Seven
Ramdam ko ang takot na nabuo sa buong katawan ko lalo na nang haplusin ng lalaki na tila pinuno ng dalawa ang buhok ko. Kanina pa ako nagdadasal. Humihingi ng milagro na sana ay may dumating upang sagipin ako mula sa mga lalaking ito. Nakailang tawag na ako sa mga santo at santa kaya lang mukhang hindi nila ako naririnig.
"Ipasok na 'yan sa loob!" sigaw ng lalaki saka ito tumawa na para bang may gagawin siya sa akin na hindi maganda.
"Mukhang magsasaya tayo ngayon!"
Mas lalo akong natakot nang hinila ako ng dalawa at pilit pinapapasok sa isang mukhang abandunadong lugar. Gustuhin ko mang sumigaw upang humingi sana ng tulong kaya lang tila nalunok ko ang dila ko dahil sa takot at panlalambot na nararamdaman ko. Bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Zeikko..." bulong ko habang patuloy ang pagbagsak ng luha ko.
Kung kailan pinaka-kailangan ko siya ay wala naman ito. Sabi niya poprotektahan niya ako pero nasaan siya ngayon? Alam ko na wala ako sa sitwasyon para sa sisihin si Zeikko ngayon kaya lang hindi ko maiwasang manliit para sa sarili ko. I'm so helpless.
Pilit akong nagpupumiglas sa hawak ng dalawang lalaki ngunit mariin kong naipikit ang mga mata ko nang makatanggap ako ng malakas na sampal. Nalasahan ko agad ang dugo sa aking labi. Tumalim ang tingin nila sa akin na para bang isang angal ko pa ay magiging malamig akong bangkay.
"Miss tumigil ka kung ayaw mong masaktan," saad ng isang lalaki na hindi naman katangkaran ngunit malaki ang katawan nito.
Masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya at kinuha ko ang lahat ng lakas ko para makawala sa hawak nila at nang magawa ko iyon ay mabilis akong tumakbo ngunit nahuli pa rin nila ako.
"Ang kulit mo!" Muli akong nakatanggap ng malakas na sampal.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo habang paulit-ulit akong nagdadasal sa isip ko. Muli nila akong kinaladkad. Katapusan ko na ba? Pero marami pa akong pangarap sa buhay.
"Mga tol, mukhang akin 'yang hawak-hawak niyo ah."
Namatay na ba ako? Bakit bigla akong nakarinig ng pamilyar na boses. Naririnig ko ang boses ni Zeikko.
"Baby, don't worry I'm here now."
Mas lalong bumuhos ang luha ko nang muli kong narinig ang boses niya at kahit hindi ako mag-angat ng ulo o balingan siya ng tingin kilalang-kilala ko kung sino ito. Bakit nandito siya? Paano? Ligtas na ako.
"Let me see your face, Baby. Sinaktan ka ba nila?"
Dahan-dahan akong nag angat ng ulo, halos humagulgol ako nang makita si Zeikko. Nang magsalubong ang mga mata namin ay ngumiti siya sa akin na para bang kinakalma niya ako.
"Sinaktan ka ba nila?" muling tanong niya, ngayon ay may halong galit ang boses niya. Kiya ko ang pag-igting ng kanyang panga.
Tumango ako. "T-They slap m-me," I said in between my tears.
Nanatili pa rin siyang nakangiti ngunit agad nagbago ang mukha at mata niya nang balingan niya ng tingin ang mga lalaki. Zeikko is a well known gangster back when we were in high school. Lagi siyang napapaaway dahil sa kayabangan niya at madalas ay kinatatakutan siya.
"Tol, mukhang mali ata ang tinutukoy mo. Umalis ka na lang kung ayaw mong umuwing bangkay."
Kita ko ang mabilis na pagbabago ng mukha ni Zeikko. Naglakad siya palapit sa amin. His eyes is dark and cold. Nakalagay ang mga kamay niya sa magkabilaang bulsa nito. Kahit nakangiti siya ay halata pa rin ang pagbabanta sa kanya. Pagbabanta na hindi ko alam kung paano niya nagagawa gamit lamang ang mga mata niya.
Akala ko katapusan ko na. Akala ko hindi siya darating dahil sobrang imposible nito. Akala ko... patuloy pa rin ako sa pag iyak kahit gaano ko pigilan ang luha ko. Ramdam ko pa rin ang panginginig ko at takot sa akong sistema. Gusto ko nang umalis sa lugar na ito.
"Don't cry, Baby. You're safe now," he said in a calm soft tone.
Sa tuwing babalingan niya ako ay nakangiti ito at maliwanag ang kanyang mga mata ngunit sa tuwing ang tatlong lalaki ang titignan niya ay sobrang bilis magbago ng ekspresyon niya.
Nagtawanan ang mga lalaki na tipong isang malaking joke at pagkakamali ang sinabi ni Zeikko. Napasinghap naman ako nang biglang inambaan ng lider ng suntok si Zeikko na mabilis niyang naiwasan.
Ilang beses nakatanggap ng suntok si Zeikko ngunit mas maraming beses ang balik nito sa lider na ngayon ay duguan na ang mukha. Binitiwan ako ng dalawa at agad sumugod kay Zeikko na panay ang salag nito sa mga suntok na ibinibigay sa kanya.
Gusto ko mang tulungan si Zeikko ngunit wala akong magawa kundi ang manood lang.
'Zeikko please... lumaban ka,' saad ko sa aking sarili.
Napasinghap ako nang marahas na bumagsak si Zeikko kaya naman agad siyang pinagtulungan ng tatlo. Naikuyom ko ang aking kamao at kahit takot na takot na ako ngayon ay kinuha ko ang kahoy na nasa gilid at mabilis na sumugod sa tatlo. Malakas ko silang pinalo sa likod... ngunit mabilis lang nakuha ng lider ang kahoy sa akin kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong saktan ako. Ramdam ko ang pagkahilo ko nang dumapo ang palad ng lalaki sa pisngi ko na siya ring naging dahilan ng aking pagbagsak.
Shoot! Mariin Kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa pagkahilong naramdaman ko.
"Don't f*cking touch her." Zeikko said in a warning tone. He tried to stood up even though his face already surrounded with cuts and bloods. I feel sorry all of a sudden.
I groaned out of pain when suddenly the gang leader grab my hair and make me stand up. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Zeikko, at alam ko hindi na magiging maganda ang susunod na mangyayari.
"Get your damn f*cking hands off of her," may diing turan niya. He looks dangerous right now. Ang dalawang lalaki na kasama ng may hawak sa akin ay tila natakot sa aura na ipinakita ni Zeikko. Mas lalong dumoble ang takot na nararamdaman ko nang mag umpisang maglakad palapit sa amin si Zeikko. Akmang susugod ang dalawa ngunit nang tignan sila ni Zeikko ay nahinto ang mga ito.
"Give her to me or else..." Agad akong binitawan ng gang leader at itinulak palapit kay Zeikko bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, dahil doon pareho kaming bumagsak ni Zeikko.
Akmang susugod muli ang tatlo nang makarinig kami ng tunog ng police car kaya naman tila parang isang bulang naglaho ang mga lalaki. Mas lalo akong nabuhayan ng pag-asa. Ligtas na kaming pareho.
"Are you okay?" puno ng pag-aalalang tanong ni Zeikko. He cupped my face as he started to check me intently. "Damn that stupid ass*oles! I will make them pay for what they did to you —"
"Ikaw ang nasugatan pero inuuna mo pa kalandian mo," putol ko sa sasabihin niya saka ko tinanggal ang kamay niya sa mukha ko. "Hindi iyan gagana sa akin, Zeikko," saad ko.
Bahagya akong lumayo sa kanya, rinig ko naman ang malutong niyang tawa. Tsk. Siya itong nabugbog pero kung makapag-alala siya sa akin ay akala mo ako yung may malalang natamo. Pero kahit na gano'n ay masaya ako dahil nandito si Zeikko.
Nanatili pa rin siyang nakahiga sa sahig, duguan ang mukha nito. Marahas akong bumuntong hininga.
"Ayaw na ayaw mong ipahawak ang mukha mo sa iba pero hinayaan mo silang bugbugin ka," saad ko. Nanatili akong nakaupo sa tabi niya. I rolled my eyes when he only stares at me with a smile pasted on his face.
Basag ulo si Zeikko at halos ata ng lalaki sa school namin noon ay nabugbog niya. Ayaw na ayaw niyang hinahawakan siya kaya nga nagtataka ako kung bakit hinayaan niya ang tatlong iyon na hawakan siya.
"Hawak ka nila. Nag-iingat lang ako dahil baka gamitin ka nila sa akin kapag lumaban ako sa kanila," aniya na biglang kinahinto ko. "When I saw them holding you so tight, I want to kill them... ni hindi nga kita mahawakan tapos sila tsk... ang lakas ng loob nilang hawakan ka," aniya sa isang malamig na tono.
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa sinasabi niya o mapapailing na lang ako. Pero knowing Zeikko, he is always like this. Tipong lahat ng kalokohan niya gagawin niya mapansin ko lang siya.
"Tantanan mo ako. Bumungon ka na diyan..." Akmang tatayo na ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya na halos ikasubsob ko sa dibdib niya. "Zeikko ano ba." Pilit akong kumakawala sa kanya pero ayaw pa rin niya akong bitawan. "The policemen are already here. Suit yourself."
Binatawan niya ako kaya naman agad ko siyang sinuntok sa dibdib na ikinadaing niya. He is already injured and yet he is still asking for more.
"Naglalambing lang naman ako," aniya saka pa ito umupo.
Gusto ko sana siyang alalayan dahil mukhang nasasaktan ito sa mga natamo niya kaya lang dahil sa tabas ng dila niya, hindi ko maiwasang mairita.
"Tumayo ka na nga lang diyan..." literal na napahinto ako sa sasabihin ko at halos tumakas palayo sa akin ang puso ko dahil sa ginawa niya. Anong — hindi ko alam kung paano bubuuin ang mga salita sa aking isip. Tila huminto ang utak ko at hindi kayang rumehistro ang nangyari sa sistema ko.
"That's your fee because I saved you." Tumayo ito habang ako ay nanatiling nakaupo at naiwang nakatulala sa kawalan.
"Go straight to my car and wait me there," saad niya na nakangiti pang tumingin sa akin.
Wala sa sariling tumayo ako at sumunod sa kanya. Nang dumating ang mga police ay hindi hinayaan ni Zeikko na tanungin nila ako.
Nang marating ko ang sasakyan niya ay agad akong sumakay. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas pa rin ng kabog nito na tila kakawala ito sa akin. Mariin kong naipikit ang mga ko at pilit inaalala ang lahat. Sobrang bilis ng nangyari at hindi ko iyon inaasahan. Napahawak ako sa labi ko.
"D*mn! That jer*ass!" may diing singhal ko nang prumuseso na ang lahat sa akin.
Alam ko naman na dapat akong magpasalamat sa kanya dahil sinagip niya ako ngunit... does he need to cross the line? Alam na alam niya talaga kung ano ang gagawin niya. He is indeed impossible!
Hindi ko alam kung bakit dumating si Zeikko dahil imposible naman napadaan lang ito o kaya naman may pinuntahan siya sa lugar na ito dahil hindi naman siya iyong tipo ng tao na pupunta sa ganitong lugar.
Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na si Zeikko at kung makaasta ito ay parang walang nangyari.
"Those three are famous here, you're lucky because you met them when policemen can't even track them," he said in sarcastic tone as he throw me a quick glance.
Nanatili lang akong tahimik at hindi siya pinag-aksayahan ng oras. Gustuhin ko mang sumbatan siya at magalit sa kanya ay mas pinili ko na lang tumahimik. Galit ako sa kanya dahil sa pagnakaw niya sa akin ng halik, he knows that I will hate it but then he still did.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang itigil niya ang sasakyan, gusto ko sanang magtanong kaya lang ayoko siyang pag aksayahan ng panahon.
"Galit ka ba sa akin dahil nabitin ka sa halik ko?"
Agad ko siyang binalingan ng masamang tingin dahil sa walang kwentang tanong niya, ngunit ang gago mukhang natutuwa pa.
"Kung galit ka, p'wede naman natin itong ulitin ngayon. Willing naman ako para gamitin mo."
Naipikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Is he texting my patience right now? Hindi por que sinagip niya ako ay maaari na niyang gawin ang lahat ng gusto niya sa akin?
"Okay I'm sorry for what I did," he then said in a calm soft tone. "Masyado lang akong naakit sa labi mo. Ang red kasi tapos feeling ko ang lambot pa. Gusto ko nga sanang tagalan ang paghalik ko sa'yo kaya lang baka hindi ko mapigilan ang sarili ko diretso heaven tayo," mahabang lintanya niya na ikinalaki ng mga mata ko. Tumawa pa ito ng malutong.
I'm speechless. He is indeed impossible! Paano niya nagagawang bigkasin sa pasmado niyang bibig ang mga kabulastugan niya? Oh my gosh!
"Just drive," malamig na utos ko sa kanya na agad niya namang sinunod.
"Pero ayaw mo ba talaga? May dala naman akong c*ndom. Always ready kasi ako—"
"Zeikko!" sigaw ko dahil hindi ko na talaga kinakaya ang mga sinasabi niya. Muli itong tumawa na mas lalong kinakulo ng dugo ko.
"Nagsasabi lang naman ako. Baka gusto mo."
Mas pinili ko na lang itikom ang bibig ko kesa ubusin ang pasensya ko sa kanya.
Ramdam ko pa rin ang pagkakakulo ng dugo ko hanggang sa marating namin ang hotel. Gusto ko nga sana siyang dalhin sa hospital dahil sa tama ng mukha niya kaya lang sabi niya okay lang siya, kaya bahala siya sa buhay niya. Hindi naman nakatakas ang tingin sa amin ng mga tao pero bago ako tumungo sa kwarto ko ay pinuntahan ko ang babaeng nagbigay sa akin ng address ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita ay humingi na agad ito ng paumanhin sa akin kaya hinayaan ko na lang. Sobrang hirap talagang magtiwala sa panahon ngayon.
I know I'm at fault going out without even asking for a further information, all I want a while ago is that my laptop will get fix, I still have work to do and without my laptop with me staying here will only go down the drain. Baka masaya lang ang punta ko rito. Pwede ko namang gawin ang trabaho ko sa phone ko kaya lang sobrang hassle nito.
Nang marating ko ang kwarto ko ay agad akong nag shower. Ramdam ko ang pananakit ng pisngi ko... at hindi ko alam kung bakit wala lang sa akin ang nangyari, siguro dahil ligtas naman ako? Marahas akong napabuntong hininga nang maalala ang mga sugat na natamo ni Zeikko.
"Kayang-kaya naman kasi niyang bugbugin ang mga iyon nang hindi siya nasusuntok eh," saad ko sa aking sarili.
Mabilis kong tinungo ang maleta ko kung saan nandoon ang madalas kong kasama, ang medical kit ko. Hindi naman gano'n kasama ang ugali para hayaan si Zeikko na gano'n. Kahit na ba ninakawan niya ako ng halik ay malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay baka patay na ako ngayon.
Tinungo ko na muna ang receptionist area upang tanungin ang hotel room ni Zeikko ngunit nagulat ako nang malamang magkatabi lang ang hotel room namin. Akala ko naman ay nasa presidential suite ang gago dahil knowing him, hindi siya sanay sa maliliit na space.
Kumatok ako sa pintuan niya, at wala pang ilang minuto ay pinagbuksan niya ako na tila ba alam niyang darating ako.
"I came here to clean up your wounds not to flirt around," I said as I showed him the medical kit I'm holding. Ni hindi ko pinansin na nakatapis lang siya ng tuwalya at half naked ito.
"Get inside."
Pumasok ako at agad tinungo ang sofa. Hindi ko namang maiwasang mapakunot noo dahil sobrang dami ng beer in can at upos ng sigarilyo ang nasa center table.
"Can you at least dress up? Sign of respect?" I sarcastically stated when he was about to seat beside me.
"Huh? Kailan ko pa bang mag damit? Akala ko diretso langit na agad tayo pagkatapos... just kidding," biglang bawi niya nang samaan ko siya ng tingin.
I know he will never change kaya alam ko rin na kailanman hindi mangyayari na magkakaroon ng 'kami'.
---