikmura ko. Marahas akong bumuntong hininga. "Okay fine. Hindi ko na papalitan," suko ko. Mas kailangan ko ngayon ang laptop niya dahil baka may email na sa akin si Chief at may issue na kailangan kong gawin. "Promise?" aniya kaya muli ko siyang pinagtaasan ng kilay. Nagugulat talaga ako sa lakas ng loob ng gagong ito. "Sa akin mo pa talaga tinanong 'yan?" I make face as I took away the laptop to him. Umayos naman siya ng pagkakaupo. "The last time you promise, you broke it though." Natigil ako sa pagtipa sa laptop niya dahil sa sinabi nito. Hindi ko naman maiwasang mapakunot noo. "What do you mean?" I arched a brow, but instead answering me he just shrugged his shoulder and rest his back on the sofa with his eyes close. I just shrugged my head and only focus on the things I need to do. "What are you doing?" he suddenly asked. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko at hindi na siya pinagtuunan pa ng pansin kahit panay ang papansin nito. "The hell!" singhal ko nang bigla siyang naglean sa akin. "Alam mo kung wala kang matinong gagawin pumasok ka na lang sa kwarto mo at matulog ka," saad ko. Tinulak ko pa siya na ikinatawa lang niya. Nakakaubos talaga siya ng pasensya. "I'll stay here. Just do your thing," he said as he lean his back again at the sofa as he closed his eyes. Marahas na lang akong napabuntong hininga at hinayaan siya. Tumawag ako sa office to inform them what happened tonight, sinabi ko rin na nasira ang laptop ko. Nag-alala sila sa security ko pero inexplain ko naman maayos lang ako ngunit hindi ko na sinabi ang tungkol kay Zeikko dahil panigurado mas magtatanong lang sila sa akin at baka iba pa ang isipin nila. They also asked me if okay lang ba talaga ako dahil ata nagtaka sila the way I speak dahil mukha raw hindi ako apektado sa nangyari kahit na sobrang traumatizing ang nangyari sa akin. Hindi ko rin alam sa sarili ko siguro dahil alam kong darating si Zeikko. Bahagya akong napalingon sa pwesto ni Zeikko, nasa tabi ko pa rin siya pero mukhang tulog na ito. Mahina ko pa siyang sinagi para lang masiguro ko kung tulog na siya ngunit halos manigas ako sa kinauupuan ko nang bigla siyang bumagsak sa balikat ko, itutulak ko sana ng ulo niya nang maramdaman kong mainit ang noo nito kaya agad kong kinapa ang noo niya at kinompara iyon sa'kin. "Uh? He's burning," I muttered, confused. Anong nangyari sa gagong 'to at bigla na lang inapoy ng lagnat? Muli ko siyang pinakiramdaman. May sakit ba talaga siya o landi lang niya ito na hindi niya mailabas? Mahina ko siyang tinapik pero tila mahimbing na ang pagkakatulog nito. Dahan-dahan na lang akong gumalaw at tinanggal ang pagkakapatong niya sa balikat ko, at inihiga siya sa sofa. Nang masigurong okay na ang pwesto niya tinungo ko ang kitchen at kumuha ng cold compress para panlagay sa noo niya. Hindi na lang kasi natulog sa kwarto niya eh. Napapailing na lang ako. Idinampi ko ang towel sa noo niya. Umungol pa ito na tila ba nalamigan sa inilagay ko sa noo niya. "My head hurts," he muttered still his eyes closed. Maging ang boses niya ay tila nanlalambot na din. Hindi ko naman akalain na tinatablan din pala ng lagnat ang mga galing sa impyerno. "Malamang. May sakit ka." Hindi ko talaga mapigilang maging sarkastiko kapag siya ang kausap ko. "Wait here. May dala akong gamot sa room ko. Huwag mong tatanggalin 'yang towel sa noo mo." Tumayo ako at akmang aalis na nang pigilan niya ako. "I'll come with you." Agad nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Akmang tatayo ito nang pinigilan ko ito. "Don't you dare," pagbabanta ko ngunit tila nanlambot ang puso ko nang makita ang kanyang mga mata. Halata sa mga mata niya na may sakit siyang iniinda. "Saglit lang ako, huwag kang maarte." Pagkatapos ay mabilis na akong lumabas sa unit niya at tinungo ang unit ko na katabi lang din ng kanya. Pagbalik ko sa unit niya mabilis akong lumapit dahil tila nanginginig ito sa lamig. Agad akong kumuha ng kumot. Isinara ko rin ang nakabukas na bintana at pinatay ang aircon. Kinakabahan naman ako sa gagong 'to. Lumuhod ako sa tabi niya at inalalayan siyang umupo para mapainom ko siya ng gamot. No'ng una ay nag inarte pa ito ngunit pagkakwa'y sumunod din sa'kin. Buti na lang talaga nakukuha siya sa tingin. "Kaya mo bang tumayo? It's better for you to rest on your room." Nanatiling nakapikit ito habang nakaupo ngunit halos manigas naman ako nang bigla niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko, magrereklamo sana ako at itutulak siya nang ipulupot niya ang kamay niya sa bewang ko. "Five minutes," saad niya na ikinatigil ko. Kahit na hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon ay hinayaan ko na lang siya. Ramdam ko ang init niya at alam kong may responsibilidad ako sa nangyaring ito sa kanya. "District Nine restaurant, eight o'clock in the evening, year 2018." My brows immediately furrowed when he speaks. What is he talking about? Is he sleep talking this time... I was taken aback when he suddenly lifted his head though his hands are still around me. A faint smile pasted on his face. "The promise you broke," he stated that made me more confused. He caress my hair sweetly. "You sleep at my room, I'll sleep here. I'll guard you." Napatitig ako sa kanya. Tama ba ang mga naririnig ko? Totoo ba ang mga nakikita ko ngayon? He looks different. Promise that I broke? I don't get it. "Mamatay ka na ba?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magtanong. Mas lalo naman siyang napangiti. Hinawakan ko ulit ang noo niya. "Baka dinidiliryo ka na." Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko. "Pumasok ka na sa kwarto mo. Dito muna ako at tatapusin ko ang ginagawa ko." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya, saglit niya itong tinignan pagkakwa'y tinanggap niya rin. Inalalayan ko siya patungo sa kwarto niya. "You should stay here instead." My brows furrowed. "You hate it when you're alone," he added as if he really knows me. He's right though. Isa sa pinka-ayaw ko ay mag-isa. Pakiramdam ko kasi kapag mag-isa ako ay unwanted ako o kaya unworthy. Ayokong nang pakiramdam na mag-isa, nalulungkot ako. Kinaumagahan ay mahimbing pa ring natutulog si Zeikko kaya naman bago ako umalis sa unit niya ay pinagluto ko na muna siya, sigurado naman ako na baka kape lang ang inumin niya kaya nagluto na lang ako at inilapag iyon sa side table niya. Buti na nga lang din ay bumaba na ang lagnat niya. Bumalik ako sa unit ko, mabilis akong naligo at nag-ayos dahil marami pa akong gagawin. Busy ako sa pag-aayos ng mga gagamitin ko nang mabaling ang atensyon ko sa phone ko, at halos mabitawan ko ang phone ko nang mabasa ko ang natanggap kong mensahe. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na tila kakawala ito. Napaupo ako sa kama. Ramdam na ramdam ko ang panlalambot ng aking katawan. "Bakit ngayon pa?" tanong ko sa aking sarili. Akala ko okay na ako, pero tingin ko hindi pa. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD