Chapter 03
3rd Person's POV
"Laurde Khlehenton! Kailan ka ba titino. Ikaw na bata ka," ani ng ginang habang tinuturo ang noo ng binata si Laurde habang nakaupo sa sofa.
Hindi makapaniwala si Laurde na susugurin siya doon ng ina matapos nito malaman ang ginawa nilang pagpasok sa isa sa anim na pinakadelikadong illegal site sa bansa. Actually, walang idea si Laurde na delikado anv lugar na iyon since binitbit lang siya ng triplets.
"Mom, sinabi ko na aksidente lang ang pagpunta namin doon. Nandoon lang kami para mag-hang out. Isa iyong prestigious na club— wala kaming ginagawa na masama," depensa ni Laurde. Napairap sa kawalan si Laxamanna na kakambal ni Laurde. Sa isip pa lang nito pagpunta pa lang doon ay masama na.
Isa iyong strip club kung saan maraming babae ang nandoon na sumasayaw ng hubad. Ano bang pinupunta doon ng mga lalaki.
"Great, I forgot— their all assholes as f****d," ani ni Lax at nag-cross arm habang nakasandal sa dining table.
"Laurde, ilang beses ko na ba sinabi sa iyong tigilan niyo na ang mga katarantaduhan na ito? For god's sake may asawa ka tapos pupunta ka sa ganoon na club?" ani ng ginang. Napangiwi si Sierra na nasa tabi ni Lax— sa isip ni Sierra mukhang walang kaalam-alam ang ina sa mga katarantaduhan ng ginagawa ng anak sa university nila.
"Mama," tawag ni Sierra. Napatingin ang ginang pati si Laurde na ngayon ay nakasimangot.
"Nag-bake kami kahapon ni Lax ng cake. Baka gusto niyo mama? Si Laurde hayaan niyo na po siya— malaki na siya. Alam niya na ang tama at mali— huwag niyo na po siya alalahanin," ani ni Sierra. Sumimangot ang ginang dahil doon. Lumapit ang ginang kay Sierra at yumakap.
"Sierra, anak kapag nag-21 ka na siguraduhin mong una mong gagawin ay i-divorce ang gago na iyon okay? Hindi mo siya deserve," ani ng ginang sandali napatigil si Sierra. Pilit itong tumawa at inaya na ito kumain.
Tumingin si Laxamanna sa kapatid na nasa sofa. Hindi alam ng dalaga kung imagination niya lang pero hindi maganda ang expression ni Laurde. Hindi niya alam kung dahil sa pinagalitan ito o dahil sa divorce na biglang binuksan ng ina nila.
At the age of 21 may kalayaan na si Sierra. Pwede na nito i- divorce si Laurde since sa edad na iyon ay makukuha na din ni Laurde ang posisyon as a mafia Emperor.
—
"Sierra! Namis ko ang napa-cute kong kapatid!" hyper na sambit ni Silvestre. Nagulat si Sierra matapos siya yakapin ng isa sa mga kambal at halos pisain siya nito.
"My goodness kuya Silvestre! Hindi ako makahinga," ani ni Sierra na tatawa-tawa lang habang yakap ng kapatid.
"Aray! Aray!"
Daing ni Silvestre matapos hilahin ni Silas ang tenga ng kakambal na agad napabitaw kay Sierra.
"Mahiya ka nga. Hindi na bata si Sierra para yumakap ka pa ng ganiyan," asik ni Silas sa kakambal. Nagtalo pa ang dalawa kaya napakamot si Sierra sa pisngi.
Hindi niya alam kung anong meron pero masyado yata silang maraming bisita. Kaaalis lang ng mommy ni Laurde tapos biglang dumating naman ang mga kapatid niya.
"Nasaan si Laurde?" tanong ni Sorell sa kapatid matapos sila paupuin ni Sierra sa sofa.
"Nasa taas naliligo yata," sagot ni Sierra at umupo sa harapan ng tatlong kapatid.
"Kuya, wala naman kayong ginagawang delikado nina Laurde diba?" tanong ni Sierra. Alanganin na tumawa si Silvestre.
"Kung iyong sa club nagkataon lang na nandoon kami tapos hinamon kami 'nong ka-schoolmate natin. Hindi namin alam na iyon ang pumatay sa ex ni Laurde at miyembro ng organization na kasalukuyang hinaha-hunting nina dad," ani ni Silvestre na agad nagtaas ng kamay. Nagdududa agad doon si Sierra.
This past few years wala talaga siyang idea sa mga ginagawa ng mga kapatid at ni Laurde. Kung totoo ba na normal na hang out lang ang mga ginagawa nito.
Ngayon nalaman nita ito nag-aalala na siya. Nagsalita si Sorell.
"Totoo ang sinabi ni Silvestre, Sierra. Wala kaming alam doon— balak lang talaga namin nina Laurde mag-enjoy. Nabalitaan kasi namin about sa night club na iyon at bagong bukas," ani ni Sorell. Bumuga ng hangin si Sierra at sumandal sa sofa.
"Mag-iingat kayo sa susunod kuya okay? Kapag nangyari ulit iyon baka putulan na kayo ni dad at nina tito ng paa," kalmado na sambit ni Sierra. Tumawa lang ang kapatid at sinabing wala ang mga iyon laban sa kanila.
Nakipagkwentuhan sandali sina Sorell sa kapatid pero maya-maya lang mga nagpaalam na ito. Dumaan lang talaga ang mga ito para silipin siya since may tao din silang pupuntahan sa village na iyon— sa utos na din ng tito Harold nila.
Napakamot sa ulo si Sierra matapos pumasok sa loob ng mansion. Naglakad pataas ng hagdan si Sierra— napatigil ito matapos may mag-doorbell.
"May nakalimutan ba sina kuya?" ani ni Sierra Khlehenton. Tinungo niya nag pintuan— sumilip doon at nagulat siya matapos may makitang napakagandang babae.
Kumunot ang noo ni Sierra. Binuksan niya iyon— ngumiti agad ang babae at yumuko.
"Gusto ko sana itanong kung ito ang address ni Laurde Khlehenton," ani ng babae. Sumama ang mukha ni Sierra at binuksan ang pintuan.
"Laurde! May naghahanap sa iyo," tawag ni Sierra. Pinapasok niya ang babae.
Palihim na tinitigan ni Sierra ang babae. Bigla siyang nanliit at bahagyang na-guilty. Sincere kasi ang pagngiti nito sa kaniya at napakaganda nito.
"Perciran? Nandito ka na pala. Akala ko sa susunod na araw ka pa darating?" ani ni Laurde na ngayon ay naka-suot lang ng t-shirt at pajama.
Napalitan ng pagkadisgusto ang mukha ni Sierra. Habang tumatagal mas lalong nagiging shameless si Laurde. Nagagawa an nitong magdala ng ibang babae sa bahay nila.
"Kapag hindi ako pumunta ngayon at kinausap ka siguradong iyong mga kapatid ko ang gagawa na 'non para sa akin. Isa pa gusto na din kita makita. Last na nakita kita 'nong 10 years old ka pa lang," tumawa si Laurde at bumaba.
Sa school laging pokerface si Laurde kahit pa sa harap ng mga exes nito. Tiningnan muli ni Sierra ang babae.
"Lagi akong hinaharang ng mga kapatid mo— huwag ka ng magtaka. Buti na lang talaga nabigyan mo ako ng caller card mo last time," ani ni Laurde. Naiinis na talaga si Sierra— ayaw niya na makinig pa.
Tumikhim si Sierra dahil pakiramdam niya nakalimutan na ng dalawa ang existance niya.
Napatigil si Laurde at lumingon kay Sierra na ngayon ay nakataas ang kilay. Tumingin din si Perciran— agad na ngumiti si Sierra.
"Ow, Ran ito pala si Sierra— maid ko. Pasensya na siya sumalubong sa iyo katatapos ko lang maligo," ani ni Laurde habang pinipigilan ang sarili na matawa. Nanlaki ang mata ni Sierra dahil doon.
Nagbago ang ngiti nito at lumapit kay Laurde.
"Sir Laurde. Kung wala na kayo iuutos aalis na ako," ani ni Sierra. May ngiti ito sa labi ngunit nasa mga salita nito ang diin.
Bago umalis tinapakan niya ang paa ni Laurde. Napamura si Laurde at sinigawan si Sierra na bumalik.
Inismiran siya ni Sierra ag mabilis na naglakad pataas. Nang makarinig sila ng pagbagsak ng pintuan. Tumawa si Laurde habang hawak ang tiyan sabay napa-aray ulit.
"Hindi ko pa nakikita ang asawa mo minsan pero mukhang siya na iyon lagi mong kinu-kwento sa akin sa e-mail," ani ni Perciran habang nakatakip ang bibig gamit ang likod ng palad. Kanina niya pa din gusto tumawa lalo na iyong part na pinakilala ito ni Laurde ni maid.
"What do you think? Sino pa bang tao ang maaring tumapak sa paa ng emperor?" ani ni Laurde na ngayon ay nakaupo sa carpet habang hawak ang paa.
Naka-tshinelas lang kasi siya pagbaba at naka flat shoes ang asawa. Kamusta naman ang paa niya 'non.
Tumawa lang ang babae dahil kasalanan naman iyon ng lalaki. Ipakilala ba naman na maid ang asawa kahit sino magagalit doon.
Pagbukas pa lang naman ni Sierra ng pinto alam na ni Perciran na ito ang asawa ni Laurde dahil sa kumakalat na balita sa opisina nila na nagtatalo-talo nga daw si Laurde at ang mga tagapagmana ng mga Salvacion dahil ayaw ni Laurde mag-hire ng maid sa mansyon nila.
Lahat ng gawain bahay ay sa asawa pati na din ang pagluluto. Prinsesa ng nga Salvacion ang babae kaya napaka-big deal sa kanila na humawak ng kusina ang babae.
Sinabi ni Laurde na maraming possibility na may mga makapasok na intruder sa bahay o kumalat ang tungkol sa mukha ng empress. Mababalewala lahat ng ginagawa ni Laurde kung ganoon.
Sinira ni Laurde ang image niya para sa empress at hindi ito papayag na basta na lang lumabas ang link tungkol sa expression dahil sa sinasabi ng mga Salvacion na maliit na bagay.