Chapter 5

1479 Words
JAYDA “BAKLA, hindi ko pala nasabi sa iyo. Yung mga nakita mo pala sa kotse ni Sir Dan, wag mong ipagsasabi ha. Alam naman iyon ng mga tao dito lalo na sa mga recruitment dahil napagkekwentuhan pero syempre hindi naman namin pwedeng ichika nang ichika,” saad ni Basha sa akin. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Okay lang sa inyo? Hindi ba offensive ‘yon para sa ibang mga model?” tanong ko sabay tingin sa paligid dahil baka biglang may nakikinig na pala sa amin. Napatingin naman ako kay Basha nang tumawa ito tapos ay muling kumagat ng kan’yang hotdog. “Alam mo, offensive iyon syempre pero magiging offensive lang iyon kung mga model mismo ang magrereklamo o halimbawa ay pinilit sila. Pero sa sitwasyon, hindi sila pinilit– they're giving their self para mapaangat pa ang sarili nila at syempre gagaya ang iba! Hindi naman si Sir Dan ang namimilit sa kanila kusa silang lumalapit,” paliwanag nito na bahagya kong ikinatango. Well! Sila naman nga ang lumalapit at lalaki nga naman ang boss nila kaya papatol. Ganon naman kasi ang mga lalaki, basta babae na ang nalapit at bumukaka sa kanila ipapasok nila ang labanos nila. “Pero alam mo, kahit ganon ang nangyayari– kahit paano ay patas pa rin naman iyan si Sir Dan… she gave his model a decent treatment lalo na kung ang brands mismo ang pumili kahit pa nakakaulayaw niya ang isang model basta may prefer ang brands doon niya ibibigay kahit hindi niya nakakaniig,” pahabol pa nito na ikinatango ko. “Ah! Mabuti naman kung ganon kasi parang nakakabwisit iyon kung kaya ko naman pero ibibigay mo sa ibang trying hard,” saad ko sanay kuha ng softdrinks ko at inom doon “Yes! Exactly the point kaya nga sinasabi ko sa iyo, noong naispot’an ka ni Sir Dan kanina at sinabi niya suit sa iyo ang trabahong hinahanap namin?! At bakla! Ikaw na talaga!” saad nito kaya naman tinitigan ko siya ng masama. Naaalala ko naman kung paano ako idescribe ng lalaki na iyon. Pati pananamit ko ay napansin pa niya. “May trabaho ako–” “Suspended ka naman ‘di ba? Teka nga maiba tayo! Bakit nga ba 2 weeks ang naging suspension mo?” tanong nito sabay turo pa sa akin gamit ang tinidor niya. Umirap naman at ako muling tinusok ang parte ng durog kong hotdog! Naalala ko tuloy ang sinabi ng TL ko at dahilan kaya naging impulsive ang desisyon ko kaya ako napunta dito! “Oy! Magkwento ka na! Wala na akong gagawin dabil tapos na ang trabaho ko at bukas na ulit dahil napili ka na bilang bagong model ng Clay Cosmetics!” masayang usal nito na agad kong ikinangiwi. “Ganito kasi ‘yan! Tinanong niya ako kung bakit ko namura ang client ko na sinagot ko naman ng naayon at tama sa scenario natin kahapon,” paumpisa ko at ikinuwento ko na nga kung bakit ako napunta doon pati na ang mga sinabi ko sa TL ko na agad niyang ikinatawa. “Dapat pala isinama mo! G*go ‘yon ha!” natatawang usal nito na ikinatawa ko rin at tumango tango sa kan’ya. Akmang magsasalita ako nang maagaw ng pansin ko ng mga babaeng papasok ng cofeteria nila dito sa building. Doon natuon ang pansin ko kaya naman napatingin na rin doon si Basha. “Ow no! The mean girls are here…” mahinang usal nito kaya naman agad akong napatingin sa kan’ya. “Ha?” tanong ko sabay tingin muli doon sa mga babaeng paparating. “Anong mean girls? High school? College?” nakakunot ang noo kong tanong sabay tingin sa kan’ya. Umirap lang ito sa akin at tumango tango. “Oo! Ganito kababaw sa mundong ito! Ganon ka-immature ang ibang mga tao dito,” usal nito. Napangisi naman ako at napailing-iling sa kan’ya. “Panigurado itong mga ito ang mga na-ikama na noong boss mo,” usal ko na mahina niyang tinawanan. “Mismo, bakla! Napasok na diyan ang labanos na mahaba at mataba!” Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya at mabilis na iwinasiwas ang nasa isip ko. Muli akong napatingin doon sa mga babae at doon ko biglang naalala ang itsura noong babaeng nakita ko sa kotse. Mukha ngang totoo ang sinasabi ni Basha. Kasi ang isa sa kanila ay ang babaeng nakita ko sa kotse. Hindi ko na lang sinabi kay Basha dahil baka lumakas pa ang boses nito at kung anu-ano pa ang sabihin. Binilisan na lang namin pagkain naming dalawa doon dahil gusto na naming umuwi. Wala na rin naman kaming gagawin. “WAIT! need nating bumili ng damit mo na presentable! Iyon ang sabi ni Sir Dan!” usal ni Basha habang papalabas na kami ng building. Bago ako sumagot ay kinapkapan muna kami ng guard. “Kuya! Hindi ko inuwi yung chandelier ninyo dito, kung makakapkap ‘to!” usal ko dito kaya naman agad niyang binitawan ang bag ko. “Naninigurado lang,” usal nito. Sasagutin ko sana siya kaso hinila na ako agad ni Basha paalis doon. Alam niya kasi na papatulan ko talaga ang guard na iyon! Kung makapagsalita na kasi akala mo ang gwapo niya, mukha naman siyang palakang kokak! “Ikaw nga tigilan mo iyang pagiging warfreak mo ha! Dapat kalmado lang lagi at habaan ang pasensya mo… kapag naman umayos na ang mukha mo, mag-iiba na ang trato nila sa iyo panigurado, malay mo eto na talaga ang susi para lumabas ang gandang taglay mo– ang gandang dating kinagigiliwan ng mga marites sa atin,” usal niya sabay kapit sa braso ko. “Hayaan mo na iyon, bili na lang tayo ng damit mo tapos aayusan kita bukas,” saad niya na mabilis kong ikinailing. “Wag na tayo bumili, meron naman ako doong damit na maayos at’ska feeling ko hindi ko naman kailangan mag-ayos dahil kailangan normal lang ang mukha ko at walang kolorete. ‘Di ba iyon ang sinabi ng maharot ninyong boss,” kalmado kong usal kahit pa malalim ang iniisip ko sa mga sinabi niya. Hindi ko lang kasi maintindihan ang mundo, lalo na sa ganitong mga lugar. Bakit iba ang trato ng mga tao sa amin? Tao rin naman kami, kumpleto body organs pero bakit kung ituring kami ay masamang tao o kaya naman ay may malalang sakit na dapat iwasan pero kapag gumanda na maayos na ang trato. “JAYDA! Halika na, baka mahuli tayo sa meeting mo!” malakas na sigaw ni Basha sa akin sa labas ng kwarto ko. Nakaayos naman na ako at kahit papaano ay presentable naman ang suot ko. I’m wearing a white sleeveless top with a maroon blazer on top, trouser pants na black tapos rubber shoes. Inayos ko lang din ang pagkakatali ng kulot kong buhok tapos ay lumabas na ako ng kwarto ko dahil kanina pa rin sigaw nang sigaw si Basha sa akin. Paglabas ko nakita ko itong naka-upo sa sofa ng apartment namin at halatang bored na bored na siyang nag-aantay doon sa akin. “Sa wakas! Lumabas ka rin!” usal nito at agad na tumayo, napataas ang kilay ko nang makita ko na nakaleather shoes siya at nakapolo na itim at maayos din ang buhok nito. Pinagmasdan ko ang itsura niya at parang mas mukha pa siyang pipirma ng kontrata sa akin. “So, mas mukha ka pang pipirma sa akin ha,” usal ko na bigla nitong ikinatawa. “Sorry na, baks! Kasama kasi ako sa meeting at dahil friend kita, ako ang magiging handler mo! Kaya need ko rin maging presentable like you!” saad nito sabay ayos sa bangs niyang tumatama sa mata niya. Ito rin talaga ang gusto ko kay Basha kahit bakla e– hindi siya trying hard na magsuot ng damit pambabae. Alam niya ang limit niya sa pagiging gay niya. “Halika na at baka tawagan na ako ni Sir Dan at sabihin na napakatagal kong kumilos,” usal nito at agad ng lumakad palabas ng bahay habang ako naman ay sumunod lang sa kanya. May nakaabang naman na sa amin na sasakyan dahil nagbook na pala itong si Basha ng sasakyan para mahatid kami. Ayaw na raw niya kasing mahaggard kami dahil hindi raw maganda na makikipag-usap kami na pawis kami. Habang nasa byahe ay may mga sinasabi si Basha sa akin na hindi ko rin maintindihan pero sige naman ako sa pagtango ang pinakanaalala ko lang sa sinabi niya ay ikalma ko ang bibig ko lalo na kapag kaharap namin si Sir Dan. Alam niya raw na kapag kaharap ko si Sir Dan ay hindi ko mapipigilan ang bibig kong matabil. Hindi naman ako nagbigay ng komento sa sinabi niyang iyon dahil totoo naman ng sinabi niya. Hindi talaga kasi ako bilib sa boss nilang iyon. -------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD