Apat na araw na silang naglalakbay papuntang Kamara, sobrang bilis pa ng mga kasno sa lagay na iyon. The travel is tiring but the humans are surprisingly being treated well.
Samuel and Vera befriended other people they're traveling with. In the morning, marked slaves are in-charged of the journey while the rafas are sleeping in their secured carts.
In the evening, rafas are roaming around and driving the carts. Natutulog naman ang mga markado matapos silang inumin ng kani-kanilang mga amo.
May mga okasyong nagigising si Vera sa sigawan at mabahong amoy. This means that the marked slaves or rafas are fighting off shallit and rufus to protect them. Sa umpisa ay nakakatakot ma-stuck sa gitna ng kawalan habang nagkikipaglaban ang mga bantay nila, pero nang tumagal ay nasanay na rin sila kapag biglang humihinto ang mga sasakyan nila sa gitna ng daan.
"Unang beses mo pa lang?" Si Mang Tinoy na tinanong si Samuel, kakilala na ito ni Samuel sa Agar pa lang. Tumango si Samuel.
"Sa umpisa lang mahirap, pag tumagal, masasanay ka rin." Si Aling Azon, bagong kakilala nila ang babaeng magbebenta ng apo.
Pangatlong anak naman ni Tinoy ang dala nito. The girl is 12 years old, Vera thought of Jean and shuddered. Kung sya nga ay hindi kinakaya ng Utak at puso ang nangyayari pano pa kaya yung ganito kabata? Yet looking at the girl beside Aling Azon, parang wala lang sa bata ang mangyayari sa kanya sa Kamara.
"Gagawin ko ang lahat tito, wag lang mapunta ang mga pinsan ko sa Kamara..." bulong ni Vera sa lalaking katabi. Napaluha si Samuel, umiwas ito ng tingin sa dalaga.
Masagana sa pagkain ang mga naglalakbay. Ngayon lang si Vera nakatikim ng masusustansyang pagkaing gulay, prutas, at karne. Kahit tubig na iniinum nila ay manamis-namis at masarap ang lasa. May maayos na linisan ng sarili ang mga tao at bagong damit na rin na pampalit nila. Hindi na kailangan nila Vera ng mga gamit dahil lahat ay provided na.
During the day, marked slaves are still all over Vera. They are harmless and sometimes kind to them in spite of their obvious obsession. Madalas ay may special treatment na nakukuha sina Samuel mula sa kanilang mga bantay, gaya ng mas maraming supplies ng pagkain at gamit.
"Iba ang itsura nya no?" Rinig ni Samuel na usapan ng mga markado habang kumukuha sila ni Vera ng pagkain.
"Pure na lahi daw yan kaya ganyan ang itsura." Sabi ng isa
"Sa mga lumang libro at pelikula lang daw nakikita ang ganyang classical na ganda sabi ng amo kong rafa..."
"Ano yung libro at pelikula?"
"Hay naku, palibhasa hindi matalino ang rafa mo kaya hindi mo alam. Noong unang panahon, sa lumang mundo ay ginagamit ang libro at pelikula sa pag-aaral ng mga tao."
"Ganun ba yun? Anong pinag-aaralan nila?"
"Aba'ý malay ko."
"Hmmm... naamoy mo ba?" tanong ng isang markado nang dumaan si Vera at humangin.
"Sh*t, ang bango nga!" sabi ng isa.
"Hindi ko maamoy..."
"Bago ka pa lang kasi, hindi mo pa nade-develop ang senses mo, hindi kagaya namin na matagal ng markadong pagkain."
Nakita na naman ni Vera ang mga malalaking uod na gumagapang sa balat ng mga nag-uusap. Tumayo ang balahibo nya sa takot at pandidiri.
"Ramdam mo yun?" sabi ng isang markado habang kinakapa ang bukol sa leeg na gumagapang sa pisngi nito.
"Oo, ramdam mo rin? Parang kumakawala at sumasayaw ang lason sa katawan natin sa bango nya no?"
"Bigla akong naglaway…"
Bilis-bilis kinuha ni Vera ang pagkain at bumalik sa karwahe. Tolerable pa ang mga ito dahil mas aggressive at ang hirap kalmahin ang mga rafa sa gabing madalas umaligid sa karwahe nila Vera.
Paglubog ng araw ay isa-isang sisilip ang mga rafa kay Vera at saka aamuyin ang sasakyan nila na akala mo ay may niluluto sa loob na masarap na pagkain. Vera always pretends to be asleep at the farthest side of the cart, shielded by Samuel.
Minsang nakahinto ang sasakyan, kung saan Tahimik na natutulog ang mga sakay habang pinapakain ng mga rafa ang kasno, ay nagisnan ni Vera at nabungaran ang isang bampirang iniilawan sila ng flashlight.
“Ikaw! Bumaba ka!” Sabi ng rafa nang nagising si Vera at aksidenteng napasilip kung saan nahagip ito ng ilaw ng flashlight.
“Hindi ka kasama, yung babae lang.” Sabi ng rafa nang akmang tatayo si Samuel para lumabas.
“P…ero!”
“Wag kang magpumilit kung ayaw mong masaktan…”. Sumilip si Lupen.
“Ang pamangkin mo lang ang gusto ko.”
“T…tito…”. Nangangatog na sabi ni Vera, Sabay kapit sa tiyuhin Nito.
“Wag kang matakot sa akin, hindi ko sasaktan ang tito mo kung sasama ka sa akin saglit may gusto lang akong sabihin sa iyo…”. Kay Vera ay malambing ang boses ni Lupen.
Natatakot man ay napilitang bumaba si Vera ng sasakyan.
“H..hindi!” Sabi ni Samuel
“T..ito…wag. Please…sina Jean, isipin mo ang mga pinsan ko.” Vera reminded Samuel while on the verge of tears.
Mabuti at sa baba lang naman ng sasakyan kinausap ni Lupen si Vera. Marami ring parang lumilipad na rafa sa paligid at ilang taong nasa labas din ng sasakyan hindi kalayuan sa kanila.
"Wag kang matakot...naisip ko lang...pagdating sa Kamara, pwede nating parehistro ang pangalan mo sa pangalan ko lalo at wala ka pa palang tatak..." sabi nito sa maamong salita pero nakakikilabot na boses
"H..hindi ko po alam kung..."
"Pumayag ka lang, sabihin mo lang na ako ang rafa mo. Kung papatikim mo ang dugo mo sa akin kahit kaunti lang eh malalagay ko ang lason ko sa dugo mo at magiging ganap ka nang sa akin. Ako ang bahala sa pamilya mo. Kahit ngayon, malalagyan ko ng credit ang tatak ng tiyuhin mo."
Hindi makapagsalita si Vera, hindi nya masabing walang tatak si Samuel. Pero inabot ni Yna ang numero ng tatak nito sa asawa bago sila umalis.
"Pagdating nyo sa Kamara, ipa-activate mo ang numero na yan para dyan ma-credit ang bayad na makukuha mo mula sa pagbebenta kay Vera." Bilin ni Yna sa asawa. Vera saw her uncle’s jaws clenched in anger, so she memorized Yna's number instead and held Samuel's hand to calm him down.
"Sige na, hindi ka magsisising paalipin sa akin..." pamimilit ni Lupen. Gustong maduwal ni Vera sa sinabi nitong alipin. Vera felt like she's been stabbed hard in the heart. The idea of being a slave made her want to p**e.
Napaatras si Vera sa gilid ng sasakyan nang unti-unting nilalapit ni Lupen ang mukha nya sa mukha ng dalaga na para bang hahalikan sya Nito.
"Lupen!"
Tinig mula sa dilim ang narinig ni Vera. Sa isang iglap ay nasa tabi na ni Lupen ang isa pang rafa. Kakaiba ang itsura ng rafa, ito ang sinasabi ni Mona na gwapo, disente, at mukhang mayaman.
May sinabi ito kay Lupen na hindi marinig ni Vera. Bumagsak ang mukha ni Lupen at saka ito umalis. matapos tingnan si Vera na may panghihinayang.
“Ikaw, bumalik ka na sa karwahe mo." Utos ng natirang rafa kay Vera na agad namang sinunod ng dalaga.
Nahur knows that Vera is the center of tension between marked slaves and rafas all throughout their travel. Sa tagal ng pamumuno nya sa pagdadala ng mga pagkaing tao sa Kamara taon-taon ay alam na nya ang kalakaran sa kalakalang nagaganap.
Agar is a 3rd class community, the quality of humans and blood in the place is very inferior, average at best. Kaya naman maliit lang ang supply at budget nito na syang nagiging dahilan para lalong bumaba ang kalidad ng dugo ng mga tao dito.
The first time Nahur saw and smelled Vera even from a far, he knew that the girl's blood is first class, rare even. Kung paano ito napadpad sa Agar ay isang misteryo para sa kanya.
First class communities house human elites. They have relatives from higher ups and their blood is usually expensive. Their visits in Kamara are only for formality since the biddings are often done underground.
Labas ang ganitong business transactions sa tinakda ng treaty, pero iba ang batas na nakasulat sa pinapatupad. May ganito rin namang under the table na kaganapan, lalo sa mahihirap na lugar, pero mahigpit na ipinagbabawal ito para magkaroon pa rin ng appearance na natutupad nga ang treaty.
if Vera grew up in a first class community, she'd be sold as a baby smelling like she is. Sigurado si Nahur na matataas na uri ng rafa ang magkakagulo para bilhin si Vera sa Kamara.
Hindi ang amoy o itsura ni Vera ang higit na nakapukaw ng atensyon ni Nahur, kundi ang ba'lat ni Vera sa noo. There were times when Nahur saw that the birth mark changed colors or was lighting somehow, hindi lang nya masiguro kung namamalikmata lang sya.
The changes usually happens when the girl is under a lot of stress. Gaya nang kausapin ito ni Lupen, napansin ni Nahur dahil parang may umilaw sa mukha ng babaeng masakit kung titigan nya ng matagal.
Kaya naman mabilis nyang sinaway si Lupen sa balak nito. Nang makalapit sa babae ay wala naman itong ilaw sa mukha.
Maging si Nahur ay natutukso kay Vera, kaya nga panay ang inom nya ng dugo ng kanyang markado at umiiwas sa karwahe nito. He doesn't want to expose himself to the temptation of being too close to the human girl.
First, he was taught by a close friend to value human lives. Second, he still have human relatives. Third and the most important, the birth mark of Vera scared him. Parang may malalim na meaning ang ba'lat nito. Marka ito na ang ibig sabihin ay may nagmamay-ari na sa dugo ng babae at ang agawin ito sa nag-mamay-aring iyon ay magiging katapusan nya kahit wala syang kamatayan bilang rafa.
That's why Nahur promised himself to protect Vera for as long as she's under his care. Kapag naalis na ito sa kanyang responsibilidad ay mawawala na ang takot nya kahit ano pa man ang mangyari dito. All he wants is to bring the girl to Kamara safely and not be responsible of her anymore.
******
Caleb is checked-in at the penthouse of the 7-star hotel in Kamara. From there the sheik can see everything that's happening in the market. With his razor sharp vision, he can see even the specks of dust as the carts with humans arrived one after another. It was then that the first ray of sunrise peeks its way into the darkness.
Maayos at mukhang hindi naman napipilitan ang mga tao base sa observation ni Caleb. Mukhang malulusog ang mga ito kahit ang ilan ay tila mapapayat. Hindi pa rin maiwasan ni Caleb na mangamba para sa mga ito.
Maging pagkain o palahian, wala na bang ibang choice para mas mabuhay silang may karangalan? Anong nagtulak sa kanila para ibenta ang sarili?
Gutom o hangad ng kayamanan at tagumpay, bulong ng isang tinig mula sa kanyang kaloob-looban. Ikaw man ay gutom na gutom na rin hindi ba? Patuloy pa nito.
Pumikit si Caleb, pilit inaalis ang memorya ng mabangong amoy ng mga tao sa paligid, pero hindi pa rin nya maiwasang hindi maglaway. He hates his nature and feeling such as this makes him hate himself more.
Ang konswelo na lang nya ay ang struggles nya sa pag-control sa sarili. The pain and torture make him feel something kahit papano. Apart from the pain, his isolation, loneliness, and numbness consume whatever part of him that exists, to pieces, hanggang sa ikabaliw nya ito. Hunger is better than all of those combined.
Isang napakabangong hangin ang tumama sa ilong ni Caleb, bigla syang napakapit sa bakal na railings ng terrace at nayupi ito. Napaatras ang sheik, sabay angil na masakit sa tenga, parang may halimaw na gustong lumabas sa katauhan ng bampira.
Like a hunter, parang gustong mawalan ng control ang lalaki. Agad nyang hinanap ang pinang-gagalingan ng napakabangong amoy.
Gamit ang napakalinaw na paningin ay ilang sasakyang dumating ang dinaanan ng kanyang tanaw hanggang tumama ang mga mata nya sa isang babaeng bumababa mula sa karwahe. Sa mga mata ni Caleb ay parang may kakaibang kulay ng aura ang babae na pinagmumulan ng napakabango nitong amoy.
Noon biglang umikot ang ulo ng babae at saktong tumama ang mga mata ni Caleb sa mata ng nito, saka ito Ngumiti sa kanya ng buong tamis.
“Mine!” Nagulat sya sa sariling pag-angil. Akmang tatalunin ni Caleb ang terrace kahit nasa pinakamataas na floor sya marating lang ang babae, nang nasilaw sya ng sumikat na liwanag ng araw.
Umungol ang bampira sabay atras papasok ng silid. Bagsak ang lalaki sa sahig habang namimilipit sa sakit. Sa maliit na liwanag ay umusok agad ang balat ni Caleb.
Nang maka-recover ay muling Naalala ni Caleb ang amoy. Umangil na naman sya. He is decided to hunt that mouth-watering smell.
“Stop it!”
Shocked, hinanap ni Caleb ang sumigaw sa kanya. Walang tao sa silid nya kundi sya lang.
******
“Stop it!”
Nagulat si Husea sa lakas ng ungol ng ama na parang galit na galit ito. Hindi naman nya maintidihan ang sinigaw ng piping Zseir.
Sunod-sunod ang prophesy na nakikita nito halos araw-araw.
Bumuntong hininga si Husea habang nakatinging muli sa natahimik na ama.
******
Sa Kamara, alanganing bumaba si Vera sa karwaheng sinasakyan. Papasikat na ang araw pero wala pa syang maayos na tulog.
Napanganga si Vera sa naglalakihang buildings na first time nya lang Nakita sa tanang buhay nya. Napaka-modern ng Kamara. Inikot ni Vera ang mga mata hanggang dumako sya sa pinakamataas na building hindi kalayuan, dahil sa pagkamangha ay Napangiti si Vera ng buong tamis sa 7-star hotel na akala mo ay meron itong tinititigan.