Five
Hindi ko maiwasang magdilim ang paningin ko dahil kay Zeikko na nasa harapan ko ngayon. Meet the parents? Is he kidding me? Alam ko kung gaano siya kag*go, pero hindi ko naman alam na gagawin niya ang kanino.
"Oh sakto nandito ka na, anak. Come on let's eat," ani mama na kalalabas lang sa kusina. Ngumiti siya sa akin na para bang kinakausap niya ako gamit ang kanyang mga mata.
Anong ginagawa nila? Bakit nila hinayaan si Zeikko na pumasok sa bahay? Hindi ko maintindihan. Gusto kong magtanong ngunit ayokong ibuka ang aking bibig dahil baka kung ano lang ang lumabas mula rito. Marahas akong napabuntong hininga.
Masamang tingin ang ibinaling ko kay Zeikko na nanatiling nakangiti at nagkibit balikat pa bago niya ako tinalikuran at tinungo ang kusina. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa iritableng nararamdaman ko. Akala ko magkakaroon ako ng payapang araw ngayon pero mukhang nagkamali ako.
"Ate tara kain. Gutom na ako," ani Ash na nauna na ring naglakad patungo sa kusina.
Halos magdabog ako habang naglalakad patungo sa kusina. Ramdam na ramdam ko ang pagkakakulo ng dugo ko. I can't believe that this is happening right now. I really can't believe this at all. My heart is pounding so hard because of the frustration and anger I feel inside me.
"Krystal, hindi ka ba hahalik man lang?" pagkakwa'y tanong ni papa nang umupo na lang ako bigla ng hindi nagbibigay respeto sa kanila.
Oh shoot! Dahil sa gagong ito hindi na tuloy ako makapag-isip ng maayos. He is literally getting into my nerves. Marahas akong bumuntong hininga bago ako tumayo mula sa aking upuan at lumapit kay papa at mama upang humalik sa kanilang pisngi, gano'n din ang ginawa ni Ash.
"Sa akin hindi ka hahalik?" Halos lumuwa ang mata ko dahil sa talim ng pagkakatingin ko sa gago. "Kidding," he then said as he left out a soft chuckle.
He really knows how to pester me and make my blood boils. I can't stand him! Seriously!
"Yang biro mo pang sa'yo lang, ikaw lang natuwa. G*go," iritableng saad ko saka ko siya inirapan ngunit mas tumawa lang ito na para bang joke ang sinabi ko. Ugh! I really can't stand him at all.
Ever since nag cross ang landas namin, wala ng matinong araw ang nangyari sa buhay ko. Para kasi siyang virus na once kinapitan ka tuloy-tuloy na.
"You should smile. Stop frowning. We have visitor," ani papa na kinurot pa ng bahagya ang pisngi. "Zeikko hijo, maraming salamat ulit at napadalaw ka ngayon." Ibinaling ni papa ang atensyon niya sa gago na mukhang feel na feel ang stay niya rito sa bahay.
Gusto ko sanang magsalita at sabihin na hindi siya welcome rito sa bahay namin ngunit mas pinili ko na lang na itikom ang bibig ko dahil hindi ko kayang makipag-usap sa kanya. Ibang klase talaga ang inis na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. His existence is damn making me fuming mad. Kahit noon pa man ay mainit na ang dugo ko sa kanya. Sobrang magkaiba sila ni Kiel.
Minutes after ay nag-umpisa na kaming kumain. Tahimik lang ako habang nag-uusap sila ng kung ano-ano, at saka lang naman ako magsasalita kung kakausapin nila ako o ako ang topic nila.
"I already told you my reason why I came here today, and I know this is really so sudden, however I just want to keep what I think is mine and what really belongs to me."
Agad akong napatingin kay Zeikko at bahagya pang nagtaas ang kilay ko nang bigla itong naging formal. What's wrong with him right now? Mas lalong kumunot ang noo ko nang bigla siyang maglapag ng folder sa mesa.
"I want to marry your daughter, Mr. Mineses."
Marahas kong naibagsak ang kutsarang hawak ko dahil sa sinabi niya.
"What the hell?" Hindi ko na napagilan ang sarili ko at napatayo na rin ako sa kinauupuan ko. "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? Zeikko are you damn out of your mind right now? Marry? Who? Me?" I know I sound so rude at this moment, but I can't damn calm myself.
Naikuyom ko ang aking kamao. Marry? He wants to marry me? F*ck him!
"But Zeikko hijo this is a marriage contract," dad said, confused. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang folder.
Halos sumabog ako sa galit nang mabasa ang laman ng papel. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. I really can't stand this any longer. I can't damn accept this!
"I know I may sound rude and selfish right now, but Mr. and Mrs. Mineses, I really like your daughter even before she dated my brother, and this is the only way I know so I could keep her and to save your family also from misery. I know that you've been dealing such crisis these past few years that's why... "
"Wait... what do you mean? Crisis? Who? My parents? Are you stupid?" I cut him off abruptly.
Tinignan ko sila mama at papa ngunit tila napako ako sa kinatatayuan ko nang mag-iwas silang pareho ng tingin. I just cussed inside me because I already know with their eyes... something is really wrong. I closed my eyes intently. This is really insane!
"W-Why? Don't tell me this j*rkass is stating a fact right now?" I really can't believe what is happening right now. Binalingan ko ng tingin si Ash na kanina pa tahimik. "Alam mo rin, at hindi mo man lang sinabi sa akin? Years? Damn years! This is ridiculous! Am I not a family to you? How could you hide this to me?" Hindi ko na napigilan pang magtaas ng boses.
Para akong sasabog dahil sa galit na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na nagawa nilang itago sa akin lahat. Habang ako masaya sa buhay ko na akala ko gano'n din sila — pero mali ako. Damn! Sobrang tanga ko.
"Anak, ayaw lang naming dagdagan pa ang problema mo. At saka ayaw lang namin na ikaw ang umako ng responsibilidad —"
"Mama naman!" putol ko sa sasabihin niya. "Anak niyo ako at responsibilidad ko na tulungan kayo! Tapos ngayon malalaman ko sa gagong ito na baon tayo sa utang? Naglolokohan ba tayo rito?" Nasabunutan ko na lang ang sarili ko dahil sa frustration.
Wala akong pakialam kung anong isipin ngayon ni Zeikko sa pamilya namin. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko ngunit kahit na anong gawin ko ay mas nag-uumapaw pa rin ang galit, frustration, at pagkadismaya ko.
"Paano niyo nagawa sa akin ito?" Biglang bumalik sa akin ang mga araw na sobrang saya ko dahil nakukuha ko ang gusto ko, pero hindi ko alam na nag s-suffer pala ang pamilya ko.
Pinunasan ko ang luha ko.
"Anak, sana naman maintindihan mo kami. Itinago lang naman namin ito dahil ayaw naming pati ikaw madamay."
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
"Sana maintindihan niyo rin po na hindi ko ito basta-bastang matatanggap." Mapait akong ngumiti saka sila tinalikuran. "Zeikko, let's talk. Alone! Now!" I hissed as I immediately grab his arm as I almost drag him out to our house.
I don't know that he is already planning this... all along... without me doesn't have any idea about my family's crisis. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kanya nang makalabas na kami sa bahay. I closed my eyes for a couple of seconds before I face him who still look unbothered.
"I know you're mad —"
"Cut your crap Zeikko!" I cut him off in gritted teeth. Tila naman siyang tuta na itinikom ang kanyang bibig. Huminga ako ng malalim. "Plinano mo ba ito lahat? Kasi kung oo, sobrang galing mo!" singhal ko saka ko siya marahas na tinulak.
"I just want to help that's why I did that." I glared at him but this time he scratch the back of his head. "I know what you're thinking right now, yes I'm selfish, but Kryst that's the only thing that I can do to help you. I offer you my money in return you will be my —"
"To cut it short you're buying me with your damn filthy money," I cut him off again. I sneered because I can't believe what he is saying right now. "You're desperate so now you're buying me, is that what you're trying to say?" I stare at him in despicable way.
He was about to touch me, but I didn't let him. I saw how frustration formed into his eyes and face but I don't care about him.
I heard him heaved a deep sigh.
"All I want is to keep you for at least months... I won't force you to stay at my side forever. Alam kong hindi ko mapipilit ang puso mo na mahalin ako at alam ko na hindi ko matutumbasan ang pagmamahal ng kapatid ko sa iyo, pero nandito ako nagbabakasakali na kahit ngayon lang mapagbigyan mo ako. I won't force you to make love with me, I won't touch you if that's what you want... all I want is your presence... you beside me." His voice is so desperate but I know once I make my guard down things will become haywire.
"You're being unreasonable right now, Zeikko. That's being selfish. How dare you offer my family a money just to get me? Umalis ka na. Wala na akong sasabihin pa sa iyo," may diing turan ko.
God knows how much I'm calming myself right now. Gusto ko siyang saktan, murahin at sabihan ng mga masasakit na salita pero ayokong kainin ng konsensya ko pagkatapos no'n.
"Kryst, ako lang ang makakatulong sa inyo at kung hindi pa makakabayad ang pamilya mo sa takdang panahon baka mawala sa inyo ang lahat or worse baka makulong pa ang papa mo. I'm doing this to save your family... and to save myself," puno ng pagsusumamong saad niya kung kaya't napatingin ako sa kanya.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, ngunit hindi ito dahil sa galit kundi dahil sa takot. Instead answering him I just turned my back at him.
"Umalis ka na at kung maaari huwag ka ng magpapakita pa sa akin," malamig na turan ko bago ako pumasok sa loob ng bahay.
I gulped as I closed my eyes intently. Narinig ko ang mga yabag na palapit sa akin kaya naman ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Mama and papa are staring at me with a faint smile pasted on their face.
Galit ako ngayon dahil itinago nila sa akin ang problema na dapat ay sinusulusyonan namin ng sama-sama ngunit mas pinili nila itong itago sa akin. Mabilis kong pinunasan ang luhang tumakas sa aking mga mata. This is so frustrating. Bakit kailangang mangyari ang ganito? At wala man lang akong ideya sa lahat ng nangyayari.
Lumapit sa akin si mama at hinawakan ang kamay ko.
"Pasensya ka na anak kung inilihim namin ang lahat sa iyo. Ayaw lang naming mag-alala ka at alam namin ang hirap mo sa trabaho. Inaayos naman namin ng papa mo ang lahat kaya lang mahina talaga ang kita sa coffee shop. I'm sorry we lied."
Mas lalong bumuhos ang luha ko.
"Dapat sinabi niyo pa rin sa akin ang lahat. Wala man lang akong kaalam-alam sa nangyayari." Napahagulgol na ako.
Pakiramdam ko sobrang sama kong anak. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Pakiramdam ko wala akong kuwenta. Nagtatrabaho ako para sa kanila pero hindi ko man lang alam na hirap na hirap na pala sila. They gave me all I want... everything... but then I didn't know that they are already suffering.
"I know anak that this will be a selfish of us to ask you this... pero hindi mo ba talaga pwedeng tanggapin ang alok niya —"
"Papa anong sinasabi mo?" singit ni Ash na tila hindi nagustuhan ang sinasabi ni papa. "Hindi isang gamit si ate," dagdag niya.
"Pasensya na kayo mga anak. Hindi ko na rin kasi alam talaga ang gagawin ko. Araw-araw tumataas ang interes ng utang natin sa bangko. Gulong gulo na rin ako."
Lumapit ako kay Papa na ngayon ay umiiyak na rin.
"Gagawa ako ng paraan. Just tell me everything."
Halos madurog ang puso ko habang sinasabi sa akin ni papa ang lahat. Kung sana alam ko lang ang lahat edi sana hindi ganito kalala ang sitwasyon ngayon... kung sana hindi ako naging selfish at pinili ang buhay ng hindi sila kasama edi sana may alam ako sa lahat ng nangyayari. Ang sakit lang isipin na nakakasama ko sila, nakikipagtawanan at kumakain ng masasarap na pagkain... pero hindi ko man lang napansin ang kalungkutan at hirap nila. Papa got scammed kaya naman nagkadabaon baon sila sa utang... ang mga ari-arian na naipundar nila ay halos maubos na rin, at ang tanging natitira na lang ay ang bahay at lupa na nakapangalan sa amin ni Ash. Maging ang ibang coffee shops pala namin ay iba na ang nag mamay-ari at ang tanging main branch na lang din ang natitira.
"Sorry I didn't know that you are suffering. Kung alam ko lang sana edi hindi niyo ito sinosolo," saad ko. Nakakadurog ng puso ang lahat ng nalalaman ko.
"Anak hindi ko ipipilit ang offer ni Zeikko dahil alam ko naman na sa huli ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo pero sana... pag-isipan mo."
Alam kong nasasabi lang ito ni papa dahil wala kaming choice sa ngayon. Saan ako kukuha ng gano'ng kalaking pera sa sobrang ikling panahon? Limampung milyon.
"Gagawa ako ng paraan." Niyakap ko sila. "Sorry sa inasal ko kanina. Sorry kung nagalit ako ng hindi tinatanong ang lahat. Pero sana sa susunod huwag na kayong maglihim sa akin. Hayaan niyo akong tumulong dahil responsibilidad ko rin ito bilang anak niyo."
Zeikko offered to pay all the debts of my parents, and I know of all people that he has the power to do that because he has everything but... I don't want to risk myself to him. Kilala ko si Zeikko, he can do everything he want... walang salitang 'no' pagdating sa kanya because his words are always be the answer for everything.
Wala pa rin akong kaalam-alam kung paano sumagi sa isip niya ang offer na iyon. Marriage contract? All I can do is to sign it and it will be able to solve all my problems... pero hindi naman kasi iyon sobrang dali dahil once I put myself to his cage I know for sure that it will be hard for me to get myself out of his hands.
Nabaling ang tingin ko sa phone ko nang umilaw ito. Tinignan ko kung sino ang nagmessage at halos dumoble ang kabog ng dibdib ko dahil sa inis nang mabasa ko ang message galing kay Zeikko.
'Krystal, you know that you always have me. That no matter your choice is, I won't stop. Isinuko kita noon, pero hindi ko na ulit gagawin ito ngayon.'
Alam ko kung gaano siya kasama. Lubos na alam ko rin kung ano ang kaya niyang gawin makuha lang ang gusto niya.
---