CHAPTER 3

1721 Words
Nagising ako na may malawak na ngiti sa labi ko. Ito ang first day namin bilang mag-asawa. I want to leave a good impression so I get up and leave my room. Ipagluluto ko sya ng breakfast ngayong araw. Buti na lang talaga at may katangian ako ng pagiging mabuting asawa. Marunong ako magluto dahil mag-isa lang naman akong namuhay paglabas ko ng bahay ampunan. Hindi rin naman kami nibe-baby doon dahil lahat gawa rin namin kaya yakang-yaka ko ang paglilinis. Buti na lang talaga dahil hindi siya masstress sa akin noh. I cooked a simple breakfast meal. Just an omelet and bacon. Habang nihahanda ang pagkain sa mesa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Raden na nakaboxer lang. Napaawang ang bibig ko at dumako kaagad ang tingin sa kaniyang malulutong na abs. Mukhang napansin niya iyon kaya napamura ito at bumalik sa kwarto. Mariin naman akong napapikit. Sayang! Hindi ko hawak ang phone ko! Ang...ang...ang...ganda ng katawan niya. Pakiramdam ko naging puso ang korte ng mata ko. Sinampal ko ang sarili para bumalik sa katinuan dahil lumabas na ulit ng kwarto si Raden pero may damit na. Anyways, kaagad kong pinakita ang aking matamis na ngiti. "Goodmorning Raden!" Lalapit sana ako pero para akong hangin na nilagpasan niya lang. Instant guho ng ngiti sa ginawa niya. Tinusok ng kaunti ang puso ko pero hindi ako papatinag. Mabilis ko siyang sinundan. "Nagluto ako ng omelet at bacon." Kinuha ko siya ng pinggan at pinagkuha ng omelet at bacon. "Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" Tanong ko habang inaasikaso siya. Gusto kong ginagawa ko ang role ko na pagiging asawa sa kaniya at ang sarap pala sa pakiramdam. Iniisip ko pa lang na magiging ganito ang aming routine sa araw-araw, ang sarap mabuhay. "Stop" mariing sambit ni Raden habang inaasikaso siya. He clenched his jaw and his breathing was heavy. "Why? May mali ba kong nagawa?" mabilis na tumibok ang puso ko sa kaba ng bumaling siya sa akin at malamig ang tingin. "Huwag mo ko asikasuhin. I can do it by myself" Napayuko ako at napahiya. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. I thought he would be glad to be cared by his wife but it's not. Ang assuming ko talaga. "I'm sorry" I said in apologetic tone. "It's okay just don't do it again I'm not comfortable" tumayo na ito ng hindi man lang nagalaw ang pagkain. "Hindi na ako kakain, do'n na ko sa labas kakain" hindi na niya ako nilingon at akmang aalis ng kusina pero mabilis kong nahuli ang kamay niya. "Bakit sa labas ka pa kakain? " ngumuso ako. "Nagprepare na ako ng almusal natin" Inalis niya ang kamay ko sa braso niya at huminga ng malalim. "Mukha bang nakakagana kumain ng almusal kapag kaharap ka?" Yumuko ako at muli na namang napahiya. He tsked and leave me in the kitchen. Bumuntong hininga ako at pinalo ang dibdib ko. Magpakatatag ka Feiya. Kaya mo 'to. Pinilit mo 'to kaya magtiis ka. Kumain ako mag-isa. Ang ilang natira ay ginawa kong sandwich para may makain sa office. Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko lahat ng pinagkainan at pinaglutuan ko bago ako naghanda para sa aking trabaho. Nimake-sure ko na ayos na ayos ko ako today. Medyo napatagal pa ako sa salamin dahil parang napasobra ang pagmamake up ko. May paglitters pa sa eyebrows at nose line eh sa opisina lang naman ang punta ko. Pagkatapos ko magprepare sa pagpasok ay nakita ko si Raden na kakalabas lang din ng kwarto. Ang gwapo niya sa kaniyang suot na creamy white dress shirt at slack. Napatingin siya sa suot ko at bumuntong hininga. "Ihahatid kita" "Sige!" Kaunti na lang mapapatalon na ako sa tuwa kaso baka maturn off siya. Ang gentleman niya talaga. Tiningnan niya ang ekspresyon ng mukha ko at tila hindi niya 'yon nagustuhan. Humarap siya sa akin at bumuntong hininga ulit. "Don't assume things Feiya. l'm reminding you that what will I do is only because of the baby inside your tummy. Kung magiging sweet gesture ang mga ginagawa ko, don't think that it is because I'm in love in you. Napipilitan lang ako dahil kailangan kong alagaan ka dahil sa bata" Ang pait kaagad ng panlasa ko. Umagang umaga pero eto ako masakit na kaagad ang puso ko pero okay lang. Masasanay rin naman ako sa ganitong routine. Napatingin din ako sa tiyan ko bago mapait na ngumiti. "Same with me. Lahat ng gagawin ko dahil mahal ko ang tatay nito" Bigla kong naisip ang nangyari kanina. "Alam kong hindi ka komportable na asikasuhin ka pero you can't stop me from doing my responsibilities as your wife. Reject me, ignore me and say hurtful words to me doesn't affect me at all. Magpapakaasawa pa din ako kahit ayaw mo" I silently leave our unit. Maybe, hindi muna ako sumabay sa kaniya. Hindi ko din alam kung anong ikinakatampo ko ngayon. Dahil ba emosyonal ang mga katulad kong buntis? Hanggang makababa ako sa ground floor, hindi ako sinundan ni Raden. Haist. Sana maranasan ko namang habulin ako. ______ "Ang dami mong kwento sa akin teh! Sobrang tampo ako. Nahuhuli ako sa chika!" Iyan ang salubong sa akin ni Candy pagpasok ko ng opisina. Nag one week day off ako pagkatapos kong maging busy sa pag-asikaso ng requirements sa kasal. Masiyadong minadali kasi. Para wala na talagang kawala si Raden. "Sige mamaya. Chika tayo. Sorry talaga Candy at hindi ako makapagkwento dahil naging busy ako" "Okay. Madali lang naman ako kausap basta libre mo ako sa Reviro's bati na tayo" "Sure" sigurado kong sagot. We need to be separated because it is working hours, bawal muna ang chika. I spent my time doing my unfinished works. Naging double time dahil ang tagal kong nawala pero ganado ako matapos dahil kasal na kami ni Raden. Dati nasstress ako kung paano ako dadamoves sa kaniya eh. Pagsapit ng lunch time ay kaagad kong hinila si Candy papuntang Reviros. Naandon kasi si Raden tuwing lunch eh. "Sana maleta na lang ako ano? Lagi mo akong hila hila eh" emote na naman ni Candy. "Huwag kang magreklamo. Lilibre kita hindi ba?" Sa narinig ay siya na ang humila sa akin papasok. As usual, my eyes automatically roamed to find my husband. Husband... Parang gustong magbago ng arrangement 'yong lamang loob ko sa sobrang kilig. Nadismaya ako ng hindi ko na siya mahanap dito. Sa iba na ba siya nag lunch? Nakabusangot akong naghanap ng table habang si Candy ay nagpunta na sa counter para umorder. Excited pa naman ang bruhilda dahil libre ko. Buti na lang at mabait ako dahil bagong kasal ako. As usual, pagdating ni Candy ay ang dami niyang niorder. 'Yong iba nitake-out niya. Para daw kaniyang family at dinner niya. Wala naman akong magawa kung hindi bayaran lahat ng inorder niya. Shocks! Dapat hindi ako pumayag. "Oh ano? Kwento na! Anong nangyari? Anong namamagitan sa inyo ng bebe mo?" Tanong ni Candy na uhaw na uhaw na sa chika. Huminga ako ng malalim bago nagpipigil ng kilig na nagsalita. "Kasal na kami" Namilog ang kaniyang mata. "Totoo ba 'yan? Paano? Hindi ka naman papatulan no'n" Bumusangot ang mukha ko at medyo sinampal ako sa sinabi niya. "Wow ah! Ang sakit!" Napahawak ako sa dibdib ko at umarteng nasaktan. "Paano nga? How how carabao?" Uminom ako ng ice tea bago ko ibalita sa kaniya ang good news. "Nabuntis niya ako" "Omygosh." Mabagal niyang saad na para bang hindi makapaniwala. Tumingin ito sa bandang tiyan ko. "Ha? Paano nangyari 'yon?" Tinaas ko ang isang kilay ko bago ko siya binigyan ng 'duh' look. "Ofcourse we had a s*x! Mabubuntis ba ako ng walang nangyayari? Ikaw talaga Candy pakilawakan nga ng isip mo" She glare at me. "Ikaw ata walang utak. What I mean is paanong may nangyari sa inyo teh? Pinikot mo noh?" Natahimik ako. Ganoon na rin naman 'yong ginawa ko hindi ba? I take advantage of him. Pinikot ko nga siya. "Ay jusko. Desperada ka talaga girl!" Medyo sumakit ang tainga ko sa word na desperada. Ilang beses na iyong nasabi sa akin kahit hindi naman nila alam kung bakit ako nagpapakadesperada. Muli akong uminom para malagyan ng tamis ang nagiging mapait kong panlasa. "Anong gagawin ko Candy? Minsan lang kasi ako makakuha ng opportunity, ni-grab ko lang." Umiling siya. "Gusto kita kurutin. Gusto kita iuntog" I chuckled. "Come on Candy, wala ako sa mood para pangaralan. Sinasabi ko sa'yo, marami na akong natanggap kay Raden" Bumuntong hininga siya. "Gaga ka talaga. Buti na lang at pinanindigan ka. Paano kung hindi?" "Kaya ko nga siya mahal eh. He's not an asshole like I dated before" "Hindi ka nga lang mahal" Sinampal na naman ako ng katotohanan. Pakiramdam ko ang hapdi ng pisngi ko kahit imaginary slap lang 'yon. Pero ganoon talaga ang kaibigan ano? They will not sugarcoat their words. Diretsyahan talaga. "Hindi niya PA ako mahal Candy" may kumpiyansa kong saad. "Kasal na kami. Pasasaan pa at mamahalin niya rin ako. Kailangan ko lang ipakilala ang tunay na ako. Kailangan niyang makilala ang isang Feiya Jade Montereil. Hindi lang naman ako desperada lang. I know I'm more than that. Palapit na ko ng palapit sa kaniya sigurado ako mamahalin nya rin ako" positibo kong saad. Kung lagi kong iisiping negative ang magiging resulta matatalo talaga ako. Ito na ang sinasabi kong pagbabago at sana may mangyari na na itong pinakaasam-asam ko. Ang mahalin ako ni Raden. "Fine. Tutal wala naman akong magagawa sa kagagahan mo at kahit ano namang sermon ko ay sing-tigas ng buko 'yang ulo mo, hahayaan na lang kita. Hindi ako support ah? Pero buhay mo 'yan at desisyon" "That's enough" Wala naman akong hinihiling na suportahan niya ako. Alam ko namang hindi gawain ng isang matinong babae ang ginawa ko pero sana tulad na lang ako ng iba na maraming nagmamahal. Sa akin kasi, ayaw ako ng lahat kaya isinisiksik ko ang sarili ko. "Ano bang plano mo? Paano mo huhulihin ang isang Raden?" Mapait akong ngumiti. "Wala akong kasiguraduhan pero gagawin ko ang best ko. I will make him fall in love with me" With that in my mind, mas lalo akong namotivate para gawin ang mga bagay na gusto ko para kay Raden. I will grab this chance para lang mapaibig siya. Kaya mo 'to Feiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD