Chapter 6: Out Of Town

2602 Words
Six Days had passed already and I don't know if this is a good sign at all because Zeikko never pester me again since that certain day happened. It's a good thing for me however I feel like something is really wrong and I can't just grasp about it. It somehow making me anxious. I took a deep breath. "So are you now ready for your first ever out of town?" Sumandal pa ng bahagya si Chief sa table ko para lang makita ang expression ko. Tila ata gumanda ang mood ko dahil sa sinabi ni Chief. Buti na lang pinaalala niya. Finally I'm free now from toxicity of the city. "Of course Chief, sino ba namang hindi?" nakangiting balik tanong ko na ikinailing niya saka ito muling bumalik sa mesa niya. Inayos ko na ang mga gamit ko sa mesa. Ako kasi ang napili this time na magtungo sa isang probinsya at mag cover ng magagandang tanawin... at para na rin ipromote ang mga lugar. Madalas mangyari ang ganitong event sa team namin kaya naman sobrang saya ko dahil ako ang napili ngayon. Makakapagbakasyon na rin ako sa wakas. "Kaya pala tahimik si Mr. Teng ngayon nasa business trip pala siya." Tila nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Kim. Business trip? Kaya ba wala siya? Sana tumagal siya ng sampung taon sa kung saan man siya nagpunta. Buti na lang din talaga pagkatapos ng usapan namin ng mga magulang ko about sa marriage contract proposal ni Zeikko ay hindi na nila muling inopen ito kahit na ramdam ko na gusto pa rin ni papa na pag-usapan namin ang tungkol doon. Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng paraan kung paano babayaran ang utang ng pamilya namin at kahapon nga lang ay nag bigay na ng notice ang bangko at iba pang pinagkakautangan nila papa. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko kaya lang ayokong ipakita kila mama na sobra akong nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon dahil ayokong mas sisihin pa nila ang sarili nila. Sobrang hirap mag panggap na okay ka kahit hindi naman talaga lalo na ngayon wala akong mapagsabihan ng saloobin ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makontak si Zelly, siguro naman ay maayos lang ang lagay niya. "Kryst okay ka lang? Kanina ka pa napapabuntong hininga diyan," ani Seca na naglapag pa ng kape sa table ko. "Thanks. Okay lang ako, medyo kabado lang ako para bukas," pagsisinungaling ko. Hangga't maaari ay ayokong dalhin ang frustration ko sa bahay sa trabaho ko kaya lang minsan hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Pagkatapos ng trabaho ko ay muli akong sinundo ni Ash. Tahimik lang kaming pareho sa loob ng sasakyan, usually hindi kami tahimik pero ngayon... wala akong lakas para makipag-usap sa kahit na sino. Gusto ko na lang makauwi agad, kumain, mag shower at matulog. "Ate okay ka lang ba?" pagkakwa'y basag tanong ni Ash sa katahimikan. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana. "I know you're having a hard time right now, because of the mess to our family, and I know I can't do anything to help, ate." Naramdaman ko ang mabilis na pagsulyap niya sa akin. "I'm fine Ash, you don't need to worry about me. Maybe I'm having a hard time looking for something that will solve our problems, but then I still am trying... but..." I sneered because it is just so stupid of me to still think of something that will solve everything even though I already know the answer. "Should I just agree to Zeikko?" Marahas siyang prumeno. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at marahas na bumuntong hininga. "But you don't even like him, ate." I diverted my eyes at him. "At alam mong kahit kailan hindi ko siya magugustuhan." Mapait akong napangiti. "You're going to use him?" "That's what he wants in the first place. Sa tingin mo tama ang gagawin ko? Gagamit ako ng ibang tao para lang masulusyunan ang lahat." Noong una pa man alam ko na ang nararamdaman sa akin ni Zeikko, at akala ko kapag dumaan ang panahon magbabago ang nararamdaman niya sa akin... oo, nagbago nga ngunit mas lalong lumalim. Hindi ko alam kung bakit gusto niya ako kahit na ilang beses ko na siyang pinagtulakan... kahit ilang beses ko ng sinabi na kahit kailan hindi ko siya magugustuhan. I don't know what he sees from me why he is so willing to do everything just to have me. "Kung anong tingin mo ang tama at dapat mong gawin, yun ang gawin mo ate. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo." Muli siyang nagmaneho. Hindi na lang ako nag salita kaya naman hanggang makauwi kami ay tahimik kaming pareho. Every time tinitignan ko si mama at papa hindi ko maiwasang manikip ang aking dibdib, alam ko gaya ko pinipilit lang nilang ipakita sa akin na okay lang sila kahit naman hindi. Bakit kasi gano'n? Bakit kailangan kami pa ang makaranas ng ganito? Sa dami ng tao sa mundo, bakit? Dumiretso agad ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain. Mabilis lang akong nagshower, pagkatapos ay inayos ko na ang mga kakailanganin ko para bukas. Habang nag-aayos ako ay dumating si mama na may dala-dalang isang baso ng gatas. "Maayos na ba ang mga gagamitin mo para bukas?" pagkakwa'y tanong niya nang mailapag niya sa side table ko ang gatas. "Opo mama, ang paggising na lang ng maaga ang problema ko," pagbibiro ko kaya naman pareho kaming natawa. Buti na lang talaga na kahit na anong bigat na nararamdaman ko I can still laugh genuinely. Living an exhausted life is so tiring, but what can I do? As if I can simply stop and end myself in just a snap of a finger. I don't have any choice but to live the life I'm trying to fight right now. Dati-rati naman hindi ganito ang pakiramdam ko, kaya lang simula nang malaman ko ang tungkol sa utang, para bang isa-isang bumagsak sa akin ang kamalasan. Kinabukasan maaga akong naihatid ni Ash sa airport. Buti na lang din talaga ay walang traffic. Mukhang sumasabay sa akin ang tadhana ngayon. "Ilang araw ka roon, ate?" tanong ni Ash habang pareho naming hinihintay ang oras ng alis ko. Hindi ko na pinasama sila mama at papa kaya si Ash lang ang kasama ko. "Hindi ko alam. Depende." I yawn. Inaantok pa ako pero wala akong choice kundi ang bumangon at gumayak. May ibinigay naman sa akin si Chief na guide kung ano ang mga lugar na pupuntahan ko kaya mas madali na lang din ito. 'Good morning! Welcome to our airline...' Tumayo na ako nang marinig ko na ang announcement na kailangan ko ng magtungo sa departure area. "Take good care of yourself, ate. Have a safe flight." Saglit itong yumakap sa akin pagkakwa'y nagpaalam na rin ako sa kanya. Habang naglalakad ako patungo sa eroplano ay hindi ko maiwasang magmasid sa aking paligid hanggang dumapo ang mga mata ko sa isang magkasintahan. Mapait na lang akong napangiti. Aaminin ko minsan napapaisip pa rin talaga ako, paano kung kami pa ni Kiel, ano na kayang ginagawa namin ngayon? Marahas akong napabuntong hininga at napailing na lang. What if? Simula ng maghiwalay kami ni Kiel hindi na ako kailanman pumasok sa isang relasyon hindi dahil hindi pa ako nakakamove on kundi dahil takot na akong sumugal ulit. Ibinigay ko kasi sa kanya lahat... wala akong itinira sa sarili ko... nagpakatanga ako sa lalaking akala ko ipaglalaban ako. Alam ko naman na hindi natin alam kung sino talaga ang para sa atin, pero bakit gano'n ang pag-ibig sa akin? It's kinda unfair. Hindi ko alam na nakatulog pala ako dahil paggising ko ay kumalam na ang sikmura ko dahil sa gutom sakto naman na umiikot ang flight attendant. "Excuse me," tawag pansin ko sa flight attendant na matamis ang ngiting binalingan ako ng tingin. "Can I ask for a food?" I check my watch, it's already 1 in the afternoon. Nadelay kasi ang flight kanina kaya naman nasa ere pa lang kami. "Wait for a second, Ma'am," she then said. I just smiled as I thank her. Sa sobrang pag-iisip ko ng nakaraan hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako. Wala pang ilang minuto ay dumating agad ang flight attendant ngunit halos manlaki ang mga mata ko dahil parang pang first-class seats ang pagkaing dinala niya. "Enjoy your meal, Ma'am just call me if you still have something you want to eat." Gusto ko sanang magtanong kung bakit mukhang pang first-class ang pagkain ngunit pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil baka bigla niya itong baguhin, gutom na gutom pa naman ako. Ginawa ko na lang busy ang sarili ko sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay tinuon ko naman ang sarili ko sa paghahanap ng impormasyon sa mga lugar na pupuntahan ko. Karamihan sa lugar ay historikal. Nang matapos ang mahabah-haba kong biyahe, agad akong pumara ng tricycle paglabas ko sa airport. Excited na akong ipahinga ang likod ko. Habang umaandar ang tricycle ay hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Sobrang linis at aliwalas ng paligid. Nakakakalma. Tumagal nang halos kalahating oras ang byahe ko papunta sa hotel na tutuluyan ko, at nang makapasok na nga ako sa hotel room ko ay marahas kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Nakaupo lang naman sa buong biyahe pero parang pagod na pagod ako. Niyakap ko ang unang nadampot ko ang ipinikit ang aking mga mata hanggang sa hindi ko ulit namamalayan ay nakatulog ako, dahil nang magising ako ay madilim na ang paligid. Tamad na tamad akong bumangon at tinungo ang banyo para saglit na maligo bago ako mag update kay Chief at sa mga magulang ko na nakarating na ako sa destinasyon ko, sa Paradise Island. Pagkatapos kong mag update ay bumaba ako para kumain. Hindi ko maitago ang kasiyahan ko dahil tila nasa paraiso nga ako sa tuwing mapagmamasdan ko ang tanawin sa labas. Parang gusto ko tuloy maligo sa sobrang linaw ng dagat. "Kanina pa kita hinihintay. Lagi mo na lang ba akong paghihintayin?" Nahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng tinig ng isang demonyo. Nanaginip ba ako? Or I'm only hearing things right now? This can't be! Pasimple kong kinurot ang sarili ko ngunit napangiwi na lang ako dahil sa sakit nito. Shoot! Hindi ako nananaginip! Maglalakad na lang ulit sana ako ngunit literal na napahinto ako nang hawakan ng kung sino ang kamay ko na agad ko namang binawi. Binalingan ko ng tingin ang humawak sa akin at halos masampal ko siya dahil sobrang lapit niya sa akin. "Chill," he said in a not so calm tone. Bakit parang siya pa ang napipikon ngayon? Hindi ba't dapat ako? "Sinusundan mo ba ako?" may diing tanong ko. Akala ko naman mawawala na siya sa buhay ko at magkakaroon na ako sa wakas ng payapang buhay pero lintik naman! Bakit nandito siya? "Umalis ka na, nagsasayang ka lang ng oras." Sa tuwing kausap ko siya hindi ko talaga maiwasang mairita dahil makita ko pa lang ang mukha niya ay naiinis na ako. "If you're thinking that I came here for you, you're wrong..." "So coincidence lang ang lahat? G*go ka ba? Sa tingin mo maniniwala ako?" I raised a brow with a sarcastic smile pasted on my face. "There's no coincidence in you, jer*ass. Fate won't work to you." I turned my back at him and was about to walk when he speaks. "Let's eat together, I know that you can't eat alone." Bago pa man ako makaangal ay hinawakan niya na ang pulsuhan ko at halos makaladkad ako sa sobrang bilis niyang maglakad. This jer*ass really has no balls! Ang lakas ng loob niyang sundan ako rito? At paano niya nalaman? Akala ko ba may business trip siya? Kung makakasama ko siya rito, mas maganda na lang siguro na umuwi ako dahil hindi ko naman ata matitiis na makita o makasama siya. Sapilitan niya akong pinaupo at aalis na sana ako nang magbanta ito. "Kung aalis ka ngayon, pagsisisihan mo ito." Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Ramdam ko agad ang pagkulo ng dugo ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang pakalmahin ang sarili ko. "Hindi kita sinundan dito. That's the truth. I saw you at the airport a while ago, hindi ako lumapit dahil may nakabuntot sa akin na reporter, I know that you hate when you get yourself involve to my name," paliwanag niya kahit hindi naman ako nagsasalita o nagtatanong. Sa tingin niya siguro maniniwala ako sa kasinungalingan niya? Hindi ako tanga. Hindi ako umimik hanggang sa dumating na ang mga pagkain. Pareho lang kaming tahimik at buti na lang din ay hindi siya nagsasalita, which is so unusual to him. Kasi madalas kapag kaming dalawa ang magkasama ay sobrang daldal niya... kahit hindi ako nakikinig. Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at hindi na siya hinintay pa, buti na lang ay hindi na niya ako pinigilan. Muli akong bumalik sa hotel room ko, pero hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isip ko ang sitwasyon namin ni Zeikko kanina. May problema ba siya? Cut it off... I don't care about his life. Instead making myself frustrated thinking about his drama kinuha ko na lang ang laptop ko na nasa maleta ko ngunit halos manigas ako sa kinauupuan ko nang hindi ito gumagana. "Shoot! What happened?" Bigla akong pinagpawisan dahil sa kaba. Lahat ng mga kailangan ko ay nandito! Mabilis akong tumayo upang kunin ang phone ko. Bumaba ako habang dala-dala ang laptop ko. Anong oras pa lang naman siguro naman ay may open pang pagawaan ngayon. Kailangan ko ito ngayon dahil kailangan ko pang magdraft. Bakit ngayon pa ito nangyari? Lumapit ako sa babaeng nasa receptionist area upang magtanong. Nakahinga naman ako ng malalim dahil may alam siyang lugar na pagawaan. "Thank you," saad ko nang makuha ko na ang address. Mabilis akong lumabas sa hotel at buti na lang ay may tricycle agad akong nasakyan. Nilabas ko ang phone ko upang tawagan ang number na nasa papel. Nakailang ring pa lang ito ay sinagot niya na agad. Sinabi ko naman agad ang concerns ko at buti na lang mukhang mabait ang nakausap ko. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating kami sa isang lumang pagawan ng mga gamit. Madilim ang paligid at mukhang tila ba madalang lang ang mga sasakyan at tao na dumadaan rito. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot. Mahigpit akong napahawak sa bag na bitbit ko. Napahakbang ako paatras at akmang aalis na ako nang biglang may tatlong lalaki ang sumulpot sa harapan ko at hinarangan ako. "Miss, saan ka pupunta?" Muli akong napaatras. Nangatog agad ang tuhod ko nang maglabas ng patalim ang isa sa mga lalaki. Kahit sumigaw ako ngayon upang humingi ng tulong ay mukhang walang makakarinig sa akin. "Dito ka muna. Maglaro muna tayo. Di ba mga pare?" Mas lalong gumapang ang takot sa akin nang hawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabila kong braso. "Huwag niyo akong saktan. Ibibigay ko ang lahat ng gusto niyo huwag niyo lang akong saktan." Mas lalo silang tumawa na para bang isang joke ang sinabi ko. "Huwag..." nanginig ang boses ko nang haplusin ng tila lider ang mukha ko. "Ibibigay mo lahat? Sige nga. Maghubad ka," sarkastikong saad ng lalaki saka ito malademonyong tumawa. "HUBAD!" sigaw niya dahilan upang mas lalo akong matakot. Ramdam ko na ang pag init ng mga mata ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Zeikko nasaan ka ba? Hindi ko alam pero siya agad ang pumasok sa isip ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD