A VAMPIRE WARRIOR

3075 Words
Palo sa balikat ang nagpabalik kay Nabeel sa kasalukuyan.  “Oi friendship, andito ka na naman sa burol.  Miss mo na naman ba si bebe girl mo?”  Si Vera ang tinutukoy ni Gervis. "Hindi ko sya iniisip." Pagsisinungaling ni Nabeel. Umupo si Gervis sa tabi nito at hinilig ang ulo sa balikat ni Nabeel.   “Aray!”  Pinalo ni Gervis ang kaibigan na ginamit ang balikat na sinasandalan para sapakin ito. “Wag ngayon, wala ako sa mood Vis…”. Si Nabeel “Ayiii, seryoso nga si lolo hindi ako tinawag na Gervs…” Ang Totoo ay naisip na naman ni Nabeel si Vera, ganito ito maupo sa tabi nya noong hindi pa umaalis ang babae.  Gaya ng ginagawa ni Gervis, kaya mas lalo syang nainis na dumating ito para manggulo. "Hindi ka ba na-bo-bother? Bakit sya umalis? Bakit sya sumama sa bampira?" “Ay sauce!  Akala ko ba hindi mo iniisip si Verakah ganda?" Namewang pa si Gervis. Umiwas ng tingin si Nabeel at tinanaw ang malayo at malawak na lupain ng Hebron. “Sorry friendship, galing lang si in-laws ko sa Zseir.  Yun, everything is according to prophesies kaya wa na tayo say about the matter.” "Paano kung anong nangyari kay Vera, paano kung...?" "Si papa Caleb naman ang kasama ni Vera, so for sure hindi sya maaano…unless anuhin sya ni papa Caleb.  Alam mo na yung ano…”. Humagikhik si Gervis na parang kinikilig. PAK! Nakatikim na naman ito ng sapak sa kaibigan.  Hindi na sya nagreklamo, kasalanan nya rin naman, hindi sya naging sensitive sa feelings nito para kay Vera. "Sabi nyo hindi si Vera si Helen, tapos ngayon okay lang na magsama sila ni Caleb?" "Sino ba kasi ang gusto mo? Si Helen o si Vera?  Ang gulo mo koya ha!”  "Anong gusto mong sabihin?” “Ay sauce, tomato sauce!  Bata pa tayo obvious na obsessed ka na kay Helen noh!  Lakas ng appeal sa iyo ng ganda nya at pagiging warrior nya.  Di ba kaya nung dumating si Vera eh gusto mo agad syang I-make over at gawing….darna!”  Nag-pose pa si Gervis ng malandi. PAK! “Aray ko!  Totoo naman ah!”. Pinalo ni Gervis si Nabeel sa hita Huminga ng malalim si Nabeel, affected sa narinig.  Aminado sya dito. "Gusto ko si Vera. Ngayon alam ko na. Ngayon sigurado na ako…Hindi si Helen ang gusto ko kundi sya…”  Si Gervis naman ang hindi kumibo.   For the first time ay hindi nya alam anong isasagot sa matalik na kaibigan. “Anyway, hinihintay na tayo ni Cortez, tara na. Magpractice na lang tayo.  We have to work na, kasi ang dami na nating kalaban sa labas ng liwanag.  Lika na friendship, tama na muna ang kakaisip tungkol kay Vera.”  Nagkunyapit pa si Gervis sa kaibigan na akala mo eh naglalambing sa asawa. Inalis ni Nabeel ang kamay ni Gervis at tinulak ito. “Oo na!  Oo na!”  Saka ito tumayo para umalis na. ****** They arrived in time to watch the demonstration of Cortez in lighting his body just like how Hermaiz did it.  The two friends find their seats in the circle at the center of the arena where all Jabezzite warriors are gathered together.  Other warriors are imitating Cortez but no one can still do what he’s doing, but they are making progress each day.  "Lumiliit pa ba ang liwanag?" Bulong sa likuran nila Nabeel ng ibang mga trainees. "Tumigil na daw pero gusto pa rin ng mga pinunong palakasin at palakihin. "Bakit daw?" "Dumadami daw ang mga shallit sa paligid at kakatwang meron na ding mga bampira na dati ay hindi umaaligid sa atin." Biglang nagalit si Nabeel sa narinig. Naisip nya si Vera sa piling ng bampira at naimagine nyang nasasaktan ito sa pagkagat nito. Nagsigawan ang mga katabi ni Nabeel, pero hindi nya ito pinansin. Iniisip nya si Vera at kung nasa panganib ba ito. "Nabeel!" "Bakit? Anong problema?" Binuksan nya ang mga mata para tingnan si Gervis. Ginagaya nya si Cortez bilang pagsasanay nila at istorbo ito. Nakatingin sa kanya ang lahat pati si Cortez. Saka lang napansin ni Nabeel na nagliliyab sya at sobrang liwanag. "Paano mo nagawa?"  "Ang galing..." "Kung kaya nya, kaya rin natin..." Hindi malaman ni Nabeel ang gagawin, pero may sayang bumalot sa puso nya sa isiping kaya nya ngang pagliwanagin ang kanyang katawan ng malakas. He became proud of himself knowing that his light is capable of protecting Hebron. “Hala friend, turuan mo ako!  Paano?  How did yeah do it?!”  Excited na tanong ni Gervis. Ngumiti si Nabeel, saka muling inisip si Vera. ****** Khadiz is looking at her lovingly when she opened her eyes.  She still feels weak and dying. "Mahal ko!" Ang saya ng ngiti ni Khadiz, lumuluha ito ng dugo. Ilang araw nang hindi makabangon ang asawa matapos nya itong mailabas sa silid ni Kein. "A..anong nangyari?" Tatayo si Salome pero napahiga sya ulit dahil sa hilo. "Wag ka munang gumalaw." Pinaalala ni Khadiz ang nangyari kay Salome. "Tinatanong ng ama kung naintindihan mo na daw ba ang nakasulat sa libro ng propesiya mo...Sabi ko ay kailangan mo munang magpalakas." "Naintindihan ko..."  "T...talaga?" Tumango si Salome.  "S..si Caleb..." "Sinabi mo nga ang pangalan nya bago ka mawalan ng malay, pupuntahan na sana namin si Caleb pero..." "W..wag!" Sabi ni Salome. Humiga sya at pumikit. Then she slowly opened her eyes. "Ako ang pupunta kay Caleb..." "B..bakit?" Khadiz growled.  Hinaplos ni Salome ang mukha ng asawa, kumalma ito. "Dahil sya lamang ang pwedeng bumasa ng aklat at ako lamang ang pwedeng mag-convince sa kanya." Yun lang at muling pumikit si Salome. "Hindi ka pupunta doon hangga't hindi ka malakas." Mariing sabi ni Khadiz. Tumango lang si Salome, saka muling natulog ito. ****** Tatlong rufus, anim, siyam, sigurado na ang ngumiting si Azem. Sa gitna ng malawak na tambakan ng mga sirang sinaunang sasakyan ng mga tao ay mag-isang nakatayo ang bampira. Nakapikit pero kita, amoy, at ramdam nito ang nangyayari sa paligid. "Wag kayong kikilos!" bulong ni Azem, ramdam nya ring gumalaw ang mga rafa nya para tulungan sya ng mga ito. Pinalayo nya ang mga sundalong kasama dahil gusto nyang sya ang tumapos sa laban nila ngayong gabi. Ito ang gusto ni Azem sa pagiging in-charge nya sa security at safety ng buong mundo laban sa mga shallit at rebeldeng bampira, the kill. The thrill of killing… Rinig ni Azem ang pagpagaspas ng hangin sa kanyang kanang bahagi at mabilis nyang ginalaw ang kamay. Sakto sa leeg ng tumalong rufus ang kamay ni Azem. Rinig ang angil nitong parang tili ng isang babae. Nang magmulat ay natawa si Azem, sakto sa tiyan ng rufus ang sakal nya at nakapiga ang kamao nya sa ulong lumabas sa tiyan nito. Mabilis nyang pinilipit ito at saka sinipa ang rufus. Tumilapon ito sa ere bago sa kaliwang kamay ay biniyak nya sa gitna ang isa pang rufus na tumalon sa kanya. "Two down, seven to go." Inilipat ni Azem ang espada sa kaliwang kamay papunta sa kanan saka ito naghanda sa isa pang pag-atake. Sobrang lakas ng hangin, limang rufus ang sabay-sabay na tumalon sa ere pabagsak kay Azem.  Nasaksak paitas ni Azem ang isang rufus pero na-stuck sa ribcage nito ang espadang hindi nya agad naalis. Napilitan syang gamitin ang kaliwang kamay para pigilan ang isa pang rufus na umatake, sabay talon para bigyan ng magkabilang sipa ang dalawa pang nasa paanan nya. Pagbagsak ay hindi namalayan ni Azem ang isang rufus na pabagsak sakto sa kanyang ulo, Mabilis na tinapon ni Azem ang dalawang hawak na rufus at saka umiwas sa pabagsak na kalaban. Gumulong si Azem sa lupa saka tumadyak para makabwelo ng upo. Isang matinis na sigaw ang narinig nya, bago nahati sa gitna ang rufus sa kanyang harapan at bumagsak ito sa kanyang paanan. "Sinabi ko nang wag nyo akong tutulungan!" Galit na tumayo si Azem saka hinataw ng espada ang rafang tumulong sa kanya. Mabilis na naharang ang espada nya, sabay malakas na tadyak ang nagpatumba sa kanya sa lupa. "Wag!" Muli nyang sigaw sa mga rafang ramdam nyang nakaramdam din ng panganib sa paligid.  Hindi na rufus ang kalaban nila. Inamoy ni Azem ang bampirang umatake sa kanya, naglaway sya sa bango nito. Nawala na ito sa kanyang paningin pero naroon ang amoy nitong kakaiba. Sa muling pagbugso ng hangin ay tumalon si Azem sabay saksak ng espada sa langit. Nakarinig sya ng pagpunit sa ere sabay bagsak ng isa pang rufus, pero hindi galing sa espada nya ng sugat nito. Umikot si Azem nang mabilis at sa wakas ay naramdaman nyang may tinamaan ang espada nya. Inikot nya ang espada at narinig nya ang pagkakahati. Ahhh musika sa tenga nya ang katapusan ng isang nilalang sa kanyang kamay, kahit pa anong uri ito. Ubos na na ang syam na rufus pero muling tumalon si Azem sa ere. This time, isang malakas na hampas ng napakabilis na hangin ang tumama sa kanya at muli syang bumagsak sa lupa. Pinahid ni Azem ang likido sa bibig at natawa sya sa nakitang dugo dito. Who dare makes him bleed? Muling naghilom ang pumutok nyang labi, saka nya dinilaan ang dugong lumabas dito. Nang umikot ay inundayan ni Azem ng saksak ang nasa likuran. Tumalsik ang kanyang espada at saka sila naglaban ng kaharap gamit ang kanilang mga kamay. Napakabilis ng kalaban para masino nya agad ito. Nang makakita ng pagkakataon ay nasipa ni Azem ang umaatake sa kanya pataas sa ere. Saka mabilis na tumalon si Azem para sundan ito. Sa gitna ng laban ay nagbagsakan ang mga rafa ni Azem sa paligid, handang back-up-an ang amo nila. Sabay bagsak ni Azem paupo sa lupa na parang may tumadyak din dito. Sa harapan nya ay lumapag ang kalabang bampira. "P..panginoon?!?" Tanong ng pinunong rafa ni Azem, naghihintay ng utos mula dito. Sinenyasan ni Azem ang mga rafa nya para muling umalis. Walang danger, binisita lang sya ng isang kaibigan. “Caleb.  I missed you at Kamara.” Dinura ni Azem ang dugo mula sa kanyang bibig. Inabot ni Caleb ang naitapong espada ni Azem. Saka sabay silang pumuwesto para sa pagharap sa mga bagong paparating na kalaban. "Pasensya, alam kong ayaw mong na-i-istorbo ka sa gitna ng digmaan." Natawa ng malakas si Azem. Rare ang mga moments na nagagawa nilang mag-sparring ni Caleb. Nabubuhay ang dugo ni Azem sa digmaan. Better than s*x, mas gusto ni Azem ang violence at danger na dulot ng mag-isang lumaban sa mga kaaway. "Walang problema. Basta ikaw, I can make an exemption. Is this a social visit? Nasa area ka ba at naghahanap ng historical artifacts?" "Gusto sana kitang makausap." Tinagpas ni Caleb ang tumalong rufus para atakihin sya. Ni hindi na sila gumagalaw ni Azem. Back-to- back silang nag-uusap habang iniisa-isang sugpuin ang mga umaatake sa kanila. "Ah, mukhang importante dahil sinadya mo pa ako. Malayo-layo rin ang nilakbay mo. We could have meet halfway. Mag-isa ka lang? Asan ang rafa mo?" Si Azem naman ang tumadyak sa isa pang rufus matapos parang bukong pinigtas nito ang ulo na nasa tyan nito.  The screams of dying rufus can be heard all over the place.  Azem’s rafas went back to their spot, ready for action when instructed.. Iniwan ni Caleb sina Salud at Revin sa Silangan para bantayan si Vera kahit ayaw nyang mawalay dito ng matagal. His talk with Azem is way overdue though and he also needs a break.  From Vera? Tanong ng kanyang isip.  Caleb removed Vera in his thoughts and focus on the monsters attacking them left and right. Sinapak nya ang bunganga ng rufus na nakanganga sa kanya at saka pinigtas din ang ulo nito sa tyan. "Hmmm.. what is that smell? Hindi kita agad naamoy dahil sa kakaibang bango na taglay mo." Dinikit ni Azem ang ulo patingala sa balikat ni Caleb. Saka lumanghap ito ng hangin na parang may inaamoy sa ere. Nanigas naman ang kamao ni Caleb sa narinig, sabay suntok sa tumilapong rufus. Sinigurado nyang malinis sya sa amoy ni Vera pero talagang malakas ang kapit ng amoy ng babae.  This is the reason why the rufus are attacking them despite knowing that they could not fair well with fighting with powerful rafas.  The rufus are smelling Vera’s scent which is now absorbed in Caleb’s skin. "Hmmm... weird." Maya-maya ay nag-focus na muli si Azem sa pag-atake naman sa mga sumusugod sa kanya. Hindi alam ni Caleb kung anong iniisip nito lalo at hindi nya makita ang facial expression ng royal vampire. "So anong maipaglilingkod ko sa iyo?" Dalawang rufus ang pinugutan ni Azem ng apat na ulo. "Totoo ang balitang may mga rafa na sapilitang kumukuha ng mga tao sa mga community kahit ayaw nito." Walang kaabog-abog na sabi ni Caleb. "Whoah... teka muna!" Humarap si Azem kay Caleb na humarap din sa kanya. Pero patuloy pa rin silang lumalaban sa mga umaatakeng rufus. This time sabay nilang sinaksak sa ere ang dalawang rufus na tumalon sa itaas nila at saka ibinato ito palayo. "Masyadong mabigat na accusations yan Caleb. Remember ikaw ang sumulat ng treaty of Avlam, alam mo ang parusang nilagay mo dun. Kapag nag-accuse tayo ng walang ebidensya eh hindi basta- basta magpataw ng parusang kamatayan sa mga rafa lalo at mararamdaman ang sakit nito hanggang sa royal blood na ninuno nila. You wouldn't know dahil wala kang rafa, pero masakit ang mamatayan ng rafa, physically and emotionally." Tumalon si Azem sa ere at tatlong rufus ang bumagsak sa lupa, sabay bagsak ni Azem patayo. "Hindi ka naniniwala sa akin?" Hindi na itinama ni Caleb na nasasaktan din sya sa pagkamatay ng kanyang markado kaya naiintidihan nya ang sinasabi nito. Umiwas sya sa isang rufus at tinulak ito sa lugar ni Azem para ito na ang tumapos sa kalaban.  "Naniniwala, pero kailangan ko ng ebidensya. Sino ba ang source mo at parang sure na sure ka?" Gusto naman ni Azem na tinutulak na lang ni Caleb sa kanya ang mga kalaban na parang si Caleb ang gustong-gustong sugurin. Hindi makakibo si Caleb hindi nya masabing mga taga Hebron ang nagsabi sa kanya. "Anyway, inalam ko na rin ang tungkol sa mga shallit, na-curious ako sa sinabi mo na dapat nating malaman kung san sila nagmula at ngayon ay naandoon ang research ko." "Noon ka lang umaksyon nung sinabi kong dapat mong alamin ang pinagmulan nila?" Sinipa ni Caleb ang isang rufus at tumalsik ito sa mukha ni Azem na nasangga naman nito. Natawa si Azem saka umiling. "Ayan ka na naman eh... you're kicking me in the ass sa simpleng sarcastic remarks mo." Kinalma ni Caleb ang sarili, he wants answers. Ang layo ng nilakbay nya, pero parang wala syang makukuha kay Azem. Bagay na nagpa-ikli ng kanyang pasensya. "Tama ka, patawad. Hindi ko dapat isiping wala kang ginagawa." Si Caleb na ang pumigtas ng ulo ng isa pang rufus na sumugod sa kanya. "Pagsupil sa kanila ang ginagawa ng mga rafa at markado ng buong angkan ko. We are doing something Caleb." Saka marahas na hinati ni Azem ang rufus na nasa likod nya to drive a point. Tumango lang si Caleb, naubos na din ang kalaban nila. "My offer still stands, join me. I need a warrior just like you."  "Ikaw lang mag-isa eh wala nang laban ang mga rufus at shallit."  "Pero hindi sila sing special mo." Makahulugang sabi ni Azem. Tumingin sa kanya si Caleb. "Hindi kami makalipad na kagaya mo." May tonong inggit sa boses ni Azem. Hindi kumibo si Caleb. "For all we know, baka umiilaw ka pa rin." Binato ni Azem ang kahulihulihang rufus na hawak nito, lasog ang katawan nang tumama ito sa lupa.  As the dead rufus piled up around them, Caleb looked at Azem and saw him for the first time.  The royal vampire never said anything about Caleb’s past, nor he showed inclination of resentment for it that he is feeling now. Tinantya ni Caleb ang kaharap. Is it a mistake coming here? Gustong kabahan ni Caleb para kay Vera. Biglang gusto nyang makauwi agad. "Hey biro lang...sorry kung na-offend ka. Pero I heard you loud and clear. Mga rafa, kumukuha ng mga tao sa community ng sapilitan. Got it. I will look into it, promise." Sumenyas si Azem at isang rafa ang naglagay ng siga sa mga bangkay na agad namang nagliyab at nasunog. Tumango lang si Caleb. Pakiramdam nya pa rin ay nasa mali syang lugar.  Instinct tells him, he should not be with Azem, their meeting left a bitter tasting regret in his mouth.  Something changed in the aura of the royal vampire, he couldn’t figure it out yet but, he knew that the royal vampire knows something that he is not telling Caleb. "Patirik na ang araw, pwedeng sa init nito masunog ang mga bangkay." Puna ni Caleb, sa siga na sya nakatingin. "I like to watch..." saka ngumiti si Azem kay Caleb, makahulugan. Tumigas ang panga ni Caleb at napakuyom ang kanyang kamao.  "Caleb, I'm a friend. Magkaiba tayo, oo, pero I like you at ang pagpunta mo dito ay nagsasabing may tiwala ka sa akin kahit papano." Azem felt the tension between then, he got carried away by the euphoria of their fight that he didn’t mind his manner around Caleb this time.  "Mabuti naman kung ganun. Mauna na ako." "Stay even for few days, makaikot ka man lang dito sa teritoryo ko."  "Hindi na. Sa ibang pagkakataon." Yun lang at lumipad sa himpapawid si Caleb.  Tiningala sya ni Azem hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Naisip ni Azem ang report na nakarating sa kanya.  He left in Cintru after his father allowed him to, finally!  He will just wait for further instruction and for know, he haven’t heard anything nor update about Salome’s condition. Pumunta sa Hebron si Caleb, may kinuhang babae at gaya nang ginawa nito kanina ay lumipad si Caleb palayo sa Hebron bitbit ang babae. "Napakabango nya panginoon...kakaibang halimuyak ang amoy ng babaing kinuha ni Caleb.” Azem knew Caleb is hiding something, his scent confirmed it.  He is curious about two things.  Who is the girl and what is Caleb’s connection in Hebron.   I think I will visit him soon to find out, sa isip-isip ni Azem.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD