JAYDA
“TEKA!” pigil ko kay Basha habang hila ako nito papasok ng building nila.
Huminto naman ito at tinignan ako sabay lingon sa pinanggalingan namin. mukhang tinitignan niya yung boss niya.
“Bakit ba, bakla?” tanong niya na nanlalaki ang mata.
Huminga ako ng malalim at tumingin din doon sa gawi ng boss niyang pakawala. Agad ko naman itong nakita na naglalakad din papuntang building at kung titignan ay parang wala siyang ginawang kalokohan sa doon sa loob ng kotse niya.
Muli na lang akong humarap kay Basha at pilit na ngumiti sa kan’ya.
“Hindi na pala ako magtatry, naging impulsive lang ako,” saad ko at kumamot ng ulo ko.
Tinignan naman ako nito ng masama bago lumungkot ang mukha.
“E, nakalista ka na… nilista na kita kasi sabi mo susubok ka! Sige na kasi, nandito ka naman na e. Kapag hindi ka nakapasa o hindi ikaw ang nakuha, sagot ko lunch mo ng dalawang linggo kasi ‘di ba, dahil din sa akin kaya suspended ka,” usal niya. “Please… may free lunch din dito, please…” saad nito na ikinairap ko na lang.
Kung hindi ko lang talaga nakita yung boss niyang nakikipagchukchakan diyan sa kotse, okay lang naman e. Kaso baka mamaya nakita pala ako at mamukhaan ako!
Hindi pa man ako nakakasagot ay agad na ako nitong hinila papasok ng building nila. Papasok na sana kami nang bigla akong tignan ng guard mula ulo hanggang paa.
“Grabe, kuya! Tao ho ako!” usal ko na ikinakamot nito ng batok.
“Sorry na, miss… nag-iingat lang,” saad niya sabay tingin kay Basha. “Kasama mo? Ikaw na bahala ha,” saad nito na ikinalaki ng mata ko.
Akala pa yata ay may gagawin akong masama sa building ng malandi nilang boss.
Bago ko pa ako makabawi sa kan’ya, agad akong hinila patabi ni Basha.
“Dito tayo dadaan si Sir Dan,” mahina nitong usal na ikiankunot ng noo ko sabay timgin doon sa pintuan ng building.
Doon ko nakitang papasok ang lalaking sinasabi niya Sir Dan. Siguro dahil sa nakita ko kanina kaya kahit na siya ang pinakanakakataas sa building na ito ay hindi ko magawang maimpress sa kan’ya.
Kung matino ka kasing lalaki, sana man lang pumasok o nagpunta sila sa kwarto o sa motel! Hindi iyon kung saan lang abutan ng lib*g! Aso ba siya?!
At dahil hindi nga ako impress sa kan’ya ay hindi ko man lang nagawang yumuko at ipakita ang respeto ko sa kan’ya kahit pa dumaan ito sa harapan namin ni Basha. Masamang tao nga ata ako at hindi ko magawang maging marespeto.
“Good afternoon, Sir Dan,” masiglang bati ni Basha.
Tinignan naman siya noong lalaki tapos ay tumango bago tumingin sa akin na normal lang ang itsura ng mukha. Nakita ko na tumaas ang kilay nito bago umiwas ng tingin at muling naglakad.
Hindi pa man siya nakakalayo sa amin ng tuluyan nang huminto muli ito at nilingon kaming muli.
“Basha from the recruiting team, right?” tanong nito kay Basha na mabilis na tinanguan ni Basha.
“Yes, sir! Basha at your service,” kinikilig na tugon ni Basha.
Pilit kong tinago ang pagkunot ng noo ko pati na ang pag-irap ko. Umiwas na lang ako ng tingin para tumaas ang kilay ko.
“Good! The woman beside you, is she an applicant?” tanong nito na mabilis kong ikinatingin sa kan’ya. “Pag-applyin mo siya, she's suit on the description,” saad nito at muling tumalikod para maglakad.
Mabilis naman akong pinigilan ni Basha nang akmang susugurin ko ang lalaking iyon.
“Kumalma ka! Compliment iyon ibig sabihin!” saad nito sa akin na ikinatingin ko sa kan’ya ng mabilis. “Sorry na! Compliment nga kasi iyon! Tignan mo ibig sabihin may potential na matanggap ka at ikaw ang makuha!” masayang usal nito na ikinainit ng ulo ko lalo.
“Napakayabang ng malandi ninyong boss! Ang kapal ng mukha! At ikaw naman, grabe ka sa akin! Walang compliment sa sinabi niya, hoy!” singhal ko dito na ikinangiwi niya.
“Hayaan mo na! At least kapag nakuha ka may pera na tayo!” usal nito at malawak na ngumiti. Hindi naman ako nagbigay ng ibang reaksyon sa kan’ya. “Sorry na… naiintindihan ko naman na naiinis ka dahil sa sinabi ni Sir Dan pero malay mo, opportunity mo na ito na maayos yung mukha mo, I mean– beshy, alam kong sexy ka at maganda ka naman dati noong bata pa tayo pero dahil hindi mo naman inaayos ang sarili mo ay nawala at nangibabaw ang pimples mo… malay mo lang ngayon ‘di ba?”
Napairap na lang ako sa sinabi niya bago nauna pang maglakad papunta sa audition area nila.
Bahala na! Hindi man ako matanggap pero gaganti ako doon sa malandi at mayabang nilang boss!
Mabilis na kumapit sa akin si Basha nang mahabol niya ako. Siya na rin mismo ang humila sa akin papunta doon.
Nang makarating kami sa lugar kung saan ang audition, pinapila na ako ni Basha at sinabi tatawagin na lang raw ang pangalan ko kapag turn ko na.
Tinignan ko ang mga kasunod ko at mukhang hamdang handa sila sa pag-aaudition. May mga nakadress, nakaayos ang buhok, mga nakamake-up, mga matataas ang takong, at higit sa lahat bongga ng mga alahas nila sa katawan! Samantalang ako, nakat-shirt na printed ng tom and jerry tapos plain black pants may punit pa sa tuhod tapos itim na sapatos na pasira na ang swelas. Kung bag para lang akong napadaan dahil inutusan akong bumili sa palengke at napagtripan na pumunta dito.
Pero at least ako makakaupo sa lapag habang nag-iintay, hindi katulad nila na ingat na ingat masira ang ayos.
Hindi nagtagal ay nakaroon ng bulungan ang paligid dahil sa pagdating ng sinasabing mamimili ng makukuha. Sa dami ng nandito na mga hindi naman kagandahan na babae at panigurado marami din noong nakaraan, wala pa silang namili– mukhang sobrang arte noong boss nila na malandi kaya walang nakakapasa sa kan’ya.
At dahil nandoon na nga ang mga panelist na sinasabi ay nag-umpisa na muling umingay ang paligid dahil kinakahaban na raw ang mga ito habang ako iniisip ko lang kung paano ako makakaganti doon sa boss nila.
Isa-isa ng tinawag ang mga babaeng nasa labas at kanya-kanya na sila ng mga hinaing at pagpapaganda doon.
At sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko si Basha na papalapit sa akin at may kaba sa mukha niya.
“Bakla!” kinakabahang tawag nito sa akin at umupo sa tapat ko. “Bakla! May posing posing! Kaya mo naman iyon ‘di ba?! Ikaw ang pambato ko dito ha! Malakas ang kapit ko sa iyo at bukod doon…” tinigil niya ang pagsasalita at tumingin sa paligid bago bumulong sa akin. “Sa sampung pumasok, wala pang napipili… naiirita na si Si Dan pero feeling ko talaga malakas ang appeal mo dito! Sa’yo na ‘to!” bulong niya kaya naman malakas ko siyang inilayo sa akin na ikinataa lang niya.
“Ang sarap mong ibalibag!” usal ko sabay kuha ng mani sa bag ko na ikinalaki ng mata niya.
“Bakit may mani ka diyan? Itago mo yan!” usal nito na ikinailing ko sabay subo ulit. “Bawal kumain dito!” nanlalaki ang mata nitong usal na hindi ko muling pinansin. “Tigas ng ulo mo!” saad niya sabay tayo. “Galingan mo ha! Posing mo!” usal nito na tinanguan ko lang at tinaasan ng kilay.
Nagpatuloy ang pagtawa ng mga aplikante habang ang mga pumasok na doon ay hindi pa umuuwi dahil ngayon din raw iaannounce ang resulta ng audition nila– namin pala dahil nandito na rin naman ako kaya naman ipush ko na ito.
-----------------------------------