Dumuduwal ako sa lababo at iyon ang inabutan ni Raden pagkagising niya sa umaga.
He tapped my back and tried to make me feel better while vomiting but nothing came out.
Parang may gustong lumabas sa tiyan ko pero wala namang lumalabas.
Nang hindi na ako makaramdam ng pagduwal ay inabutan niya ako ng tubig na kaagad kong ininom.
Habang umiinom ay nakatingin ako kay Raden. Parang may kung anong natutunaw sa aking puso dahil kahit sinasaktan niya ako ay sinsero siya sa pag-aalaga sa akin.
Isang linggo ang nakalipas simula ng magkasama kami sa iisang bubong pero isa lang ang napansin ko sa kaniya.
Napakamaalagain niya. Lagi ko siyang kinukulit kasi kailangan kong magpapansin at malimit ko siyang naiinis pero pagdating sa batang nasa sinapupunan ko, he never missed.
Kaya minsan talaga tine-take advantage ko kapag sobrang maalaga niya para kahit papaano, makada-moves ako pero laging walang epekto.
"Goodmorning pala" bati ko sa kaniya. I always wear my sweetest smile. Baka sakaling maakit siya doon.
His brows furrowed. "Wala ng good sa morning simula ng pinakasalan kita"
Kaagad napawi ang ngiti ko sa labi.
Ano ba naman 'yan. Hindi ba uso sa kaniya ang makisakay?
Pinunasan ko ang bibig bago hinugasan ang aking kamay. Day off ko ngayong araw at plano ko palang mag-grocery.
Wala na kaming stock sa ref. Wala tuloy akong nalutong almusal.
"Oo nga pala, may ipapabili ka ba sa akin? Maggogrocery kasi ako at wala na tayong stock ng pagkain sa bahay"
Ibinigay ko ang list ng mga bibilhin ko. Ibinalik lang din niya sa akin. "Wait me here. I'll come with you"
Parang may nagkakarerang kabayo sa puso ko sa excitement. Tama ba ang narinig ko? Sasamahan niya daw ako!
"Ha? Wala ka bang trabaho ngayon? O-okay lang naman sa akin na ako lang" siyempre kailangan hindi natin siya pinipilit pero looking forward.
Tumingin siya sa mukha ko bago ngumiwi. "Really? Your face tells the opposite"
Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Grabe! Pahamak na mukha ito. But atleast, sasama siya.
It's time to party!
"Huwag kang magcelebrate. Sasama ako dahil kailangan mo ng magbubuhat"
He tsked before walking towards his room to change.
Ngumuso naman ako bago pinagmasdan ang suot kong simpleng puting t-shirt at jeans. s**t! Kailangan kong magpalit!
Bumalik ako sa kwarto para magpalit. Nagsuot ako ng brown puffed sleeve flowy dress at may katerno iyong ribbon. Inipit ko sa half bun ang aking brown na buhok at itinali iyon.
Napamake up ako ng light.
Kailangan kong maging maganda!
Sakto namang paglabas ni Raden ay tapos na ako.
Ang pogi niya sa simpleng royal blue na t-shirt at black na cargo pants. Naemphasize sa kaniyang suot ang matipuno nitong dibdib at braso. Shocks! Bigla kong naalala kung gaano kaganda ang katawan niya noong isang araw.
Napatingin pa siya sa ayos ko pero wala naman siyang sinabi.
Sana man lang sabihan niya ako ng maganda.
Pero okay lang. Ang nasa isip ko ngayon ay maggogrocery kaming dalawa.
Pang-asawa vibes lang talaga!
Pinaghahampas ko ang dibdib ko sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Is it a dream? Please don't wake me up!
Para akong baliw na naghuhum habang pasakay ng kotse.
"Pagkatapos nating mag-agahan tsaka na tayo maggrocery" ani ni Raden na kakapasok sa driver seat.
"Sige" nakangiti kong tugon bago bumalik sa paghuhum.
Hindi ko aakalaing ganitong kaganda ang araw ko ngayon.
"Anong order mo?" Kakaupo lang namin ngayon sa Sunny Breakfast Hub. Dito namin naisipang magbreakfast ngayong araw.
Naglaway agad ang panga ko ng makita ang pancake kaya iyon ang pinili ko. Pipili sana ako ng coffee ng tanggihan niya. Bawal daw sakin. Gatas lang daw.
My heart melted on what he said. Kinagat ko ang labi kasi feeling ko titili ako sa kilig.
Talagang nagsearch siya at inalam ang healthy para sa akin.
"Milk shake na lang" ani niya. Tumango na lang ako.
"Is that all Sir?" tanong ng waiter. Tumango lang siya.
Habang naghihintay ng order ay kaagad kong kinuha ang pagkakataon para makapag-usap kami.
"Sa susunod na linggo check up ko na. Sasamahan...mo ba....ako?"
"Sasamahan kita" napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kaniya. "Kung saan ka pupunta sasama ako" mababang ani nito na lalong nagpabuka ang bibig ko.
"You mean...kahit anong lakad?" Para maalis ang nakabuka kong bibig ay sumimsim ako ng milk shake. Why all of a sudden he was nice to me?
Isang higop nito sa kapeng iniinom ay tumango ito. "Yes. Mas maganda ng kasama mo ako anytime. We don't know what will happen in the other day. I need to make sure that you're safe with the baby. Mahirap na baka kung anong mangyari sa inyo lalo na sa ANAK ko" nilagyan niya ng diin ang salitang 'anak' na para bang ipinaparating niya sa akin na para lang sa bata ang lahat ng gagawin niya.
I know that but it does mean that he will take care of me too since the baby is inside of me.
Totoo talaga na ang anak ang gagawa ng tulay para sa mag-asawa. My baby is a blessing. Siya ang gagawa ng paraan para sa aming dalawa ng tatay niya.
Napatingin ako sa tiyan ko bago
hinimas himas ito.
"Help me to get your Daddy's heart baby okay?" kausap ko ng mahina sa baby ko.
"Are you okay Fei?" Napabaling tuloy ako sa kaniya na alibadbaran sa paghimas ko sa tiyan.
"Nagugutom na siya" ngumuso ako.
Sakto namang dumating ang order namin at kaagad na naglaway ako sa pancakes.
Yummy!
Hindi ko na muling kinausap pa si Raden dahil ayaw kong masira ang aming agahan. Sapat na sa akin ang pagmasdan siya kahit laging galit ang tingin niya sa akin.
Sobrang saya ng aking umagahan at ganoon din sa paggogrocery namin. Suplado siya pero kinikilig pa rin ako dahil para kaming nag-date.
Umalis din siya kaagad at kailangan nitong pumasok sa opisina at dahil day off ko at kakatapos lang namin maggrocery ay hahatidan ko siya ng lunch.
Malapad akong ngumiti.
Napakabuti at napakasweet ko namang asawa.
Biruin mo 'yon, iniimagine ko lang noon, nagkakatotoo na ngayon.
Nagluto ako ng masarap na binistek na tocino. Inilagay ko iyon ng maayos sa isang container at nagtungo ako sa aking kwarto para kunin ang aking color pens.
I love calligraphy. Naalala ko pa na pinagkakakitaan ko ito dati. Nagpapacommission ako ng pagca-calligraphy. Isa rin ito sa mga bumuhay sa akin noong nag-aaral ako.
Kinuha ko ang aking note pad at nagsulat doon. Talagang binigyan ko ng effort ang sulat ko doon. It was a short message for Raden.
A bistek tocino with love.
Wife <3
I draw a tocino as a design and I properly pinned the note on the top of the container.
Sana lang talaga magustuhan niya ng mapatunayan kong mas better ang luto ko sa ex niya.
You can't judge a food if you will not taste it.
Baka mahalin niya na ako kapag nasarapan siya sa luto ko.
Kidding aside, ibinalot ko na sa magandang lalagyan ang container ng pagkain at nagpaganda muna bago ako umalis ng bahay.
Pahum-hum pa ako bago ako pumara ng taxi papunta sa firm kung saan nagtatrabaho si Raden.
This is actually my first time to visit him here.
May nag-assist sa akin papuntang office ni Raden. Sinabi niya sa akin na maghintay sa waiting area sa labas ng office dahil nasa meeting pa daw ang asawa ko.
I just nod and said thank you.
Inilabas ko ulit ang container sa supot at pinagkatitigan iyon.
Sana talaga magustuhan niya!
"Wow. Ang effort"
Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalaking matangkad, nakaoffice suit na nakasalamin ang bumungad sa aking harapan. Nakatingin siya sa note ng lunch box na dala ko.
"Salamat..." nahiya ko iyong binalik sa supot iyon.
"Sana ol sweet. Iyan ba ang sikreto para mahalin ka ng asawa mo?"
Ngumiwi ako. Napakalayo sa salitang mahal.
"Magdilang anghel ka sana" ani ko sa kaniya.
Hindi ko na pinansin ang lalaking nasa harapan ko nang makita ko si Raden.
I was about to wave at him when I saw him with a girl.
The excitement I've felt earlier immediately disappeared.
Pabebeng nakikipagkwentuhan ang babae sa asawa ko. Base pa lang sa tingin, alam kong katulad ko siya. May tinatagong kalandian sa katawan.
They are smiling like they are having a fun conversation. Naningkit pa ang mata ko dahil nangiti din si Raden habang nakikipag-usap sa babae.
Samantalang sa akin hindi makangiti.
Mahigpit akong napahawak sa supot na aking dala. I'm not planning to butt in but I realize that I have the right.
Muntikan ko ng makalimutan na ako nga pala ang LEGAL WIFE.
With that thought, I stood up. Hawak ang supot ay aking pinakita ang 'inlove na inlove na ngiti'
"Mahal!" Sigaw ko bago lumapit.
Raden immediately change the expression of his face. Mabilis nawala ang ngiti niya nang bumaling sa akin. Instead, binigyan niya ako ng 'bakit ka naandito look'
Ginantihan ko naman siya ng isang 'asawa mo kasi ako look' bago lumapit.
Bago pa siya umatras ay mabilis kong ipinulupot ang aking mga braso sa kaniyang bewang at mahigpit siyang niyakap.
"Mahal!" I cheerfully said.
"Feiya.." rinig kong madiing bulong ni Raden. Hindi ko iyon pinansin at tumingin sa katabi niyang babae na nakaawang ang bibig. Ngumisi ako bago ako muling binaling ang tingin ko kay Raden.
This is how a legal wife claim what is mine.
I suddenly slammed my lips against Raden. Raden stiffened but only a second. Alam kong itutulak niya ako kaya naman lumayo kaagad ako.
Muli kong binaling ang tingin sa babaitang kausap kanina ni Raden. I smile confidently.
"Ay sorry! Hindi ko alam na may tao" kunware pa akong nahiya. "Namiss ko lang itong ASAWA ko" pinagkadiinan ko po 'yong word na asawa.
The girl parted her lips before looking at Raden. "Engineer Winston, may asawa ka na?"
Lihim akong ngiti at pinagkrus ang aking braso.
"Yes—"
"No. She's not my wife"
Parang piniraso ang aking puso na napabaling kay Raden sa kaniyang sinabi.
Mabilis akong namutla at nawala ang ngiting tagumpay na kaninang nasa aking labi.
"Then who is this girl?" Tanong ng babaita na halatang jinajudge pa ako sa paraan ng tingin.
"This woman?" Itinuro ako ni Raden.
Mahigpit akong kumapit sa supot na dala ko.
"She is just some desperate woman who freaking love to imagine."
Every word is like stabbing my heart. Nabingi ako sa aking narinig.
Sobra akong nahihiya dahil ininsulto niya ako sa harapan ng....babaitang iyon.
I wanted to defend myself but Raden shut me up by glaring at me. Ang madilim niyang mata ang nagpapahiwatig na....lagot ang puso ko.
Inaasahan ko na ang madaming sakit na salitang babato sa akin mamaya.
"Hmm...", The woman glance at me again. "I could see that. You shouldn't let someone like her to do that to you Engineer"
Raden fake a smile. "I know. That's what I'm gonna do" hinawakan niya ang aking braso. I flinched in pain when he gripped it tightly. "Sorry Ms. Davila but this will end our conversation. May I excuse myself?"
"Feel free Engineer"
He said thank you before dragging me with him. Nakasalubong pa namin 'yong lalaking kumausap sa akin.
I even look at him sarcastically.
Ito ba 'yong mahal ng asawa?
Iniwas ko na lang ang tingin sa kaniya bago ako hilahin ni Raden papasok ng office niya.
Marahas niya akong binitawan pagkapasok. Muntikan pa akong matumba sa rahas ng pagkakabitaw niya bago niya ako isinandal sa pinto at kaniyang ni-corner.
"What the f**k did you do?! Ano 'yong ginawa mong kakapalan ng mukha?"
Habang ako ay pigil ang hininga dahil sa pagkakalapit namin at di makapagisip ng tama. Bakit ba ganto ang epekto nya sakin? Sobrang lakas. Parang red horse lang ang lakas ng tama.
"You kissed me infront of Ms. Davila ? Hindi ka na ba nahiya ah?" Umiigting ang panga nito. Kitang kita ang galit.
Dahil sa sinabi niya ay napagsawalang bahala ko ang pagkakalapit namin at nakipagtitigan din sa kaniya. "'Yong kasama mo, halatang may pagnanasa sa'yo eh. Ginawa ko lang naman 'yon para malaman niya ang limitasyon niya. May masama ba do'n?"
"Gusto? You're just delusional! And what if meron nga? Wala paring dahilan ang ginawa mo kanina." Mariin nitong ani.
"Wala?" Nag-umpisang uminit ang mata ko. "I have reasons. Isa pa, asawa naman kita ah? Masama bang halikan ka?"
"Ano bang sinabi ko sa'yo na hindi mo maintindihan?! We are not the same like other couples. Sinabi ko na sa'yong huwag mong ipagkandalakan sa lahat na asawa kita. Ano bang hindi mo maintindihan doon?!"
Kinuyom ko ang aking kamao para doon kumuha ng lakas para hindi tuluyang bumagsak sa sakit na nararamdaman ko.
"Pero may asawa ka na Raden. Bakit hindi pwede?! Edi kapag may lumandi sa'yo okay lang?"
"It's not your business if I will flirt with other girls" aniya. Bumigat ang paghinga ko. Kinakapos ako ng hininga. Para akong sinasakal sa tuwing iniisip ko na may babae siya.
"Raden huwag mong gawin sa akin 'yan. I'm your wife...."
"I never treated you as my Wife and don't you ever called me "husband" It's disgusting!"
'Yan na naman ang papahulog kong luha na hindi maubos-ubos. Tumingala ako para pigilin iyon.
"Sa susunod na gawin mo ulit iyon, lalayasan talaga kita. Hindi ka na ba masaya na inaasikaso kita? Sana makisama ka din naman Feiya! Huwag mo sanang iniinit ang ulo ko. I didn't mean to make you cry but you're stubborn. You should care about the baby hindi sa akin! Why can't you f*****g understand that?!"
Tuluyan ng tumulo ang luha ko. "Ang..." sama mo.
I want to said that but he is really mad right now.
I will consider this as my defeat.
Hindi ko na dinugtungan ang sasabihin ko. Lumayo na din siya sa akin at binuksan ang tatlong butones ng kaniyang suot na dress shirt. Siguradong banas siya sa akin.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya habang humihinga ng malalim.
Dumaan ang tingin ko sa supot na aking dala. "I'm bringing you a lunch..."
Tumingin siya doon bago lumapit sa akin. Kinuha niya ang supot at tuluyan ng tumulo ang luha ko ng kinuha niya ang container sa supot, binuksan niya iyon bago nagtungo sa basurahan para doon itapon ang niluto ko para sa kaniya.
Even the note na nilagyan ko ng effort ay pinagpipilas niya.
"Sana naintindihan mo ang ibig sabihin nito hindi ba? Don't ever go here. Don't ever bring me a lunch! Don't ever tell the public that we are married! Got it?"
Nakatingin lang ako sa lunch box na nasa basurahan niya habang ginigiling ang puso ko sa sakit.
Hindi ba siya marunong makaappreciate? Niluto ko 'yon ng may pagmamahal.
Pero ano pa nga bang aasahan ko?
Lahat naman ng pagmamahal ko binabasura niya.
Hindi ko na hinintay na pati ako itaboy niya kaya naman pinunasan ko ang aking luha bago ako lumabas ng kaniyang opisina.
Nakita ko pa 'yong lalaki na nakausap ko kanina sa harapan ko.
Nagulat pa siya sa bigla kong pag-bukas.
Yumuko ako bago nilampasan siya.
May day off is already ruined.