Chapter 02
3rd Person's POV
"Sina Sierra!" ani ni Silas matapos ma-realize na nasa palapag sila ng classroom nina Sierran. Agad na tumakbo pataas ang mga lalaki.
Nakita nila si sina Sierra at Lax na nasa kabilang bahagi ng hallway. Lumingon sina Sorell sa kaliwang bahagi ng hallway matapos marinig doon ang tilian. May ilang babae ang nag-freak out at humihingi ng tulong habang tinuturo ang classroom ni Laurde.
Nilapitan ni Silvestre at Silas ang dalawang babae habang sina Laurde ay tinungo ang classroom nila.
Napatakbo ang tatlong babae. Nanlaki ang mata nina Silas matapos makita si Rea Kahin ang ex girlfriend ni Laurde na nakasabit ang leeg sa kisame.
Nakipag-break dito si Laurde 4 days before maging sila ni Jasmine ang last ex girlfriend ni Laurde. Pumasok si Sorell sa loob— sumampa ang lalaki sa upuan. Nag-abot si Zicon ng cutter at ginamit iyon ni Sorell para putulin ang tali.
Nahulog ang katawan sa sahig. Tumingin si Laurde sa white board, sa black board at sa pader ng buong classroom.
Puno iyon ng pangalan ni Laurde at sinasabi doon kung gaano kamahal ng babae si Laurde. Napatakip ng ilong si Zicon at tumingin sa sahig. Nagkalat doon ang dugo na mukhang galing sa mga laslas sa wrist ng babae.
"This is insane," ani ni Silvestre na napatanga matapos makita ang classroom nila.
—
"Anong nangyari bakit ang daming pulis?" tanong ni Sierra na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Dala nito ang bag habang nakatayo sa harap ng building nila.
Kasama nito si Zicon, Train at si Laxamanna. Wala ng gaano na story doon dahil pinauuwi na ang lahat ng mga school staff.
"May nag-suicide," sagot ni Train. Napatigil si Sierra at napalingon. Tumingin si Sierra sa palapag kung nasaan ang classroom nina Laurde.
Nandoon si Laurde at ang mga kapatid. Kausap nito ang mga pulis. Maya-maya lang may dumating na ambulansya.
"Sissy, uwi na tayo. Hindi na maganda ang pakiramdam ko," ani ni Lax at hinila-hila ang babae.
"Sige uwi na tayo," ani ni Sierra. Hinila ni Lax ang kaibigan— lumingon si Sierra ngunit bago pa niya makita ang binababa na katawan mula sa building— humarang si Train at sinabing ihahatid na sila dahil pabalik na din naman sila sa mansyon.
Gabi na ng makauwi si Laurde sa mansyon dahil sa mga pulis. Hindi sila tinigilan nito katatanong kung hindi pa dumating ang isa sa mga Salvacion.
"Laurde," ani ni Sierra na napatayo sa kinauupuan na sofa. Napatingin si Laurde at bahagyang nagtaka matapos makita ang babae.
"Bakit hindi ka pa natutulog? Malalim na ang gabi," ani ni Laurde. Tinaasan siya ng kilay ni Sierra.
"Paano ako makakatulog matapos ko malaman na ex mo iyong namatay? Kung anu-ano din nakikita ko sa internet dahil doon," ani ni Sierra. Tumawa si Laurde at nakapamulsahan na lumapit kay Sierra.
Nilapit ang mukha sa babae. Gumusot ang mukha ni Sierra at nilayo ang sarili sa lalaki.
"Concern ka?" nakangisi na sambit ni Laurde. Sumama ang mukha ni Sierra at tinuro ang mukha ni Laurde.
"Ako concern? Asa ka! Ang pangit mo ilayo mo nga iyang mukha mo sa akin!" asik ni Sierra. Tumalikod ito at agad tumakbo patungo sa hagdan. Walang lingon-lingon ito na umakyat.
Hindi nakalagpas sa mga mata ni Laurde ang pamumula ng tenga ni Sierra. Ngumisi si Laurde at umayos ng tayo.
Sandaling tinakpan ang bibig habang nakatingin sa hagdan kung saan dumaan si Sierra. May ngisi ito sa labi at mukhang naaliw.
Tumunog ang phone niya. Kinuha ni Laurde ang phone sa bulsa at tiningnan iyon— nakita niya ang code sa caller I.D.
"What the f*****g you want?" pokerface na tanong ni Laurde matapos tumungo sa sofa at binagsak doon ang katawan.
"Walang pasok bukas— hangout?" tanong ni Sorell sa kabilang linya. Sumama ang mukha ni Laurde at ginulo ang buhok.
Ayaw talaga ni Laurde ang ganoon na word lalo na kay Sorell nanggaling. Naiinis na sumagot si Laurde.
"Kung hindi ako sasama siguradong kakaladkarin niyo ako magkakapatid diba?" gusot ang mukha na sambit ni Laurde. Hindi umimik si Sorell.
"Ano pang silbi ng pagtatanong niyo kung kayo din masusunod tsk," ani ng binata at pinatay ang tawag. Sumandal ang lalaki sa sofa at tumingala.
"Bakit kasi ang tagal mag-21 ni Sierra?" ani ng binata at hinilig ang ulo. Tiningnan nito ang ring finger niya. Wala doon ang wedding ring niya— iniyukom ni Laurde ang kamao at umayos ng upo.
"No— kailangan ko ng makuha ang posisyon bago pa dumating ang araw na iyon," bulong ni Laurde bago dinampot muli ang phone sa sofa at tiningnan iyon. May tinawagan siyang numero.
—
"The heck! Ito ba ang tinutukoy mo Salvacion na hang out?" ani ni Laurde matapos sipain ang sikmura ng lalaking biglang humarang sa kanila 'nong patungo na sila sa VIP room.
Maraming katawan sa paligid nila. Sunod-sunod na nagbukasan ang mga pinto ng kwarto at umiiyak na lumabas ang mga babae.
Minsan hindi talaga maintindihan ang takbo ng utak ng tatlong kapatid ng asawa. Tinawag sila ni Silvestre kaya napatingin si Laurde.
Lumapit silang tatlo sa kinaroroonan ng binata na ngayon ay may hawak na isang lalagyan at may nakatakip na tela.
"Ano iyan?" tanong ni Laurde. Ngumisi si Silvestre at inalis ang takip.
"Taran!"
Binatukan ni Laurde si Silvestre at nauntog ito sa pader. Napasapo sa noo si Sorell matapos sila samaan ng tingin ni Laurde akala siguro nito ay isang music box lang talaga ang pinunta nila doon.
Patuloy sa pagtunog ang music box. Napatigil si Laurde matapos marinig ang tugtog. Minsan niyang narinig iyon na kinakanta ni Laurde.
"Nakita na namin ang suspect sa pagpatay sa ex mo," ani ni Silas na ngayon ay hila-hila ang hood ng isang binata na kasing edaran lang din nila.
Pamilyar ito kina Sorell dahil classmate nila ito. Kinuha ni Laurde ang music box na binitawan ni Silvestre.
"Mabuti— hindi matutuloy ang pag- freeze nina dad sa credit card ko," ani ni Laurde na ngayon ay nakatingin sa music box.
Napatingin sina Sorell sa hallway matapos makarinig ng kumosyon sa hindi kalayuan sa direksyon nila.
"Tara na! Siguradong ang mga tauhan iyon nina dad!" ani ni Silvestre. Tumakbo sila matapos itali ni Silas ang lalaki na dinampot nila at tumakbo patungo sa kabilang direksyon.