Chapter 01
3rd Person's POV
"Stop following me!"
Hinarap ng dalagita ang binata na nakasunod sa kanya.
"Hanggang kailan mo ako susundan?!"
"Huwag ka ngang assuming panget. Pareho lang tayo ng eskwelahan na pinapasukan," basag ng binatilyo. Napalabi na lang ang dalaga nang lampasan siya ng lalaki at nauna maglakad patungo sa eskwelahan nila.
"Ulul! Akala mo naman gwapo."
Inayos ni Sierra Salvacion ang suot na salamin bago tinungo ang gate ng university at pumasok duon.
Napangiwi ang dalagita nang marinig ang boses ng mga ka-school mate na halos mabali ang leeg kasusunod ng tingin kay Laurde Khlehenton.
"Kaloka, kulang na lang maglatag sila ng red carpet para sa kumag."
"Sierra!"
"Ay kumag!'
"Lax! Bakit ka nanggugulat!"
Natawa lang ang babae at lumingkis sa kaibigan.
"Kasi naman 'yang mukha mo para na naman pinagbagsakan ng langit at impyerno. Ano na naman nangyari? Nag-away na naman kayo ni Kuya?"
Sumimangot ang babae.
"Aww, hayaan mo na girl. Ipunin mo na lang 'yang sama ng loob mo kay kuya tapos sa next life mo at naging lalaki ka tiyaka kana gumanti sa pangbu-bully niya."
"Thank you ah! Nakatulong ka sis," sarcastic na sambit ng dalagita.
"You're always welcome sissy," ani ng babae na humahagikhik pa habang nakayakap sa braso ng dalagita.
Si Lax or Laxamanna Khlehenton ang twin sister ni Laurde Khlehenton. Kapatid ang turing ni Lax sa babae to the point na mas kinakampihan nito ang babae kaysa sa sariling kapatid.
Halos sabay na din lumaki ang dalawa kaya bukod sa kapatid si Lax ang nasasandalan ng dalaga.
Habang naglalakad sila papunta sa sariling building. Nakita ng dalawa si Laurde na hinarang ng kasalukuyang girlfriend nito. Mukhang galit na galit ito at kasalukuyang tinuturo si Laurde habang umiiyak.
"Anong sinasabi mo na break! Wala pa tayong 3 days for god's sake!" ani ng babae. Niyakap nito si Laurde at sinabing mahal na mahal siya nito.
Biglang nalungkot doon si Sierra— bahagyang tinulak ni Laurde ang babae at sinabing nagpadala na ito ng malaking halaga sa account nito at regalo.
"Sapat na siguro iyon para sa pagsasayang mo ng effort at time sa akin diba?" bored na sagot ni Laurde. Isang sampal ang natamo ni Laurde dahil doon.
Pinagmumura ng babae si Laurde at umiiyak na tumakbo. Napangiwi doon si Lax.
"Alam nilang gago si Laurde bakit pinapatulan pa nila? Tanga din naman pala sila eh," ani ni Lax at umiling-iling. Kasalukuyan silang nakatayo sa pilla ng field at sa harap nila anv mga estudyante na nakikiusyoso.
"Ano bang pinoproblema ng babae na iyon? Gosh buti nga nagkaroon siya ng pagkakataon na maging boyfriend si Laurde," ani ng ilang mga estudyanteng babae na nakapwesto sa harapan nina Sierra at Lax.
"Tama— biruin mo magkakaroon siya ng pagkakataon na makasama si Laurde ng isang gabi. Tingnan mo kung gaano siya kaswerte doon— balita ko pa nga magaling daw sa kama si Laurde at—"
Hindi na pinakinggan ni Sierra at Lax ang usapan ng mga estudyante doon dahil nakita na nila ang tatlong kapatid ni Sierra sa hindi kalayuan— nangunguna dito si Silvestre na tawa ng tawa matapos makitang nasampal si Laurde.
"Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw magkaroon ng aids si Laurde. Kung sino-sino ang babaeng kinakama," ani ni Lax na napairap na lang sa kawalan. Hindi umiimik si Sierra kaya nilingon ito ng babae.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Lax matapos makitang hindi maipinta ang mukha ni Sierra.
"Naiinis ako Lax at the same time natatakot. Naiinis ako sa sarili ko dahil katulad ng babaeng iyon gustong-gusto ko si Laurde— natatakot kasi alam ko na kapag nagpadala ako sa damdamin na ito. Kapareho lang ng babaeng iyon ang magiging kapalaran ko," ani ni Sierra. Bumuga ng hangin si Lax— sinandal ang ulo sa balikat ng babae habang naglalakad.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko— kahit ako kasi hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko kahit pa iyong parehong minahal natin mga gago at walang kwenta. Kagwapuhan lang ang magandang ambag sa mundo," ani ni Lax. Makalipas ang isang minuto. Parehong tumawa ang dalawa at umakto na parang walang nangyari.
_
Parehong nakatingin lang si Train Paras at Zicon Cuevas kay Silvestre na patuloy sa pang-aasar kay Laurde matapos masaksihan ang palabas kanina.
Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nakakita ng ganoon na palabas lalo na si Laurde ang bida ngunit si Silvestre ay hindi pa din nasasanay.
"Pang-ilan na iyon Cuevas?" tanong ni Silvestre kay Zicon na ang tinutukoy ay ex ni Laurde. Agad na kinuha ni Zicon ang maliit nitong notebook sa bulsa. Binuklat iyon at hindi makapaniwala si Silas na may copy ang binata.
"Pang-47 ngayong taon, young master," ani ni Zicon. Gumusot ang mukha ni Laurde at tiningnan ng masama si Silvestre.
"Kapag hindi ka pa manahimik magfi-first class ka sa clinic," pikon na sambit ni Laurde. Napailing na lang si Sorell at Silas.
"Teka nakita niyo ba ngayon si Sierra?" tanong ni Silvestre matapos maalala ang kapatid. Tiningnan sina Sorell.
"Siguradong tinataguan na naman tayo 'non kaya hindi natin nakikita," sagot ni Silas na naghihikab. Ayaw kasi ni Sierra na nilalapitan siya ng mga ito sa university dahil nakakaagaw daw sila lagi ng pansin.
Kagit sina Zicon at Train ay sinabihan ni Sierra na huwag lalapit sa kaniya kahit pa kaklase nito ang dalawa.
"Kaasar! Dito na nga lang natin siya nakikita at nakakasama nagtatago pa siya," reklamo ni Silvestre at nilagay ang dalawang braso sa likod ng ulo.
Hindi maintindihan nina Silvestre ang kapatid na babae kahit ano pa sabihin nila na maganda ito iparamdam kung gaano ito kahalaga balewala pa din. Masyado mababa nag self confidence nito at kahit sila nilalayuan nito sa dahilan na eye catching.
"Hayaan niyo na lang si Sierra. Mas mabuti iyon— lumalayo siya sa atin. Kapag masyado siyang na-exposed kasama natin— hindi imposible na mapahamak siya," sagot ni Silas. Sumimangot si Silvestre dahil doon at pinantayan ang kapatid.
"Pero pamilya tayo— si Sierra siguradong malungkot siya lalo na wala na tayo sa tabi niya. Bago niya maging asawa ang kumag na ito—" ani ni Silvestre at tinuro si Laurde. "Tayo lagi niyang katabi sa kama— paano kung malungkot siya tuwing gabi o hindi nakakatulog? Minsan kailangan din natin siya kamustahin at lapitan noh," ani ni Silvestre. Nag-pokerface si Silas.
"Biglaan ang pag-alis ni Sierra sa mansyon. Siguradong malungkot siya ngayon. Iniisip ko pa lang na uniiyak ang napaka-cute ko na kapatid parang tinutusok ng karayom ang puso k— aray!"
Naputol ang paglilitanya ni Silvestre matapos may matapakan na basag na salamin sa hagdan. Umupo si Silvestre sa baitang at tinanggal ang nakabaon na salamin.
"Nasugatan ka ba?" tanong ni Silas na napahinto din sa paglalakad. Lumingon si Sorell na napatigil din sa paglalakad.
"Bakit may ganito kadelikado na bagay sa hagdan," kunot noo na sambit ni Silvestre. Kinuha iyon ni Silas— tiningnan ni Silvestre ang sapatos matapos niya ito tanggalin.
"Paano bumaon iyan sa sapatos ko?" tanong ni Silvestre. Napatigil sina Laurde kasama sina Zicon matapos makarinig ng tilian.
Nagtakbuhan ang mga estudyante pababa. Napatayo si Silvestre at napatabi matapos magkandarapa ang mga estudyante pababa ng hagdan.
"Anong nangyayari?"