Chapter 4: The Parents

2570 Words
Four This day is so tiring for me. I need to deal with so many articles. Kung bakit ba naman kasi sobrang issue ng mga tao at ginawa na nilang hobby ang gumawa ng mga kung ano-ano mapansin lang. “Just answer it, Bessy. It’s loud,” Zelly hissed referring to my phone that keeps on ringing. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap. Sinundo niya ako sa aking trabaho. Buti na lang talaga may kaibigan akong kagaya niya. "Si Mama," I said. I just stared at my phone and watch it ringing. What is it this time? Why is she calling me again? Minsan lang sila tumawag sa akin, kakamustahin ako o kaya naman pagsasabihan. "Then answer it. Baka mamaya importante ‘yan,” she said as if she is so sure about it. I heaved a deep sigh as I stared at my phone for a couple of seconds before I decided to answer it. I cleared my throat at bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko na agad ang boses ni Mama. [Umuwi ka ngayon din. Wala ka bang balak umuwi? Alam kong gusto mong maging independent but it doesn't mean that you can treat us like this. You have a family, Krsytal Mineses.] Mas lalo akong napabusangot dahil mukhang hindi na natutuwa si Mama dahil tinawag niya na ako sa buo kong pangalan. As soon as I get into college, I decided to leave home to live on my own — though I’m living independently with Zelly. At first, my parents don’t want my idea, because they want to support me because just what mama always said… I’m their responsibility. Pero ipinilit ko pa rin kahit ayaw nila, hanggang sa napapayag ko na sila. Hanggang sa nagtapos nga ako at nakahanap ng trabaho, the more I want to live myself alone, the more they want to spend more time with me. Sinulyapan ako ni Zelly at sinenyasan kung anong nangyayari. "I’m doomed." I mouthed. Napairap naman siya. "Speaker,” she mouthed too, so I did it. [Are you still listening? Umuwi ka ngayon din.] Mas lalo akong napabusangot nang marinig ko ang maawtoridad na boses ni Papa. Dapat talaga hindi ko na lang sinagot ang tawag, mapilit kasi ‘tong Zelly na ‘to. "Hi Tito Dy!" Zelly interfered as soon as she parked her car at the sidewalk. Papa will surely force me to go home whether I like it or not. I just shrugged my head with that idea. I love my parents… but I just don’t like to go home, kasi once na ginawa ko iyon it won’t be hard for me to go out again. Both our parents are good friend too. Hinayaan ko na lang silang mag-usap… wala rin naman akong sasabihin. Tumagal ng ilang minuto ang pag-uusap nila hanggang sa muling nabaling ang atensyon ng mga magulang ko sa akin at pilit pa rin akong pinapauwi, hanggang sa wala na nga akong nagawa. Inuwi ako ni Zelly sa bahay namin. "Text me if you need a back up." Mabilis ko siyang inirapan saka padabog na isinara ang pintuan ng sasakyan niya. She whined and yelled at me, but I didn’t cast a glance at her. Hindi na rin siya tumuloy sa bahay dahil may trabaho pa siya. Marahas akong bumuntong hininga bago ko tuluyang itinapak ang mga paa ko sa bahay, agad namang sumalubong si Mama sa akin upang yakapin ako. “You finally found your way home,” she said sarcastically while hugging me so tightly. Papa did the same thing. I admit, I also miss them but… they are really so annoying — somehow. "You've lost a weight. Hindi ka ba kumakain?" Bahagya akong napabusangot dahil sa tanong ni Papa. He kissed my forehead. They are treating me as if they haven’t seen me for years. They really know how to overreact things. But then, I miss my home and family too. Hindi nagtagal ay hinayang na muna nila akong magpahinga. Marahas kong ibinagsak ang katawan ko sa aking kama. My room still the same, my bed feels so comfy as if they keep changing it. Napabangon ako nang mabaling ang mga mata ko sa mga lumang litrato na nakasabit sa study table ko. I walk towards my table. “So it's still here,” I said as I stared at the photo — it was a photo of me and Kiel when we celebrated our first anniversary. I smiled bitterly. Hindi alam ng magulang ko ang tunay na dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Kiel. Ni hindi nila alam ang mga napagdaanan ko when I was so broken hearted because of him. Wala kasi akong lakas ng loob na sabihin iyon sa kanila, because it’s my own personal issue. I don’t want to drag them into it. Ayoko ring isipan nila ng mali si Kiel… I don’t want to stain his name to my family. Pagkaraan ng ilang oras ay bumaba na ako. Naabutan ko naman si mama na naghahanda na ng makakain sa mesa. "Ma, tulungan na kita." Mabilis akong lumapit sa kanya. Hindi talaga ako madalas umuwi at buti na lang at naiintindihan nila iyon. We are not that rich, sakto lang ang pamumuhay namin para mabuhay sa araw-araw. May mga coffee shops kami at minamanage ng mga magulang ko ang main branch namin na nasa city lang din, gusto ko sana na mag hire na lang kami dahil medyo may edad na rin sila kaya lang sabi nila kaya pa naman nila kaya. "Gabi na pero wala pa rin si Ash..." "Narinig ko yung pangalan ko. Are you talking ill behind my back?" Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses and there I saw my little brother wearing a jersey uniform at pawis na pawis ito. "Hindi mo man lang ba ako yayakapin, ate?" aniya na mabilis kong ikinailing. Nagtago agad ako kay mama nang lumapit siya. "Ash, mag shower ka na muna at kakain na tayo. Mamaya na 'yang kulitan niyo,"ani mama na ikinabusangot agad ni Ash. Having a family like this is a dream come true to me. Though madalas din kaming magtalo kahit sa maliliit na bagay at misunderstandings hindi iyon naging dahilan upang magkaroon kami ng gap sa isa't isa. Our parents taught us to be independent and to stand with our own feet... madalas hinahayaan nila kaming magdesisyon para sa sarili namin... they gave me the life I don't even know if I really deserve to have. I stayed at my parents house that day, buti na nga lang at hindi nila ako pinilit na mag stay ng matagal. Days had passed already and Zelly been screening my calls for days now. Nag-aalala na ako sa kanya pero ang tanging magagawa ko lang ay magdasal para sa seguridad niya. Marahas akong bumuntong hininga bago ako lumabas sa taxi, maaga akong pumasok ngayon, pero hindi ko akalain na mas mauuna pa rin ang kateam ko sa akin. Napailing na lang ako. Kahit super stressful dahil sa dami ng workloads hindi ko ito maramdaman, sobrang sarap kasing magtrabaho kung hindi toxic ang mga kasama mo. Nakuha agad ng atensyon ko ang bulaklak na nasa mesa ko pagkaupong-pagkaupo ko pa lang. "Kanino ‘to?" takhang tanong ko. Kinuha ko ang tatlong rosas na nakapatong sa mesa ko. Bahagya akong binalingan ni Seca na humihikab pa. "Sa’yo? Pag dating ko kasi meron na ‘yan diyan," ani Seca na muling ibinaling ang atensyon sa kanyang ginagawa. Mas lalong kumunot ang noo ko. Sa akin? I started to check the roses and so my table… I’m looking for some notes, baka kasi may makita akong palatandaan kung saan nanggaling ang mga ito. "Sana all my prince charming," ani Kim na naglapag pa ng ice Americano sa table ko. I just mouthed thanks. Hindi pa rin nawala ang isip ko sa bulalak hanggang sa matapos naming ang lunch break. "Mr. Zeikko wants us to publish the magazine that will cover his success.” Agad nabaling ang atensyon namin kay Chief na lumabas mula sa kanyang office. Maliban kasi sa table niya sa labas ng office niya ay masarili rin itong office. "I guess Krystal really did a great job convincing him. Let's all give her a hand." Isang malakas na palakpak ang natanggap ko na may kasama pang sigawan. Masayang masaya silang lahat samantalang halos isumpa ko na ngayon si Zeikko. Wait. Zeikko? Hindi ko alam ngunit agad nabaling ang mga mata ko sa rosas na nasa mesa ko pa rin. Bakit hindi ko iyon naisip? I sneered as I shrugged my head in disbelief. Kinuha ko ang mga rosas sa mesa ko at agad itong inilagay sa trashcan. Nakalimutan ko na may Zeikko pa pala sa buhay ko na nag-aabang nang pagkakataon niya para sirain ang buhay ko. "We will be having a meeting with the board soon with Mr. Zeikko." After that, Chief went inside her office again. I roam my eyes around our office… mukhang ako lang ata ang hindi natutuwa sa nangyayari. I don't want to get involve to any Teng again. Once is already enough. I can now feel a storm coming on my way. My eyes shifted on my phone when it rings. I excuse myself for a minute to answer the call. Mariin kong naipikit ang mga mata ko at nailayo ko po ang phone ko nang marinig ko ang boses ni Mama. "Mama, kalma. You don't need to shout," saad ko upang pakalmahin siya. [I heard that Hazelly isn't with you right now. You will go home then and stay with us no matter what your resasons are.] Mariin kong naipikit ang aking mga mata. This is so frustrating. Alam ko na agad sa boses ni mama na dapat sundin ang gusto niya at alam ko rin na kahit na anong sabihin ko ngayon ay hindi iyon tatalab sa kanya. "Mama, ilang araw lang naman siyang mawawala —" [We don't care. What matter to us right now is your safety. Hindi naman ata kami papayag na mag isa ka ngayon sa tinitirahan niyo. Alam mo kung gaano kadelikado ang panahon ngayon. Paano na lang kung may nangyari sa iyo ng hindi namin alam?] Putol ni mama sa sasabihin ko. Ni halos hindi niya ako bigyan ng pagkakataon na magsalita. Hindi ko alam kung paano nalaman ni mama na wala ngayon si Zell dahil hindi niya rin naman ito sinabi sa magulang niya. What am I going to do now then? This is so frustrating! "Mama hindi na ako bata," giit ko kahit na alam kong mas lalo lang akong mapapagalitan. [Walang pinipiling edad ang panganib Krystal. Uuwi ka at mananatili ka sa amin habang wala pa si Hazelly. Ipapasundo kita kay Ash mamaya. Dont think of any childish acts Krystal. I'm warning you.] And with that she ended the call without even waiting for me to speak. Marahas akong napabuntong bago ako muling bumalik sa table ko at isinubsob ko na lang ang buong oras ko sa dapat kong gawin at tapusin. So far maganda ang nagiging feedbacks ng articles na gawa ko. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makabasa ako ng article tungkol kay Zeikko. Ang yabang talaga niya. Speaking of Zeikko, buti na lang talaga at hindi na niya ako binubulabog. Sana naman pang poreber na iyon. Sana hindi na siya muling tumambad pa sa buhay ko dahil masaya na ako na wala siya. "Once a jerk always be a jerk," I muttered before I close the article. Nagpatuloy ang araw ko. Nagkaroon kami ng meeting tungkol sa parating na big project kung saan si Zeikko ang bida. Hindi naman ito ang una naming big project pero kung umasta ang mga kasama ko parang sobrang laking tao talaga ni Zeikko na kailangan alagaan at protektahan. Kung alam lang nila ang sagwa ng ugali niya hindi sila magkakaganito. Kung p'wede lang din na siraan siya ay gagawin ko kahit free pa yan. Halos hindi ko na maramdaman ang daliri ko dahil panay ang pagtipa ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko upang ipagpahinga ito kahit saglit lang. "Kryst, may naghahanap sa'yo, kapatid mo raw." Napamulat ako ng mga mata dahil sa sinabi ni Seca. Oh I forgot, Ash will fetch me today. Hindi ko siya nainform na baka matagalan ako dahil sobrang dami ko pang gagawin. "Guys! Because you did great today, our ever supporting CEO said that we can go home early today, however we must still prioritize what we think is right. If there's a big news, do it at home. Okay! Let's go home now," Chief announced enthusiastically as she claps. Para namang nabuhayan ang mga kasamahan ko dahil sa announcement. Sabay-sabay kaming bumaba pagkatapos naming masinop lahat. Hindi pa man ako nakakalapit kay Ash ay kitang-kita ko na agad kung paano siya tignan ng mga babae sa paligid pati sila Seca ay mukhang kinikilig na rin. "May anghel pala rito sa lobby." "Dapat pala naging sofa na lang ako." Napailing na lang ako dahil sa mga sinasabi nila. Nang mamataan ako ni Ash ay tumayo na ito. Natawa na lang ako dahil nung ngumiti si Ash ay halos kinikiliti na ang mga kasama ko. "He is Ash," saad ko na kinakunot ng noo nila. "Kapatid ko siya. Mauna na ako sa inyo." Narinig ko ang protesta ng mga kasamahan ko pero hindi ko na lang sila pinansin. For sure bukas uulanin nila ako ng mga tanong. Ikinawit ko ang braso ko kay Ash nang makalapit ako sa kanya. Kinuha niya pa ang bag ko mula sa akin. "Ang tagal mo ate. Nakakairita mga tinginan nila sa akin," aniya nang makasakay kami sa sasakyan niya. "You should date then." Pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Habang binabaybay namin ang mahaba-habang daan ay nagkuwentuhan lang kami ng kung ano-ano katulad ng kung anong ganap niya sa buhay. Buti na lang talaga ay hindi siya lumaking sakit sa ulo. "Ate may tanong ako." Kumunot agad ang noo ko dahil sa umpisa niya. Ngumiti lang siya sa akin. "Bakit sobra kung mairita ang mga babae? Bakit ang sensitive niyo?" "What?" natatawang tanong ko dahil hindi ko inexpect ang tanong niya. Nagkamot ito ng batok. "Seryoso ako," aniya na nanatili sa daan ang mga mata. Napangiti na lang ako dahil tila ba may naaamoy na akong pag-ibig sa kanya. "You see people has their own flaws. Hindi naman lagi ay sensitive kaming mga babae, siguro may mga times lang na natitrigger ito. Why? Who is this sensitive to you? Baka naman kasi inaasar at pinagtitripan mo kaya mabilis mairita sa'yo? Hey Ash! Don't be such a bully. " Bumusangot siya. "I just don't know how to approach her." He is so funny. Hanggang sa marating namin ang bahay ay pinag-uusapan pa rin namin itong girl na hindi niya sinasabi kung sino. "Just talk casually to her. Baka mamaya mas mairita siya hindi ka na niya kausapin ever." Marahas itong bumuntong hininga. Natatawa akong tinap ang likod niya. Love is really something that we can't easily handle. Nauna akong pumasok sa bahay. I was about to shout to call mama and papa, but I literally froze at my place. Tila may kung anong kademonyohan ang nabuhay sa loob ko. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko nang makita ang gagong akala ko hindi na magpapakita sa akin. Tumayo ito ng may ngiti sa kanyang labi. "Meet the parents," simpleng sagot niya. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD