06

1152 Words
Chapter 06 3rd Person's POV "At bakit lilipat ng bahay! Sira na ba tuktok niyo?" hindi makapaniwala na sambit ni Sierra habang nakatingin sa mga kapatid. "Bakit hindi? Malayo sa university ang bahay na ito. Isa pa kung maghahanap tayo ng unit na ilang metro lang ang layo sa school hindi na natin kailangan ng driver at kahit almost 8pm na ako magising hindi ako mala-late," ani ni Laurde na nakaupo sa sofa at nasa likod ang mga braso. "Ah so? Ang bahay at ako ang maga-adjust sa iyo? Idiot! Kung gusto mo umalis mag-isa ka. Dito ako mananatili. Period!" Kinuha ni Sierra ang bag niya at lakad-takbo na tinungo ang pintuan palabas ng mansion. Pagkaalis ni Sierra— nilingon nina Sorell si Laurde. Nawala ang pang-aasar sa expression nito at umayos ng upo. Kinuha ni Laurde ang phone at kinontak ang kapatid. — "Kyaaah talaga! Oh my god! Siguradong magiging magkalapit lang tayo ng unit!" natutuwa na sambit ni Laxamanna. Kumunot ang noo ni Sierra at sinabing hindi nga pumayag si Sierra na lumipat ng bahay. "Teka— kala ko ba sa parents mo ikaw nakatira?" ani ni Sierra at tiningnan ang kaibigan. Kumamot sa pisngi si Laxamanna. "Hindi ko ba sinabi sa iyo na tuwing weekends lang ako nagi-stay sa mansion nina dad? Masyadong malayo bahay nina dad sa university and duhh laging wala parents ko sa bahay," ani ni Laxamanna. Nakatingin lang sa kaniya si Sierra— ngumiti si Laxamanna ngunit deep inside nagdadasal siya na maniwala sana ang kaibigan. Lahat ng sinabi niya kasinungalingan. Umuuwi siya sa bahay ng parents niya dahil masyadong strict ang daddy niya. Tinawagan siya kanina ng kapatid na kumbinsihin si Sierra na umalis dahil may nakakaalam na ng location niya. Sinabi ni Laxamanna na kung lilipat si Sierra magkatapatan na lang sila ng pinto kahit weekends ay pwede sila mag-bonding. Bumagsak ang balikat ni Laxamanna matapos hindi pumayag si Sierra. Ayaw niya umalis ng bahay in some reason. "Sorry Lax, doon na kasi ako lumaki. Masyado mahalaga sa akin ang bahay na iyon," may ngiti na sambit ni Sierra. Masyadong na-occupied ang isip ni Laxamanna dahil sa unang pagkakataon tinanggihan siya ni Sierra. Hindi narinig ni Laxamanna ang sinabi ni Sierra. Sinabi ni Sierra na date na lang sila after class. Parang pumalakpak ang tenga ni Laxamanna matapos marinig iyon at sinabing sige. Nakalimutan agad ng babae ang binilin sa kaniya ng kapatid. Breaktime, Nagtaka si Sierra dahil hindi niya nakita ang mga kapatid either si Laurde. May mga estudyante na lumalapit kay Laxamanna at tinatanong kung nasaan si Laurde. "Mukha ba akong tanungan ng mga nawawalang unggoy!" Puro babae ang nagtatanong kay Laxamanna. Napipikon na ang babae dahil doon may tumatawag pa sa kaniya na sister-in-law. "Kakapal ng mukha iisa lang sister-in-law ko. My goodness," ani ni Laxamanna. Tatawa-tawang pinakalma ni Sierra ang kaibigan at sabay nilang tinungo ang cafeteria. Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa uwian na. Napagpasyahan ng dalawa na tumungo sa isang coffee shop— doon gumawa ng project at i-treat nga si Laxamanna. Tumunog ang phone ni Sierra kaya agad niya iyon kinuha. Kumunot ang noo ni Sierra matapos makita ang pangalan ni Laurde sa phone niya na hindi niya alam bakit nandoon. "Nakapagdesisyon ka na? Sinabi ko na kina uncle ang paglipa—" "No! Sinabi ko na kung gusto mo lumipat ikaw ang lumipat. Ikaw lang naman nagrereklamo sa layo ng bahay natin sa school," asik ni Sierra. Pinatayan niya si Laurde— hindi maintindihan ang expression na iyon ni Sierra. Napatingin sa kaniya si Laxamanna. Imbis kasi inis— lungkot ang nakikita ni Laxamanna sa expression ni Sierra na hindi niya alam kung imagination niya lang. "Bakit kasi ayaw mo umalis sa bahay na iyon? As if may tinatago kang kayamanan doon," ani ni Laxamanna. Ngumiti si Sierra at tiningnan si Laxamanna. "Masyadong maraming memories sa bahay na iyon," ani ni Sierra na may ngiti sa labi. Sa bahay lang kasi na iyon sila nagkakausap ni Laurde na para muling magkaibigan. Sa bahay na iyon nag-aaway sila, nag-aasaran then nagtatawanan. Doon pantay silang dalawa at sa loob ng bahay na iyon parang silang dalawa lang tao sa mundo. Dating abandonadong gusali iyon ngunit noong mga bata pa sina Sierra at Laurde. Doon sila laging pumupunta kapag isa sa kanila ay hindi okay. Malawak doon at sa likod 'non maraming mga puno. Before ang kasal nila tuwang-tuwa si Sierra dahil pinatayuan iyon ni Laurde ng bahay at sinabing doon na sila titira pagkatapos ng kasal nila. "Tara na umuwi na tayo. Mukhang hindi maganda mood mo," pagyaya ni Laxamanna. Niligpit niya ang mga gamit niya sa table. Ganoon din ang ginawa ni Sierra— medyo dumadami na din kasi ang tao sa coffee shop. Paglabas nila ng coffee shop. Nagpaalam na si Laxamanna na uuwi na. Dumating na kasi ang sundo nila. Pagkasakay ni Laxamanna sa sasakyan inaya na din si Sierra ni Zicon na siyang magsusundo sa kaniya ng araw na iyon. Ibang daan ang tinahak ni Zicon kaya agad na nagtanong si Sierra kung saan sila pupunta. "Sa unit young lady. Doon daw kayo magi-stay—" "No! Doon tayo sa mansion," may diin na sambit ni Sierra. Sinabi ni Zicon na si Laurde may utos na dalhin siya sa bagong unit nila ngunit nagalit si Sierra. "Iuuwi mo ako dahil tatalon ako sa sasakyan n ito kapag hindi mo pa ako iniuwi. Hindi ako nagbibiro Zicon," malamig na sambit ni Sierra. Hinawakan niya ang pinto na kinamura ni Zicon. Kinabig ni Zicon ang sasakyan patabi at sinabing babalik na sila. Puputulan siya ng ulo ng triplets kapag may nangyari sa kakambal nila. Tinahak ni Zicon ang daan patungo sa mansion nina Sierra at Laurde. Nanlamig si Sierra nang paghinto ng sasakyan nakita niya ang mansion nila ni Laurde. Nasunog na iyon at nagiba. Bumaba si Sierra at tinungo ang lugar. Nagulat din si Zicon matapos makita iyon. Agad niya tinawagan si Train at tinanong kung anong nangyari sa mansion. Sure siya na kasama nito ang triplets at si Laurde. "Diba sabi ni pinuno iuwi mo si young lady sa unit?" ani ni Train sa kabilang linya. Sinabi ni Zicon na nag-attemp si Sierra tumalon sa sasakyan. Narinig niya sa kabilang linya ang pinuno nila. Lumingon si Zicon at napatigil ang binata matapos makitang umiiyak ang babae. "Train, sabihin mo kay pinuno pumunta sila ngayon din dito," ani ni Zicon. Pinatay ni Zirco ang tawag matapos makitang humikbi si Sierra. "Young lady," tawag ni Zicon. Nanginginig si Sierra. "Zicon, sabihin mo. Walang kinalaman dito sina Laurde at kuya diba?" tanong ni Sierra. Hindi nakasagot si Zicon— wala siyang alam sa ginawa nina Laurde kanina dahil nasa school siya at binabantayan niya si Sierra. Hindi lingid sa kaalaman ni Zicon na maaring sina Laurde nga ang may gawa dahil nasa unit na ang mga ito ngayon at balewala lang ang nangyari sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD