MAHALIA

2017 Words
Awa sa sarili, guilt, galit, sobrang lungkot, at samo't-saring emosyon ang nararamdaman ni Vera ilang araw na. Hindi nya alam kung anong gagawin. Hindi nya rin alam kung anong ginawa nyang mali. Basta ang alam nya ay nagising sya isang gabing si Revin ang sumalubong sa kanya. "Wala ang ating panginoon. Kumain ka na lamang at saka muling magpahinga." Sa pintuan ng silid aklatan naabutan ni Vera ang rafa na nakaharang. Una nyang pinuntahan sa silid ang amo pero wala ito. Naalala nya ang nangyari ng nagdaang gabi. Basta sya pinaalis ng bampira kahit may oras pa silang magsama. Pagpasok sa silid ay hindi mapigilan ni Vera ang maiyak. Iyak sya ng iyak hanggang sa makatulog sya. The following morning, she worked quietly with the others in doing their usual house works.  Her eyes are puffy and red but they did not comment much about it. "Ito tikman mo." Nagulat sya nang paghain sya ng chocolate cake ni Princess. Ngumiti sya at tinikman ito. Masarap ang tamis at sa konting oras ay nakalimutan nya ang lungkot nya. "Intindihin mo ang amo natin. May mga gabing umiiyak din akong kagaya mo." Sabi ni Princess, mabait na ito sa kanya. Unable to control her emotions, Vera sobbed and Princess just rubbed her back, trying to calm her down. Sa kagustuhang makalimot ay binuhos ni Vera ang sarili sa mga gawaing bahay at paglilinis ng mga pinapaayos ni Princess sa kanya.  Nang sumunod na mga gabi ay ikot lamang ng ikot si Vera sa loob ng bahay. "Hindi ka pwedeng pumasok para samahan ako?" Tanong ni Vera kay Salud na nakakapit sa bubong malapit sa bintana ng silid ni Vera. "Hindi pwede, si Revin lang ang pwedeng pumasok." Gusto lang maamoy ni Salud ang babae, ang bango-bango talaga nito. "Alam mo ba kung san nagpunta ang amo ko?" Umiling si Salud. Nakita nya lang na lumabas ang sheik para hanapin si Revin, saka ito lumipad sa ere at nawala. Nasa silid ni Salud si Revin at mabilis itong nagbihis nang marinig ang tawag ni Caleb. Nang sumunod na gabi ay lumabas si Vera ng bahay. Kung walang papasok eh di sya ang lalabas. Nalulungkot sya sa bahay mag-isa. Para syang mababaliw sa emosyon nya. Gabi-gabi syang nagbibihis at nag-aayos para sa kanyang amo pero gabi-gabi rin itong wala. "Di ba sinabi ko sa iyong sa bahay ka lang?" Galit si Revin. Tiningnan lang ito ni Vera, hindi na sya takot kahit kaninong bampira. Tinitigan muli nito ang larawan ng mga pagkain ng amo na nakita nya noon sa hallway ng bahay ni Princess. "Nakita ko ito nung naglilinis ako ng bodega..." Pinakita ni Vera kay Revin ang mga larawang nakuha niya. Mga matatandang itsura ito ng mga pagkain ng bampira. "Ano ngayon?" Naglalaway si Revin sa amoy ni Vera at napakaganda pa nito sa suot nitong bestida.  Naalala nya nang tinawag sya ni Caleb para ibilin ang babae. "San kayo pupunta panginoon? Mag-uumaga na." "Importante, wag na wag mong papabayaan ang pagkain ko kahit anong mangyari, kahit ikamatay mo." "Pero sasama ako sa inyo."  "Hindi, dito ka lang." "Si Salud baka pwedeng..." "Hindi! Bawal din si Salud sa loob ng bahay kahit kaibigan sya ni Vera, naintidihan mo?" Ayaw ni Caleb maamoy ni Azem na dugo ni Lekan si Salud, kaya hindi rin ito maisama ni Caleb sa lakad nya kapalit ni Revin. "Eh di ako na lamang ang isama nyo at si Salud ng magbabantay kay Vera." "Hindi. Inutos sa iyo ni Salome na sundin ako kahit anong mangyari hindi ba?" "Inutos din po nyang protektahan ko kayo kahit kapalit ng buhay ko." "Pwes, buhay ko si Vera at ikamamatay ko ang mapahamak sya." Nagulat silang pareho.  Si Caleb sa sinabi nya at si Revin sa narinig. Parang gustong tumibok ng puso ni Caleb sa nadiskubre sa sarili. Mahal nya si Vera, kung hindi ay bakit iaalay nya ang buhay nya na inutos ni Salome na hindi nya pwedeng kunin, at ngayon ay kaya nyang ibigay kapalit ng buhay ni Vera. "Naintindihan mo ba ako Revin?" May desperation sa boses ni Caleb. "Opo." Tumungo si Revin tanda ng pag-intindi saka tinanaw ang amo nang lumipad ito at umalis. "Alam kong ito si Princess at ito naman yung iba. Pero sya, wala syang picture na matanda na sya." Ang unang larawan ang tinutukoy ni Vera. Si Mahallia. Hindi naabutan ni Revin ito pero alam nya ang kwento. Napatay ito ni Caleb, kaya hindi na ito tumanda pa. Paano nya sasabihin kay Vera na napatay ni Caleb ang kauna-unahan nitong markadong pagkain.  "Nawawala lang siguro..." "Pero nilinis ko na ang lahat...wala talagang..." "Vera, ilang daang taon na ang nakalipas, sa tingin mo madaling makita ang hinahanap mo?" "Kasi..." "Bumalik ka na sa bahay." Mariing sabi ni Revin. Vera could refuse Revin’s command, he is not her master anyway, but there’s no point in defying him. Kinabukasan ay si Princess ang tinanong ni Vera tungkol sa mga larawan, pero mas wala itong nasagot. Hindi na kinulit ni Vera ang matanda dahil medyo matamlay na ito. "Okay lang po kayo?" Tanong ni Vera nang mapansing nakakapit ito sa hagdan at hindi maka-akyat. "Pagod lang... magpapahinga na muna ako at ikaw na ang bahala sa bahay. Uuwi na mamayang gabi ang panginoon natin." Nagliwanag ang mukha ni Vera at binalot ng saya ang puso nya. Naglaho lahat ng negatibong emosyong naramdaman nang nagdaang mga araw. Muling inayos ni Vera ang sarili nang lumubog ang araw. Sobrang saya nya, miss na miss na nya ang amo at sabik na sabik sayang muling makita ito. Lalo syang na-excite nang nakarinig ng ingay sa loob ng bahay.  Kalma Vera, ang puso mo, paalala ni Vera sa sarili, sabay silip sa salamin sa harapan. Namula ang kanyang pisngi habang iniisip ang idea na nasa bahay na ang kanyang among bampira. Dahan-dahan syang lumabas sa silid at nagtungo sa katapat na pintuan. Wala ang amo doon. Huminga ng malalim si Vera at nagtungo sa library kung saan sure syang andoon ito. "Hindi ka pwedeng pumasok." Nakaharang si Revin sa pintuang nakasara. Napalunok si Vera. "P..pero...iinum sya... kailangan nyang..." nautal si Vera, pakiramdam nya ay tinatarak ng patalim ang puso nya. Naglaho lahat ng sayang nadarama. "Bumalik ka sa iyong silid para magpahinga." Ilang saglit bago nagalaw ni Vera ang katawan at saka patakbo syang bumalik sa kwarto. Rinig ni Revin ang hagulhol ng babae. Mahina ito para kay Vera pero malakas para sa mga bampira. Nang masigurong nasa silid na nya si Vera ay pumasok si Revin sa library. Nakaupo si Caleb sa kanyang study table at nag-aayos ng mga dokumentong natagpuan nya mula sa paglalakbay sa teritoryo ni Azem. Nang makauwi sa bahay at matiyak na ligtas si Vera ay nakahinga ng maluwag si Caleb. "Salamat." Sabi ni Caleb kay Revin "Para sa iyo panginoon." Alam ni Revin ang pag-aalaga nito kay Vera ang pinasasalamatan ng sheik. Huminto ang puso ni Caleb, kahit nakahinto na ito nang matagal na panahon, nang malakas na concentration ng bango ni Vera ang naamoy nya sa pintuang nakasara.  Rinig nya ang usapan nila Revin at Vera. Pinigil ni Caleb ang sarili para buksan ang pintuan at yakapin ito. Sabik na sabik sya sa dalaga at halos hatakin nya ang gabi at araw makauwi lamang sa kanyang tahanan para muling makapiling ito. "Anong ginawa nya dito noong wala ako?" Tanong ni Caleb nang pumasok si Revin para magreport sa kanya. Binaba ni Revin ang mga larawang nakuha kay Vera. "Tinatanong nya kung nasaan ang larawan ng una nyong pagkain noong matanda na ito." Napalunok si Caleb at saka pumikit. Masakit sa kanya ang alaala. Ito rin ang dahilan kung bakit kailangan nyang lumayo at takasan ang tuksong dala ni Vera. Dahil hindi lang dugo ang gusto nya sa babaeng pagkain. "A..anong sabi mo?"  "Nawala lang po..." Sabay silang tumigil magsalita. Rinig nila ang pag-iyak ni Vera sa silid nito. Narinig din ito ni Caleb nung madaling araw na umalis sya. Hindi nya gustong umiiyak ang dalaga. "Pupuntahan ko po sya para patahimikin." Sabi ni Revin. "Hindi na, ako na ang bahala sa kanya. Maaari ka nang umalis." Yumukod si Revin at saka tumalon sa bintana ng library palabas ng bahay. Muling tiningnan ni Caleb ang mga larawang binigay ni Revin. Bagong bampira pa lamang sya noon. Si Salome ang gumagabay sa kanya hanggang sa pagbawalan na si Salome ng asawa nitong makipag-kita sa kanya. Nangapa sya bilang bampira. Wala syang alaala ng nakaraan pero alam nyang taga Hebron sya at dating Jabezzite warrior. Hindi naman na sya pwedeng bumalik doon at si Salome lamang ang inaasahan nyang makakasama nya sa lungkot ng pagiging bampira. Binigyan sya ni Salome ng maraming pagkain, si Mahallia ang una. Sa utos ni Salome ay regular nyang iniinum si Mahallia kahit na muhing-muhi sya sa sarili pagkatapos. Isang gabi ay nagisnan nyang hubo't hubad si Mahallia na nakayakap sa kanya. Nakaramdam si Caleb ng matinding pangangailangan sa babae at sa mga halik ni Mahallia ay tila naibsan ang kanyang lungkot. Sanay syang makipagtalik kay Salome, marahas at walang control. Sa una ay alam nyang dapat syang mag-ingat kay Mahallia at sa kandungan nito ay naibsan ang pangangailangang panlalaki nya. Sa gitna ng mga halik ay naramdaman ni Caleb ang tila pagbabago ng kanyang damdamin. Para syang lumipad sa ibang dimension. Niyakap at nilingkis nya ang hubad na katawan ni Mahallia. Para syang isang sawang pumulupot sa napakalambot at napakainit nitong katawan. Siyang-siya si Caleb sa sarili at ang pinaka-finale ay nakita nya sa isip ang isang ahas na buong-buong nilunok ang katawan ni Mahallia. Matapos ay nakadama si Caleb ng kabusugan for the very first time ng pagiging bampira nya. Nang magising nang sumunod na gabi ay nasa tabi ni Caleb si Mahallia – luray-luray ang katawan at wala na itong buhay. Dito pinaliwanag ng unang rafa nya mula kay Salome ang kakaibang nangyayari sa mga sheik sa tuwing nakikipagtalik sila sa tao. Nagbabago ang anyo ng kanilang p*********i. May technique para hindi sila makapatay ng markado pero hindi ito itinuro ni Salome sa kanya. At wala na ring plano si Caleb na muling makipagtalik pa. From then on Caleb supressed his desire and thirst until he mastered the control of his emotion, till Vera came into his life. Nang gabing nakita nya ang mayamang dibdib ng dalagang nakahain sa kanyang harapan, para kanyang halikan, simsimin, at kagatin kung kinakailangan ay muli nyang nakita ang ahas sa kanyang isip. Ang ahas ay nililingkis si Vera. Bumalik ang alaala ni Mahallia at sa isiping magkakaluray-luray si Vera na gaya nito sa kanyang bisig ay halos ikadurog ni Caleb. Kaya pinagtabuyan nya si Vera nang gabing iyun. "Never!" Sabi ni Caleb sa sarili. Kahit ibig sabihin nito ay layuan nya ang babae at tanawin lamang ito sa malayo. Tinakpan ni Caleb ang tenga para hindi marinig ang paghikbi ni Vera. Torture sa kanya ang saktan ng ganito ang dalaga pero higit na torture ang mapalapit sya dito sa paraang hindi nararapat. Mag-uumaga na rin nang tumigil si Vera nang kakaiyak. Sa tunog ng hinga nito ay rinig ni Caleb na nakatulog na ang dalaga. Pinuntahan nya ang silid ng babae at pinagmasdan ito at ang namumugto nitong mga mata. Muling humikbi si Vera na parang nananaginip. Inamoy ni Caleb ang silid at saka lumabas para matulog na din. ****** Binitiwan ni Hael ang pagkain na wala na itong buhay.  Hindi na sya nagmamarka, basta bibili sya at uubusin nya ang dugo nito hanggang sa mamatay.  Ililibing na lamang nya ito sa kanyang bakuran at papadalhan ang pamilya ng malaking credit points. He doesn’t care about the treaty of Avlam anymore.  Kung ganitong may nakawang nangyayari bakit pa sya susunod sa batas ng treaty.   Ahhh!  Galit na galit si Hale, hindi sya satisfied sa mga kinakain nya dahil nakatatak na sa kanya ang amoy ng pagkaing kinahuhumalingan. “Anak!  May magandang balita ako,”  excited na pumasok sa silid ang ama ni Hael.  Tinignan lang nito ang bangkay at Bumuntong hininga. “Alam ko na kung paano natin mahahanap ang nawawala mong pagkain.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD