Chapter 05
3rd Person's POV
Napatigil sina Laurde, Laxamanna at sina Sorell matapos marinig ang word na empress.
Si Sierra naman ay bahagyang nagtaka matapos makita ang expression ng mga kapatid na tila mga nababahala.
"Dito ka lang Sierra, may mga tao sa labas— hindi sila mga mabubuting tao," bulong ni Sorell. Bata pa 'non si Sierra kaya agad ito natakot. Lumabas ang tatlong bata at sumunod si Laurde na sinabihan si Laxamanna na doon lang at huwag aalis.
"Sabi sa iyo masama ang lasa diba? Bakit mo pa tinikman," ani ni Silas kay Silvestre na nakangiwi at binaba nito ang hawak na cake na may peanut flavor.
Nandoon din si Laurde. Nagsukatan ng tingin ang mga bata at sina Sorell.
"Laurde, lumapit kayo dito," ani ng kasalukuyang emperor. Lumapit sina Laurde kasunod sina Sorell.
Nagbigay respeto ang mga bata at ang mga mga mafia boss na dumalo sa araw na iyon.
"Nagdala kami ng mga regalo para sa inyo," ani ng isa mga ito na may ngiti sa labi.
"Salamat," sagot ni Silvestre matapos umismid. Alam nila si Sierra ang pinunta ng mga ito doon.
Ilan sa mga bata ay nakapako ang tingin sa lamesa kaya agad na humarang si Silvestre at Silas. Tinanong kung anong mga regalo na dala ng mga ito— gusto nila makita.
Wala sa mga ito ang mga kaedad nina Silas nasa edad na ito nina Laurde ngunit wala sa mga ito ang dumedma sa presensya ng dalawang bata lalo na sa mga hinaharap ito ang mga magiging sandigan ng emperor.
Huling dumating ang pamilya ng mga Villiegas. Naunang lumapit ang dalawang batang lalaki.
Pinalibutan nito si Laurde na bahagyang yumuko matapos makita ang dalawa.
"Nagkita tayo ulit Laurde!" bati ni Elija Villiegas at bigla na lang inakbayan ang batang lalaki. Lumapit ang kasalukuyang mafia lord na kasalukuyang may suot na maskaram
Katulad ng ama ay may suot din na puting maskara ang dalawang bata.
"Idiot, tigilan mo iyan. Nangako kay dad na hindi ka gagawa ng gulo ngayon diba?" Tinanggal ni Elliseo ang kamay ng kakambal sa balikat ng batang si Laurde matapos sila tingnan ng tatlong bata.
"Hindi ko akalain na pati ikaw ay dadalo sa ganitong pagdiriwang Mr.Villiegas," ani ni Marc Lawrenz Salvacion matapos yumuko.
"Maari ko ba naman itong palampasin sa gayong biglaan din ang natanggap kong report dito kay Khlehenton," ani ng lalaki at nag-gesture na hindi makapaniwala.
"Lagay niyo na iyong mga regalo niyo sa lamesa," ani ng kasalukuyang mafia lord sa mga tauhan kasama ng anak.
"Kami na mag-aabot at magdadala!" hyper na sambit ng batang si Elija.
—
"Lax, sino iyong mga tao sa labas? Hindi maganda pakiramdam ko sa kanila. May mga dala silang baril. Ayos lang ba sina mom?" ani ni Sierra habang inaaninag ang mga tao sa labas.
Magagandang lalaki ang mga nasa labas ngunit natuto na si Sierra na hindi lahat ng may magandang kaanyuan mabuti. Parehong lumingon sa table ang dalawang bata na kaharap ni Laurde. Natakpan ni Sierra ang bibig dahil doon.
"Huwag kang matakot— kaibigan din sila ni Laurde. Kung sakali magkagulo dito siguradong isa sila sa po-protekta sa iyo," ani ni Laxamanna. Kilala niya ang mga batang iyon— madalas kasama ng daddy nila ang ama nito at nag-aabot palagi sa kanila ng tulong.
May mga batang palapit sa table. Siguradong mga tagapagmana din ito ng mga organization na under ng sector. Nauna si Elija at naglagay ng mga regalo malayo sa buffet table. Kumunot ang noo ng ilan na mga bata ngunit pumunta din doon ang mga ito para ilagay ang mga regalo.
Hindi malayong mag-freak out ang batang empress kapag maraming lumapit sa table.
"Sabi sa iyo— iyong regalo natin ang pinakamaliit. Tapos sa atin pa iyong pinakakaunti," ani ni Elija at tinuro ang apat na regalo na dala nila.
"Hindi normal na bilhan mo ng isang sports cars at jewelry shop ang 6 years old na bata. Tapos isa-suggest mo sa manager na ibalot. Nag-demand ka pa ng design ng wrapper," ani ni Elliseo. Napatanga si Samantha at ang empress doon.
Napasapo si Enrique Villiegas sa noo matapos tumawa si Marc at ang emperor.
"Sobrang laki ng effort mo pinuno. Nagpapasalamat ako dahil nagawa mo pang makarating dito," biro ni Marc. Mukhang may anak din pala itong sakit ng ulo.
"Hindi namin kakalimutan ang malaking utang na loob namin ito sa iyo," ani ni Sorell
Yumuko pa ito kasabay si Silas at Silvestre na nagpipigil ng tawa.
"Dad! Huhu! Binu-bully nila ako!"
Tumakbo si Elija sa ama at nagsumbong. Tumikhim si Laurde at pinigilan matawa.
Hindi na kasi bago sa paningin at panrinig niya ang pagbabardagulan ng dalawa. Palagi iyon kapag nagkikita-kita sila.
Nanatiling nakatitig si Sierra kay Laurde na napapalibutan ng mga tao kasama ang mga kapatid.
"Bakit sad ka na naman?" tanong ni Lax at niyakap ang braso ni Sierra.
"Napakapamilyar kasi ng situation na ito. Iyong tipong pinanonood ko sila palagi sa malayo," ani ng batang si Sierra na may lungkot sa expression.
Laging ganoon— wala siyang palaging lakas ng loob tumayo sa tabi ng parents niya at mga kapatid.
Nilingon niya si Laurde na pormal na nakikipag-usap sa mga bagong dating. Kahit ang mga adult ang kausap nito ay hindi ito nawawala sa posture.
"Hindi ko din alam kung makakaya ko ba tumayo din sa tabi ni Laurde in future," bulong ni Sierra.
End of the Flashback
Sa kalaliman ng gabi may naglagay ng kumot sa sa katawan ni Sierra. Kinuha din nito ang music box at muling ipaandar bago nilagay sa ibabaw ng table.
"Mom—"
Tumingin si Laurde sa kama matapos may humawak sa kamay niya. Nakita niya si Sierra na kasalukuyang mahimbing pa din ang tulog. Umupo si Laurde sa gilid ng kama— aabutin ang pisngi ni Sierra nang sandaling mapatigil ito at agad na binawi ang kamay.
"Sweetdreams, Sierra," bulong ni Laurde bago tumayo. Dahan-dahan inalis ang kamay ni Sierra at tumalikod. Naglakad patungo sa pinto si Laurde.
Paglabas ni Laurde sa room ni Sierra. Napa-pokerface si Sorell matapos makita ang tiyura ni Laurde.
May bahid ng dugo ang puti nitong longsleeve. Mukhang may mga dumating na naman na hindi imbitadong bisita sa teritoryo ni Laurde kaya tensyonado na naman ang emperor.
"Bukas na bukas humanap kayo ng bagong address. Aalis kami dito ni Sierra," ani ni Laurde. Nagkatinginan si Silas at Silvestre. Mukhang order iyon bilang emperor kaya wala sa mga ito ang umapila kahit pa hindi sila sang-ayon doon.
Siguradong tatadtadin sila ng tanong ng kapatid.