KAMARA

2299 Words
Vera and Samuel are in awe when they stepped out of their cart.  Ngayon lang si Vera nakakita ng naglalakihang mga buildings.  The plants and trees are real kaya sobrang green at maaliwalas ang hangin sa paligid.  Kahit madaling araw na ay napakarami pa ring tao sa station ng mga karwaheng hila ng kasno.  Sunod-sunod ang dating ng mga naglakbay galing sa iba't ibang communities sakay ang mga taong magbebenta ng kanilang mga sarili. Napakaliwanag ng kahabaan ng kalye dahil sa mga naglalakihang ilaw at hile-hilera ang mga tindahan ng samo’t saring mga bagay na bukas pa din.  May mga pagkain, damit, sapatos, home appliances, at kahit mga laruan na nakadisplay sa maliliit na shops.  Naalala tuloy ni Vera ang mga pinsan nya.  Ang saya siguro kung maiipamili nya ang mga ito. When the fresh breeze of air touched Vera's skin, she opened her mouth to inhale it deeply, then exhaled the excess wind from her satisfied lungs.   Dinala ng sariwang hangin ang binugang hininga ni Vera sa terrace kung saan nakatayo si Caleb at nagmamanman.  Sa lakas ng mabangong samyo ay parang sinapok ang sheik, kaya na-trigger ang halimaw nitong tinatago sa kaloob-looban ng pagkatao.   Hindi pa nakatulong na tumingin si Vera sa hotel kung saan naroroon si Caleb at Ngumiti na akala mo ay may nakikitang dapat ngitian dito. ****** Vera and Samuel are assigned room to clean themselves and rest.  Pagod na pagod ang dalawa sa byahe at ngayon lang nila maihihiga ang katawan sa malambot na kama.  Dahil sarado ang opisina ng Kamara sa umaga ay hinintay muna ng lahat magdilim bago umpisahan ang proseso ng bentahan. Kinagabihan, nang lumabas ng silid si Vera ay napayuko si Samuel.  It true, Vera is very beautiful now that she's cleaned up and wearing new clothes.   Hindi nakakapagtaka na halos maulol lahat ng halimaw sa dalaga pati mga markadong alipin.  Samuel's greatest worry is the discovery of Vera's blood.  Paano kung malaman nilang may dugong liwanag ang pamangkin?  Anong mangyayari dito?  Sa isip-isip ni Samuel. "Handa na ako tito..." Simpleng bestida ang suot ni Vera na maluwag at presko sa kanyang katawan.  Ni wala itong kamalay malay sa tinatahak nitong bagong buhay. Kamara is alive and dazzling as darkness covers the sun.  It's extremely cold though, that's why the humans are provided fur coats and gloves.  Napakaraming ilaw kaya sobrang liwanag. Kita rin ni Vera ang mabibilis na aninong tila lumilipad sa ere. Mga rafa ito na nagbabantay sa lugar laban sa mga shallit at rufus.   The stores are open and registered humans for sale are free to grab anything they want.  It's one of the perks of selling yourself as slaves. Nirehistro ni Vera ang sarili sa unang station at binigay ang numerong tatak ng tiyahin.  Moments later, she is given chips to use in exchange of the items she wants to get from the store.  Puro laruan at pagkain para sa mga pamangkin ang binili ni Vera. "Tama na Vera, sobra-sobra na ito."  Tanggi ni Samuel "Sige na tito, pagbigyan nyo na ako.  Mamimiss ko ang mga pinsan ko ng husto.  Sabihin nyong bigay ko ito sa kanila ha..."  Pakiusap ni Vera. "Hindi totoong masasama ang mga rafa.  Mababait na amo sila, basta't maayos lang kayong susunod sa mga gusto nilang gawin nyo..." sabi ng isang recruiter sa mga taong hindi pa decided kung magbebenta ng dugo.  Pinapaliwanag rin nito kung paano maging isang markado.  Kahit si Vera ay nagalingan sa sales pitch ng recruiter, dahil dito ay maraming na-entice na mga taong ibenta ang kanilang sarili nang gabing yun. "Proteksyon sa pamilya nyo ang kapalit.  Kasama pati pagkain at supply ng lahat ng inyong panganga-ilangan, ano pang hinihintay nyo? Nakatakda tayong mga taong maglingkod sa mga rafa.  Isang marangal na desisyon ang maging alipin nila." Patuloy pa nito. "Dito! Dito ang mga magpapa blood test..." Sigaw naman ng isang markado na nasa katapat na pwestong tinatambayan nila Vera.  Mahigpit ang hawak ni Samuel sa pamangkin, napansin din ni Vera na sumusunod pa rin sa kanila ang ibang rafa na gusto syang bilhin kanina pa. Napalunok si Vera. Wala nang atrasan ito, sa isip-isip nya. Sa isang malaking tent pumasok ang mag-tiyuhin. Pila ang mga nagpapa blood test doon pero nagkita pa rin sila ni Lyzanne. "Hoy, andito ka pala. Buti naman pumayag ka nang magpa-marka..." Nilapitan sya ni Lyzanne. Napakamasayahin at sobrang giliw na kausap nito.  Siguradong magugustuhan ito ng rafang nakabili na dito, sa isip-isip ni Vera. "Oo nga eh..." "Alam ba ito ni Mona? Kanina andito sya eh..."  "Talaga? Hindi pa nga ako nakapag-paalam sa kanya..." "Verakah! Verakah Belen!" Sigaw ng isang markadong lalaki sa loob ng maliit na opisina. "Tayo na yun..." Tumayo si Samuel saka kinuha ang kamay ni Vera.  "Sige ha..." paalam ni Vera kay Lyzanne. "Sige, goodluck. Sana magkasama tayo..."  "Sana nga..." Hinarang ng dalawa pang markado si Samuel nang malapit na sila sa pintuan ng silid kung saan tinawag si Vera. "Sya lang ang pwedeng pumasok."  One of the marked slaves stared at Vera closely.  Vera saw the worm-like bumps start to move around the slave's face.  Nabubuhay ang lason ng Rafa sa dugo ng markado sa tuwing naamoy sya ng mga ito, alam na ito ni Vera ngayon. "P..pero..." Gustong magprotesta ni Samuel.  "Dun ka muna sa labas..." sabi ng isa pa. Vera looked at her uncle and smiled, assuring him that she'd be alright as she let go of his hand and went inside. Isang babaing markado ang naghihintay sa loob ng maliit na kwarto.  Hawak nito ang isang tablet kung saan makikita ang record ni Vera. "Hmmm... biglang uminit ang dugo ko sa iyo..." sabi ni Cecille na tila nagtataka nang lumapit na si Vera dito.  Hinawakan ng markado ang maliliit na bukol na lumalabas sa pisngi nito.  Umiwas ng tingin si Vera sa nakadidiring bukol.  Hindi pa si Vera masyadong mabango sa markado kaya hindi nito alam ang dahilan kung bakit nagwawala ang lason sa dugo nito. "Hubad..." Sabi ni Cecille, malaking babae ito na sexy manamit kahit lumuwa ang bilbil nito sa suot na hanging blouse. "P...po?" Nagulat si Vera "Bingi ka ba? Hindi tataas ang presyo mo kung ganda lang ang ibebenta mo. Hindi ka lang markadong pagkain, katulong ka rin ng mga rafa. Taga laba ng damit nila, taga linis ng bahay, at kung ano ano pa.  Kailangan kong makita kung kaya nga ng katawan mo ang trabaho."  Biglang sumungit ito. Natulala lang si Vera. "Pag hindi ka naghubad, magpapapasok ako ng rafa dito para hubaran ka!" Agad hinubad ni Vera ang suot na bestida. Takot sya sa i-re-react ng isang rafa sakaling makita sya nitong walang saplot. "Lahat..." Sabi ng babae. Namuo ang luha sa mga mata ni Vera habang naghuhubad.  Cecille inspected Vera's naked body from head to toes.  Sinisigurado nitong walang kahit anong kagat si Vera ng ibang rafa. Lahat ng sulok ng katawan ni Vera ay pinisil at hinawakan nito. "Hmmm... maganda ka...malinis... ilalagay kita sa VIP section…" Cecille suddenly grabbed Vera in between her legs and inserted a finger inside her. "Ahw!" Doon na umiyak ang dalaga, feeling ashamed of herself for the first time. "Masikip ka pa...Hmmm...akalain mo yun, tumanda ka na walang sumalbahe sa iyo..." Nakita nito ang luha ng dalaga. "Wag ka nang umiyak. Pasalamat ka nga at ako pa ang nag-check sa iyo.  Kung yung iba kong kasamahang lalaki, malamang ginamit ka muna nila bago ka palabasin dito.  Sige magbihis ka na.” "Cecille ang tagal mo naman!" Sumilip ang isang lalaking markado.  Mabuti na lang at bihis na si Vera. "Eto na tapos na. Sa VIP section ang isang ito." Saka ito nag-air drop ng files ni Vera papunta sa wrist gadget na suot ng lalaki. Tinitigan ng markadong lalaki ang digital chart na binigay ni Cecille. Napangiti ito sa nabasa doon. Saka tiningnan si Vera.  "Talaga? Virgin ka pa?  Hmmm, sayang! Sana pala hindi muna ako nag-break..."  "In your dreams. As if afford mo ang isang ito eh alipin ka lang." Sabi ni Cecille. "I've got money.  Hindi tayo aabot sa ganitong posisyon sa Kamara kung hindi tayo mapera." Pansin nga ni Vera na iba silang magsalita at kumilos. Nagbabasa rin sila at marunong gumamit ng mga gadgets na ngayon lang nakita ni Vera. "Eh di mag-bid ka, mayaman ka pala eh." Sabi ni Cecille.  Pansin ni Vera na walang bumukol sa mukha ng lalaking markado.  Naisip ni Vera na hindi sya naamoy nito.  Anong gusto nya sa akin?  Bakit sya magbi-bid? Sa isip-isip ni Vera. Sa ibang malaking silid naman dinala ng lalaki ang dalaga at pinapila ito.  Ilang saglit at bagong markado na naman ang kaharap ni Vera.  Nang binasa ang files ng dalaga ay kinuha nito ang braso ni Vera at saka tinusok ng malaking karayom. Ahw!  Sa isip-isip ni Vera, kanina ay tinusok sya ng babae sa kanyang puerta, ngayon naman ay uubusin na ata ng lalaki ang dugo nya.  Pumikit si Vera at pilit tinitiis ang lahat ng nangyayari sa kanya. "Masanay ka na sweetheart..." Sabi ng markado na orange na ang mga mata.  Napatitig si Vera sa mga mata ng lalaki matapos nitong dumilat.  "Kapag malapit ka ng maging rafa, nag-iiba na ang kulay ng mga mata mo. Ngayon ka lang nakakita?" Tumango si Vera.  Napansin pala ng markado ang pagtitig nya. "Ilang buwan na lang rafa na ako..." Sabi nito sabay ngiti kay Vera. Iba talaga ang mga markado sa Kamara, sa isip-isip ng dalaga.  Ang hindi alam ni Vera ay galing sa 1st class community ang mga kaharap nyang markado na aral, mayayaman, at galing sa prominenteng lahi ng mga tao. "Y..yung ibang markado... may lumalabas sa balat nila na parang gumagapang kapag..." wala sa sariling natanong ni Vera. "Ah lason ng amo nila yun, nagre-react sa dugo ng taong natatakam sila..." "I..ikaw...wala..." "Dahil hindi ka gusto ng dugo ng amo ko at hindi rin kita gusto. Parehong lalaki ang gusto namin." Sabay malandi itong humalakhak. Nagtinginan ang ibang nasa paligid nila. "In fairness ha, sa dami ng pedophile sa mundo, bakit ang linis-linis ng record mo?" Patuloy ng lalaki na parang hindi ito nag-iingay.  "P..pedophine?" Mali pa ang pagkakasabi ni Vera. Humalakhak muli ang baklang kaharap ng dalaga. "Gusto kita. Ang genuine ng kainosentehan mo. Hindi lang dugo ang bentahang nagaganap sa mundo, meron pang iba." Sabi nito kay Vera. "A..ano?"  Meron pa palang ibang pwedeng ibenta bakit di na lang yun ang ginawa nya?  Sa isip-isip ng dalaga. "Yang sugat na hindi gumagaling na nasa pagitan ng hita mo, pwede mong ibenta yan para hindi ka maging markado." Namula ang pisngi ni Vera sa narinig.  Naalala nya ang ginawa ni Cecille sa kanya kanina, ang dahilan kung bakit sya gustong bilhin ng lalaking kasama ni Cecille, pati ang pagpasok ni Gido sa silid nya.  Muling tumawa ng malakas ang lalaking kaharap.  He saw Vera shuddered and he was amused by it. "Sige balik ka na sa labas, tatawagin ka na lang pag may resulta na." Inabutan sya ng lalaki ng basket ng sari-saring pagkain. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "Sa akin?" tanong nya. Tumango ang lalaki. "Kainin mo.  Kailangan mo yan, para kapag napili ka na ng rafa mo eh may sustansya ang dugong dadaloy sa ugat mo lalo at ang dami kong kinuhang dugo sa iyo." Agad kinuha ni Vera ang basket.   Sa labas ay tensed na naghihintay si Samuel. He released a sigh of relief when he saw Vera coming towards him. "Wag ka nang mag-alala tito.  Maayos ako..."  Napansin ni Vera na Nakatingin sa braso nyang may bandage ang tiyuhin. Inabot ng dalaga ang basket na bigay sa kanya kanina. Binuksan nila ito at kumain ng mga prutas na naroroon. "Naiisip kong kapag nag negatibo ang dugo mo, hahanap tayo ng ibang komunidad, hihiwalay tayo kina Gido." Maya-maya ay sabi ni Samuel. Marami itong iniisip habang nasa loob si Vera ng silid.  "Ibibigay nya sa iyo ang kalahati ng bahay tito..." "Wala akong paki-alam sa bahay. Hindi ko kaya. Itong ginagawa mo ngayon ay hindi ko na kaya.  Parang binebenta mo pati kaluluwa mo. Pero kung mapupunta ka kay Gido...mabuti pang patayin ko na lang sya." "Tito!" Bago pa nakapagsalita si Samuel ay may narinig silang boses sa intercom. "Sa mga naghihintay, makikita nyo ang resulta sa screen na nasa inyong harapan. Kapag negatibo ay dadalhin kayo sa inyong komunidad pabalik.  Siguraduhin nyong may anak na kayo isang taon matapos ngayon. Bibigyan kayo ng supply ng pagkain habang kayo ay nagdadalang tao. Kung gusto nyong ibenta ang inyong sanggol ang presyo at pagrehistro ay makikita nyo rin sa screen subalit...."  Vera ignored the announcement and leaned on her uncle's shoulder to sleep.  Hindi ito sanay na napupuyat sa gabi kahit nakapahinga ito buong araw. ****** There's one area in Kamara that's off limit to humans.  Napaka-high tech ng lugar at mga matataas na uri ng rafa, royal vampires, at sheiks lamang ang pwedeng makapasok dito.  Ang bawat nilalang ng dilim ay may kanya-kanyang private cubicles where they can taste blood samples and place bids on them.  Yaman sa yaman ang labanan ng mga bidders na naroroon. Tiningnan ni Salome ang tatlong slides ng dugo na napili nya para sa kanyang sarili. Isa na lang ang hinahanap nya, dugo para kay Caleb.   “Madame...ito po ang mga dugong classified na may pinakamataas na quality.” A high level rafa entered Salome's cubicle and offered a new set of freshly extracted blood. Mainit-init pa ito kaya agad dinilaan ni Salome ang bawat slides.  Salome groaned with pleasure and finished off all the remaining blood. “Hmmm…wow…ito ang gusto ko…Blood of a virgin huh…rare…And yet… there’s something more.”  Hindi mapigil si Salome sa paghimod sa slide na may dugo ni Vera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD