Salome knows how stubborn Caleb can be especially in refusing to drink human blood. Sabi ni Revin ay puro dugo ng usa at leon ang iniinum nito, nandidiri si Salome sa idea. Dapat hindi malaman ninuman ang ginagawang ito ni Caleb, lalong magagalit at magdududa ang angkan ni Khadiz sa loyalty ng lalaki. Iisipin ng mga itong hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ni Caleb ang pagiging sheik nito.
She argued with Revin into buying Caleb two human slaves but Revin insisted that Caleb will only accept one since Princess is still alive. Salome gave in but decided to give Caleb the most expensive blood available on the market.
Matagal pang ninamnam ni Salome ang dugo ni Vera. Kung hindi lang nya Sobrang mahal si Caleb ay bibilhin nya ang dugo para sa sarili, but she wants Caleb to have a feast and the rare blood is perfect for him.
"Negative nga lang sya madame...baka gusto nyong palahian o mag-bid sa kanyang magiging sanggol…"
Nag-isip si Salome.
"Nope, i want her, i have other plans. Baka kapag nalahian sya ng kung sino lang ay hindi kasing lasa nya ang dugo ng sanggol."
"Pero sa treaty po kasi ay..."
"Sino ba ang nagsulat ng treaty?" Salome asked sharply. The rafa licked his lips nervously.
"K..kayo po..."
"Then i can break it right?"
"O..opo..." The rafa agreed, Salome's reputation is known to everyone. She's notoriously violent and deadly when crossed. Isa pa, sinong magtatangkang tumanggi sa reyna ng buong Silangan?
Nang umalis na ang rafa ay inayos na ni Salome ang sarili. Tapos na ang trabaho nya sa Kamara. She knows that Caleb is already in the area, observing the whole operation of the market. Sinisigurado nitong walang taong nababarat at pinupwersa sa kanilang pagbebenta ng sarili. How noble, sa isip-isip ni Salome.
"Eh.. madame..."
"O bakit andito ka na naman? Ibigay mo na sa mga rafa ko ang mga bago kong pagkain. I-package na para matikman na namin bukas ng gabi…"
"May mga iba po kasing bidders madame eh..." Pinakita ng rafa ang listahan ng mga nag-bid kay Vera. Nag-init ang ulo ni Salome. Napakahaba ng listahan, halatang mabenta ang taong napili nya considering na hindi lahat ay may perks na tumikim ng dugo prior to the bidding. How come this one has this much bids even from low level rafas?
"Kilala mo naman kung sino ako hindi ba?" malambing na sabi ni Salome.
"O..opo..." nataranta na naman ang rafa.
"Pwes, sabihin mo sa mga nag-bid na kung kakalabanin nila ako, siguraduhin lang nilang mananalo sila sa akin!"
Salome's growl was so loud and sharp that glass walls cracked and sheiks in other cubicles came out shocked and curious.
Isang aristokratong lalaki ang mabilis na pumasok sa cubicle kung saan nagwawala na si Salome.
“M..my dear Salome... a…anong problema?" Si Ruel ang lumapit sa babae. Ito ang host ng buong okasyon sa Kamara. Ang anak ni Yzami na isang 1st level Sheik na gaya ni Salome.
"Hindi mo ba kayang ibigay sa akin ang gusto ko Ruel? Umiikli na ang pasensya ko!”
Mabilis na pinaliwanag ng rafang nanginginig sa takot ang sitwasyon.
"I will owe you big time kapag binigay mo sya sa akin..."
"Sure Salome, gagawan natin ng paraan."
"Good. I will expect na nasa sasakyan ko na sya kasama ng mga ibang pinamili ko bago pa man lumampas ng alas dose ng gabi." Yun lang at tumayo na si Salome, kanina pa naghihintay sa kanya si Caleb.
******
"She wants her that bad?" tanong ni Yzami na kapatid ni Khadiz. Gaya ni Salome ay may dugong Asian si Yzami pero may halong Afrikan na higit na matapang at kita sa itsura nito. Kung maliit si Salome na teenager at cute sa unang tingin, si Yzami ay nasa kanyang prime sa edad na 26 at babaeng-babae sa ganda at alindog.
"Opo panginoon..." Sabi ni Ruel
"Puntahan mo si Lekan, isa rin sya sa nag-bid..." sabi ni Yzami. Mabilis namang tumalima ang sheik.
This will be interesting sa isip-isip ni Yzami, magsasabong na naman ang dalawa. Ni-review ni Yzami ang data ng dugo ni Vera sa gadget na nakatanim sa kanyang braso.
As the head of technology and advancement in the new world, Yzami has full access to all digital information. Only royals and sheiks have levels of access in the technology while rafa and ordinary humans have none.
Hindi pa man tapos ang bidding ay dinaya na ni Yzami ang resulta. Syempre si Lekan ang panalo sa bid. Why would she allow Salome to win again? Pinayagan na nga nyang doktorin ang status ng babae, naging pagkain ito sa halip na palahian, sa utos ni Salome na pinagbigyan ni Ruel. Ngayon naman ay gusto pa nyang manalo sa bidding at makuha ito? Sobra naman na di ba?
"She's too entitled, samantalang 1st level shiek lang sya..." ito ang madalas ireklamo ni Yzami sa amang si Caiphaiz.
"Because she's something more...at regalo natin si Salome sa ating panginoon pagkagising nito..." sabi ng anak ni Kein.
"Dahil taong liwanag sya...and so what?!? Kung anuman ang nangyari noon ay history na Ama. Tapos na ang pakinabang natin sa kanya. Isa na lang maliit na alitaptap ang mga taong liwanag sa panahon ngayon.”
"Ganyan din naging kakumpyansa si Kein nang harapin nya ang kauna-unahang taong liwanag, and see what happened to him." Inisip ni Caiphaiz ang natutulog na dyos sa salaming kulungan nito.
Walang magawa si Yzami kundi sundin ang ama. Her animosity towards Salome remains. She finds Salome arrogant, manipulative, and spiteful for thinking that she's stronger that all the royal vampires combined. Khadiz, her brother, is so stupid for creating Salome. She's one with her brother, Lekan, who hates Salome the most.
Isang bagay lang naman ang naging konswelo sa kanya ng babaing atrimitida, ang pagkuha nito sa attention ni Khadiz na dating obsessed na obsessed sa kanya. If not for that, si Yzami mismo ang magpapatay ng ilaw na madalas gamitin ni Salomeng dahilan kung bakit sya nag-e-exists pa.
******
"Ireregalo nya po ata..." sabi ni Ruel kay Lekan.
Napangiti si Lekan ng may halong galit. Para sa lalaki nya malamang, sa isip-isip nito. Salome is never allowed in Kamara except every 50 years when she can visit to be with her lover boy.
Hindi sya naniniwalang walang kababalaghang ginagawa sina Salome at Caleb gaya nang sabi ni Khadiz. She always bends the rules. Stupid girl, bata pa ay ginagago na silang magkakapatid. Pati ang kanyang ama ay tila walang magawa tungkol kay Salome.
Muling tiningnan ni Lekan ang mga pangalan ng nag-bid. Andoon ang kanyang anak na si Aram, nangako sya ditong ibibigay anuman ang gusto dahil may ginawa itong magandang trabaho para sa kanya.
Caiphaiz assigned the ambush in the City of Ruinae in his bloodline instead of Azem in order to throw off the Jabezzite warriors.
Lekan's bloodlines are food producers and manufacturers. Unlike Azem's bloodlines, his are never trained as warriors and human protectors. Yet his children accomplished the mission of eliminating the next leader of Hebron and Lekan is very pleased.
Mataas ang bid ni Salome kaysa kay Aram, pero may higit na mas mataas na bid pa. Isang 1st class na rafa na mula sa angkan ni Azem ang totoong nanalo sa bidding.
"Don't give-in to her request, sabihin mong ako ang nanalo sa bid. Hayaan mo syang mapahiya." Hindi interesado si Lekan sa binibiling pagkain ni Salome, ang rafa lang naman nya ang humiling na bilhin ito. He's more interested in pissing Salome off.
"Panginoon, paano po kung manggulo si..."
"Hayaan mo lang, ako ang bahala. Ganun talaga ang mga basura, mahilig magkalat."
"S..sige po..." Parang alanganin pa rin si Ruel, pantay man sila ni Salome ng level ng pagiging Sheik ay alam nya ang lakas at pinagmulan nito.
Yet he cannot deny a request from a royal blood, and the brother of his master.
"I owe you one Ruel. Akong bahalang magsabi kay Yzami sa kabutihang ginawa mo…"
Napangiti si Ruel. May back-up naman pala ng panginoon nya ang lahat.
"Salamat po..." Yumukod ang sheik at saka tuluyang lumabas sa kwartong nakalaan para sa mga royal bloodlines.
******
Inabot ni Vera ang napakaraming credit points na i-uuwi ni Samuel sa pamilya nito. Siguradong matutuwa ang tita Yna nya, sa isip-isip ng dalaga. Vera, being of legal age, went to a kiosk where she will sign a contract. Nang tumapat sa malaking machine ay inutusan ng isang voice command na tumingin si Vera sa camera. Nakita ng dalaga ang sarili nya sa screen, saka nya ipinatong ang hinlalaki sa maliit na button na lumabas sa ilalim ng keypad matapos syang makuhanan ng picture.
"Aray!" Napasigaw si Vera.
"Bakit anong nangyari?" tanong ni Samuel na nataranta. Last minute ay gusto nyang pigilan ang kamay ni Vera sa pagpirma ng kontrata pero alam nyang kamatayan pa rin nilang dalawa ang kapalit ng pag-atras nila. Kagat-kagat na ni Vera ang hinlalaki bago pa ito matingnan ni Samuel.
"Para pong may tumusok sa akin." Nang tingnan ni Samuel ang gadget, nakita nyang parang may pulang likido nga sa button na, nang hawakan ni Samuel ay hindi naman basa. Mukha namang namula ang loob ng button na para bang sinipsip nito ang maraming dugong mula sa daliri ni Vera. Nang nag-kulay berde ang button ay sinabi sa voice over na tagumpay ang kanilang transaction.
******
Sa Cintru naman ay biglang umilaw ang prutas na hawak ni Kein nang pumasok ang dugo ni Vera sa computer system ng Kamara.
Nataranta na naman si Caiphaiz habang Natutulog ang panginoon sa Loob ng salamin nitong kabaong.
******
Hinaplos ni Vera ang likod ng tiyuhin dahil nakita nitong pumatak na ang luha ni Samuel habang nakatingin pa rin sa computer screen na hindi alam ni Vera na pinirmahan nya ng sariling dugo.
"Okay lang po yan tito... Akong bahala. Kapag may mga pagkakataon ay dadagdagan ko pa ang ipadadala ko sa inyo. Baka magkaroon pa kayo ng sarili nyong bahay." Sabi ni Vera.
Samuel came with her as she heads toward the caravan she was told to go to.
Humagulhol na si Samuel.
"Patawarin mo ako Vera, hindi ko gustong ipadala ka sa malayong lugar, magtrabaho bilang alila, para lang padalhan kami ng kabuhayan. Hindi mo kami responsibilidad."
"Anim na taon mo akong inalagaan tito. Prinotektahan mo ako. Dahil doon ay maraming nag-bid sa akin at sabi nila ay mataas daw ang presyo ko. Sapat na yun tito bilang ebidensya kung gaano mo pilit tinupad ang pangako mo sa mga magulang ko. Ikaw na lang ang pamilya ko tito, lahat ng paghihirapan ko ay para sa inyo, lalo sa mga pinsan ko." Pinilit ni Vera na wag umiyak.
Hinaplos ni Samuel ang pisngi ng pamangkin.
"Mag-iingat ka ha..."
"Opo..."
Vera saw that the caravan is filled with humans who also sold themselves just like her.
"S...sige na tito, gabing-gabi na. Ingat sa paglalakbay po at ibigay nyo lahat ng pasalubong ko sa mga pinsan ko pati sa mga anak ni Corazon." Vera hugged her uncle tightly and immediately prepared to enter the Caravan.
She doesn't want her uncle to see her tears as she cries silently when she turned her back on him.
Sa loob ng magarang karawahe ay naka-abang ang isang babaing markado na naglalagay ng kakaibang bracelet sa kamay ng mga nauna sa kanya. Mukhang matigas ang bracelet at hindi madaling matanggal, gawa ito sa matibay pero magaan na bakal.
Salome, hindi marunong bumasa si Vera pero ito ang pumasok sa isip nya nang makita ang simbolo dito. The marked slave looked at Vera, then looked at the records reflected on her gadget. Maya-maya ay kinuha nito ang kaliwang kamay ni Vera para lagyan ng bracelet.
"Teka lang!" Isang rafang babae ang sumilip sa karwahe.
"Ikaw, baba..." sabi nito kay Vera.
"Bakit?" tanong ng babaing markado, sabay bawi ng bracelet sa braso ni Vera, hindi pa ito naka-lock.
"Hindi sya sa karwahe na ito, check mo ulit ang record mo."
The marked slave checked her record again. Napakunot ang noo nito, iba na ang resultang lumabas sa gadget, wala na ang pangalan ni Vera.
"S..sige, sumama ka sa kanya.”
Walang magawa si Vera kundi ang sumunod sa markadong alipin ni Lekan.