CHAPTER 9: Ugh Nakakairita

2650 Words
Nine Minsan talaga may mga bangungot na akala mo wala na at hindi na muling babalik pa, kaya lang may mga pagkakataon talaga na sobrang hirap pa rin itong iwasan, takasan at kalimutan. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ako magiging ganito, akala ko kasi okay na ako — ngunit nang makita ko ang article tungkol sa pagbabalik niya tila ba bumalik sa akin lahat at ayaw iyon tanggapin ng sistema ko. Ginawa ko naman lahat para kalimutan siya o kalimutan ang mga masasayang ala-ala naming dalawa. Iniwasan ko nga ang mga bagay na makapagpapaalala sa akin sa kanya. Lahat iniwasan ko masabi ko lang sa sarili ko na okay na ako, kaya lang ginawa ko lang palang tanga ang sarili ko, dahil heto na naman ako hindi mawari ang gagawin. Natatakot ako na baka bumalik lang ulit sa akin ang lahat. Ayoko na ulit maranasanan ang mga naranasan ko kasi sa totoo lang sobrang naging mahirap sa akin lahat. "Kanina ka pa bumubuntong hininga, may problema ka ba? Care to share?" Hindi ko binalingan si Zeikko na umupo sa tabi ko. Pareho kaming nakaharap sa dalampasigan. Sobrang sarap pagmasdan ang alon. Katatapos ko lang idraft ang story ko about sa islang ito at gusto ko sanang mag enjoy kahit papaano, kaya lang dahil may isang Zeikko na laging nakabuntot sa akin, mas kumukulo pa ang dugo ko kesa matuwa. Sa ilang araw na nanatili ako rito, puro mura na lang lumabas sa bibig ko sa tuwing kasama ko si Zeikko. Nagiging masamang tao ako dahil sa kanya. "Huwag mo kasi akong masyadong isipin, kaya ka nai-stress eh..." Mas mabilis pa sa alas kuwatro niyang itinikom ang bibig niya nang samaan ko siya ng tingin. Iba talaga ang tabas ng dila niya. Sobrang nakakairita. Ang lakas ng loob niya! "Wala ako sa mood para makipaglokohan Zeikko kaya mas mabuting na lang na umalis ka sa tabi ko," puno ng pagbabantang saad ko. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina ko pa siya tinapunan sa dagat para kainin siya ng mga pating. Gusto kong mapag-isa at magmuni-muni sa paligid. Kailangan ko ng peace of mind ngayon, pero mukhang walang balak si Zeikko na umalis. Kahit kailan talaga pasakit sa buhay ko ang kulugong ito na walang ginawa sa buhay ko kundi ang magpapansin. "Nagtatanong lang naman ako kung anong problema mo. Kasi kung ako ang tatanungin mo, ikaw lang naman problema ko," aniya na para bang natutuwa pa ito. Hindi talaga siya nauubusan ng sasabihin. Tumayo ako at akmang aalis na nang hawakan niya ang kamay ko. "Aalis ka na? Stay here. Gusto kong makitang lumubog ang araw kasama ka." Pinagtaasan ko siya ng kilay. He looks sincere, ni hindi niya binitawan ang kamay ko. "Gusto mong mapanood ang araw na lumubog? Gusto mong mauna kang lumubog?" Puno ng pagbabanta ang tono ko dahil swear, hindi ko na talaga kinakaya ang ugali niya. "Bayad mo na lang ito dahil sa mga pasang natanggap ko," dadag niya saka pa niya hinawakan ang mukha niya gamit ang isa niyang kamay. "Masakit pa rin ang mga sugat ko, Baby." Nag pout pa ito na akala mo naman bagay niya. Mukha siyang bibe na hindi makaire. Umirap ako. "Tingin mo gagaling 'yan kapag pinanonood mo ang paglubog ng araw kasama ako?" taas kilay na tanong ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko. "Masyado atang naalog ang utak mo sa mga sapak na natanggap mo kaya kung ano-ano na naman ang sinasabi mo," pagtataray ko. Pero kahit na anong pagtataray ata ang gawin ko ay hindi iyon umeepekto sa kanya. Ngumiti siya. "Mas effective kapag hahalikan mo, pero hindi naman kita pipilitin kasi baka pagdumampi lang ang labi mo saglit sa akin ay baka diretso langit ang punta natin — aray!" daing niya nang sinabunutan ko siya. Sobrang dugyot talaga niyang mag-isip. Hindi ko alam kung paano gumagana ang utak niya at sobrang bilis makapag-isip ng kadugyutan. "Kung ikaw kaya dalhin ko sa impyerno?" gigil na gigil na tanong ko. "Bakit papainitin mo ako? D*mn Baby! I like that idea." Jusko! Kung hindi lang talaga kasalanan ang pumatay ay baka naibaon ko na siya ng buhay ngayon pa lang. Habang tumatawa si Zeikko, ako naman ay halos mapigtas ang litid ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. Bago pa tuluyang maubos ang pasensya ko ay mas pinili ko na lang umalis. Peace of mind ang kailangan ko hindi ang demonyong tulad niya. "Krystal!" Rinig kong tawag niya, tumamatawa pa rin ito kaya lang hindi ko na lang siya pinansin dahil baka kung saang lupalop pa ng mundo umabot ang away naming pareho. Kung hindi lang dahil sa laptop niya ay hindi ko naman siya kakausapin. Muli akong bumalik sa hotel room ko kesa mas inisin ko pa ang sarili ko dahil sa kanya. Kinuha ko ang laptop niya na nakapatong sa center table saka ko tinungo ang veranda. Habang tumatagal ay mas lalong tumataas ang confidence ni Zeikko, akala ata kasi niya madadaan niya ako sa gano'n, aba nagkakamali siya. Kahit siya na lang ang nag-iisang t*te sa mundo hindi ako susubo. Nabaling ang tingin ko sa phone ko nang tumunog ito. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Zelly. "FINALLY!" singhal ko pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag. "Buti naman tumawag ka na. Nakailang missed calls at messages na ako, akala ko naman may nangyari ng masama sa'yo. Bakit ngayon ka lang kasi tumawag?" pagmamaktol ko. Narinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya. Nagawa pa talaga niyang tumawa gayong nag-alala ako sa kanya. [Mabuti lang ako rito, sadyang mahirap lang makahanap ng signal. Nabasa ko yung messages mo. Kasama mo si Zeikko diyan sa isla?] Mukhang maayos naman ang lagay niya dahil sa tono nito. Medyo naginhawaan na ako. Kung hindi pa nga siya tatawag ay kukuntyabahin ko si Zeikko na tawagan yung kaibigan niyang ugok para lang makasagap ako ng balita kay Zelly. Magkaibigan kasi sila ni Captain. "Zel, ilang araw na akong bugnot dito dahil sa kanya. Para siyang aso na sunod nang sunod," pagsusumbong ko na para bang bata. "Pero ayoko siyang pag-usapan. Kailan ka uuwi?" Nasa medical mission kasi siya ngayon, madalas niya itong gawin, at naging parte na talaga ito sa propesyong kinuha niya. [Maybe next week... Doc Zelly kailangan po kayo sa ward 7...] Napabusangot na lang ako dahil alam kong mapuputol na ang pag-uusap naming dalawa. [Bessy, gotta go. Talk to you later if I have time. See you in a bit.] Marahas akong napabuntong hininga nang putulin niya ang tawag nang hindi pa ako nakakapagsalita. Sobrang dami kong gustong sabihin sa kanyang kaya lang pinili ko lang ang imemessage ko dahil ayoko namang mag-alala siya. Wala pang alam si Zelly sa utang ng pamilya ko, at maging ang nangyari sa aking panganib dito sa isla. Siya lang naman ang kaibigan ko, kaya wala na akong ibang mapagsasabihan pa ng worries ko. Alas syete ng gabi nang maisipan kong bumaba para kumain. Pinili ko talaga na kumain ng maaga para hindi ko makasabay si Zeikko na ginawang hobby ang panlalandi sa akin. "Miss Mineses, tatawagin ko ho ba si Mr. Teng?" tanong ng waiter nang makita niya ako. Mukhang ang tingin kasi ata nila ay kasintahan ko si Zeikko. Umiling ako. "Huwag na ho. Ngpapahinga siya," sagot ko, kahit na hindi ko naman talaga alam kung nagpapahinga ba siya o hindi. Tama si Zeikko hindi ako sanay kumain mag-isa, kaya lang mas ayoko namang kumain kung siya ang kasama ko. Umupo ako sa may mahabang mesa kung saan may pamilyang kumakain, at least sa paraang ito hindi ko iisipin na mag-isa ako. Nasa phone lang ang tingin ko habang hinihintay ang pagkain ko. May mga articles pa rin akong nababasa tungkol sa pagbabalik ni Kiel kasama ang fiancé niya, kung tutuusin wala naman na sana akong pakealam dito kaya lang hindi ko pa ring maiwasang makaramdam ng bigat sa puso. Sobrang bilis kasi ang pangyayari para sa akin. Sobrang saya lang namin eh, tapos bigla niyang sasabihin sa akin na hindi na niya ako mahal, iyon ang hindi ko maunawaan at matanggap. Sobrang bilis niya akong binitawan at isinuko. "Miss, mag-isa ka lang ba?" Nag-angat ako ng ulo. "Wala na kasi kaming ibang mapupuntahan na table ng pamilya ko, p'wede ka bang lumipat kung mag-isa ka rin lang?" Ngumiti ako at tumango saka ako tumayo. "Salamat." Muli akong naghanap ng mauupuan ko. Halos lahat ay okupado na. May lumapit naman sa akin na waiter. "Miss Mineses, available po ang mga upuan sa pool side, baka gusto niyo ho doon kumain," saad niya na para bang alam niya na nahihirapan akong tumingin ng mauupuan ko. "Ipapadala ko na lang doon ang pagkain niyo." Sa huli ay wala rin akong nagawa dahil nawalan na ako ng mauupuan. Tinungo ko na lang ang pool side. May mga kumakain din sa paligid at naliligo, kaya lang mas maingay dito. Hindi nagtagal ay dumating na ang pagkain ko, ngunit hindi ko maiwasang mapairap nang makita kung sino ang nakasunod sa waiter. Tignan mo nga naman ang g*go, ang bilis makaamoy na akala ko isang masunuring aso. Hindi ko maiwasang mapairap nang magsalubong ang mga mata namin. "You're hurting my ego, Krystal," aniya nang mailapag niya ang pagkain niya sa mesa. Umupo ito sa tapat ko kahit hindi ko pa man sinasabi na umupo siya. Ang lakas talaga ng loob niya. "Bakit hindi ka rin ba makakakain mag-isa?" taas kilay na tanong ko. "Ikaw lang ang inaalala ko. Baka mamaya sumakit na naman ang tiyan mo dahil hindi ka matunawan. Ako lang ang kakilala mo rito, kaya responsibilidad kita." Ngumiti pa ito bago niya kunin ang pagkain ko at ipinalit ang plato niya kung saan nahiwa na ang steak. He is acting as if he is a gentleman again. He really got some nerves, I swear. "Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ang tulong mo," may diing turan ko. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya nang magsalubong ang mata namin. "Kaya pala grabe na lang 'yung yakap mo sa akin nang dumating ako nung gabing iyon. Kaya pala ang sarili huh," sarkastikong turan niya saka pa ito sumubo ng steak. Kahit kailan talaga! Hanggang kailan ba niya ipipilit ang sarili niya na sobrang saya ko nung dumating siya nung araw na iyon? Mukhang nawiwili ata siya sa pagiging assuming niya. "So utang na loob ko pa ang pagtulong mo?" Hindi ko naiwasang magtaas ng boses dahil sa sinabi niya. "Una sa lahat hindi ko naman sinabi na puntahan mo ako —" "Krystal, don't twist my words," he cut me off. He looks suddenly annoyed. "Alam kong ayaw mo sa akin, pero huwag mon namang kwestyunin ang tulong na ibinigay ko." Tila napipe ako dahil sa sinabi niya. Marahas itong bumuntong hininga. "Let’s just eat," he then said with a faint smile pasted on his face. Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit bigla akong na konsensiya? Alam ko naman na napahamak siya dahil sa akin, at nagpapasalamat ako sa pagdating niya — pero... ayoko lang kasi na ipinipilit niya ang isang bagay na hindi na dapat. Nakakainis talaga! Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagkain ko. Walang umiimik sa amin. Literal na kumakain lang kami. Pansin ko ang tingin niya sa akin kaya lang hindi ko na lang ito pinansin. Nauna akong natapos na kumain, at alam ko naman ang salitang respeto kaya hinintay ko na muna na matapos siya bago ako umalis. "My brother is back," basag niya sa katahimikang tumagal ng halos kalahating oras. Tinignan ko siya. Nagpunas siya ng labi bago muling kinuha ang baso ng tubig sa gilid niya. Tumitig siya sa akin na para bang binabasa ang nasa mata ko. "So you already know about it." He smirked as if he found out something insulting. "Don't tell me you still have feelings for him?" His tone became more annoyed. I rolled my eyes. "Ano namang pakealam mo kung may nararamdaman pa ako sa kanya? Kiel is far from different from you, and never will —" "Stop it Krystal, I don't want to hear it any longer," he cut me off full of despised. "Alam mo naman sigurong nasasaktan ako sa tuwing ang kapatid ko na lang lagi ang bukambibig mo?" Naging mas malinaw sa akin ang pagkairita niya. Kalmado man ang mukha niya ngunit ang mga mata niya? Hindi ito makakapagsinungaling sa akin. "Alam kong hindi ako si Kiel, at hindi ko siya mapapantayan sa'yo. Krystal, ilang taon akong naghintay... at patuloy akong maghihintay." Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Kaya kong ibigay sa'yo lahat, Krystal, piliin mo lang ako." His eyes immediately change into a calm one. Zeikko is cold to those people he thinks that they approach him just to leech off his money, and not even once I saw him kind and soft to anyone — but to me, he is always the kind of person that always got my back. Yes, I saw him date so many girls, however the way he treats me is different from the way he treats his girls. Kahit ilang beses ko siyang pinagtutulakan, lagi pa rin siyang bumabalik. "Ano bang nakita mo sa akin?" Hindi ko na naiwasang magtanong. Ngumiti siya. "Family," simpleng sagot niya. Tila may kung anong kumislot sa puso ko nang marinig ko ang isang salita na lumabas sa bibig niya. "Just accept the contract, for three months, be my family." Tila nangungusap ito sa akin na para bang iyon ang pinakagusto niyang mangyari sa buhay niya. "Bakit, may sakit ka ba? Mamamatay ka na?" Kasi parang napakaimposible naman ata ng gusto niyang mangyari. Malutong itong tumawa. "Bakit kailangan ko pa bang mamatay?" Muli akong umirap. "I'm serious Zeikko." Sumandal ito sa kinauupuan niya habang naglalaro ang daliri niya sa ibabang labi nito na para bang nag-iisip na naman siya ng kalokohang lalabas sa pasmado niyang bibig. Ako naman ay nanatiling masama lang ang tingin sa kanya. "I'm dead serious over you, Krystal. Sobrang tagal kitang hinintay. Umalis ako kahit na noong panahon na iyon gusto na lang kitang itago, but I don't want to be the selfish jerk you hate." Sobrang galing niya kung paano niya gamitin ang mga salitang sobrang simple lang naman sana. Siguro dito niya nakukuha ang mga babaeng gagawin niya putahe para lang makuha ang gusto niya. "Let’s not talk about that anymore. Tapos na akong kumain, at mukhang tapos ka na rin naman. At wala naman na akong sasabihin sa'yo," saad ko ng hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Tumayo na ako, dahil kung tatagal pa ako rito ay baka mas lalo lang tumagal ang kabulastugan niya. "A week, I'll give you a week to decide, after that week if you didn't come to me, you'll need to offer your body before the contract will be valid again," he said in a serious tone. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Tingin mo talaga kakapit at lalapit ako sa'yo? Zeikko, kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, hinding hindi ako hihingi ng tulong sa isang katulad mo," may diing turan ko at bago pa man siya makapagsalita ulit ay nilayasan ko na siya. Sinasabi ko na nga ba at may iba talaga siyang gusto. Ano? Gusto niya ang katawan ko? Hindi ako maduming babae para gawin iyon. Oo, nangangailangan kami ng pera pero hinding-hindi ko ipagkakalulo ang katawan ko sa kanya. Nasa matinong pag-iisip pa ako, at mas lalong hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Pero mukhang sinusubukan ata ako ng tadhana kasi pagkapasok na pagkapasok ko palang sa kwarto ko ay nakatanggap ako ng tawag galing sa kapatid ko, nawalan daw ng malay si Papa dahil sa pagod sa trabaho. Napaupo na lang ako sa kama dahil sa panlalambot nang matapos ang tawag. Sobrang bigat ng puso ko na para bang pinipiga ito ng paulit-ulit, sobrang sakit. ---

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD