Revin and Salud met on the roof of Caleb’s Villa, both drank their marked slaves yet both are unsatisfied as they smelled the mouthwatering scent of Vera all over the house.
"Ang lalim ng iniisip mo." Puna ni Salud. Sabay nilang narinig ang tawa ni Caleb.
"Andito na ako nang bago dumating si Princess at dalawang sinundang markado nito, pero ngayon ko lang narinig na ganyang kasaya si Caleb."
"Anong ibig sabihin?"
"Frozen tayo sa sitwasyon natin. Ang alam ko pati damdamin natin. Kaya nga ang pamimili ng rafa ay dapat maingat. Dahil kung gumawa ka ng rafa na may emotional baggage, ay bitbit nya iyun habang sya ay buhay."
"Iniisip mong frozen si Caleb sa pagiging malungkot at ngayon ay masaya na ito?"
Tumango si Revin
"Pwede pala tayong magbago?"
"Depende siguro kung may magpapabago sa iyo."
Sabay nilang muling narinig ang tawanan sa loob ng bahay.
Sumabay na rin kasi si Vera sa pagtawa ni Caleb.
"Tara na, mag-ikot na tayo." Aya ni Salud kay Revin, na agad sumunod habang Inisip kung dapat ba nyang i-report kay Salome ang nangyayari. Though she specifically instructed him to report if anything bad happened to Caleb, is having a slave that makes him happy bad for his master? He is really torn on what to do next.
Mabuti at dumating sa kanila si Salud na pang-distract sa marami nyang iniisip. Hubo't hubad na si Salud nang abutan nya sa punong nasa labas ng villa ni Caleb. Buong kasabikan nilang pinasaya ang isa't-isa na sumasabay sa kakaibang sayang nangyayari sa loob ng bahay.
******
Pinapasok ni Caleb sa library si Vera. Hindi agad nakakilos ang dalaga.
"Sabi ni Princess ay bawal..."
"Sino ba ang amo mo?"
"Kayo po..." Pumasok si Vera sa library, tuwang-tuwa ito.
She immediately toured Caleb’s spria. She particularly likes the books. She discovered that whenever she touches a book, pictures, numbers, and words enter her mind not knowing that she’s the only one among humans who can do this.
Ang alam nya lahat ng tao ay may vision sa tuwing humahawak ng librong may sulat sa kahit anumang wika. Pumikit si Vera, isa-isang pinipili sa isip ang librong hihiramin nya.
Caleb just looked at Vera, amusement and happiness filled his dead heart. Napakaganda nito sa suot nitong bestida. Mapupulang mga labi, inosenteng mukha na kahit may kakaibang matsa sa noo ay hindi nya alintana, buhok na nagsasabog ng bangong humahalimuyak, balat na makinis, katawang naglalabas ng init, mayamang dibdib, maliit na tyan at bewang na makipot, balakang na umiindayog sa paglalakad nito, at binti at hitang nag-aanyaya sa kanyang mga labi.
Caleb frowned wondering how he could be affected by Vera in a way that his previous slaves didn’t. It has been hundreds of years since he felt desire for woman as a man usually does.
"Marunong ka bang magbasa?" Tinanong nya si Vera na nakita nyang umupo habang may bitbit na fairy tale book. Na-restore at preserve ni Caleb ang libro na nakuha nya pa sa malayong paglalakbay. Basta libro na rare na sa bagong panahon ay kinokolekta ni Caleb, kahit libro na pambata pa.
Vera looked at her master and immediately stood up, scare.Tama ba ang ginagawa nya? Kumuha sya ng libro nang walang paalam?
Caleb smiled and nodded, assuring Vera that it’s okay for her to do whatever she likes.
"Hindi po ako marunong magbasa, walang nagturo sa akin."
"Gusto mo bang matuto?"
Tumingin si Vera na may pananabik sa mata. Gustong sunggabin at pupugin ni Caleb ng halik ang inosenteng mukha ng babae.
"O..opo..."
Without blinking an eye, Caleb is by her side from leaning on his table meters away from where she’s at.
Naamoy na naman ni Vera ang lalaking bango ng kanyang amo. Nagtaasan ang mga balahibo nya sabay akyat ng tila mainit na dugo sa kanyang pisngi. Iba ang pakiramdam na malapit na malapit sya sa kanyang amo.
Ramdam naman ni Caleb ang mga nangyayari sa dugo ng babae. Rinig nya ang palpitation ng puso nito, amoy nya ang dugo nito, at dama nya ang init ng katawan nito.
Caleb has to work doubly hard to control himself not to bite her. It’s like he is served a bountiful feast that he couldn’t touch in fear of consuming everything once he takes a small bite.
Kinuha ni Caleb ang libro kay Vera. Beauty and the Beast ang unang kwento sa libro. Nilipat ni Caleb ang pahina.
"Gusto ko iyun..." Protesta ni Vera "... po... "
"May mas magandang kwento kesa doon..."
Tumungo si Vera, gusto nya yung tungkol sa babaing kinulong sa castle ng isang beast at nagmahalan sila. Ayaw ni Vera ang prinsesang namatay sa pagkain ng mansanas. Pero mahirap mag-protesta sa kanyang amo.
Caleb taught VEra symbols of the letters and numbers of the old world. A fast learner, in no time Vera is reading the tale Beauty and the Beast and Caleb just listened silently unable to stop Vera from discovering the story.
Binaba ni Vera ang libro, tumingin sya kay Caleb na nakasimangot. Hinaplos nya ang mukha nito, masuyo at punong-puno ng pagmamahal. Napapikit si Caleb, masarap ang mainit na palad ni Vera sa kanyang pisngi.
"You are not the beast..." sabi ni Vera sa wikang patay, ni hindi nya napansing ito ang sinabi nya.
Napamulat si Caleb, nababasa ba ni Vera ang iniisip nya? Inangat ni Caleb ang kamay nya, hinaplos ang makinis na pisngi ng kaharap.
"V...vera..." Masarap banggitin ang pangalan ng dalaga. Huminga sya nang malalim. Andoon na naman, parang naglalaway si Caleb pero hindi na lang sa dugo ni Vera, sa iba pang bagay. Tumapat ang daliri ni Caleb sa labi ni Vera, bumuka ito nang bahagya at naglabas ng mainit na hininga. Parang nangatog ang kalamnan ni Caleb. Titig na titig sya sa babaing ngayon ay nakapikit. Tumunog naman ang sikmura ni Vera. Napangiti si Caleb, grateful sa distraction.
"Hindi ka pa naghapunan?"
Umiling si Vera namumula ang mukha sa hiya. Walang pakisama ang katawan nya, naputol tuloy ang ginagawa sa kanya ng amo. Lalo at binitiwan na sya ni Caleb.
"Ang aga nyo pong nagising eh..." Parang sinisi pa ni Vera si Caleb
"Halika na, kumain ka..." Tatawa-tawa naman ang binata.
Sa hapag kainan ay pinapanood ni Caleb na kumain si Vera. Inalok ni Vera ang kamay nya. Ngumiti si Caleb at umiling. Binawi ni Vera ang kamay nya. Umiinom ng tubig si Vera nang marinig nyang may lumapag sa sahig.
Nakita ni Revin mula sa pinaglapagan nya sa sala na nasa kusina si Vera. Pinuntahan nya ito para alamin kung tulog na si Caleb. Nagulat si Revin nang makitang naka-upo sa silya ng dining table si Caleb at pinapanood ang katatapos lamang na kumaing si Vera.
"Ooops..." Parang gustong umatras ng rafa
Hindi kailanman tumutuntong ng dining area si Caleb. Wala syang business pumunta dito.
"Revin?"
"Panginoon..." Yumukod ito kay Caleb
"Magpahinga ka na."
“O..opo..."
Revin retreated to his room to rest while Vera noticed that light of the morning breaks through the darkness. Nabitin si Vera sa bilis ng magdamag.
"Magpahinga ka na rin...po..."
"Halika na..." Inabot ni Caleb ang kamay ni Vera, saka inilipad ito patungo sa pasilyo ng silid ng dalaga na katapat ng silid ni Caleb. Binuksan ni Caleb ang pinto ng kwarto saka pinapasok nito si Vera sa loob.
"Pagkagising ko mamaya ay nasa tabi na kita, maaasahan ko
ba?"
Tumango si Vera.
They looked at each other for few more minutes not wanting to part ways. Caleb touched Vera’s birth mark on her forehead.
Parang nahihiya naman ang dalagang tinakpan ito ng bangs nyang kumukulot. Tumilaok ang manok ng pangalawang beses.
After a deep sigh, Caleb nudged Vera softly to enter her room and then he closed the door.
******
Vera woke up late. She’s very hungry. Downstairs she felt bad that everything is already laid out for her, including her lunch. Princess frowned when she saw her but didn’t say much.
“Nagseselos kasi sa iyo si Princess…” sabi ni Mhalen, they are cleaning one of the rooms in the villa that became a stockroom filled with old stuff, dusts, and cobwebs.
“Kaya lagi syang galit sa akin?”
“Hindi yun galit, inggit Siguro.” Natawang sabi ni Mhalen
"Buti hindi ka umiiyak? Nung bago si Mhalen dito ay napakaiyakin nyan." Sabi ni Bianca na nakasama na ni Vera sa byahe.
“Eh sa naaalala ko ang mga kapatid ko eh..."
"Buti nga mabait ang amo natin, pwedeng bumisita doon sa atin kapag nagpapadala tayo ng pagkain."
"Talaga?" tanong ni Vera, nagkapag-asa syang makikita nya ang pamilya nya ulit
"Oo, mababait ang mga amo natin..."
"Kayo rin eh, yung ibang mga markado parang laging mainit ang ulo."
"Oo nakaka-irita kasi sa una ang pasok ng lason sa dugo nating mga tao kapag kinakagat tayo, kaya nakakapag-init ng ulo. Para kang rereglahin, ganoon ang pakiramdam. Pero madalang naman kaming inumin ni sir Revin, pinagpapalitan nya kami." Kaya pala hindi malason ang mga dugo nila, sa isip-isip ni Vera.
"Masarap sigurong kumagat ang amo mo ano? Kasi Sheik sya eh...sosyal"
Nagtawanan sina Bianca at Mhalen
"Hoy! Marinig kayo ni Princess lagot kayo..." sabat ni Arjay na nagbubuhat ng mga kahon.
"Sus, hayaan mo sya..."
"Ayaw kasi ni Princess ikwento ang kanyang experiences sa kanyang panginoon, hindi daw sya kiss and tell." Nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi ni Clarisse.
Namula ang pisngi ni Vera.
"Bakit paisa-isa lang ng markado ang Sheik?" iniwasan nyang sagutin ang tanong kaya sya nagtanong.
"Ah...ganoon talaga si sir eh, basta maselan yun. Hindi yun basta- basta kumukuha ng markado, matagal magpalit, gaya mo kay Princess..."
"Kayong mga babae kayo puro kayo tsismisan. Ayan na si Princess."
Tumahimik ang grupo.
As the sun sets, Vera excitedly fixed herself and took the vitamins that Princess gave her, though she doesn’t really like medicine tablets.
"Kailangan mo yan, in case inumin ka ng ating panginoon ngayong gabi."
"H..hindi nya ako palaging iniinum..." alanganing sabi ni Vera, gusto nyang malaman kung normal ba ito. Ngumiti lang si Princess, first time nitong ngumiti sa kanya. Naintidihan ni Vera kung san galing ang kasungitan nito. Sya man ang palitan matapos ang mahabang paglilingkod ay nakakaselos din.
VEra confidently entered the Spria only to find it empty. Disappointed, she wondered where her master is. Biglang naisip ni Vera ang bilin ng amo nya bago sila maghiwalay.
"Pag-gising ko ay ikaw dapat ang una kong makita."
Hala! Mabilis na umikot si Vera para puntahan sa silid ang bampirang paniguradong gising na, nang bumangga sya sa dibdib nito at muntik nang bumagsak sa sahig. Mabilis syang nasalo ni Caleb na agad nya naman nayakap. Ramdam ni Vera ang kilabot nang idikit ni Caleb ang mukha nito sa tenga ni Vera at saka naramdaman nyang nilanghap sya ng lalaki.
"P..panginoon..." Marahang bumitaw si Vera, sobrang bilis ng t***k ng puso nya na para syang kinakapos ng hininga sa pagkakadikit ng ilong ni Caleb sa kanyang leeg. Inayos nya ang sarili at inalay ang kanyang braso sa amo. Pero kinuha lang ni Caleb ang kamay nya at saka hintaka sya papasok ng spria.
"Anong bilin ko sa iyo kanina bago tayo natulog?" Biglang ikot si Caleb at muling bumangga si Vera sa dibdib nito. Nakaka- disorient ang presence ng lalaki, halos hindi malaman ni Vera kung paano ipoproseso ang nadarama.
"S...sorry po."
Ngumiti lang si Caleb dito at saka umupo sa sofa hatak pa rin si Vera para tabihan sya.
Nang magdamag na iyun ay tinuruan ni Caleb na magsulat ng mga simbolo ang dalaga. Tuwang-tuwa si Vera, kuntento na magkatabi sila ng bampira, lalo kapag hinahawakan nito ang kanyang kamay para i-guide sa kanyang pagsusulat.
Gustong matawa ni Caleb sa ginagawa. Walang silbi sa markado nya ang skill na tinuturo nya dito, pero ito lang ang skill na alam nyang pag tinuro nya ay maglalapit ang kanilang katawan ng dalaga.
Napansin ni Vera na huminto ang galaw ng kamay ng lalaki na nakahawak sa kanya. Medyo humigpit din ito ng kapit sa kanyang balikat kaya nasaktan sya.
"P..panginoon? B..bakit po?" Tiningala ni Vera ang amo, nakita nyang naninigas ang panga ni Caleb na lalong nagpa-prominente ng gwapo nitong mukha. Tinitigan sya ni Caleb at kita ni Vera ang tila pag-ikot ng dugo nito sa mga matang namumula.
Ramdam ni Caleb na naabot na nya ang limit ng kanyang self-control. Torture na ang makadikit nya si Vera nang ganitong kalapit at ni hindi nya magawang inumin ito.
Sa isang iglap ay nakalayo sya sa dalaga at inamoy ang sariwang hangin sa bintana ng library. Tumayo si Vera, may ginawa na naman syang mali.
"P..panginoon?" Akmang lalapit si Vera, nakatalikod sa kanya ang amo at parang tensed na tensed ito.
"D..dyan ka lang!" May angil sa boses ni Caleb.
Kinilabutan si Vera sa takot. Ilang saglit ay huminga ng malalim si Caleb at humarap kay Vera na nakangiti. Kumalma ng konte ang dalaga, frozen sa kinatatayuann nya.
Nang gabing iyun ay pininta ni Caleb si Vera. Ito ang safest na pwede nyang gawin para makasama pa rin sa loob ng isang silid ang babae pero hindi sya matuksong tikman ang dugo nito. Determinado pa rin si Caleb na galangin ang dalaga at hindi ito bigyan ng labis na lason sa katawan.
Pakiramdam ni Vera ay mas nakapapagod ang basta na lang naka-pose kesa ang turuan syang magsulat. Buti at nakakalimutan nya ang pagod kapag tinititigan sya ng amo bago sya iguhit sa malaking papel na tumatakip sa mukha nito. Bagay na naiinis ang dalaga dahil hindi nya masilayan ang mukha ng bampira.
"Wag kang malikot..." sasabihin agad ni Caleb bago pa makasilip si Vera. Malayo rin ito sa kanya, samantalang mas gusto ni Vera na magkatabi sila sa sofa. Nang sumilip si Caleb ay nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti si Vera, dikta ng sikdo ng puso nya.
Doon nya naalala ang damdaming nadarama sa tuwing hinahawakan nya ang pinta ni Helen sa Hebron. Narealize ni Vera kung ano ang nadarama. Hindi lang ito sire-bond. Kaya pala sobrang pamilyar ng nadarama nya dahil naramdaman na nya ito. Ang titig ng pagmamahal ni Helen sa lalaking nagpipinta sa kanya ay naradama ngayon ni Vera at ang pagmamahal na ito ay higit pa ng kay Helen.
Mahal nya ang among bampira. Nangatog ang katawan ni Vera sa realization na ito. Expected naman nyang may iba syang damdamin sa among bampira. Pero ang aminin sa sariling kahawig ito at higit pa ng nadarama ni Helen sa lalaking tinatawag nilang Caleb ay isang malaking rebelasyong tila lumunod sa puso ni Vera sa sobrang saya.
"Wag kang malikot." Muling utos ni Caleb sa kanya at saka ito nag- concentrate magpinta.
Narelax si Caleb sa ginagawa, tanda nya sa buhay nya bilang taga Hebron na nagpipinta na sya noon. Kung ano ang pinipinta nya ang hindi nya maalala sa ngayon. Dahil concentrated si Caleb sa pagpipinta ay naanguluhan ni Vera na mapagmasdan ang among bampira.
Ngayon na inamin nyang mahal nya ang lalaki ay gumaan ang puso ni Vera sa isiping binibitbit sya ng kanyang tadhana patungo sa isang destinasyong matagal ng nakatakda. Pakiramdam ni Vera, nasa eksaktong lugar sya kung saan sya nararapat at walang mali sa mga nangyayari sa buhay nya, kahit itinapon na nya ang kanyang dangal bilang tao at hindi nya pinahalagahan ang pagmamahal ni Yswah sa kanya.
May parte sa pagkatao nya na nananabik sa Hebron at sa mga tao doon, pero alam nyang ang mabuhay na malayo sa among bampira kahit saang paraiso pa sya makarating ay kulang sa kabuuan ng kanyang buhay.
Natulala si Caleb habang pinagmamasdan ang mukha ni Vera na tila nakatulala at may malalim na iniisip. Gusto nyang alamin kung anong naglalaro sa isip nito pero higit syang nasisiyahang pagmasdan at titigan lamang ito buong magdamag.
******
Sa Cintru, Hinang-hina pa rin si Salome sa isip ay puro mukha ni Caleb ang nakikita nya.
I will see you soon, my live….soon, pangako ni Salome sa sarili habang masuyon syang inaalagaan ng asawang si Khadiz.