Chapter 6 - Payback time/ Official Model

2080 Words
JAYDA “BASTA, Jayda ha! Sinasabi ko sa iyo! Wag mong tatarayan si Sir Dan kapag nagkita na kayo ulit ha!” pahiling bilin ni Basha sa akin na agad kong ikinairap. “Oo na nga! Kanina mo pa iyan bilin sa akin, nasa kotse pa lang tayo iyan na ang bilin mo. malilimutan ko pa ba iyan?” tanong ko at marahan na naglakad papasok ng building nila. Agad naman akong sinalubong ng guard na nakasagutan ko kahapon kaya agad kong ipinakita ang bag ko sa kan’ya na bahagya nitong ikinagulat. “Oh! Kuya, transparent para naman hindi mo na ako paghinalaan, nakakahiya sa iyo e,” usal ko at mabilis na binuksan ang bag ko at inilabas ang isang pouch ko na transparent din. “Ayan! Kuya, transparent na rin ha! Kulang na lang pati suot ko maging transparent para wala ka na talagang problema,” pahabol ko na ikinatawa naman nito bigla. “Naku, miss! Pwede naman pero pakitakpan ng mukha para mas okay,” natatawang usal nito na ikinataas ng kilay ko. Manyak ang putik! “Hoy! Isusumbong kita kay Sir Dan, napakamanyak nito! Parang kahapon lang kung anu-ano sinasabi mo kay Jayda tapos ngayon!” biglang singit ni Basha sabay hila sa akin. “Porket sexy itong kaibigan ko! Kapag gumanda ‘to, who you kang bwisit ka!” saad pa nito. Nang makalayo kami doon ay binigyan ako nito ng isang matinding hampas sa braso. Kaya naman nagulat ako sa kan’ya at agad na hinimas ang hinampas nito sa akin. “Tigilan mo iyang bibig mo ha! Minsan ang mga lalaki kahit gaano pa kapangit ang osang babae basta maghubad sa harap nila ay papatusin nila! Maraming posisyon ang s*x na pwedeng hindi kita ang mukha kaya naman mag-ingat ka sa mga ganyan,” saad nito na ikinataa ko. “Hindi naman ako magsusuot ng malalaswa–” “Kahit pa, maraming nagagahasa na nakaschool uniform o kaya naman ay nakajogging pants o pantalon,” putol nito sa akin na ikinangiti ko. Alam ko naman na pinoprotektahan niya lang ako kaya ganyan siya magalit. Siguro ay alam niya talaga ang kalakaran dito sa building na ito kaya naman iniingatan niya lang ako. “Halika na nga at baka mahuli pa tayo ng dating doon sa sinasabi ng boss mo, pero may tanong ako…” usal ko sabay hawak sa braso nito. Naglakad na kami papunta sa elevator ng habang nakahawak ako sa braso niya. “Anong tanong mo sa akin?” usal nito nang makapasok kami ng elevator. “Kailan natin makukuha ang pera natin?” mahinang tanong ko na bigla niyang ikinatawa. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nandoon kaya hindi na siya nahiya na tumawa ng malakas. Sorry naman! Perang pera na rin ako! Niyuyurakan naman ang mukha ko dito, aba dapat lang na kumita naman ako. “Wag kang mag-alala mamaya sa contract signing, sasabihin kung kailan ibibigay,” saad niya na ikinatango ko. “Mabuti naman! Ilibre mo ako ng samyup kapag nagkapera na tayo ha!” saad ko na ikinangiwi nito. “Oily na naman kaya nadadagdagan iyang pimples mo e,” usal nito. Bahagya itong gumilid sa akin nang tumunog ang elevator kahit hindi pa namin floor. Pilit kong pinigilan ang pagtaas ng kilay ko nang makita ko ang tatlong babaeng sinabi ni Basha kahapon na parte ng mean girls dito. Akala ko nga noong una ay hindi na sila papasok dahil para silang nandiri nang makita nila kami sa loob. Pero mabuti na lang din at pumasok sila, pumuwesto sila sa kabilang gilid kung saan kabaliktaran ng pwesto namin. “I thought the agency is not allowing an ugly here? Bakit may nararamdaman akong pangit dito?” parinig ng isang babae na sa tingin ko siya ang leader nila. “Yes, as far as I remember. This is a modeling agency. There's no dermatologist or any plastic surgeon here… o baka naman meron na at hindi lang tayo na inform,” rinig kong saad ng isa pang babae. “Hindi naman talaga tayo maiinform dahil masyado na tayong maganda para doon, mga PANGIT lang ang dapat iinform doon,” Hindi naman ako nag-alangan na tignan sila at napatawa ako nang makita ko ang babae na nakita kong kas*x noong Sir Dan ang leader nila. Napatingin lang din naman sila sa akin habang nakataas ang kilay. “Sorry, may naalala kasi ako sa iyo e. Yung aso na pakawala doon sa kanto namin. Kahit sa kalsada nakikipagchukchakan sa ibang aso,” saad ko at ngumiti sa kan’ya. Naramdaman ko naman ang pagkurot ni Basha sa akin pero hindi ko iyon pinansin. “Oo nga pala! Inform ko lang kayo ha! Model na ako dito, hanap na kasi ngayon ang mga pangit na katulad ko, laspag este sawa na kasi sa inyo ang boss ninyo kaya kami naman na mga hipon ang hanap. Sunog na sunog na kasi ang mukha ninyo sa make-up ninyong tinatakpan ang mga wrinkles at pores ninyo!” pagpatol ko. Sakto namang tumunog bigla ang elevator at akang lalabas na sana kami ni Basha nang makita namin si Sir Dan na nakataas ang kilay sa amin. Napatingin ito sa gawi ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang bigla nitong pagngisi nang mapadako ang mata nito sa dibdib ko habang papasok kasunod ang secretary niya. Manyak din talaga ang bwisit na ito. Katulad nga ng sinabi ni Basha, maganda ang katawan ko– sadyang hindi lang talaga ako nagsusuot ng mga sexy na damit dahil hindi naman ako sanay pero dahil kasi kailangan ko na maging formal ay humanap ako ng pwedeng maisuot na kahit paano ay presentable pero hindi ko naman ginusto na lumabas ang dibdib ko o pati na ang bilugan kong pwet. Kasalanan ko ba na malaki ang mga ito. “Hi, Sir Dan,” Napalipat ang tingin ko doon sa mga mean girls habang pasimpleng tinatakpan ang harapan ko. Kung kanina ay para itong mga santita, ngayon ay para silang santa! Halos ilabas na nila ang dibdib nila para lang makuha ang atensyon ng boss nila. “Hi, girls. How are you?” may malanding tonong bati sa kanila ng kanilang boss. “And hi there, Ms. Jayda. It seems you have a beautiful body huh, nice…” Hindi ko naman napigilan na tumaas ang kilay at mapatingin sa kan’ya dahil sa sinabi niya. “Nice body but still ugly,” rinig kong saad ng isang babae doon na ikinatawa nila kasama ng Sir Dan na iyan. “You know the saying; throw the head, eat the body,” usal pa nito. Muli akong nakarinig ng tawanan sa kanila na gusto ko namang sumagot pero agad akong pinigilan ni Basha. Sakto rin naman na tumunog ang elevator tanda na nasa tamang floor na kami. “Don't worry, girls. I'm allergic to seafood. I don't want to ruin my handsome face just to eat what I’m allergic to,” saad bigla ni Sir Dan at mabilis na lumakad palabas. Muli kaming nakarinig ng tawanan at kung hindi ako hinila ni Basha palabas ay baka hindi ko napigilan ang sarili ko at nasapak ko ang mga babaeng nandoon. Malakas kong hinila ang braso ko kay Basha at huminga ng malalim habang masama ang tingin sa likuran ni Sir Dan. “Jayda… kalma! Bawi ka na lang kapag nakapirma ka na ng kontrata,” usal nito sabay himas sa braso ko. Sa sobrang inis ko ay naramdaman kong tumulo ang luha ko sa mata na mabilis kong pinahid. Kung hindi ko kaya siputin ang contract signing niya! Tumingin ako kay Basha na malungkot ang tingin sa akin. “Kapag nakapirma na ako ng kontrata, wag mo akong kokontrahin sa gagawin ko saga bwisit na iyon ha!” saad ko sabay turo sa kan’ya. “Lalo na diyan sa Danjo Vicente na iyan! Mata lang niyan ang walang ganti!” gigil na saad ko na marahan niyang tinanguan na halata ang pag-aalala sa akin. Mabilis akong muling nagpunas ng mukha at agad na inayos ang damit ko bago mabilis na naglakad papunta sa kwarto kung saan nakita ko na pumasok ang malandi at mayabang nilang boss. Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Basha at humawak sa braso ko para pigilan ako panandalian kaya naman tinignan ko siya. “Wag ka muna gaganti, okay? Alam kong professional ka kaya naman gagawin mo ‘to ng maayos, ‘di ba?” nakangiwi nitong tanong na ikinatango ko lang. Muli na kaming naglakad papunta sa loob at pilit kong inalis ang pagkairita ko nang makita ko ang boss nila na nakangiti at malaking malaki sa sarili niya. Muli namang dumaan ang mata nito sa katawan ko nang makita niya ako at muli g ngumisi. “Here they are,” usal niya habang nakatingin sa akin sabay tingin sa kausap niya. Agad na kami nitong inasikaso at pinaupo sa upuan. Agad na mag-umpisa ang pag-uusap namin patungkol sa mga gagawin kong duties bilang bago nilang modelo. Kailangan ko lang maman na gumawa ng video tuwing gagawin ko ang mga facial routine ko gamit ang mga product na ibibigay nila sa akin. Tinanong lang ako nito ng ilang mga katanungan patungkol sa sarili ko pati na sa trabaho na bahagya nilang ikinagulat nang malaman nila na may trabaho pa pala ako. Tinanong din nila ako tungkol sa mga hobbies ko pati na ang tungkol sa pamilya ko. At habang nag-uusap kami, isa lang naman ang pinakanaintindihan ko. Hindi ko totally boss si Danjo Vicente! Hindi ako nakapirma ng kontrata sa modeling agency niya, kung baga para lang siyang recruitment agency at ang Clay Cosmetics ang parang bpo company. Pero kahit ganon, dito sa building niya gagawin ang mga photo shoots at sila rin ang maghahandles sa mga shootings at mga videos ko na ilalabas ng Clay patungkol sa akin. At dahil maganda naman kausap at maayos na kausap ang representative ng Clay Cosmetics… agad na nakuha nito ang loob ko at napapayag ako sa mga terms ang conditions nila. “CONGRATULATIONS, Ms. Jayda. I'm looking forward on our photoshoot and anything…” saad nito sa akin habang hawak ang kamay ko. “No, sir. I should be the one thank you for trusting me with this even though my face os not beautiful like others still you are giving me your time and effort,” pasasalamat ko sa kan’ya habang may ngiti sa labi. “Of course! And beside, Mr. Vicente found you kaya naman malaki ang tiwala namin. He always give us the best models,” usal nito sabay turo kay Danjo Vicente na nakaupo sa kan’yang kinauupuan habang nakataas ang kilay at may nagmamalaking ngiti. “What can I say, I'm expert to this. Hindi lang magagandang model ang kaya kong ibigay, I can also give the very suitable face you needed,” makahulugang usal nito. Pilit kong iniwasan ang mapairap dahil nakakahiya naman kung umirap ako sa harap nito. “I know! That's why we are partners!” usal ng lalaking kausap ko sa Clay. Matapos ang bolahan na pangyayari, ibinigay na sa akin ng tuluyan ang mga bago nilang produkto na gagamitin ko bilang model nila. Sa totoo lang ay pinapanalangin ko na sana ay gumana sa akin itong produkto nial dahil ayoko namang mapahiya sa kanila. Matapos ang contract signing, nagkaroon lang kaunting ng picturan kaming magkakasama. At dahil ako ang model, ako ang nasa gitna habang nasa magkabilang gilid ko naman si Mr. Turifranca at si Danjo Vicente. Habang kinukuhaan kami ay hindi naman nakaligtas sa akin ang paghawak ni Danjo Vicente sa bewan ko nahalos balakang ko na at hinihimas himas pa ito. Pinilit ko na lang na ngumiti doon at alisin amg kahit na anong inis na nararamdaman ko. Ayoko lang talaga mapahiya kay Mr. Turifranca dahil mabait siyang tao. Para makaganti, tumingin ako sa ilalim kung nasaan ang paa ng manyak na katabi ko. At nang makita ko na malapit sa akin ay agad akong nag-adjust para maapakan ang dulo ng sapatos niya kung saan nandoon ang mga daliri niya. Nakarinig naman kami ng pagdaing sa kan’ya at kusang natanggal ang kamay niya na nasa balakang ko. Napatingin kami sa kan’ya at tinanong siya kung ano ang nangyari ngunit ngumiti lang ito bago tumingin sa akin na nakataas ang kilay habang may ngisi. “Manyak,” I mouthed on him then pressed my heel on the tip of his shoes. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD