THE VAMPIRE'S KISS

2695 Words
Mag-uumaga na nang matapos ni Caleb ang pinta ni Vera. He could have finished it in just few brush strokes but Caleb took his time, wanting to enjoy his time looking at Vera's lovely face.  Puno ng pintura sa kamay at damit nang muling inihatid ni Caleb si Vera sa silid ng dalaga. Natatawa pa rin sya sa reaksyon ni Vera nang Makita ang larawang pininta nya dito. "H..hindi ako ito..." Sobrang ganda ng pinta, nakasuot sya ng damit na gaya nung sa itsura ni Bella sa Fairy Tale na binasa nila ni Caleb nang sinundang gabi. "Hindi nga, dahil mas maganda ka sa personal kesa dito. Hindi kayang i-capture ng pintura ko ang totoo mong ganda." Sumimangot kunwari si Vera, nahihiya sya sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ng amo. Mahal mo rin ba ako sa mga titig mo? Gustong tanungin ni Vera sa lalaki. Natawa naman si Caleb sa pagsimangot ni Vera, lalo itong gumanda sa paningin nya.  No marked slaves can get away with frowning in front of their master, for Vera though, she can get away with anything. Nang muling tumilaok ang manok ay bumakas kay Caleb ang pagka-inis, ayaw pa nyang matulog. Hinaplos nya sa pisngi ang dalaga na hinawakan naman ang malamig nyang kamay, sabay pumikit sa pagkakahilig dito. Niyakap ni Caleb si Vera, matagal at halos ayaw nyang bumitiw. Kung pwede lang durugin ito sa kanyang mga bisig ay gagawin nya mayakap lang nya ito ng mahigpit. Hinalikan ni Caleb sa noo si Vera, paborito nya ang ba'lat ng babae roon, it made her unique in his eyes. Ramdam ni Vera ang init ng labi ni Caleb sa noo nya, kakatwang hindi ito singlamig ng ibang bahagi ng balat ni Caleb. Ilang sandali lang ay binitiwan na sya ni Caleb at saka pinapasok sa kanyang silid para magpahinga.  "Pag-gising ko ay..." "Nasa tabi mo na ako. Opo, panginoon, promise." Natawa-tawa pa rin si Caleb habang nakahiga sa sariling kama para magpahinga. ****** The following morning, Vera resumes cleaning of stockrooms, they are piling boxes and organizing more stuff.  She learned that the others are sending packages to their families, she's given stuff by her fellow marked slaves to be given to hers. "S..salamat, matutuwa ang mga pinsan at tito Samuel ko."  Sabi ni Vera.  Ang mga lalaking markado ang naghatid ng mga packages sa opisina kung saan ito ipapadala sa iba't ibang communities ng mga tao. "Sa susunod, isasama ka namin sa grocery store sa bayan. Doon makakabili tayo ng pagkain at ibang supplies gamit lang ang markang kagat ng ating mga amo." Sabi ni Mhalen. Napalunok si Vera, paano nya papakita ang marka nya? Iaangat nya ang kanyang palda? "Kaso..." umpisa ni Vera "Ay oo nga pala, parang si Princess ka... wala kang masyadong marka. Sobrang dalang uminom ang amo mo. Wag kang mag-alala sheik ang amo mo, malamang may credit points ang mga tatak ng pamilya mo kada linggo. Kaya wala ka dapat alalahanin sa kanila." Hindi alam ni Vera ito. Nagulat sya na automatic pala ang sweldo nya na napupunta sa pamilya nya. Sumaya si Vera dahil dito.  "Mas mayaman ka sa amin." Sabi pa ni Mhalen. May araw pa ay marahang pumasok si Vera sa silid ni Caleb. Madilim ang silid dahil sa sobrang kapal ng kurtinang tumatabing sa bintana nito. Gamit ang maliit na flashlight na bigay ni Princess ay kinapa ni Vera ang daan patungo sa malaking kama kung san natutulog ang lalaki. Umupo sa gilid ng kama si Vera paharap sa mukha ng among bampira. "Pinakamahina ang bampira kapag sila ay natutulog, halos wala silang pakiramdam o kahit anong senses kaya madali silang atakihin ng kalaban sa umaga. Lalo sa kanilang paglalakbay, ilang bampira ang pwedeng mamatay dahil sa atake ng shallit kapag hindi sila nabantayan ng kanilang markadong gwardya." Sabi ni Princess nang binanggit nyang dapat syang pumasok sa silid ni Caleb. Nang imulat ni Caleb ang mga mata ay ngiti ni Vera ang sumalubong sa kanya. "Magandang gabi panginoon..." Inabot ni Vera ang kanyang braso, isang gesture na nakasanayan na nyang gawin. Nag-umapaw ang saya ni Caleb, mabilis syang naupo at hinaplos ang pisngi ng babaing kaharap. Matapos ay bumukas ang ilaw at sa isang iglap ay nasa banyo na ang lalaki. Tumayo si Vera at kumuha ng damit para kay Caleb, ito ang bilin ni Princess sa kanya. Pagkababa ng damit sa kama ay nasa likuran na nya ang bagong ligong bampira at bihis na rin agad ito ng damit na inihanda nya. ****** History naman ang pinag-usapan nila nang gabing iyun.  "Tungkol sa mga tao at kay Adonai, pati ang pagmamahal ni Yswah na namatay para sa mga tao." Sabi ni Vera nang tanuning sya ni Caleb kung anong inaral nya sa Hebron tungkol sa history.  "Napag-usapan nyo ba ang tungkol sa mga bampira at kung san sila galing?" "Konte..." Yung galit lang ni Nabeel sa mga ito ang naalala ni Vera.  "Ah, libro... may binubuo silang importanteng libro. Mga salita ito ni Adonai na nawala dahil sa mga bampira." Napangiti si Caleb, alam nito ang sinasabi ni Vera. Sya man ay nangongolekta ng pira-pirasong nilalaman ng librong ito. "Sabi sa Kamara, si Kein ang dyos ng lahat at gumawa sa mga bampira. Sabi naman sa Hebron si Adonai ang Dyos at maging si Kein ay ginawa lang ni Adonai. Alin ang totoo?" Ngayon ay relax na si Vera na makipag-usap kay Caleb bilang tao lalo at hindi ito gaya ng ibang bampira na mababa ang pagtingin sa mga alipin. "Si Adonai ang gumawa sa mga tao at si Kein ay tao rin kaya si Adonai rin ang gumawa sa kanya." "Paano naging dyos ang taong kagaya ni Kein?" "Nauna ang mga yugto ng tao. Sumunod ang yugto ng konxelada na nagtaggal lang ng dalawang libong taon, at ngayon ang yugto ng mga bampira na nasa dalawang libong taon na rin." "Ah kaya ba 20AD, 40AD, at 60AD naman ngayon?" "Oo, pero mas matagal ang yugto ng mga tao. Ang unang dalawampung AD ay yugto ni Yswah bilang Dyos, pero si Adonai ang hari at Dyos kahit noong una pang nagawa ang mundo." "Ano ang mga konxelada? Sino ang dyos nila?" Wala sa sariling humilig si Vera sa dibdib ni Caleb habang nasa kama sila. Hindi na sila lumabas para pumunta sa spria dahil may mga libro din sa silid ang binata. Nakaupo at nakasandal ang dalawa sa headboard ng kama. Mula sa pagkakatabi ay nakahilig si Vera sa dibdib ng binata, umaangat lang ang ulo nya sa tuwing may itatanong sa lalaki.  Pinigil ni Caleb ang amuyin si Vera. Sobra-sobra na ang amoy nito sa kwarto nya. Ngayon ay concentrated sa ilong nya ang pasok ng bango ng buhok nito. Caleb tried to tone down his heightened sense of smell befor he speaks again. "Nagkaroon kasi ng isang deadly virus na pumatay sa bilyong tao sa mundo..." "Bilyon ang mga tao?" "Oo, bilyon-bilyon. Di ba nga, noon ay mga tao ang naghahari sa mundo?" "Wow!" Hindi ma-imagine ni Vera ang mundong maraming tao.  "Halos limang bilyon ang naubos ng virus at ang natira ay malapit nang mamatay nang dumating si Kein at binigyan ng vaccine ang mga natitirang tao." "Si Kein ay manggagamot?" "Parang, pero more of a scientist sya. Isang immortal na tao. Isang konxelada." "Hindi sya tao at hindi sya bampira, isa syang konxelada?" Tumango si Caleb. "Si Kein ay taong mahal ni Adonai, pero nang pinatay ni Kein ang kapatid nya ay nagalit si Adonai at pinarusahan syang maging konxelada o taong hindi namamatay at paikot-ikot lamang sa mundo." "Tapos dumami ang mga gaya nya...?" "Oo dahil may dugo nya ang vaccine na binigay nya sa mga tao." Tumango si Vera, ngayon ay naunawaan na nya. Napangiti si Caleb, hindi aral pero madaling matuto ang markado nyang pagkain.  "Paano natapos ang yugto ng konxelada?" "Dahil kay Angelo Markado at sa asawa nitong si Lumenaria.  Sa kanila nagmula ang mga taong liwanag." "Naalala ko na, si Jabez. Ang dasal ni Jabez!" "Oo, ang mga taong liwanag ay ayaw gawing dyos si Kein. Si Yswah pa rin ang Dyos nila at mula kay Jabez ay sumabog ang liwanag ng mga taong galing sa lahi ni Angelo at Naria, ang mga magulang ni Jabez." Naalala ni Vera ang kwento ni Raju sa kanya. "Kung natalo ni Angelo Markado ang konxelada na si Kein, bakit hindi naghari ang mga tao sa mundo at bampira ang naghahari ngayon?" "Yan ang inaaral at inaalam ko. Base sa research at mga natutunan ko ay natalo si Kein sa laban nila ni Angelo sa Perlaz na ngayon ay Hebron na ang tawag, pero nagkaroon ng kakaibang mutation ang mga konxelada na naging resulta ng pagkalat ng mga bampira. Hindi pa rin malinaw sa akin kaya inaaral ko pa." "Bakit alam mo ang buong kwento pero hindi ganyan ang sinabi sa amin sa Kamara." "Trabaho kong alamin ang history kaya naghahanap ako ng mga sinaunang kwento at mga artifacts ng nakaraang panahon."  "Trabaho mo? May trabaho ka?" Umangat ang mukha ni Vera at nagtagpo ang paningin nila. Napalunok si Caleb. Masyadong malapit ang labi ni Vera sa kanyang mukha. "Oo, anong gagawin ko sa loob ng ilang daang taon na hindi ako namamatay?" "May sweldo ka?" inosenteng tanong ni Vera. Natawa nang malakas si Caleb. Nakitawa na rin si Vera.  "Speaking of sweldo, nagpadala na ang mga markado ni Revin ng supplies sa pamilya mo sa Agar. Naglagay na rin sya ng digital credit points sa marka ng tiyahin mo. Kaya wag kang mag-alala sa kanila. Kung may kailangan ka ay magsabi ka lang sa akin."  Napatingin muli si Vera sa lalaki. Umapaw ang puso nya sa saya, malamang na hindi na gutom ang mga pamangkin nya.  "S..alamat." Sabi ni Vera sabay muling subsob sa dibdib ni Caleb, ibig maiyak ni Vera at least ligtas ang pamilya nya. "May sarili na rin silang bahay." Nanlaki ang mga mata ni Vera at saka muling tinitigan ang amo na sinalubong din ang kanyang tingin. Napanganga lang si Vera, speechless sa mga kabutihang ginawa sa kanya ng bampira. Maya-maya ay inayos ni Vera ang sarili at saka humarap sa lalaki. Nakatitig lang si Caleb sa dalaga na parang maiiyak sa sinabi nya. Mula sa pagkakaupo sa tabi nya ay kumalas ang babae at saka humarap paluhod sa kanya.  Sumikdo ang puso ni Caleb, hindi nya malaman kung ano ba ang mas masarap, ang makatabi ito o mapagmasdan sa malayuan. Nagulat si Caleb nang inangat ni Vera ang kanyang palda at lumabas ang mabibilog nitong hita.  Mabilis na nahawakan ni Caleb ang kamay ni Vera bago pa nito tuluyang hubaran ang sarili. Nagulat si Vera sa pagpigil sa kanya ng lalaki. Desidido na sya, alam nyang nangako sya sa Hebron, pero... "A..anong ginagawa mo?" "Sumusweldo ako pero hindi ko ginagampanan ang tungkulin ko sa iyo. Hindi ko maintindihan? A..ayaw mo ba sa akin?" Hindi malaman ni Vera kung san galing ang tapang nya. Umiwas ng tingin si Caleb matapos ibaba ang palda ni Vera para matakpan ang halos kahubaran nito. Hirap na hirap sya, hindi lang alam ni Vera kung gaano. Nakita na naman ni Vera na nanigas ang panga ni Caleb. Nataranta sya at natakot. Mabilis nyang nilapitan ito at hinaplos ang mukha. "P..patawad. Panginoon, pa..patawad." Ayaw ni Vera na galitin ito.  AHHHHH! Hindi na kinaya ni Caleb, kinabig nya si Vera at saka hiniga sa kama, pumatong sya dito pero siniguro nyang hindi ito masasaktan o mabibigatan. Nagulat man ay inihanda ni Vera ang sarili. Dapat ay relax sya kung iinumin sya ni Caleb para hindi nya malason ito. Hindi sya matatakot kahit anong mangya... Inamoy ni Caleb ang leeg nya, nanlambot si Vera sa kilabot na naramdaman. Nakalimutan nya ang iniisip na paghahanda sa pagpapainum nya ng dugo. Napaigtad ang dalaga. Ang ine-expect nya ay kagat at hindi ganitong nakakapangilabot na haplos at halik. "W..wag! Wag kang gagalaw." Bulong ni Caleb nang maramdaman ang pag-igtad ng babae. Pinigil ni Vera ang sarili, binaba sa gilid ng kama ang magkabilang kamay at saka nilamukot ang nahawakang kumot. Kahit ayaw nyang gumalaw, parang may isip ang katawan nyang kusang nangangatog sa kakaibang sensasyong nararamdaman sa bawat halik at haplos ng lalaki sa kanyang nag-iinit na balat. Napapikit si Vera nang maramdaman ang dila ni Caleb sa kanyang leeg malapit sa puluhan ng kanyang tenga. Naalala nya ang una nilang pagkikita. Kalma Vera, kalma. Pero hindi sya kabado, ang totoo ay nasasabik sya. Ang dila ay naging halik, kumabog ang dibdib ni Vera at hindi pa nakatulong na hindi sya pwedeng gumalaw. Inamoy at pinagpasasaan ng halik ng lalaking bampira ang buong leeg niya. Hindi malaman ni Vera na umuungol na sya, saka napayakap ng mahigpit sa lalaki. Umangat ang ulo ni Caleb nang marinig ang ungol ni Vera, ramdam nyang gumalaw ito para yakapin sya. Nakita nyang nakapikit ito. Inayos nya ang nakatingalang mukha ng babae para lalo nya itong makita. Nagtapat ang kanilang mga mata. Hindi kinaya ni Caleb ang titig ni Vera sa kanya nang magmulat ito. Puno ang titig ng emosyong pamilyar kay Caleb pero hindi nya maalala, basta ang alam nya ay ikamamatay nya ang isiping titigil ang ganitong tagpo sa pagitan nila ng markadong pagkain. Binuka ni Vera ang bibig na tila may sasabihin pero mabilis na pinasok ni Caleb ng kanyang dila ang bibig ng dalaga. Si Caleb naman ang umungol nang maramdaman ang lambot ng labi ni Vera at masimsim ang mabangong hininga nito. Kahit nakatatakot ay hindi na narinig ni Vera ang ungol ni Caleb basta ang alam nya ay ang sarap ng labi nito sa labi nya. Ang tamis ng dila nitong nalalasahan nya. Parang mababaliw si Vera sa nararamdaman na hindi nya maipaliwanag, Ngayon lang sya nakadama ng ganung sensasyon. Hindi kasing tindi ng pagkagat sa kanya ng binata pero kakaiba. Naramdaman nyang bumaba si Caleb mula sa kanyang labi pabalik sa kanyang leeg at narinig nya rin ang pagkakapunit ng kanyang damit na tumatakip sa kanyang dibdib. Hinawakan ni Vera ang buhok ng bampira nang unti-unti itong bumaba, mula sa leeg papunta sa gitna ng kanyang dalawang dibdib. Nangalisag ang balahibo ni Vera sa buong katawan nang hinawi ni Caleb ang napunit na damit na humaharang sa kaliwang dibdib nya. Abot-abot ang kanyang malakas na paghinga. Halos maulol naman si Caleb nang makita ang mayamang dibdib ng dalaga. Inikot ni Caleb ang ilong sa koronang nasa ibabaw ng napakalambot na dibdib. Napakabango ng samyo nito. Naramdaman ni Caleb na tumigas ang korona na tumatama sa puluhan ng kanyang ilong. Binuka ni Caleb ang mga labi para sususuhin nya ang nakatayong koronang tila tinutukso ang dila nya, nang biglang tumilaok ang manok para sabihing papasikat na ang araw ng bagong umaga. Narinig ni Vera ang kakaibang angil mula kay Caleb, parang galit ito. Pilit hindi pinansin ni Vera ang takot na gumapang sa puso nya dahil sa angil na narinig. Ang alam nya lang ay may hinihintay ang katawan nyang mangyari at nasasabik sya dito, napaungol muli si Vera sa kasabikan.  Pero naramdaman nya ang pagtigil ni Caleb sa ginagawa nito sa kanya.  "No!" Sigaw ng isip ni Vera. Tumigas ang panga ni Caleb matapos nitong umangil ng malakas. Saka nya kinapa ang bahagi ng bestidang napunit nya at marahang tinakip ito sa kahubaran ni Vera. Umalis sya sa pagkakapatong sa dalaga at saka dumapa sa kama. Naramdaman ni Vera ang pag-alis ng katawan ng lalaking nakadikit sa kanya. Matapos ay sumubsob ito sa gilid ng kama katabi nya. Hindi makita ni Vera ang expression ng mukha nito. Nalito rin sya kung anong nangyayari. "Magpahinga ka na Vera." Mariing sabi ni Caleb bago pa makapagtanong si Vera, ni hindi sya tiningnan nito. "P..pero..." Isang tilaok lang yun, wala pang liwanag, parang alas tres pa lamang ng madaling araw, sa isip-isip ni Vera. "Pagod na ako." Sabi ni Caleb na parang galit.  Hindi pa rin maintindihan ni Vera pero marahan syang tumayo. Gusto nyang maiyak, nasaktan sya sa kakaibang tono ni Caleb, parang tinatapon na naman sya nito. May mali na naman ba syang ginawa? Pinahid ni Vera ang luha na hindi nya namalayang tumagas at saka tumalikod para lumabas at pumasok sa kanyang sariling silid. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD