Chapter 1 - Jayda

1744 Words
JAYDA “HELLO, thank you for calling this is Stephanie from Skylight Finance Company. How can I help you?” Kusang napairap ang mata ko nang makita ko si Basha na pakunwari ay ginagaya ako. Kakapasok lang nito sa apartment na tinutuluyan namin pero nakuha pa nitong mang-asar agad. Kauuwi lang nito galing trabaho sa isang sikat ngunit bagong tayong modeling agency. Ipinasok lang din siya ng dati isa sa mga dati niyang katarabaho sa salon at sa pagkaalala ko make-up artist ang trabaho niya doon. Agad naman akong napabalik ng tingin sa monitor ng laptop ko ng biglang sumigaw ang kausap ko. Irrate na naman ang costumer na ito! Lagi na lang akong nakakatagpo ng irrate na costumer! Ang sarap pagmumurahin ng mga bwisit na ito. “I’m sorry for the inconvenience of the app, if you would like– I will put you on hold to gather some information that you want to know,” usal ko na pilit na pinapasigla ang boses. Napalayo naman ako sa headphone ko ng marinig ko ang customer na kausap ko na sumigaw na naman. “Okay, ma’am. I’ll get back to you,” usal ko sabay lagay siya sa on hold at hinarap si Basha na tinatawanan ako ngayon. “You look so haggard! Oh wait! You are always been so haggard,” birong usal ko na ikinairap nito bigla. “Ang kapal din talaga ng pes natin ano? Kung ako mukhang haggard, ano pa ang tawag sa mukha mong peyborit ng mga pimples mong hindi nawawala at laging nandiyan sa mukha mo,” saad nito habang inilalagay ang face mask niya sa mukha. Napairap lang naman din ako sa kan’ya dahil wala naman akong paki sa sinasabi niya dahil mula nang magdalaga ako ay iyon na ang sinasabi nila sa ukha ko. Kasalanan ko bang hindi umaalis ang mga pimples na ito? Kasalanan ko bang minahal nila ako masyado? “Whatever! Anyway, kumusta ang trabaho mo?” tanong ko para maiba ang usapan naming dalawa. Pero syempre nagtatrabaho pa rin ako, patapos naman na ang shift ko kaya nga hinold ko para hindi na ako pasukan ng ibang tawag. Ganon naman minsan ang ginagawa ng iba kong kasama at ginagawa ko lang yon kapag malapit na matapos ang shift o kaya naman ay nandito ako sa bahay. Napatingin naman bigla kay Basha nang marinig ko ang pagpapadyak nito. Nang makita ko siya ay agad napakunot ang noo ko dahil para itong nababaliw dahil habang nagamit siya noong jade roller ay nagpapapadyak siya doon. “Bakit mukha kang baliw diyan?” tanong ko sabay harap ulit sa monitor ko at muling ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Kahit naman nandadaya ako alam ko pa rin naman ang limitasyon ko bilang empleyado kaya naman trabaho pa rin tayo. And yes, I’m a BPO agent at halos ilang taon na rin akong nagtatrabaho as a call center agent. Kung hindi ako nagkakamali pang apat na ang Skylight Finance Company ang napasukan ko. We are based in Australia kaya naman ang mga kausap ko kadalasan ay napakahirap intindihin. “Kasi naman, ilang araw na kaming stress dahil doon sa pinapahanap na model ng client ng agency! Alam mo iyon?! Ang gusto pangit,” saad niya kaya naman napahinto ako sa pagtatype at hinarap siya. “Akala ko make up artist ka doon? Bakit parang naging talent scout ka?” tanong ko sa kan’ya na ikinakamot lang ng ulo niya. Bago pa ako masigawan ulit ng kausap ko ay agad na akong humarap muli sa monitor ko. “Mamaya ako chichika sa’yo, tapusin ko lang itong trabaho ko,” saad ko. Hindi naman na ito nagsalita pa dahil narinig na ako nitong nagsalilta at uling binati ang kausap sa kabilang linya. “OH?! Ano nga ulit ang kwento mo?” tanong ko sa kay Basha na ngayon ay nakahiga habang may warm towel sa mukha nito. Ganyan naman iyan lagi tuwing uuwi, may routine ang mukha niya na hindi ko maintindihan. At dahil hindi pa siya nagsasalita, pumunta na lang muna ako sa kusina at kumuha ng chips at naglagay sa bowl, kumuha rin ako ng mixed nuts bago muling naglakad papunta sa sala kung saan nandoon si Basha. Nang makarating ako doon, nakatanggal na ang warm towel sa mukha niya at ngayon ay naghinihilot hilot kuno ang mukha niya. Sa totoo lang ay ang gwapo gwapo ni Basha pero mas pinili nitong maging maganda pero kahit ganon, hindi ko pa siya nakikitang nagsusuot ng pambabaeng damit– in short, hindi siya cross dresser. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinampas ang towel na hawak niya nang makita ako nito pati na ang hawak ko. “Nakain ka na naman ng ganyan, Jayda! Kaya hindi nawawala ang pimples mo e! Hindi ka na mga nagamit ng skin care o kahit anong panlinis ng mukha tapos puro pa mga kinakain mo ay mga basura at oily!” naasar na usal nito sa akin na ikinakibit balikat ko lang. Umupo ako sa tapat niyang upuan bago kumuha sa mangkok ng mga mani ko sabay subo habang nakatingin sa kan’ya. Nakita ko naman ang pag-iling nito pati na ang pag-irap at parang pagod na pagod na sa akin. Hindi naman kasi sa hindi ko kayamg alagaan ang sarili ko. Ang akin lang ay nakakadala kasing gumamit ng mga skin care pati na mga sabon sabon na hindi naman talaga epektib. Imbes na luminis ang mukha mo ay mas dadami ang pimples at pekas sa mukha kaya wag na lang gumamit. “So, balik na tayo! Akala ko make-up artist ka lang doon, bakit parang nagiging talent scout ka?” usal ko na bigla namang ikinabago ng timpla ng kan’yang mukha. “Kasi naman, bakla! Kinuha ako para maging talent scout dito sa project na ito dahil nahihirapan na sila maghanap kaya naman nagpasya ang boss naming gwapo, hot, at sobrang yummy na magdagdag ng mga talent scout! Tinanggap ko naman kasi malaking offer iyon! Bukod doon, bakla! Makakausap at makakameeting ko ang papabol na si Mr. Vicente kaya naman pumayag ako! Pero p*tang-in*! Hindi naman sinabi na kailangan pala namin maghanap ng panget!” usal niya sabay damog bigla. Napataas naman ang kilay ko sabay kuha ulit ng mani at subo non. Marahan ko munang nginuya iyon habang nag-iisip ng isasagot sa kan’ya. “Teka! Ano bang depinisyon ninyo ng pangit?” tanong ko sabay subo ulit ng chips sa bibig ko. Tumingin naman ito sa akin sabay kuha ng salamit na nasa tabi niya at mabilis na itinapat sa akin. “Tingin ka sa salamin, bakla! Tapos masasagot ang tanong mo,” sarkastiko nitong usal kaya naman walang pag-aalinlangan ko siyang minura. “Ay ang p*tang-*nang ‘to! Gusto mong masampal kaliwa’t kanan?! h*yop na ‘to!” iritableng saad ko na ikinatawa niya sabay baba ng salamin. “Biro lang naman at sorry! Hindi ka naman panget e, kinulang ka lang sa alaga sa mukha mo pati sa sarili mo kaya naman naging ganyan ang mukha mo,” saad nito na ikina-irap ko lang. “Anyway! Ang hanap namin na model ngayon ay yung katulad mo– maraming pimples, hindi marunong mag-alaga sa sarili, at lalong lalo na ay medyo may timbang. Pero mas priority namin ang mukha–” Noong una ay tumatango tango ako pero nang maputol ito at tumitig sa akin ay napataas na ang kilay ko. “Maraming pimples and marks… hindi marunong mag-alaga sa sarili, seksi ka naman pero pwede na siguro iyon,” saad niya at ngumiti ng malawak. “Gusto mo itry mag-apply?” malawak ang ngiti nitong tanong. “Try mo lang! Baka makuha ka! Kapag ganon, libre na yung skin care mo! Tapos magiging model ka ng product! Malay mo nasa pagmomodelo pala ang career na para sa iyo at hindi ang pagkocall center–” “Hep! Tama na imagination mo. I won’t try it, kahit ano pa ang pilit mo… hindi ako pupunta diyan at ipapahiya lang ang sarili ko,” saad ko sabay tayo at kuha ng mangkok kong may pagkain. “Matulog ka na after mong kumain at ako naman ay manonood muna ng kdrama dahil day-off ko naman bukas! Good night!” usal ko dito at mabilis ng pumasok sa kwarto ko. Dalawa naman ang kwarto dito kaya kinaya na tag-isa kami, sa labas lang talaga ako ng tatrabaho dahil bukod sa maliit ang kwarto ko ay mainit kapag tinamaan ng tanghali kaya mas okay na nasa labas. About sa sinabi ni Basha ay hindi ko talaga gagawin ang sinasabi niya dahil ayokong lagyan ng kung anu-ano ang mukha ko. Ang kati kaya non! Mahapdi pa! Buti sana kung malaki ang sahod kada gamit ko ng product nila. “Oy! Malaki ang sahod doon! Tapos kapag yung nirecruit ko pa ang nakapasok, may reward kami na malaki din, pwede tayong maghati,” usal bigla ni Basha bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ko. Marahan naman akong humarap sa kan’ya at nakita ko na nakatingin ito sa akin at nakangisi. Alam talaga ng baklang ito na kapag pera ang usapan ay nag-iiba ang isip ko. Kailangan ko kasi ng malaking pera para makapag-ipon ako dahil ako naman ang bibili ng bahay ko! Gusto ko kasi na may sarili na akong bahay kapag natapos ko ang obligasyon ko kila tatay. Though patapos na iyon dahil nabayaran ko na naman ang pagkakasanla ng lupa namin doon, malapit na rin magtapos ang dalawa kong kapatid at bukod doon ay nakatabi naman na ang pampaaral nila kaya naman sarili ko naman ang gusto kong unahin. “Magkano ba? Hindi ko na ba kailangan tumanggap diyan ng mga iritable at walang modong customer?” nakataas ang kilay kong tanong na ikinangisi nito ng todo. “Of course!” usal niya. “So, wanna try?” tanong niya. Tumaas naman ang kilay ko habang may nakangisi sa labi. “No,” saad ko at tumalikod bigla na ikinasigaw niya. “P*ta ka talaga!” angil nito sa akin na ikinatawa ko sabay harap sa kan’ya muli. Hinawakan ko muna ang pintuan ko at ngumiti ng malawak sa kan’ya. “Pag-iisipan ko, bakla! Kapag gipit na gipit na talaga ako at wala ng kakapitan, go ako diyan sa model model mo. for now, good luck finding a new model na panget!” saad ko sabay sara ng pintuan ko. Nakarinig pa ako ng sigaw sa kan’ya habang ako naman ay puro pagtawa lang ang inatupag. ------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD