CHAPTER 2

2306 Words
Pagkatapos ng kasal na hindi ko naman matawag na kasal dahil wala namang kissing the bride, nagkaroon lang talaga ng pirmahan ng marriage contract but it's fine. Alam ko naman hindi mangyayari sa amin 'yong gusto kong wedding. I also expected na walang celebration na magaganap. Masiyado na akong assuming kung ganoon. Ngunit ganoon pa man, hindi pa rin mawala ang saya. Gusto kong tumili sa kilig. Gusto ko na kaagad ipagsigawan na akin na si Raden. "Nagugutom ka na?" Muntikan na akong atakihin ng biglang nagsalita si Raden. Kanina pa kasi siya tahimik sa kotse. Walang nagsasalita sa amin eh. Wala ako almusal kasi excited ako masiyado kaya kahit nahihiya ay tumango ako. "Oo eh. Gusto mo bang...kain muna tayo?..." Ngumiti ako ng tipid bago ko pinaglaruan ang mga daliri ko. "....para na rin mai-celebrate 'yong kasal natin..." dugtong ko. Lumingon siya sa akin at bumalot ang disgusto sa mukha niya. "Mukha ba akong nagcecelebrate?" Napawi kaagad ang mga ngiti at napapahiyang yumuko. He tsked. "Nagluluksa ako Feiya. Sobrang nagluluksa.." sagot niya ulit. Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan na kinailangan kong lumunok ng matindi. Ikalma mo ang puso mong durog Feiya. Naandito ka na sa point na kasal na kayo ni Raden. You need to get used of it. "Magluluto na lang a-ako gusto mo? Marunong akong magluto. Masarap promise!" Pinilit ko pa rin paganahin ang aking boses. Papunta kasi kami sa aking maliit na condo unit ko na hinuhulugan ko. Naandon na kasi ang mga nakaayos kong gamit na dadalhin ko papunta sa condo niya kung saan na ako titira. Tingnan mo nga naman ang buhay. Kapag sinuswerte ka nga naman. Wala ng set ng meet up. Live in na kaagad. "Charmaine is a good cook. I will miss her dishes especially her" ani naman niya pabalik sa akin. 'Yong mukha niya parang nalulumbay at sinasariwa ang kaniyang alaala kay Charmaine. Kaagad akong kinunsumo ng selos. Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng aking bestida. Nag-init ang aking mata at umiwas ng tingin. How dare him to compare Charmaine to me? Hindi pa nga niya natitikman luto ko. Pero isa iyon sa ipapamukha ko sa kaniya. I will prove to him that my dish is yummier than his ex girlfriend. Kailangan kong intindihin na medyo nagluluksa pa siya sa ex girlfriend niya pero sisiguraduhin kong mapapasok ko din ang kaniyang nakasaradong puso sa akin lalo na ngayong mag-asawa na kami. Stay positive Feiya! Pagkarating namin sa aking condo ay hindi nag-aksaya ng oras si Raden. Kinuha niya kaagad ang mga gamit ko. Dalawang maleta at isang maliit kahon lang naman iyon. Idinala niya iyon sa likod ng kaniyang compartment at ang kahon ay sa back seat bago kami ulit sumakay. Umorder na lang kami sa drive thru at doon na lang kainin sa condo na tinitirhan ni Raden. Nauna siyang lumabas at sumunod ako sa kaniya. Dalawang maleta ang bitbit niya habang ako ay buhat ang maliit na kahon at ang supot kung nasaan ang inorder namin. Pumasok kaming dalawa sa elevator at pinindot na niya ang floor number. Pagkaakyat namin ay tumigil kami sa ikatlong pinto. He pressed a password before it opens. Ibinagsak niya sa gilid ang mga maleta ko at kinuha sa akin ang kahon para ibagsak din sa gilid. Parang galit na galit ang pagbitaw niya. Nabigatan ba siya? Sana ako na lang ang pinagdala niya. Hinablot naman niya ang supot ng pagkain namin at pumunta ng kusina. Ako naman ay binigyan ng oras para bigyang pansin ang kaniyang condo. It's spacious and clean. Sa katulad niyang lalaki, masiyadong malinis ang unit niya. Inidulas ko pa ang daliri ko sa isang maliit na shoe rack sa gilid ngunit kahit iyon ay walang alikabok. Kung meron man ay dumi lang galing sa sapatos. Dagdag points. Mas lalo lang ata akong naturn on. Kinailangan ko ng tigilan ang paglibot ng aking mata sa kaniyang unit dahil tinawag na ako ni Raden para kumain. I still feel like I'm dreaming. Parang lahat ng gusto ko nagkakatotoo na. Ngayon naman magsasabay kami kumain! Inilapag niya sa harap ko ang order kong isang bucket ng chicken pero hindi ako excited sa mismong laman. Mamamapak lang talaga ako ng balat. Kaagad naglaway ang aking bagang bago kumuha ng isang piraso ng manok at kaagad kong inihiwalay ang balat sa aking plato. Naglagay ako ng isang laman para ulam ko. Inubos ko ang laman ng walong piece ng chicken tsaka ko lang narealize na wala na pala si Raden. "Sorry!" Kaagad kong paumanhin. Matagal siyang tumitig sa plato ko. "Ayan ba ang pinaglilihian mo?" Not really. Favorite ko talaga ang balat ng chicken joy pero mukhang pinaglilihian ko pa rin siya kaya naman tumango ako. Wala naman siyang reklamo dahil kinuha niya pa rin ang mga manok na walang balat at kumain. Ang tahimik naming kumakain. Ang naririnig ko lang ay ang aming pangnguya. Panay din ang aking pagsulyap sa kaniya. Kapag titingin ako ay bigla ako ulit iiwas para kiligin. Shocks. 27 years old na ako. Bakit parang teenager pa din? Age doesn't matter naman eh. But I don't want to end this lunch like this so I speak up. Paano kami maggegetting to know each other? "Ahmm...salamat nga pala Raden" "For what? For taking the responsibility?" Sagot niya. Tinigil niya ang pagkain at tiningnan ako ng salubong ang kilay. Ngumiti ako at tumango. "Yup. Hindi k-ko talaga alam ang gagawin kung magbubuntis ako mag-isa" Totoo naman iyon. Wala akong pamilya. Lumaki ako sa bahay ampunan pagkatapos akong iwan ng aking ina nang magpafeeding program ang caring hands foundation. Sila na ang nag-alaga sa akin simula noon. Si Ate Gina ang nagpaaral sa akin at ng tumuntong na ako ng college, tsaka lang ako umalis. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko. "Huwag kang mag-alala. Mabuti akong may bahay mo. Marunong ako sa lahat ng bahay. Magluto, maglinis at iba pa. I will try my best to be your perfect wi- "Enough. I don't want to hear any of that because I don't f*****g care" putol niya sa sinasabi ko. Napayuko ako at napahawak ng mahigpit sa kapit kong chicken skin. "Stop playing innocent Feiya. Hindi bagay." I heard him tsking. "Niplano mo naman ito lahat hindi ba? Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang buong pamilya. Alam mo na laki ako ng isang single mom kaya hindi ko hahayaang maging watak ang pamilya ng anak ko" Napaawang ang aking bibig. I know na single mom ang magulang ni Raden pero hindi ko alam na iyon pala ang dahilan kaya niya ako pinanagutan. He is sweet and responsible. Doon pa lang, mas lalo ko siyang minamahal. "Kung alam ko lang.." napahilamos siya ng mukha "...hindi sana ako nag-inom ng gabing iyon" Yumuko lang ako at walang masabi. Nawalan na siya ng ganang kumain at tumayo ngunit bago pa siya umalis ng hapagkainan ay nagsalita pa siya. "Please remember that I marry you because of my child. Para sa bata ang kasalang ito, hindi para sa'yo at sana huwag mo masiyadong ipagkandalakan sa labas na asawa kita. I want this to be private. Naiintindihan mo ba?" Gusto kong kumontra pero masiyado na akong qouta ngayon that all I can do is to nod. I can't ask for more. I should be contented for a while. Pero hindi ko hahayaang ganito na lang kami. I need to do something to make our relationship work. Kaya naman pagsapit ng gabi, pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko sa kabilang kwarto kung saan ako manatili ay kaagad akong naglinis ng katawan at nagsuot ng pinakasexy na lingerie na meron ako. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng t***k ng aking puso lalo na ng makita kung ano itong isinuot ko na halos kita na ang buong kaluluwa ko. Pinatungan ko muna ito ng roba bago lumabas ng kwarto. Muntikan pa akong mawalan ng balanse dahil nakita ko si Raden sa kwarto ko. Mabilis naman siyang napatingin sa akin. "May naiwan lang ak-" Hindi ko pinalampas ang pagkakataon dahil kaagad kong tinunton ang pagkabuhol ng aking roba at kaagad iyong tinanggal para maipakita sa kaniya ang hinanda kong surpresa. His eyes automatically roamed to my body. Kada tama ng kaniyang mata ay tila ako'y napapaso. Nag-iinit ang aking pisngi. Sobrang nakakahiya pero kailangan kong gawin ito. Walang mangyayari kung mahihiya lang ako. Ang mga lalaki, mahina sila sa tukso. Kaunting pakita lang ng balat alam kong lalambot sila ngunit mas lalo ko lang napatunayan na iba si Raden sa iba nang kinuha niya ang nalaglag kong roba para isuot ulit iyon sa akin. "Alam kong desperada ka Feiya pero magtira ka ng dignidad." Ilang beses akong kumurap sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng tubig sa pagkapahiya. But I can't let him embarrased me like this. That's why I found myself gripping his shirt, pulled him and slammed my lips against him. "What the-" Tinulak niya ako palayo pero hindi ako nagpatinag. Tumingkayad ako at ipinulupot ko ang braso sa kaniyang leeg at hinalikan siya ng madiin. What t-" I sucked his lips and kissed him harder. "Fei-" Raden tried to avoid my attacks but I hold his face firmly as possible trying to seduce him with my kiss but Raden keeps stepping backwards until we fell on the bed. I didn't waste any time and grab the opportunity of him below of me. Uupuan ko na sana ang p*********i niya nang mabilis itong umalis ng kama. Bumuga ako ng isang mabigat na hangin bago ako tumingin kay Raden na halos pandirian ako. Nakatayo na siya at halos punasan niya ang mga labi niya at pisngi na parang isang lason ang mga halik ko. Pinagpagan niya ang katawan na para akong isang virus. At masakit para sa akin na makita 'yon! "What the hell Feiya!? What the f**k did you do?!" Huminga ako ng malalim. I'm trying to be calm even my body is shaking because of embarassment and anger. "I'm just kissing my husband! M-masama ba 'yon?" I said, getting frustrated too. Tumayo ako para pantayan din siya ng tingin. "Sobrang sama lalo na kapag pwersa Fei!" Sigaw niya rin sa akin. Pinunasan na naman niya ang labi at kunware pang dumura bago masamang tumingin sa akin. "Pasalamat ka at babae ka Feiya. Sa susunod na gawin mo 'yon, hindi mo na ako makikita kahit kailan kaya habang hindi pa ako nagiging demonyo" Hindi na kinaya ng puso ko at dahan-dahan ng tumulo ang mga luha sa aking mata. Sobrang sakit pala kapag ka harap-harapan ka ng nirereject ng lalaking mahal mo. Kung noon hindi niya lang ako pinapansin pero ngayong marami na siyang sinasabing masakit na salita, hindi pa rin pala ako sanay. "Ano bang masama doon Raden? Mag-asawa naman tayo ah?" Halos mabasag ang boses ko sa kakaiyak. "Nakalimutan mo na kaagad? Hindi ba't nagpakasal lang tayo dahil sa BATA. Dahil sa BATA Fei, wag kang umarteng na parang mag-asawa tayo. Ang responsibilidad ko lang ay ang bata na nasa sinapupunan mo." Pinunasan ko ang aking mga mata at lumunok para lang magclear ang daluyan ng aking lalamunan dahil sa sobrang pagpigil ng boses kong umatungal. "Oo nagpakasal tayo dahil nabuntis mo ko pero hindi ba dapat kasama na din ako. Hindi pwedeng bata lang lagi. Paano naman ako? Paano tayo?" Hinawakan niya ang aking mga braso at inalog ng kaunti. Para bang ginigising niya ako sa kahibangan ko. "Please listen to me. Walang tayo. We are together just because of the baby you're carrying right now. I choose to leave Charmaine for the baby not because of YOU!" Paulit ulit nitong pinaiintindi ang lahat pero hindi iyon tinatanggap ng aking tainga. "Hindi ko maintindihan Raden. Kasal na tayo at magiging pamilya na.Why don't you give yourself a chance to learn how to love me huh? If that happens we will be a happy family. I'm not the one who will benefit pati ang anak natin. Ano? Gugustuhin mo na lumaking ganito tayo? Gusto ko iparamdam sa kaniya na nagmamahalan tayo. Gusto kong maging masaya tayo! Don't you get it?" Nagmamalabis ang luha ko. Pinamumukha niya sakin na wala talaga akong puwang sa puso niya. "I can't learn to love you. I can't force myself to love you. My heart is not a puppet where you need a person to control it. Sorry if I'm putting you to this kind of situation but don't act like were couple that in love with each other because it will never happen." Tumalikod na ito para umalis ng nagsalita pa ako dahilan para tumigil siya. "It will happen. Magiging...masaya din tayo. At the end of the day, tayo pa rin naman hindi ba? Hindi ako susuko para sa akin at para sa magiging anak natin" He turn around again and face me with his dangerous deep set of eyes. "Wish you luck Feiya because I can tell you right now that I will not love someone desperate like you. Pinagbayaran ko ang isang pangyayari na hindi ko naman ginusto dahil pinikot mo ako kaya naman bilang ganti, hindi ka rin magiging masaya sa piling ko. I will reserve my love for the child but will never give you any single of it. Let's live like that. Let's put our hearts on our child" With that he leave me alone. All I can do was to close the door, trying to stop my tears to fall again. "My heart..." I tapped my chest where my heart is located. Alam kong hindi magiging madali ito. Alam kong may mas sasakit pa sa nararamdaman ko. Kung ganoon man ang plano niya para sa amin, ako hindi. This is only the start. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko but I only hope for a positive result. I'll use my time to make him fall for me. That's a promise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD