04

1180 Words
Chapter 04 3rd Person's POV Pinagsusuntok ni Sierra ang unan habang nakaupo sa kama. Gigil na gigil si Sierra— pinakilala siyang maid sa mismong pamamahay nila. Binagsak ni Sierra ang sarili sa kama at hinilig ang ulo sa unan. Doon isa-isang tumulo ang luha ni Sierra. "Bakit kasi hindi ako pinanganak na maganda?" naiiyak na sambit ni Sierra. Napako ang tingin niya sa music box na alam niyang binigay ni Laurde— inabot niya ang box na nakapatong sa study table at binuksan iyon. "Bakit ba nakakapagod mahalin ka Laurde? Bakit ikaw pa?" bulong ni Sierra habang umiiyak. Paulit-ulit na lang kasi ang routine nilang dalawa ni Laurde— hindi perpekto ang relasyon nilang dalawa ngunit masasabi ni Sierra na mabuting tao si Laurde at dahil doon hindi niya magawang kamuhian si Laurde kahit pa hindi siya nito magawang mahalin. Patuloy lang sa pagtugtog ang music box hanggang sa unti-unti makaramdam ng antok si Sierra. Flashback Sierra Salvacion 6 years old. Kasalukuyan siyang nakatago sa ilalim ng lamesa habang lahat nagkakasiyahan sa kaarawan nila na iyon. Maraming imbitado— mga kaklase niya at mga kaklase ng mga kapatid. Yakap ni Sierra ang mga tuhod habang nakatago sa ilalim ng lamesa. "Mister, nakita mo ba si Sierra? Hindi ko siya nakikita mula kanina pa," rinig niya na tanong ng ina. Gusto ni si Sierra lumabas ngunit ayaw niya na makita siya ng maraming tao. Makita na naman ang mga tingin nito kapag napadikit na naman siya sa mga kakambal. Nagsimulang humikbi si Sierra dahil natatakot siya. Narinig ni Samantha ang iyak ni Sierra. Nasa ilalim ito ng lamesa— pupuntahan ito ng babae nang pigilan siya ni Marc at umiling. Bumulong ito na hayaan na lang ang bata. Hindi nila maaring pilitin so Sierra dahil maaring mas lalong lumayo lang ang loob nito sa kanila. Bumakas ang lungkot sa mukha ng ginang at katulad ng sinabi ng asawa hinayaan nila ang anak sa ilalim ng lamesa. Tiningnan ng mag-asawa ang tatlong anak na lalaki na kasalukuyang napapalibutan ng maraming mga bata at kinagigiliwan ng nga adult. "Nasaan si Sierra sissy!" ani ni Laxamann Khlehenton na kasalukuyang nagmamaktol. Sinamaan niya ng tingin ang ilang batang lalaki na gusto makipagkaibigan sa kaniya. Umalis sa tabi nito ang batang si Laurde Khlehenton na nasa 11 years old. Nakita nina Samantha na parang may hinahanap ang batang lalaki. Tumingin si Laurde sa mag-asawang Salvacion na nakatayo sa harap ng isang buffet table. Lumapit ang batang lalaki. Bahagyang yumuko si Marc Lawrenz Salvacion. Binati ng ginang si Laurde. Tumango ang bata at bahagyang yumuko. May nakikita siyang anino sa ilalim. Parehong nagtaka ang mag-asawa matapos umikot ang bata— umupo ito at pumasok sa ilalim ng table. Nakita nina Samantha at Marc ang paggalawa ng table at maliit na boses ng anak na babae. "I think— makakahinga na ako ng maluwang, tara na," ani ni Samantha na pinipigilan matawa matapos marinig ang boses ng anak na inaaway si Laurde. "Ikaw lang ba pwede magtago sa ilalim ng table?" ani ni Laurde na nakataas ang kilay. Sumama ang mukha ni Sierra at pinunasan ang pisngi. "Anong ginagawa mo dito? Siguradong hinahanap ka ng mga kaklase mo— imbitado din sila diba?" ani ni Sierra. Nag-pokerface si Laurde at sumandal sa isa sa mga paa ng lamesa. "Iyong birthday girl nagtatago gasino na magtago din ako as a guest at samahan dito ang fiancee ko diba?" ani ni Laurde. Napatigil si Sierra at tiningnan si Laurde. "Akala ko ba ayaw mo ako maging fiancee?" tanong ni Sierra. Lumingon si Laurde at tinaasan ito ng kilay. "Sinabi ko ayaw kitang maging asawa hindi maging fiancee," banat ni Laurde. Sa unang pagkakataon naging idiot si Laurde sa paningin niya. Tumawa ang batang babae— ano pa at naging fiancee siya ng batang lalaki kung wala siyang balak asawahin ito. "Nagugutom ako," ani ni Laurde. Gumapang ang bata—alabas na si Laurde. Gusto niya pigilan si Laurde dahil nalulungkot siya doon. Ayos lang kung si Laurde ang kasama niya doon. Bumaba ang tingin ni Sierra. Napatigil si Sierra matapos may makita siyang cup cake. Nag-angat ng tingin si Laurde. "Malinis kamay ko huwag kang maarte," ani ni Laurde matapos kumagat sa cupcake na hawak niya. Kinuha iyon ni Sierra at tiningnan. Nakita ni Sierra na kumapa-kapa si Laurde sa ibabaw ng table. Natawa doon si Sierra— tiningnan siya ng masama ni Laurde at tinanong kung anong nakakatawa. "Hindi pa oras ng pagkain siguradong pagagalitan tayo nina uncle Alvis," natatawa na sambit ni Sierra. Inismiran lang siya ni Laurde at sinabing nagugutom siya. Mag-iisang taon na ng makilala ni Sierra si Laurde. Gustong-gusto talaga ni Sierra ang pagiging free spirit ng lalaki. Pagiging matigas ang ulo at spoild nito. Lahat nagagawa at ginagawa nito kapag ginusto niya. Siya kasi hindi niya magawa iyon. Hindi siya makapagdesisyon mag-isa. Hirap na hirap siya makisama kahit sa mga magulang niya— hindi siya katulad ng mga kapatid niya. "Huli kayo!" Nagulat si Sierra matapos biglang sumulpot ang mga kapatid niya at pumasok din sa loob ng lamesa. Kasunod si Lax na agad yumakap kay Sierra habang mimumura ang kapatid— sino-solo daw kasi siya ni Laurde. "Mga istorbo," bulong ni Laurde. Hindi alam ni Sierra kung imagination niya lang iyon o talagang sinabi iyon ng batang lalaki. Nagkaroon ng mini party sa ilalim ng lamesa ang anim na bata. Malaki naman iyon at kasya sila doon lahat. Sinabi nina Sorell na ayaw nila sa party na iyon. Wala silang kilala at hindi sila interesado sa mga ito. "Ayos lang ba na wala dito ang mga bata at sina Laurde?" tanong ni Samantha sa bahagyang nahihiya sa mag-asawang Khlehenton. Sinabi ng ginang na ayos lang iyon. "Kung nagtatago nga ang future empress at hindi ito sinamahan ni Laurde siguradong mabubukulan sa akin ang batang iyon. Mas maganda ng pareho silang wala," ani ng ginang na tinaas pa ang isang kamao. Alanganin na natawa si Samantha dahil doon. Paunti na ng paunti ang mga tao— sinasabi na lang nina Samanthan na maaga natulog ang mga bata pumunta sa guestroom ng resort para magpahinga. Hanggang sa wala na ngang mga bata doon at tuluyan natapos nag party. Pinulupot ni Marc ang isang braso sa bewang ni Samantha— napatingin si Samantha. She found it sweet— kikiligin na siya dapat doon ngunit kakaiba ang ang expression ni Marc ng mga oras na iyon. Parang pinoprotektahan siya nito o naalarma ito. "Pasensya na ngayon lang kami." Napatigil si Samantha matapos may mga dumating pa na mga bisita. May mga kasama din itong mga bata. Lumapit ang grupuhan— yumuko ang mga ito sa mga Khlehenton. Sinabi ng mga ito kung saan sila nanggaling na mga pamilya. Napatanga sina Harold na nandoon din sa venue na iyon matapos ma-realize na ang mga dumating ay mga mafia boss na nanggaling sa black sector. Tila pinagpawisan ang mga palad ni Marc matapos makita ang mga pamilyar na lalaki. Nakangisi ang mga ito ngayon. "Nagdala kami ng mga regalo para sa future empress. Maari ba namin siya makita?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD