JAYDA “THANK you again, Ms. Jayda,” muling pasasalamat ni Mr. Turifranca sabay lahad ng kamay niya para makipagkamay sa akin na agad ko namang tinanggap. “Thank you din po, sir,” nakangiting usal ko. Halos manlamig naman ako nang maramdaman ko ang presensya ng isang taong kinabubwisitan ko lalo na ang kamay nitong humawak na naman sa bewang ko. Napatingin ako kay Basha na kunot ang noo habang nakatingin doon sa bewang ko. Panigurado na pareho kami ng iniisip na dalawa. “Mr. Vicente, thank you for choosing Ms. Jayda for us,” usal ni Mr. Turifranca ‘ska binitawan ang kamay ko at inilahad sa harapan ni Mr. Vicente. “No worries, It's always my pleasure,” saad nito at pinilit ko talagang hindi mapairap sa way ng pagsasalita niya. Kinuha nito ang kamay ni Mr. Turifranca kaya naman nagawa