Chapter 2 - Milagro

1950 Words
JAYDA “JAYDA! Sige na kasi bakla! Baka pwedeng subukan mo lang! Tapos kapag hindi ka natanggap hindi na kita pipilitin pa! Promise! Kapag natanggap ka, yung bonus na makukuha ko 60-40 tayo! Akin 40, sa’yo 60! Sige na oh!” Tinignan ko lang naman siya habang nakaupo ako sa monoblock na gamit ko tuwing magtatrabaho ako. 30 minutes pa naman ang inaantay ko para sa duty ko habang siya naman ay mamaya pa ang pasok niya dahil maghahanap pa siya ng madadala doon sa modeling agency nila. “Ayoko nga. Alam mo naman na hindi ako mahilig diyan at lalo na wala akong tiwala sa mga beauty products na ibinibenta ng mga ganyan!” saad ko at muling humarap sa laptop na gamit ko. Muli ko naman siyang narinig na pumalatak doon kaya naman natawa lang at umiling iling. “Sabihin mo sa boss mo, gawa na lang siya ng pangit!” natatawa kong biro saka sinuot ang headset ko. Napalingon naman ako agad sa kan’ya nang hindi ko na ito narinig na magsalita muli. Pagtingin ko, nakita ko itong nagdadabog itong pumapasok sa kwarto niya. Maghahanda na rin iyan panigurado para maghanap ng model na pangit. Actually, tempting yung offer nila ha! Pati niya, biruin mo, mas malaki ang sasahurin doon magpopose pose ka lang tapos gagamit ka lang kuno ng beauty products nila kahit alam mo naman na hindi effective, makakakuha ka na ng malaki at may bonus pa! Kahit sino ay maeenganyo sa sinasabi nila pero syempre hindi ako! Pero malapit na rin. Muli ko ng ibinalik ang tingin ko sa monitor ko at doon na itinuon ang pansin sa trabaho ko dahil malapit na ang time in ko. Trabaho na ulit at makikinig na ako ulit sa mga hinaing ng mga customer namin na sila rin naman minsan ang may kasalanan. “Good morning, TL,” bati ko nang makapasok na ako sa forum namin. “Good morning din, guys! So, for today less mute tayo sana today kasi masyado tayong maraming mute at hold nitong nakaraan,” saad nito na ikinatango ko lang. Sila lang naman ang maraming hold at mute na ginagawa at hindi naman ako. Matapos ng maraming paalala sa amin ng aming TL, nag-umpisa na ang mga tawag. Sinabi din nito sa amin na queuing kami ngayon kaya panigurado, sobrang busy ngayon. At dahil busy ako sa ginagawa ko, wala na akong pakialam sa paligid ko na alam naman iyon ni Basha dahil kapag busy ako, hindi ko na nagagawang magpaalam sa kan’ya. “YES, ma’am! As of yesterday your current bill is– ay p*tang-in*ng yan– sh*t! I'm sorry, ma’am!” Mabilis akong napatingin kay Basha na gulat din sa nangyari sa akin. “Sorry! Magpapaalam lang ako…” usal nito na nagpeace sign pa. “Are you cursing me?! You stupid person?! I want to talk to your manager!” sigaw ng client ko na ikinapikit ko naman. “Ma’am, I'm really sorry for what happened–” “No! I want to talk to your manager right now!” sigaw ng babae sa kabilang linya. “You thought I didn't understand what you said! I have a maid who is a Filipina! You stupid b*tch!” saad pa nito na mas ikinadiin ng pikit ko. “I'm really sorry ma’am. I'll transfer you to my manager,” saad ko at matalim na tinignan si Basha na kagat kagat ang labi niya. Nang maitransfer ko na siya sa manager ko, panandalian kong tinignan si Basha. “Basha naman e! Busy ako! Queuing kami e! Penalty na naman ako nito o baka isuspend ako!” maktol ko sa kan’ya. Minsan kasi ay nagkapenalty na ako pero hindi same reason, late ko naman iyon kaya okay lang pero ngayon! Ptcha! Parang hindi ko mapapatawad si Basha! “Sorry na… tinapik lang naman kita katulad ng lagi kong ginagawa… hindi ko naman alam na mapapamura ka,” saad nito na halatang guilty siya sa nangyari. “Tsk!” palatak ko. “Wala naman na akong magagawa, napasa ko na sa manager ko panigurado ikinukwento na niya kung paano ko siya minura,” usal ko sabay harap sa monitor ko at muling sinuot ang headset ko. “Sorry na ulit, beshy ha? Kapag pinagmulta ka, sagot ko na ha! I'm sorry talaga! Dito na ako ha,” usal nito. Tumingin lang naman ako sa kan’ya bago tumango. Wala naman na talaga akong magagawa kaya hayaan na natin. Matapos ang ilang mga tawag, agad kong tinignan ang forum namin at may isang mensahe doon na ikinapukaw ng atensyon ko. “Jayda! I need to talk to you tomorrow. Pumunta ka dito sa office bukas,” “Tsk! Sabi ko na e! Eto na naman po tayo e!” saad ko at mabilis na nagmaktol doon. KINABUKASAN “TL, hindi ko naman po kasi talaga sadya. Yung kaibigan ko po kasi sa apartment namin bigla niya kasi akong tinapik,” paliwanag ko na ikinatawa nito. “Still I will not accept your reason. Maraming pwedeng sabihin habang nagugulat but you still choose that bad words! Sobrang galit na galit ang customer kahapon dahil sa ginawa mo!” madiing usal sa akin ng TL ko. Napatawa naman ako at napailing dahil sa sinabi niya. “TL, nagulat nga ako e. Paano ako pipili ng mura kung hindi ko nga alam na paparating ang manggugulat sa akin,” pagtataray ko. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay niya na ikinataas din naman ng kilay ko. Aba! Hindi pwedeng siya lang! “Ano bang problema ng kaibigan mo at bakit ka tinapik na ikinasigaw?” tanong nito na agad ko namang inisip. “Magpapaalam lang siya sa akin, TL. Kasi aalis na siya para humanap ng model kasi hindi ako pumayag mag-audition–” Napataas ang kilay ko lalo nang marinig ko ang pagtawa nito. Tumuro pa ito sa akin na parang tatawang tawa sa sinabi ko. Nang makita niya na nakatingin ako sa kan’ya ng masama ay agad itong tumingin pero nandoon pa rin ang mapang-asar na ngiti. “Sorry, I thought I heard a joke from you!” natawa muli ito habang ako ay tahimik na nakatingin sa kan’ya. “I'm sorry, Jayda but do you really think na maniniwala ako sa mga dahilan mo? Okay na siguro yung kanina na nagulat ka pero yung ikaw pinipilit kang mag-audition ng kaibigan mo sa modeling,” tumawa muli ito at umiling iling. “Ano bang hanap doon? Pangit?” Medyo nasaktan ako sa sinabi niyang iyon kaya naman ngumiti ako at tumawa na ikinagulat niya. “Oo nga, TL. Pangit yung hanap, gusto po ninyong mag-auditions? Pwedeng pwede po kayo doon! Pangit na nga ng mukha ninyo pangit pa ng ugali ninyo!” walang prenong usal ko. Kita ko naman ang pagkunot ng noo nito tanda na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “Hoy! Jayda! That's below the belt! I'm just kidding!” usal nito. Ngumisi naman ako at pinakawalan ang pagtawa ko na parang naasar. “Ayan tayo, TL e. Kapag kayo ang nagsasalita ng masakit, biro lang pero kapag ako o kami– below the belt na. Kayo naman ang unang nanghamak mg pagkatao tapos ako ang masama? Totoo naman yung dahilan ko kung bakit ko nagawa yung offense ko tapos pagtatawanan mo lang ako?!” naiirita kong tugon. Tumawa naman ito sa akin at sa totoo lang at medyo natakot ako sa pagtawa niya. Alam kong dahil sa ginawa kong pagsagot sa kan’ya ay mababago ang punishment ko. “Your reason is not acceptable! You still curse the client which is foul at labag sa patakaran. That’s why you are suspended for 2 weeks! Kasama na diyan ang pagsagot mo sa akin kanina. Kung gusto mo dahil wala ka namang trabaho ng 2 weeks, why not go to you modeling agency and audition! Baka sakaling makuha ang pangit na katulad mo,” usal niya at ngumisi habang ako naman ay gulat na gulat sa resulta. “And by the way! That two weeks suspension ay hindi pa sigurado kung babalik ka ba o hindi. Kaya kung gusto mo maghanap ng trabaho! Go!” saad pa nito sabay abot ng mga papel na need kong pirmahan. Ngumisi naman ako sa kan’ya at tinawanan siya. “Sige, TL! Kapag ako natanggap as model, isashout out kita sa mga interview ko. O baka pwedeng irecruit din kita kasi bagay na bagay ka doon!” mataray na saad ko at mabilis na pumirma ng mga waver. Agad akong umalis sa building matapos naming mag-usap. Sa sobrang bwisit ko ay tumawag ako kay Basha at sinabing pupunta ako sa kan’ya at mag-audition ako doon sa sinasabi niya. Aba! Baka mamaya e hindi na ako pabalikin ng TL ko dahil sa pagsagot ko sa kan'ya kanina. Pipicturan ko lahat ng pwedeng ebidensya at nagpapatunay na totoo yung dahilan ko. Bwisit na TL iyon! Isasaksak ko sa baga niya ang ebidensya ko. NANG makarating ako sa modeling agency na pinagtatrabahuhan ni Basha. Pinagmasdan ko muna ang building na iyon at makikita na mukhang mamahalin at sosyalin ang mandoon habang ako eto at nakat-shirt at pants lang. Medyo naging impulsive ako sa desisyon kong pagtawag kanina kay Basha dahil sa galit ko ha. Habang nakatingin doon ay himdi ko naman naiwasan na hindi mapatingin sa isa sa mga kotse na nasa tapat ko. Umaalog kasi iyon at parang may ginagawang milagro ang mga nandoon. Sa sobrang pagkachismosa ko ay marahan akong lumapit doon at pilit na sinilip ang ginagawa nila. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko na nakakandong ang babae sa lalaki naka-upo sila sa likuran ng upuan habang gumigiling ang babae. Grabe! Tanghaling tapat, gumagawa sila ng milagro dito?! Sa tapat ng building! Nakita ko naman na naghiwalay sila bigla sa paghahalikan at agad na tumingala ang lalaki! Kita ko ang mukha nito at nakakagat labi pa! Imperness! Ang gwapo ha! Pero sana lang ay hindi sila dito nagchuchukchakan lalo pa at umaalog ang kotse! Agad naman akong napatago nang makita ko na tumingin ito sa gawi ko. Hindi ko alam kung nakita ba ako nito dahil kita kong magtama ang mata namin pero sana hindi! Nakakahiya! Mabilis akong napatakbo at nagtago sa isang kotse nang maramdaman kong tumigil ang pag-uga ng kotse. Ayokong mahuli ako na tumitingin sa pagchuchukchalan nila doon! E, kung hindi ka naman kasi tanga, Jayda! Bakit ka ba kasi sumilip?! kapag ako nagkakuliti! Jusko po! Hindi ko alam kung saan pa iyon lulugar dahil wala na soyang space at kinuha na lahat ng pimples ko. Mula sa pagkakaupo ko ay marahan kong sinilip ang kotseng kanina lang ay umaalog. Nakita ko naman na hindi na ito naalog ka feeling ko naputol ang moment nila dahil sa akin. "Bakla!" "Ay chukchakan ng taon!" gulat ko sigaw nang may biglang tumawag sa akin. pagtingin ko ay si Basha na nakataas ang kilay! "Ano ba, Basha? Bakit ba nanggugulat ka?!" usal ko na ikinatawa nito. "Hoy! Anong chukchakan ng taon?" tanong. iya na ikinairap ko. "Wala! May nakita akong magchuchukchakan diyan kanina! Gwapo noong lalaki kasi pakarat kasi dito talaga! At tanghaling tapat!" usal ko. Ituturo ko sana yung kotse na sinasabi ko kaso hindi natuloy nang makita kong bummulas iyon at may lumabas na babaeng nakapulant dress at nakahigh heels. Inayos nito ang buhok niya bago siya naglakad palayo doon. Hindi naman nagtagal at lumabas din yung lalaking nakita ko kanina. Inaayos nito ang polo niya at pati na ang buhok niya. "Ay! Si Sir Dan nandiyan na! Mukhang mag-uumpisa na ang audition! Tara na!" Napataas ang kilay ko nang marinig ko iyon kay Basha! Sinong Sir Dan? yung lalaking gumawa ng milagro?! Nakakaloka! ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD