Chapter 4 - Labanos

1841 Words
JAYDA “JAYDA Euinice Tulio,” Agad akong napatingin sa pintuan kung saan napaso ang mga aplikante kanina nang marinig ko ang pangalan ko. Marahan kong ipinasok ang cellphone ko sa bag ko at marahan na tumayo sa pagkakaupo ko. “Jayda Euinice Tulio! Wala–” “Nandito ako, nakatingin ka na sa akin tapos tatanungin mo pa po kung wala si Jayda? Naghahanda na po ako papalapit oh,” putol ko doon sa babae na punong puno ng kolorete sa mukha. Tumaas naman ang kilay nito sa akin habang ang iba ay nagbubulungan lang naman. Bakit? Tama naman ang sinasabi ko ha! Nakatingin naman siya sa akin– she can ask me if I am Jayda Eunice Tulio, hindi iyon sasabihin niya pang wala ako. Isip talaga! “You are Jayda Eunice Tulio?” mataray na tanong niya sa akin na ikinatas din ng kilay ko. Siguro dahil wala naman talaga akong balak na matanggap kaya hindi ko tinatago ang pagiging stubborn ko dito. Hindi ako nagbabait-baitan! “You should have asked me that question earlier, right? And I already said that I’m here and now you are asking me if I am that person?” mataray na sagot ko pero ngumiti ako sa kan’ya ng kaplastikan nang makita ko na pinanlalakihan na ako ng mata ni Basha. “Just kidding, Miss Rainbow! I’m just making fun of you and yes, I am Jayda Eunice Tulio but not at your service,” sarkastiko kong usal at halatang halata ang pekeng ngiti ko. Kita ko naman ang pagtitimpi nito sa mukha kaya mas ngumiti ako ng peke sa kan’ya habang siya naman ay huminga ng malalim. “Come in, they are waiting for you,” usal nito at mabilis na tumalikod sa akin at pabagsak na sinara ang pintuan. Umirap lang naman ako bago ko binuksan ang pintuan kung saan siya pumasok. Para ko naman akong napayakap agad sa sarili ko nang maramdaman ko ang lamig na bumabalot doon. Agad na nagtaasan ang balahibo ko dahil sa lamig, hindi naman kasi ako sanay sa aircon at hanggang mga electric fan lang ako. Pinapagala ko pa ang mata ko sa paligid nang makarinig na ako ng pagtawag sa akin kaya doon natuon ang pansin ko. “Hi! You must be Jayda Eunice?” sabi ng isang lalaki na nakaupo kasama ng mga panelist. Gwapo rin ang isang ito pero feeling ko– naamoy ko siya at nababahing ako sa kan’ya! Feeling ko kapederasyon ito ni Basha! “Dito ka sa gitna, Ms. Jayda Eunice,” usal nito na agad ko namang sinunod. Nang makapunta ako sa harapan ng lima na taong nakaupo doon at nasa gitna nila ang boss nilang malandi at mayabang! Habang nakatingin sa kanila ay doon lang ako nagsisi sa pinasok ko! Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. “You should relax, Ms. Jayda Eunice. Is this your first time?” tanong ng isang babaeng maganda na agad kong tinanguan. “Oh! That’s why? It’s okay! First you just have–” “No one briefs you what you're gonna do here?” Agad akong napalingon doon sa taong nasa gitna nang putulin niya ang pagsasalita sa akin ng babae. Ang bastos naman talaga ng lalaki na ito! “Basha, give me a heads up, sir. But it is normal to act what I’m acting– since it’s my first time, sir,” tugon ko na ikinahinto niya sa pagsusulat at nakataas ang kilay na tumingin sa akin. I gave my annoying smile to him. “What’s your name again?” seryosong tanong niya sabay hagod ng tingin sa mukha ko. Kita ko ang pagkunot at pandidiri niya sa mukha ko habang pinagmamasdan niya ako. ,edyo na offend ako sa ginawa niya dahil hindi naman nakakadiri ang mukha ko ha! Maraami lang pimples at pimple marks pero hindi naman nakakahawa ang mga nasa mukha ko! “I am Jayda Eunice Tulio but you can call me Jayda,” pakilala ko sa seryoso rin paraan. Hindi ko naman kailangan magpabibo sa kanila e. “Are you working?” “Yes, sir! I’m working as a call center agent in BPO–” “I’m not asking your profession, I’m just asking–” “But you still asked me if I’m working. It’s an initial answer of a person to answer kung ano po ang trabaho nila, ‘di ba po?” putol ko na sinamahan ko pa ng ngiti. Sa hindi kalayuan, kitang kita ko ang paghampas ni Basha ng noo niya at umiiling iling pa. Doon naman ako nag-alala bigla, baka dahil sa akin ay mawalan ng trabaho ang kaibigan ko. “Joke lang po. Sorry po,” mabilis kong bawi at tipid na ngumiti. Kita ko naman na napahinga ito ng malalim bago tumingin sa mga kasama niya at sumenyas na sila na ang magtanong sa akin. “So, Jayda! What do you hate the most?” tanong ng isang lalaki na panigurado akong lalaki na this time. “Ah! Ayoko ko po ng lumalandi sa hindi tamang lugar,” saad ko sabay sulyap sa boss nila na napatigil sa pagsusulat muli. “What I mean po is, if you what to flirt do it on the proper place! Hindi po iyong kapag tinamaan ng kaharutan ay basta na lang,” saad ko na ikinatango naman ng iba. “You know what you are so unique from the other applicants,” usal ng lalaking paminta. “Anyway! Kahit ako ay ayoko non,” nakangiti niyang usal. “I mean, lahat naman siguro tayo,” habol niya pa. “Ay hindi ko po iyan sure, sir! May ibang tao po kasi na okay lang sa tabi tabi,” saad ko sabay muling tingin doon sa boss nila na ngayon ay nakatingin na sa akin. Sabi ko sa iyo, babawi ako sa panlalait mo sa amib kanina e! Babawi talaga ko! “You know what, Ms. Jayda. I don't like sharp tongues like you,” saad bigla nito sa akin na ikinatahimik ng ibang mga nandoon. Ngumiti lang na naman ako sa kan’ya at tumango. “You know what, sir! Same! I don't like you also– I mean sharp tongues,” “Then I guess we have the similarities And I like your humor. Beside, you are the woman with Basha earlier, right?” usal nito na marahan kong ikinatango. “Then you are the person we are looking for. The multiple pimples, thick eyebrows na hindi naaahit, dry lips, no make-up, and no fashion sense. You are very fit to this job!” mahabang paliwanag nito na ikinataas ng kilay ko. Bago pa ako magsalita ay agad na itong tumayo at tumingin sa babaeng tumawag sa akin. “Tell those people outside that they may go! We already chose a person,” walang preno nitong utos sabay tingin sa akin. “We have a contract signing tomorrow at exactly 9am, Ms. Jayda. I want you to be there. Nandoon din ang mga representatives ng Clay Cosmetics kaya naman…” huminto ito panadalian bago muli akong pinasadahan ng tingin. “Be presentable,” “GRABE! Bakla! Akala ko talaga mawawalan ako ng trabaho sa ginawa mo kanina! Hindi ko alam kung bakit iyon ang naisip mong sabihin!” usal ni Basha habang ako naman ay halos nadurog na ang hotdog na nasa plato ko. Hindi ako makapaniwala na tatanggapin ako! Hindi, mali! Tinanggap nga ako pero ptcha! Nilait ako! Bawat salita niya doon sa description niya sa akin, lahat may laman! Bukod doon, may trabaho ako! Nilait ko na nga siya halos at pinaringgan ko na nga aba gusto pa ang sense of humor ko! Ang sarap niyang itlugan! O kaya naman durugin ang hotdog niyang malaki! “Hoy! Jayda! Durog na yang hotdog!” sita sa akin ni Basha sabay hampas sa akin kaya naman agad ko siyang tinignan ng masama na ikinapeace sign niya. “Bakit kasi ganyan ang mukha mo? Dapat ‘di ba masaya ka kasi kahit suspended ka may work ka,” usal nito sabay layo ng plato ko sa akin. “Hindi ako masaya! Nihindi ko nga ginalingan ang pagsagot ko doon sa interview sa akin! Hindi nga ako pumosing posing e!” usal ko sa kan’ya. “Puro kalokohan lang ang sagot ko doon dahil gusto ko lang paringgan yung boss mong malantod na parang asong nakikipagchukchakan sa sa tabi tabi!” singhal ko. Kita ko naman ang panlalaki ng mata niya at agad na tumingin sa paligid. Nang makita niya na wala namang nakatingin sa akin ay agad nitong ibinalik ang tingin sa akin at hinampas ako ng mahina sa kamay kaya napakunot ang noo ko sa kan’ya. “Totoo ba iyang sinasabi mo? Nakita mo?” mahinang tanong niya na agad kong tinanguan. “Oo! Nakita ng dalawang mata ko na umaalog ang kotseng pinaglabasan niya kanina! At hindi lang iyon, kitang kita ng dalawa kong mata pati na ang mata ng mga pimples ko kung paano sila naghahalikan doon at kung paano gumigiling ang babasa itaas niya, pati kung paano nagtataas baba iyong babae!” pagtataray ko sabay kuha ng plato ko at inumpisahang hatiin ang durog ng hotdog para makain. “Grabe! So kung nakita mo ang pagtaas baba ng babae…” napatingin naman ako sa kan’ya nang itigil niya ang pagsasalita niya at agad na lumipat ng upuan niya at tumabi sa akin. “Nakita mo din kung gaano kalaki ang hotdog ni Sir Dan!” Halos na iluwa ko ang hotdog na subo-subo ko dahil sa sinabi niyang iyon. Bigla para akong nawalan ng gana na kumain ng hotdog dahil sa tanong niyang iyon. Take note! May gigil pa ang tanong niyang iyon. “Oo! Nakita ko, parang baby eggplant lang naman ang hotdog niya!” usal ko at inilayo siya sa akin bahagya. Kita ko naman na hindi siya naniniwala sa akin dahil nakangiwi ang mukha nito. Pero sa totoo lang biglang bumalik sa akin ang scenario kanina at bigla kong inalala kung nakita ko nga ba ang hotdog noong Sir Dan na iyon at napadilat ako nang makita ko sa imahinasyon ko ang hotdog niya! Hindi baby eggplant! “Labanos na malaki at mataba,” mahinang usal ko sabay iling ng ulo ko. Sabay tingin kay Basha na nakatingin sa akin ng nakakaloko. “Labanos na malaki at mataba pala ha! Baby eggplant, eggplant ka pa diyan!” saad niya at agad na tumawa habang tumatayo sa tabi ko. Lumakad ito pabalik sa upuan niya at natatawa pa rin siya. “Siguro iniisip mo na hotdog ni sir–” “Manahimik ka nga! Wala kong nakita,” saad ko at muling kinuha ang hotdog ko sa plato at napangiwi pa. Napatingin ako kay Basha nang marinig ko siyang tumawa– pagtingin ko ay napasingkit ang mata ko dahil bigla niyang sinubo ang hotdog na nakatusok sa tinidor niya sabay malaking kagat doon. “Malinamnam!” usal niya na may tumatalsik pa na hotdog mula sa bibig niya. ---------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD