CHAPTER 7

1678 Words
"It is negative..." Napakurap ako ng ilang beses. Parang namatayan ako ng pag-asa. Eto na eh. Naandito na ang dahilan para mapasaakin si Raden. Ipinakita ko iyon kay Ate Gina. "Pwede po ba makahingi pa ng isa? B-baka expired lang" Binigyan niya ulit ako ng isa pang PT. Pumunta ulit ako sa banyo at nagpatak ng ihi pero parehas pa rin ng result ang lumabas. Nanghihina akong lumabas ng banyo. Just to make sure, kinuha ni Ate Gina ang sample blood ko pati na rin ang sample na ihi ko. I waited there until she finished. Pagkabasa ko ng resulta, it is still negative. "I'm not pregnant..." I whispered. "Yes you're not hija. Siguro ang na-experience mo ngayon ay stress o kaya ay pagod. Baka hindi ka rin kumakain kaya ka nahil-" "Ate Gina..." nakatulala kong ani. "Hmm?" I faced her. Lakas loob kong inabot ang kaniyang mga kamay na ikinagulat nito. "Make it...positive" diretsyahang sabi ko. "What?" Nabawi ni Ate Gina ang kamay sa aking pagkakahawak. "What are you saying hija?!" Tumayo ako bago lumuhod. "Please Ate Gina. Pekein mo ang resulta. Please! Please..." If malalaman ni Raden na hindi ako buntis, paano na 'yong opportunity na matagal kong hinintay? Kapag buntis ako, papakasalan niya ako. Hindi pwedeng hindi ako buntis! "No. We can't do that. That's illegal! Matatanggalan ako ng lisensiya ko!" "Sige na po Ate Gina." Tumulo ang aking luha sa kaniyang harapan. I desperately need this. "Tulungan niyo po ako! I love this man so much. Kung buntis po ako, he will marry me. Please Ate Gina! Help me!" Tumayo siya at pilit akong pinatayo pero hindi ko iyon ginawa. I will not stop begging if that's only the way. "Gosh Feiya. That sound so wrong! Kung mahal mo man ang lalaking tinutukoy mo, mali pa ring gawin 'yan. Ano bang pumasok sa utak mong bata ka? I provide your needs pero magiging bobo ka lang sa pag-ibig? I will not allow that-" I shut her up by grabbing her feet. "Sige na Ate Gina. Promise hindi kita idadamay. I will take the responsibility! Please! Please! This will be a great help. It is my happiness!" I cried. I beg. I show my pitiful eyes. I made it convincing. Umupo siya para pantayan ako. She cupped my cheeks. "Alam mo namang hindi mo iyan ma-ke-keep forever hindi ba?" I nodded. "Alam ko po" "At alam mo namang hindi iyan ang happiness na gusto mo. Hindi mo makukuha ang lalaki sa gano'ng paraan" "I know but I don't want to let it slide. I feel like I need to do this. Whatever the result is, I will not regret everything. I'm taking my chances..." "Okay" She gave me her slightest smile. I stopped crying. "Okay?" "I'll do it, just promise that I will not get involve." Tumango ako ng mabilis. Tumayo siya at kaagad ko naman siyang hinabol patayo para yakapin. "Thank you for your kindness ate Gina! Thank you!" She tapped my back. "I'm doing this because I want you to realize what you're entering to and believe me, the result will be the same" Mapait akong ngumiti. Naiintindihan ko ate. I expected it but I still want it. There's only 1% possibility that it would work but I choose that instead of nothing. Kung ito ang daan para mapasaakin siya? I'll do it. Kung desperada ako, bakit hindi ko pa lubusin? Tutal iyon naman ako. I'm desperate for love. ______ "Candy, pwede ba pakisabi kay boss na hindi ako makakapasok?" "Aba bakit naman teh?" "Problema sa lovelife. Nasstress ako at buntis ako" mapait akong ngumiti. Ni hindi ko masabi kay Candy ang totoo dahil alam kong pipigilan niya lang ako. Isang kagaguhan itong pinasok ko talaga. "Sige, ako na bahala kay Boss magpaliwanag basta alagaan mo 'yang nasa sinapupunan mo! Basta ililibre mo ako ah?" "Okay" Pinatay ko na kaagad ang tawag bago nagtalukbong ng kumot. Hinawakan ko ang tiyan ko at patagal ng patagal, pabigat na pabigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Yes, I lied. I fake the result. I beg Ate Gina. Dinamay ko siya sa kadesperadahan ko. Lahat ng ginagawa ko ay pagpapanggap lang. The morning sickness, the cravings, the mood swings and such. I did it to take advantage of him. I'm using my fake pregnancy para mapalapit sa kaniya. Ginagamit ko ang pekeng pagbubuntis ko para kahit papaano ay mapansin niya ako. Ginagamit ko ito at nilulubos. Am I bad right? Kasalanan itong ginagawa ko. Niloloko ko ang taong mahal ko dahil selfish ako. Yet, knowing that, I still pursue it. Ginawa ko pa rin. Just to make him mine. Hindi masiyadong matagal at alam kong mapapansin niya na hindi ako buntis. I can't work a miracle para mapalaki ang tiyan ko. Alam kong mahahalata at mahahalata niya rin. I sighed. Ayaw ko ng mag-isip masiyado. Tutal ay naandito na ito, ituloy ko na lang at may isa pa namang paraan. Ang mabuntis ako. But how? Hindi nga ako magawang matabihan sa kama. Narinig kong tumunog ang aking cellphone kaya muli ko iyong inabot. It was Raden kaya naman bumalik ang sigla sa aking katawan. Mahal You didn't work? Mabilis akong nagreply. Ako : Hindi. Kapag may spare time, sinusundo ako ni Raden sa work ko pero hindi siya lumalabas ng kotse. Nahihiya atang makita ng mga officemate ko. Mahal: Why? May nararamdaman ka ba? The baby? Ngumiti ako na para bang concern talaga siya sa akin pero para talaga 'yon sa isang baby na hindi naman nag-eexist. If nagkaroon ito ng laman, alam kong magiging mabuting ama si Raden. Ako: Kung meron man, are you going home? Take care of me? What if I want to sleep beside you? Gagawin mo ba? I look at my text. Ilang beses ko iyong tinitigan bago binura. Mag-ooverthink ba siya kagaya ko? Uuwi ba siya kung hindi ako nagreply? Naramdaman ko ulit na nag-vibrate ang aking phone. I checked the new message. Mahal: I can't go home. I will stay at Laguna tonight for work. Prepare your things. You'll come with me. Nawala ng parang bula ang pagod na nararamdaman ko. Instead, I feel motivated. We will spend the night together! Kaagad ako nagreply. Pagkatapos no'n ay nagimpake na ako. I'm excited. Pagkatapos kong mag-impake ay naligo ako. Nagtagal ako sa banyo at paglabas ko ay nasa sala na si Raden at nakatingin sa kaniyang relo. "Come on. Move quickly" Hindi ko na siya pinag-antay ng matagal. Kinuha ko na ang aking gamit. After ko mag-ayos saglit, umalis na din kami. Nagtungo na kaagad kami sa pinakamalapit na hotel para sa work niya sa Laguna. "One room" Kumabog ang puso ko sa sagot ni Raden. Iisang room lang ba kami? Kaagad na bumuo ng kung ano-anong scenario sa isip ko. Pero isa lang nasa isip ko. This is an opportunity to grab- "One room with two beds please" Eh? Nakailang kurap ako bago sumilip kay Raden. Is he serious? "Why are you looking at me like that?" Masungit niyang tanong. Hindi na lang ako umimik. Bakit dalawang kama pa? Useless naman no'ng isa. Bago siya umalis, inaya ko muna siya kumain. Pagkatapos no'n ay naiwan ako mag-isa sa kwarto ngunit kahit gano'n ay hindi nawala ang excited na kaba sa aking sistema. I spend my time looking at the mirror and try something on my face. Nagtatry ako magmake up ng smokey eyes pero ang hirap iachieve. Nilapatan ko ng sobrang pula ang aking mga labi. Kinuha ko ang aking pulang silk na roba at ipinulupot iyon sa akin. Nagpahid din ako ng lotion sa katawan at pabango sa aking leeg. Pagkatapos kong ayusan ang sarili ay inubos ko ang oras sa social media at pakikipagkwentuhan kay Candy. Pagtingin ko sa orasan ay mag-aalas dose na ngunit wala pa rin si Raden. Ngayong oras ay nakaupo na lang ako sa kama, naghihintay. Sa oras na ito, I'm taking an opportunity. Ngayon lang kami magsasama ni Raden sa iisang kwarto. Gagawa ako ng paraan para maisakaturapan ang plano ko ngayong gabi. Nilalaro ko ang mga daliri nang marinig kong bumukas ang pinto. I see Raden with his hot office uniform. May hard hat pa siya na hawak. When our eyes met, he knew right away what I'm going to do. Pinagmasdan niya ang aking kasuotan. He closed the door. Inilapag niya ang hard hat sa maliit na cabinet at ang bag niya. Kalmado siyang umupo sa kabilang kama, facing me. "Don't do anything stupid Feiya. I'm warning you" Lumunok ako bago mahigpit na hinawakan ang pulang roba ko. "Why? Mag-asawa naman tayo ah?" "Kailangan ko ba ulit ulitin?" napasuklay ng buhok si Raden. Halata sa mukha nito ang frustration. Tumayo ito at tumalikod. "If you will going to do this, kukuha na lang ako ng panibagong kwarto" Nanghihina man ang aking mga tuhod, kumuha ako ng lakas para lumapit. Niyakap ko siya patalikod at dinama ang kaniyang matigas na dibdib. "Please Raden...pagbigyan mo na ako. Baguhin mo man ang lahat, asawa mo pa rin ako. I have needs that you're the only one could provide. You also have needs that I could give to you." Lumipat ako sa harapan niya. Nag-ngingitngit ang kaniyang mga ngipin at umiigting ang kaniyang panga. I tiptoed to kiss his jaw. Mas lalo lang 'yong umiigting. I could feel his anger. Nararamdaman ko ang pagpigil niya. I touched his firm arm, slowly caressing it. Pinagala ko naman ang labi papunta sa kaniyang leeg, paakyat sa kaniyang mga panga. My eyes are still begging. Iginala ko naman ang kamay pababa, sa kaniyang mga sinturon. Bahagyang nilaro iyon. Nagtungo naman ang tingin ko sa kaniyang mga mata na sobrang dilim. "Raden, please give this to me. For us." Para sa pagmamahalan natin. To make my plan work. When I was about to kiss him, he held my waist. Without warning, I was pinned on the bed while Raden was on my top, breathing heavily. He loosened his necktie while his eyes are bloodshot. "Fine" he clenched his jaw. "I'll make you realize what you're asking for"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD