Raden's POV
She is such a pain in the ass.
Hinilot ko ang sentido habang nakatingin sa laptop ko. Alam kong kailangan kong i-tolerate ang pagiging aggressive ni Feiya. Kailangan kong magpasensiya para hindi maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya pero nauunahan ako ng emosyon. Naiinis ako habang iniisip na nitetake advantage niya ang pagiging kasal namin.
Alam kong ang stress ang isa sa mga dahilan para magkaroon ng miscarriage ang isang buntis. I searched for that.
Although I'm not happy for having Feiya as my wife, I will not hate my child. I'm searching information and watching videos about pregnancy for my child.
"Bakit kasi hindi na lang makisama" pagmomonologue ko pa. We could work it out.
I rest my back for awhile and relaxed my body. I'm too busy for her.
Pinag-iisipan ko tuloy kung bakit masiyado akong nagpadalos dalos. I should think before I decided to marry her pero iniisip ko pa lang na broken family ang anak ko, I can't do that.
I promise to myself that I will give my child a complete family even if it means to take away my happiness.
Bakit kasi nagbunga pa? Bakit kasi ako nag-inom ng araw na iyon? If I only knew that Feiya will destroy my life like this....
Fuck! Hindi ko siya kayang mahalin.
Matapos makakuha ng text from my co-workmates, kaagad akong lumabas ng office. I will check the site location sa Laguna.
Paglabas ko ay naabutan ko si Ken na nakatayo sa gilid. Kenejik Sy, finance head ng kompaniya.
I creased my forehead. Why the hell he is here in front of my office? Wala naman kaming meeting regarding the budget since okay na lahat ng iyon.
"What are you doing here Mr. Sy?"
He fixed his sunglasses and put his hand on his pocket. "Iyong babaeng lumabas sa office mo. Asawa mo?"
Sumalubong ang dalawa kong kilay. "Why do you care?"
Hindi kami close. We are not enemy either kaya nagtataka ako kung bakit niya tinatanong ang about kay Feiya.
"Nothing. It just....she is interesting. Can I play with her?"
Mas lalong nangunot ang noo ko. Wala akong pake sa buhay ng iba ngunit usap-usapan sa buong opisina ang pagiging babaero nito.
It's not my business though but now it is.
Feiya is my responsibility now.
I sighed. Anong trip ng lalaking ito?
"What if I say that she's my wife?"
Sy smirked. "Well...looks like it's not a normal marriage. You denied that she's your wife"
I clenched my fist. He is watching?
"Do what you want but not her." I scoffed. "She is obssessed with me. Don't try your luck"
Pagkatapos no'n ay umalis na ako. Wala akong oras para kausapin siya at nonsense niyang sinasabi.
But it also concern me. Why the f**k he will say that in front of my face? Playing girls as if they were a toy?
It's f*****g uncool.
Kung palalayain ko man si Feiya, malamang hindi sa kaniya.
_____
Fei's POV...
Sobrang sama at bigat ng puso ko pagkarating ko sa bahay. Nasasaktan ako sa ginawa ni Raden kanina.
"Ang sakit pala talaga" umiiyak ako sa aking kwarto. Nakabalot ako ng comforter habang nakikinig ng budots na tugtog.
Oo, budots para lang kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam o kaya maalis lang ang sama ng loob ko.
Alam kong dapat masanay na ako pero nagtatampo ako dahil effort ko 'yon. Ibinuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa putahe na iyon. Tinantiya ko ng tama ang lahat ng ingridients na isinangkap ko para lang masarapan siya kaso basura lang din pala ang bagsak.
Pero alam ko ding galit sa akin si Raden ngayon.
Masiyado ba akong naging...makapal ang mukha? Nadala lang naman ako ng emosyon.
Posible kayang nambabae si Raden?
Iniisip ko lang, para na akong nadudurog.
Pero hindi naman ganoong lalaki si Raden. Nasubaybayan ko siya. He is an ideal man.
Pero mabilis akong lokohin. Hindi naman niya ako mahal.
Overthink malala talaga kahit ako lang naman ang nagmamahal.
Huminga ako ng malalim bago pinunasan ang luha ko. Tiningnan ko ang orasan at quarter to 10 na pala.
Paniguradong pauwi na si Raden. Isa sa mga qualities ni Raden na pinakagusto ko, he never leave me alone in the condo.
He made sure na may kasama akong matulog. Though sana makatabi ko siya.
Nag-iisip pa ako ng gimik para lang mapatabi ko siya. I will prepare for that pero sa ngayon, kailangan kong mag-sorry.
Maybe I'm being too much. Dapat naging kontento na ako.
Kaya naman pagkauwi niya ay kaagad akong sumalubong sa kaniya.
"Goodevening!" I greeted as he entered our house. He look at me for a couple of second then look away. He ignore me again and didn't bother to greet me 'goodevening too'.
Though it's normal. Alam kong mas inis siya sa akin ngayon.
I upset him did I?
Gusto ko sabihin na dahil nagseselos ako at dahil may karapatan ako pero alam kong hindi uubra ang legal wife power ko.
Gosh! Ang hirap mo mahalin bebe Raden.
I don't how I will act kaya naman lumapit ako sa kaniya pata tulungan siya sa pagtanggal ng coat niya at ibaba ang dala niyang plastik ng prutas para sa akin.
"Salamat dito"
He tsked. "Eat fruits a lot. It's good for the baby"
Mabilis akong tumango. I always appreciate ang mga small things na ginagawa niya para alagaan ako.
Inilagay ko muna sa coffee table ang plastik ng prutas para tulungan ko naman siya sa pagtanggal ng butones ng kaniyang long sleeve polo nang hawiin niya ang kamay ko.
"I can do it by myself" he clenched his jaw. Nilampasan niya lang ako.
I swallowed hard.
Sumunod ako sa kaniya and tried to lighten up the mood. "I cooked adobo. Gusto mo ba kumain? Baka nagugutom ka na"
"Kakakain ko lang" sagot nito na di man lang akong hinarap.
"Pagod ka ba? Anong gusto mong gawin ko para maibsan pagod mo?"
"Kung gusto mo makatulong sakin, wag kang magpakita. Mainit ang ulo ko"
As always, lagi siyang may sagot.
Pero dakilang makulit ako. Ito kasi ang technique ko para magpapansin sa kaniya. Hindi pwedeng hahayaan ko na lang siya dahil walang mangyayari.
Ang aim ko nga dito ay may magbago sa amin.
Pumasok na siya sa kaniyang kwarto at sinundan ko siya. Isasarado na niya ang pinto kaya naman iniharang ko ang kamay ko.
"aw!"
"Feiya! What the hell?!"
Nakagat ko ang labi dahil sa sobrang sakit. Iwinaksi ko iyon sa hangin para lamang mawala ng kaunti ang sakit.
Hinawakan naman iyon ni Raden at tiningnan.
"Nababaliw ka na ba?!" Galit niyang saad bago ako hilahin sa sala. Pinaupo niya ako sa sofa. Iniwan niya ako saglit para kuhanin 'yong first aid kit. May hinanap siya doon bago ako muling binalikan. Isa iyong ointment. Nilapat niya iyon sa daliri kong naipit sa pinto.
"Ano bang nasa isip mong babae ka?! Bakit hindi ka mag-ingat? Bakit ang kulit kulit mo?!" Panay ang paglalabas nito ng sama ng loob. Oo lahat ng iyan sama ng loob.
Halata namang inis na inis siya sa akin. Ramdam ko 'yon.
Pero ang hindi niya alam, habang bunganga siya ng bunganga, kinikilig naman ako dito.
Nakikita ko lang ito sa K-Drama eh. Ganito talaga ang proper way ng paggagamot. Kailangan may kapartner.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko habang nakatitig kay Raden na hinipan pa ang pagang daliri ko. I flinched sometimes but you can feel the care.
Nang iangat niya ang tingin sa akin ay para siyang natauhan. Bigla niyang binatawan ang kamay ko.
"Aw!" Daing ko naman. "Masakit"
Tumayo na ito at hinagis ang ointment sa akin. "Apply it on yourself. Be careful next time. Kapag ka sinabi kong ayaw kitang makita, sumunod ka na lang.
Tumalikod na siya sa akin at papasok na ulit ng kwarto niya nang tumayo ako para hagipin siya. Iniyakap ko ang mga braso sa kaniyang likuran.
"Ano na naman ba Feiya?! Habang buhay mo bang pasasakitin ang ulo—"
"Sorry. Iyong tungkol sa opisina mo kanina. Sorry sa ginawa ko. Nagselos lang talaga ako. I w-won't do it again."
Inalis niya ang mga brasong nakapulupot sa kaniya at hinawakan ito ng hindi masyadong mahigpit pero tama lang para magpaalala.
"Pwede ba? Huwag mo kong sinusuyo na para bang may love's quarrel tayo?" Bumuntong hininga siya. "Look, kung talagang nagso-sorry ka, could you please stay away from me? Pwede bang huwag mo akong inisin? Pwede bang huwag mo akong kulitin? Hindi pa ba sapat na inaalagaan kita? Ano bang hindi mo maintindihan doon ah?"
"Pero Raden....kung wala akong gagawin, paano tayo magwowork? Hindi mo ba naappreciate lahat ng ginagawa ko? I'm your wife" Nag-init ang sulok ng aking mata. Alam kong iiyak na naman ako nito.
"Paano magwowork? If you could only behave. Appreciate? Paano? Naiinis ako sa mga ginagawa mo! And what you did in the office? Sinong matutuwa?! I already cleared to you na walang makakaalam na asawa kita pero ang tigas ng ulo mo. Wala kang pinapakinggan!" He snapped.
Huminga ako ng malalim. "Pero—"
"Shut up" putol niya sa akin.
I swallowed hard as if it would stop the tears that wants to fall.
"Just let me Raden..."
He frowned. "Let you make my life more miserable than I was?"
Pinunasan ko kaagad ang luhang nagbabadyang tumulo. "Ano ba kasing problema sa akin? B-bakit hindi mo ako magustuhan?"
He scoffed. "Isn't that obvious?" he paused.
He scanned my body. From my feet to my face.
"Being desperate is cheap"