CHAPTER 6

1571 Words
Kinabukasan ay sobrang dami kong energy sa katawan. Panibagong araw, panibagong sakit. Pero ika nga nila, no pain, no gain. Isa pa ay hindi pa naman niya ako kilala. I should introduce myself to him. Higit lang ako sa isang desperada. Bigla kong naalala ang sinabi niya kagabi. He always mention kung gaano ako kadesperada. Hanggang doon na lang ba ako? Tinapik ko ang bandang kaliwa ng dibdib ko at huminga ng malalim. Stop negative thougths Feiya. Kapag umiyak, uminom lang ng tubig para hindi dehydrated. Kapag masakit ang puso, itulog tapos bawi na lang ulit. Pagkagising ko pa lang ay nagtungo na ako sa aking study table na puno ng mga pangdesign sa journal at iba't ibang kulay ng mga pens. Puno rin ng nakadikit na notes pa. Tiningnan ko ang to-do list ko sa aking notes. Everything is colorful. Todo list: ○ Ipagluto ng breakfast si Raden ○ Magpa-impress kay Raden ○ Mahalin si Raden 24/7 ○ Pagsilbihan si Raden Napailing na lang ako sa pinagsusulat ko. Oh siya siya! Gagawin ko 'yan lahat ng 'yan. Pm shift ako today kaya naman magagawa ko ang resposibility as Raden's wife. Nagpalit muna ako ng loose shirt at dolphin short. Pinuyod ko ang brown hair kong hanggang bewang kong buhok. Plano ko ng magpashort hair kapag may oras. I do my morning routine. Bago ako lumabas ng kwarto ay nagpaganda muna ako. Naglagay ako ng kaunting blush sa mukha at nude lipstick, para hindi halatang maputla at natural lang sa labi. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na si Raden na kakapasok lang ng unit. Ang aga pa niya sa akin! Nakaitim siyang sando pair with a sweatpants. May nakasabit na towel sa isang balikat niya at basang basa sa pawis. Kinagat ko ang labi dahil kitang kita ang makisig nitong braso na hitik sa muscle. Napalingon siya sa akin nang makita ako. Itinuro niya ang supot na nasa coffee table. Kaagad akong lumapit para buksan iyon. "I went to coffee shop nearby. Eat breakfast" Since it's Raden's pasalubong, excited ko iyong binuksan. Mini pancakes iyon at milk tea. "Wow! Thank you!" Para akong bulate na kinikilig dahil dinalhan ng pagkain. Biruin mo iyon? Hindi niya ako nakakalimutan. Para magpasalamat ay lalapit sana ako kaso sa sobrang excited ko, tumama ang paa ko sa paanan ng coffee table at muntikan ng ma-out balance. Good thing, Raden has fast reflexes. Kaagad niya akong nasalo. Nilagay niya ang mga kamay sa aking bewang bilang suporta at napakapit naman ang mga kamay ko sa kaniyang balikat. Pakiramdam ko nanghina ang tuhod ko sa kaba. Akala ko talaga babagsak ako. Para akong hiningal bago tumingin kay Raden na sobrang lapit pala sa akin. Looking at the perfect feature of his face....I realize something. Matagal na pala akong bumagsak. Hulog na hulog sa kaniya noo pa man. "Bakit ang clumsy mo? May pake ka ba sa anak natin?" Pagalit niyang sabi na nagulat din. Parang natakot din. Nawala sa kaniya ang atensyon ko nang maamoy ang kaniyang leeg. Naghahalo ang amoy ng pawis ng katawan at pabango niya. Somehow, I like the smell. Aggressive as it seems, I pulled him closer. "Stop Feiya" he hissed. I felt him stiffened. We are still in a uncomfortable position. Patriangle. Nakalean ako pero 'yong nga paa ko ay medyo nahuhuli. If he remove his hand on my waist, I will definitely fall. "Ang bango mo naman..." mahal. My endearment for him. Itinapat ko ang ilong sa kaniyang leeg. Sininghot ko ang amoy niya. "Stop Fei- haha" I stopped. Napatingin ako kay Raden. Namali ba ako ng dinig? Tumawa siya hindi ba? Namumula ang mukha niya na nilayo ang sarili sa akin. "Stop. Stop being weird..." umiwas pa ang tingin niya sa akin. I suspiciously stare at him before sniffing his neck again. "Haha! s**t-Stop! Ibabagsak talaga kit-haha Feiya!" I knew it. May kiliti siya! Nakangisi ako habang paulit-ulit na inaamoy ang kaniyang leeg. I started to run my fingers on his neck while making a sniffing sound. Now I know how to get Raden's laugh. "Fuc-Fei-hahahaha s**t!" Ang tawa niya ay parang musika sa aking tainga. I chuckled when I run my fingers on his armpit and was about to tickle him when he effortlessly carried me to lay me on the sofa. Napasigaw ako sa gulat at napahawak ng mahigpit sa balikat niya. He held my both arms and pinned it above my head. "I said stop!" Sigaw niya sa harapan ko. I blink repeatedly while looking at him, a bit amused. Namumula ang kaniyang mukha at hinihingal. So...cute. Iniwas niya ang tingin bago padabog na binitawan ako. "Aish!" Sinamaan niya ako ng tingin bago pumasok ng kwarto niya. Ang lapad naman ng ngiti ko. He look shy! Para akong nanalo sa lotto. Kaya naman sobrang ganda ng mood ko after that at bilang premyo, hindi ko siya kinulit maghapon. Nilibre ko pa si Candy ng pagkain kasi masaya ako. Mabilis lumipas ang araw. I always find ways para magpapansin kay Raden. Lagi siyang naiinis pero wala naman siyang magawa. Kahit ayaw niya akong lapitan, kailangan niya dahil inaalagaan niya ako. Lahat ng cravings ko binibili niya. He always there when I needed him. Kahit pa minsan nagbabato siya ng masakit na salita, parang namamanhid na ako. Ngayon ay may appointment kami kay Ate Gina para sa check up. Nasa kotse kami ni Raden at seryoso siyang nagdadrive. Panay ang tingin ko sa kaniya. I always find him attractive. Kapag nahuhuli niya akong tumitingin ay umiiwas ako ng tingin. "Kain muna tayo" lumapit ako para yumakap sa braso niya. Suplado niya iyong tinanggal pero nagpunta kami sa drive thru ng isang fast food chain. Ngumuso lang ako. Pagkatapos naming umorder ay muli na siyang nagdrive. Minsan sinusubuan ko siya kaso tumatanggi. "Sige na, kainin mo na please?" Pagmamakaawa ko pa. Nag-puppy eyes pa ako sa harap niya. "Feiya stop being...hard headed" tila napapagod niyang sita. "Isusubo lang naman. Lahat na lang ba, hihindian mo? Akala ko ba love mo ako?" Pag-iinarte ko pa. Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi kita love" May tumarak sa puso ko sa sagot niya pero kaagad ko iyong binaliwala. "Pero love pa rin kita kahit ganiyan ka" sagot ko na lang sa mahinang boses. I heard him tsk. Mukhang narinig ako. _____ Nakarating naman kami sa hospital ng on time. Pagkababa namin ng sasakyan ay bigla akong inulan ng kaba. "Why are you so stiff?" Pansin sa akin ni Raden pagkalabas namin. I swallowed hard. I reached for his arms but he immediately decline. I pouted. "Please?" Pagmamakaawa ko. He sighed. "Kaya mo maglakad ng walang kahawak." Suplado niyang sabi na nauna ng maglakad sa akin papasok. Mapait akong ngumiti lalo na nang tumingin ako sa ibang buntis na kasama ang asawa nila. Ang sw-sweet nilang tingnan. Pagkarating namin sa opisina ni ate Gina ay kaagad din kaming pinapasok. Pagpasok namin ay kaagad na tumama ang mata niya sa akin. Iniwas ko lang ang tingin bago humawak sa t-shirt ni Raden. Hindi naman na siya nagreklamo pero pinauna niya ako. Kumpara sa una naming pagkikita ng doktora ay medyo may tensyon sa pagitan namin. Ni-check up niya ako at pagkatapos ay sinabi niya sa amin ang mga dapat gawin. "As of now, the mother is healthy" tumama ang tingin niya sa akin. "Lahat naman ay normal. Just don't forget to take her vitamins." Kumuha siya ng isang brochure at inabot iyon kay Raden. "This is all the list of do's and don'ts sa mga buntis pati na rin sa pagkain. Kapag may katanungan ay tawagan niyo lang ako. As usual regular check up pa rin tayo and mother..." Mapatayo ako ng tuwid ng tawagin ako ni Ate Gina. "May nararamdaman ka ba ngayon?" "Morning sickness and cravings" mabilisan kong sagot. She nodded and didn't say anything. "Ahmm Doc" singit ni Raden. Parehas kaming napatingin sa kaniya. Ngumiti naman agad si Doktora. "What is it Mr. Winston?" "Kasama po ba sa buntis ang makulit?" Uminit ang pisngi ko sa narinig. Kailangan pa ba iyon itanong? "Well..." inayos ni ate Gina ang kaniyang salamin. "....masasabi kong normal lang 'yon. May mga buntis na laging galit at may mga buntis naman na gustong gusto ng atensyon mula sa kanilang asawa. I think Mrs. Winston wants your attention" Raden crossed his arms on his chest and nodded helplessly. "It looks like she took advantage of me" rinig ko pang bulong niya. Which is true naman. Iyon na nga ang kontribusyon ni baby eh, ang makatsansing ako sa ama niya. Hindi rin nagtagal ang consultation at lumabas na rin kami. Hindi na ako maihahatid ni Raden dahil biglang nagka-emergency. Hindi na rin naman ako nagpakaimportante. I have someone to talk to also. "Ingat ka! Huwag ka pagutom!" Mahal. Raden tsked and slammed the car door in front of me. I only smile and wave at him. Bumalik ako sa loob para pumasok muli sa opisina ni Ate Gina. Naabutan ko siyang nag-aayos ng table. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay kaagad na nilapitan niya ako nang may concern sa mata. "I think you should tell him already" My lips thinned. "Ate Gina...akala ko ba pinag-usapan na natin ito? Nagmamakaawa ako Ate gina. Hindi naman kita idadamay" Hinawakan niya ang mga kamay ko. "I'm just concern about you hija. You should not lie to him. Tell him before it's too late..." "Tell him that you're not pregnant"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD