CHAPTER 1

3022 Words
Fei's POV... Ito na ata ang tulog ko na pinakamahaba. Dahil sa sobrang pagod kagabi ay tanghali na akong nagising. Sinilip ng isa kong mata ang orasan. Mag aalas diyes na pala. Agad na pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Nag-init ang pisngi ko matapos maalala lahat. Halos mabasa ang pang-ibaba ko nang alalahanin niya ang bawat detalye at paglandas ng labi niya sa katawan ko. Ang nangyari kahapon ay isang memorable na pangyayari para sa'kin kaso agad ding napawi ang ngiti saking mga labi ng maisip kong nagising na ko sa katotohanan. Kapahon isa 'yong panaginip at ngayon ito na ang realidad. Tumingin ako sa tabi ko. As expected, wala na si Raden. Agad na bumigat ang pakiramdam ko. Bakit ba.....umasa ako na may magbabago? "Gising ka na...." Napatigad ako sa gulat dahil may magsalita. Bumilis agad ang t***k ng puso ko nang makita ko kung sino ang nagsalita. Si Raden iyon na bagong ligo at shet! labas ang yummy abs nito. I swallowed hard. Naisip ko na naman 'yong kagabi. Kahit alam kong patay ako ngayon. "Ahm..oo" mahina na sambit ko dahil 'yon lang kaya kong gawin. He look at me darkly that I can't resist so I look away. Silence is everywhere. Walang nagsalita dahil sobrang awkward ng atmosphere. Kagabi, walang hiya hiya ka pero ngayon ito ka. Silently, nagbihis si Raden at pagkatapos magbihis ay tumungo sa pinto, akmang papalabas nang bumaling ulit sakin. "Clean yourself and let's talk outside. I'll wait" ani nito at umalis ng kwarto. Natutula ako saglit pero kalaunan ay naligo at nagbihis na rin ako. Kinakabahan ako habang pababa papuntang sala. Nilalaro ko ang mga daliri nang maaninag ko si Raden na nakaupo sa mesa. Sa ilang minutong pagtitig ay naramdaman nya ang aking presensya. "Umupo ka" kung paano maging matapang kagabi ay di ko magawa ngayon. Mahinhin akong umupo habang nakayuko ang ulo. Hindi na ako makatingin sa kaniya. "Why I'm here in your unit?" Ramdam ko ang tusok ng mata niya sa akin. "Feiya.Jade.Montereil?" Bigkas niya sa buo kong pangalansa madiin na paraan. Mariin akong napapikit habang naramdaman ang pagsikdo ng kaba sa aking dibdib. "Raden...." tawag ko. He stood up, hitting the table while his eyes glared at me. "You take advantage of me are you?!" I swallowed hard. Pilit na nilalabanan ang takot na nararamdaman. "Anong gagawin ko? Hinalikan mo ako bigla at alam mo namang m-mahina ako pagdating sa'yo—" "Tangina Fei!!!" Bahagya akong napayuko at medyo nabingi sa lakas ng sigaw niya. "Alam mong may girlfriend ako Feiya! Hindi mo man lang kami nirespeto. Kung alam ko lang ganito ka kadesperada, sana hindi na lang kita tinulungan noon!" Mariin akong napapikit at bumigat ang pakiramdam. Iyon ang araw kung kailan ko nakilala si Raden. I have an abusive boyfriend before kaya hiniwalayan ko. Akala ko kasi siya na 'yong lalaking magmamahal sa akin pero sinasaktan niya ako. Ngunit kahit hiwalay na kami ay pilit pa rin ako nitong sinusundan. Isang gabi, habang naglalakad ako sa labas ng building kung saan nagtatrabaho si Raden, muntikan na akong kidnapin ng ex ko at tinulungan ako ni Raden doon. Simula noon, nahulog kaagad ang loob ko sa kaniya. Sobrang bait niya sa akin hanggang sa umamin ako na may gusto ako sa kaniya. Nireject niya ako ng araw na iyon pero gusto ko pa rin siya kaya naghihintay ako. Ngayon lang ako umaksyon ng todo. "f**k!" Napahilamos ito ng mukha at mabibigat ang hininga na tumungo sa akin. "I rejected you before right?! Why are you still forcing yourself to me? And now what happened?! You took advantage of me, being drunk!" Pinikit ko ang mata at nawalan na ng sasabihin. "How desperate can you be?!" Nararamdaman ko ang pabalik balik niyang paglalakad. "Fuck." He cursed again while caressing his neck. Parang namomroblema ito. "Hinahayaan lang kita dahil hindi ko naman hawak ang feelings ng isang tao at hindi ka naman naninira ng relasyon ko but this is too far! This is too far Feiya! Are you out of your mind?!" "Sorry Raden..." Muli siyang naglakad pabalik balik bago tumigil muli sa harap. I flinched when he hit the table again. "If you really apologizing, then don't tell this to Charmaine and forget everything!" Nanigas ako sa sinabi niya. Bumigat ang aking paghinga at ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking puso. Sinasabi niya ba na kalimutan lang ang lahat ng 'yon? Ang mga kamay na nasa aking hita na namamahinga ay kumuyom sa sakit. I can do that... But it's too late. "If you ruin my relationship with Charmaine, hindi talaga kita mapapatawa—" Sabay kaming napatingin sa pinto ng may desperadong kumatok sa aking pinto. It is really too late. Nanginginig man ay tumayo ako. Bawat hakbang ko ay may kaba sa aking dibdib dahil sa pagpihit ko ng pinto, isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin. Sa sobrang lakas ay napahilig ako. Sa sobrang lakas ay namanhid ang kaliwa kong pisngi. "I knew it! Walang hiya kang babae ka!" Salubong sa akin ni Charmaine na masamang masama ang timpla ng mukha. Hindi pa siya nakuntento at sinampal pa ang isa kong pisngi. I willingly accept her anger. Hindi ako gumanti dahil gusto ko ding matauhan sa ginawa ko kagabi. Alam ko namang mali iyon but I like it anyway kaya naman ito na lang tatanggapin ko dahil wala akong pinagsisihan kagabi. "Walang hiya ka!" Galit na galit na ani ni Chairmaine at hindi pa nakuntento sa sampal. Hinigit niya ang buhok ko. Dumaing ako sa sakit. Ang sakit ng anit ko sa sobrang paghila niya. "Ang kati kati mong higad ka! Alam mo namang may girlfriend ha!?!" "Chairmaine!" Narinig ko ang boses ni Raden na inaawat ang girlfriend niya na kinakalmot at hinahampas ako. "Walang hiya ka. Alam mo namang may girlfriend na! Ang landi landi mo." Sigaw niya at pilit na nanlalaban pa rin. Hawak ang mga braso ay tahimik na umaagos ang luha ko. Kita ko ang pag-awat ni Raden sa kaniyang girlfriend na nanlilisik ang mata sakin. "Tama na Charmaine" pigil sa kaniya ni Raden. Ang nanlilisik nitong mata napunta kay Raden. Sinampal din nito ang binata at pinaghahampas. "Nag-s*x kayo?" Tanong ni Charmaine sa kasintahan. Kabadong tumingin si Raden sa kasintahan. "I don't know anything. I'm drunk...and-" Sinampal siya ni Charmaine. I flinched. Gusto ko kaagad puntahan si Raden para i-check ang pisngi niya dahil ang lakas ng pagkakasampal. "Walang hiya ka! Mahal na mahal pa naman kita Raden tapos ganito gagawin mo sa akin?" Umiiyak na rin si Charmaine. "Babe..let me explain" Kumirot ang aking puso ng makita kung paano matakot si Raden. "I don't need your explanation Ry, you are caught. Having s*x with her doesn't change a thing. Nag-s*x pa rin kayo. That means, you cheated. So let's break up!" Padabog na umalis si Charmaine at akmang susundan ito ni Raden pero lumapit ako sa kaniya pinigilan ang kaniyang pag-alis sa pamamagitan ng pagyakap sa kaniyang likod. "Huwag kang umalis" gumaralgal ang boses ko habang patuloy na dumadausdos ang luha sa aking mata. "Please let go Feiya" parang lantay na gulay na saad ni Raden at halatang nagpapasensiya sa akin. Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. I just can't let him go. Natatakot ako na kapag nasundan niya si Charmaine ay magkabalikan sila. I don't want that to happen. Yes, I really did it. I ruined their relationship that I'm aiming since they become together. "I-I'm here Raden. Huwag mo na siya sundan. Naandito ako. Mahal na mahal kita Raden. Lahat kaya kong ibigay. Lahat kaya kong gawin para sa'yo. Let's be together and be happy. I want you so bad Raden. Please....love me. Please let's be together. Please Raden..." I felt his palm against my arm. Mahigpit niya iyong kinapitan para tanggalin sa kaniyang bewang. Masiyadong malakas ang pwersa kaya naman napahakbang ako paatras ng tanggalin niya ang pagkakayakap ko sa kaniya. Humarap siya sa akin na sobrang nanggagalaiti sa galit ang mga mata. "f**k off Feiya. Huwag ka na ulit magpapakita sa akin, please lang kung ayaw mong may gawin ako sa'yong masama" Para akong sinasaksak ng paulit ulit sa puso. Sobrang nagngingitngit ang ngipin sa inis sa frustration. "Why not me Raden!? Why not me!?! Anong kulang sa akin? Ang tagal ko nang nagpapansin sayo pero hindi mo man lang ako napansin! Ano bang kailangan kong gawin ha?! I just want you to be mine Rylanden!" "Naririnig mo ba ang sarili mo?!" Inilapit niya ang mukha sa akin kaya mas lalo kong nakita ang pagkadisgusto niya sa akin. Ang pagkamuhi na pilit kong hindi pinapansin. "Sinong magkakagusto sa desperadang katulad mo?" I think my heart stop beating for a bit. Bumigat ang paghinga ko kasabay nang hindi maipaliwanag na sakit sa aking puso. Madilim niya akong tiningnan. He held both of my shoulders as his glaring eyes darted to mine. "I hate you Feiya Jade Montereil. Remember that" May pwersa niya akong tinulak kaya nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa sahig. Pinanood ko siyang nagmamadaling umalis at naiwan akong durog na durog ang aking puso. "Teh!" Nakailang kurap ako bago ako tumingin kay Candy. Hindi ko alam kung ilang beses na niya akong tinawag. "A-ano?" Tanong ko. "Ano nangyare aba? Lunch na! Wala ka bang gana? Ilang araw ka ng ganiyan" Natulala ulit ako saglit bago inayos ang aking mga gamit. Ganitong oras nasa Reviro's Resto si Raden. Tatlong linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Ilang linggo na rin akong hindi nagpaparamdam dahil iyon ang gusto niya. Alam ko namang mali 'yong ginawa ko pero umasa kasi ako na baka may magbabago. "Reviros na naman. Hay nako! Sawang sawa na ako sa resto na 'yan pero hindi ka parin naman pinapansin ng bebe-bebehan mo" reklamo pa ni Candy. I silence her mouth by covering it with my hands and pulled her inside the Reviros. Panay pa ang reklamo niya pero pagpasok namin ay gumive-up na siya. "Fine! Fine! Gutom na din naman ako" ani pa niya. Nilibot ko ang tingin at tinulak na si Candy para paghanapin siya ng bangko pero mabilis ko din nakita kung nasaan ang hinahanap ko kaya hinila ko siya pabalik. "Ah ano ba Eya? Tao ako paalala lang" Tinaasan ko ng kilay si Candy bago kami nagtungo sa isang vacant table malapit kay Raden. Kasama niya ang mga new trainees under him, mga new recruit engineers na hinahandle niya. He was smiling brightly while talking to them. Automatic na napangiti ako but at the same time, umaasa ako na magawa niya ring ngumiti sa akin. I want him to smile widely while his eyes expressed admiration and love towards me. I didn't know if it's a coincidence or talagang naramdaman niya ang presensiya ko dahil inangat niya ang tingin sa akin. Kaagad napunit ang ngiti na ipinaskil ko sa labi. Umusbong ang kaba sa aking dibdib bago iniwas na ang tingin sa kaniya. Ayokong isipin niya na naandito ako para manggulo pero aminado ako na namiss ko siya. Sobra akong nangulila sa presensiya niya. Kasi kahit naman ngiti lang niya sapat na sa akin. Ano ba kasing pumasok sa akin at ginawa ko iyon? Dahil desperada ako. Gustong gusto ko talaga siya. Sa lahat ng lalaki na nakilala ko at minahal ko, siya lang ang deserving. Not just because he help me that day. Marami pang rason. Para niya akong tinali sa kaniya na kahit anong gawin ko ay hindi ko siya kayang basta na lang bitawan na kahit pa ipagtabuyan niya ko ay hindi ko magawang sumuko. Baliw na ba ako para maramdaman 'yon? Sa ngayon wala akong balita kung nagkabalikan ba sila ni Charmaine pero sana huwag na. Umupo na kami sa vacant table na next kina Raden. Hindi ko alam kung sadyang sensitibo ang aking pakiramdam pero rinig na rinig ko ang pag-tsk niya at ang kaniyang nanunusok na tingin. Nag excuse muna si Candy para umorder. Sinabi ko naman ang gusto kong kainin sa kaniya. Habang naghihintay ng pagkain ay nakinig ako sa usapan sa kabilang table. "Nasaan po si Ma'am Charmaine sir? Hindi ko po ata kayo nakikita na magkasama ah?" "Oo nga po. Hindi ko na po siya nakikitang nagdadala ng pagkain sa inyo sa site" Kumabog ang puso ko ng marinig ko magsalita si Raden. "We just have misunderstanding but we will be okay soon" A breath of relief washed through my chest. Masiyado ka namang masaya Fei. As if naman na may mangyayari kung magkahiwalay na sila ng tuluyan. I sighed. Kung may alam lang akong paraan upang makulong ko si Raden sa akin, gagawin ko. Ilang minuto ay may dala na si Candy na tray ng order namin. "One hot chicken fillet with cheesy garlic sauce and one ice tea for the tulala at wala sa sarili kong kaibigan." Ani ni Candy pagkalapag ng order. Pero pagkakita ko pa lang sa pagkain ay sumama bigla ang aking pakiramdam. Medyo nahihilo ako at parang maduduwal. "Oh? Problema mo teh?" Napansin kaagad ni Candy ang pagkahilo ko. "Sumama ang pakiramdam ko. Naduduwal at nahihilo ako..." tinakpan ko ang aking ilong dahil nagbabasakali akong dahil 'yon sa amoy ng pagkain ng nasa harap ko. "Ano ka? Buntis?!" Pabirong lintaya niya pero hindi naging biro iyon para sa akin. Bigla akong napahawak sa tiyan ko at umawang ng kaunti ang bibig. W-what if? "Hoy teh! Binibiro lang—" tumigil sa pagsasalita si Candy ng marealize ang gulat sa aking mukha. "Teh, anong ginawa mo?" Bago pa ako makasagot ay may humampas sa mesa namin. Paglingon namin ay naandon ang lalaking ginusto kong maangkin. "Raden..." I called. "Are you pregnant?" He darted his eyes on me. Suddenly, our table become tense. Lumunok ako habang bumibilis ang t***k ng puso ko. He's in front of me! Rylanden! Ang lakas ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa kaniya. Damn his looks! Why he is so handsome? "Answer me Feiya" muli niyang sambit. "Are you pregnant?" Napakurap ako ng ilang beses bago ko narealize kung bakit siya nasa harapan ko. Mukhang narinig niya ang biro ni Candy. "Teka, teka ano itong nangyayare?" Papalit-palit ng tingin si Candy ngunit ang aming mga mata ay masiyadong madikit na hindi ko mahiwalay. Nilayo ko ang pagkain sa mesa bago binasa ang aking labi at lumunok. Nanuyo yata ang aking lalamunan . "I don't know...yet" Naglaro ang aking mga kamay. "Pero kung may nabuo nga...." Mariin siyang tumingin bago hawakan ang mga pulsuhan ko. May kung anong kuryente ang nagpabuhay sa aking katawan. s**t! Hawak lang, may epekto na. Nagtatanong akong tumingin sa kaniya. "Let's go to hospital. Let's confirm it" Hindi ako tumayo sa aking kinauupuan. "And....when it's confirm? W-what will you do?" "Taking my responsibility" My heart skip a beat. Tama ba ang naririnig ko? He will take responsibility? "W-what do you mean b-by that Raden?" My voice sounds hopeful. Nandilim ang paningin niya. Halatang may pagtutol ang kaniyang sasabihin. "A wedding..." mahina niyang sambit. "I'll marry you" Doon pa lang, umaasa ako na may nabuo. Sana nga ay may mabuo dahil nakahanap na rin ako ng alas para mapasaakin siya. Tumayo ako at nagpatinaod ng bigla niya akong hilahin. Nakalimutan ko na si Candy at ang duty ko pero alam ko namang hindi ako papabayaan ng kaibigan kong 'yon. Sorry Candy. Lovelife first. Blanko ang ekspresyon ni Raden ng ipasok niya ako sa sasakyan niya. Kinakabahan naman ako habang nasa biyahe papuntang hospital. Aminado ako na kabado ako sa magiging resulta dahil wala sa plano ko ang magbuntis. Hindi ko pa alam ang pagiging ina ngunit kung papakasalan naman ako ni Raden, mapapanatag ako. Pagdating namin sa hospital kaagad kong hinanap ang Ninang ko. Luckily, Ate Gina is an OB Gyne in this hospital. "May client pa po si Dr. Romero, pahintay lang po saglit" Parehas kaming tahimik ni Raden habang nakaupo sa waiting area. Nakatukod ang mga siko nito sa kaniyang hita at nakasiklop ang mga kamay. Maybe he's praying that I'm really not pregnant. Lumabas ulit ang assitant ni Ate Gina at pinapapasok na ako sa loob. Susunod sana si Raden sa akin ng pigilan ko. "P-pwedeng ako muna. G-gusto ko ako muna ang makaalam?" Maybe he feels that I'm scared about this, he nodded and back to his sit. Pumasok naman ako sa loob. "Feiya? Ikaw na ba 'yan?" Salubong sa akin ni Ate Gina matapos akong mamukhaan. Kaagad naman akong ngumiti at sinalubong siya ng yakap. Si ate Gina ay isang mabait na doctor na nagpaaral sa akin simula highschool hanggang ako ay makagraduate. "Hello po Ate Gina. It so good to see you" "Same. Ang ganda mong bata!" Nag-init ang aking pisngi sa kaniyang komplimento. Nagkamusta kami saglit bago kami napunta sa aking sadya. "So....what are you doing here?" "Ate...I think I'm pregnant. Can you test me?" Kinuha niya ang aking urine sample and blood sample bago umalis saglit para itest. Nanatili akong nakaupo habang nakatulala. I'm wishing that it will be positive. Pananagutan ako ni Raden kapag gano'n. Pagkalabas ni Ate Gina ay lumabas muna ako saglit para tawagin si Raden. Mabilis siyang sumunod sa akin at pagkaupong-upo namin ay kaagad na binigay ni ate Gina ang test result na nasa loob ng envelop. "What is your name Mister?" Tanong niya kay Raden. "Rylanden Winston doc" Habang nag-uusap ang dalawa ay binuksan ko na ang envelop para makita ang result. And my heart dwelled in happiness when I see it. Positive "Congratulations Mr. Rylanden Winston, she is three weeks pregnant" Tumingin ako kay Raden at kaagad nawala ang saya na nababalot sa puso ko ng makita ko ang itsura niya. He dislike it. He dislike the result. But as he promise, he'll take the responsibility. So after one week of preparation, we had a civil wedding. Halata ang lungkot at napipilitan niyang mukha habang pumipirma ng marriage contract. But even he dislike it, I feel the opposite. I feel happy because I finally get what I wanted. I only want to be his girlfriend but god has another plan on us. I am Feiya Jade Montereil- Winston and I'm proudly say that I'm finally his wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD